Little by little the problems will start to appear. Step by step the solutions starts to show, but that doesn't mean that you know everything.
Author's Pov:Bakit sa tuwing napapalapit tayo sa tagumpay ay tsaka naman ito lalayo? Bakit sa tuwing sumasaya tayo kahit isang minuto lang ay may kapalit agad na delubyo? Bakit sa tuwing kailan kompleto na ang lahat ng gusto mo ay tsaka naman ito mawawala? Talaga bang mapaglaro lamang ang tadhana, o sadyang tinitignan lamang nito kung hanggang saan lang kaya mong lumaban?Nakakatawa diba? Hindi mo mawari kung kailan mo makukuha ang tagumpay, hindi mo mawari kung kailan ka ulit magiging masaya at hindi mo malalaman kung kailan mo ulit makakamit ang gusto mo, pero kataka-takang nararamdaman mo kung kailan at anong oras ang magiging pagbagsak mo. Nakakainis ang ganitong takbo ng oras. Nakakainis ang laro ng tadhana.Mabilis na pinunasan ni Shan ang mga luhang nagsisimula nang tumulo mula sa kanyang mga mataDoes coincidence really exist or is it just the way how people comforts themselves?Author's Pov: Ilang taon ka na ba? Ilang taon mo na bang niloloko ang sarili mo na lahat ng aksidenteng nangyayari sa buhay mo ay hindi basta-basta lamang na aksidente. Paano kung ang mga aksidenteng mga senaryong nangyayari sa buhay mo ay siya na palang tadhanang hindi mo nanaising malaman. Naniniwala ka ba talaga sa aksidente? O ginagawa mo lang tanga ang sarili mo para maiwasan ang ideyang gano'n talaga ang kapalaran mo? Nakakatawa mang isipin, pero mananatili at mananatiling nasa panganib ang buhay mo kung talagang ito ang nakatadhana sa'yo.Kasalukuyang pinupunasan ni Aya ng puting maliit na tuwalya ang kanyang pana habang nilalaro sa kanyang kaliwang paa ang kanyang alagang itim na kuting. Kanina pa siyang madaling-araw nagising kung kaya't napakarami na niyang trabahong natapos bago pa magsikat ang araw. Nakapagluto na siya ng almusal, nakapaglinis ng baha
A very suspicious person can be your ally or worst, your enemy. You would never know their intention behind their actions. Some may help you, but most of the time it makes you miserable. Author's Pov:"Here," pang-aabot ni Aya kay Shan ng komportableng damit. Kani-kanina lamang sila nakarating sa kastilyo at naisipang pansamantala munang magpahinga pagkatapos ng nakakapagod na biyahe nila para lamang makarating rito. Hindi nila alam kung ilang oras silang naglakbay at nagbiyahe. Umagang-umaga pa no'ng umalis sina Aya at Shan sa kubo kasama si Riri. Mahigit-kumulang isang oras nilang nilakad ang gitna ng kagubatan para lamang makarating sa sentrong kalsada, kung nasaan dumadaan ang mga sasakyang bumabyahe ng ilang oras. Pagkatapos nilang lakarin dalawa ang kagubatan ay tumagal na naman sila sa kalsada kakahintay ng mga sasakyang magpapasakay sa kanila. Dahil siguro sa suot na damit ng dalawang dalaga ay tinatanggihan sila ng mga tao na ipasakay dulot ng
You can't just really accept all the kindness of a person without any payment.Author's Pov:Lahat ng mga biyayang napapasayo, ay nababawi. Lahat ng mga regalong binibigay sa'yo, ay naglalaho at lahat ng tulong na inaabot sa'yo ay may kabayaran. Pera man ito o buhay ng tao. H'wag na h'wag ka ng aasa na kapag mayroong iniabot sa'yo ay dulot lamang ng kanilang pagmamagandang loob. H'wag kang maniniwala sa lahat ng taong sinusubukan mapalapit sa'yo dahil hindi mo alam kung anong tunay na intensyon nito. Maaaring ito'y makabubuti sa iyong buhay o ang dahilan na makakapaglagay ng iyong kapalaran sa masamang daan. Hindi mo kilala lahat ng taong nakakasalamuha mo, pero mararamdaman mo sa kaloob-looban mo kapag ito'y may masamang motibo laban sa'yo. Mabigat na pinakawalan ni Shan ang kanyang malalim na hininga kasabay ng pagsandal sa malambot na sofa bago pinagkrus ang mga binti tsaka diretsong tinignan ang taong nasa kanyang harapan. Mapaklang napangis
Isn't it funny to think that love can make you confuse? Confuse about the things on how did you ended up there? Confuse because you cannot determine anymore if you're still loving or your just craving some attention to someone. Love can make your world spin around. Love can make you a fool, but what love really do is to help you realize that loving yourself is much more important than the other things. Author's Pov:Wala sa sariling napasapo na lamang si Jake sa kanyang noo gamit ang kaliwang palad tsaka napabuga ng mabigat na hininga. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagmasahe sa kanyang sentido. Kagat-labi niyang iminulat muli ang kanyang mga mata tsaka hinayaang iuntog-untog ang ulo sa manobela kasunod ng mga luhang hindi niya magawang pigilan. Napahinga si Jake ng malalim bago pinunasan ang luhang bumabasa sa kanyang pisnge habang inaalala ang nangyaring usapan nilang dalawa ni Erick. "What did you say!? I thought you love my da
You can't deny the fact that everybody has a chance to make you stupid. Author's Pov:Matapos ang mainit na pag-uusap nina Shan at Yhurlo ay napag-isipan ng dalaga na lumayo-layo muna sa mga bagay na nagpapagulo ng kanyang isipan. Hindi alam ni Shan kung saan siya dinadala ng kanyang sarili pero napansin na lang niya na nakaparada na ang kanyang sasakyan sa tapat ng karagatan. Agad siyang bumaba tsaka tumayo sa tabi ng hood upang pagmasdan ang kagandahan ng karagatan. Tahimik, payapa at maaliwalas na paligid ang unang bumungad sa kanyang mga mata. Dahan-dahang naglakad si Shan patungo sa dalampasigan. Nagtama ang maputi at pinong mga buhangin sa kanyang suot na itim na ankle boots dahilan para minsanang maiwan ang ibang bakas ng puting buhangin sa suot niyang sapatos. Dumiretso si Shan sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa tabing dagat kung saan mas lalong dumidipena sa kanyang mga mata ang malumanay at marahan na mga along hum
Same person with series of intention.Author's Pov:"Anong nangyayari? Kilala mo ba kung sino iyon?" Nanlalaki ang mga mata at maawtoridad na tinig ng boses na baling ni Shan kay Jake dahilan para matuon ang atensyon ng binata na kanina'y nakatuon kay Rychll. Saktong pagtanong ni Shan ay siya namang pagtunog ng telepono ni Jake bagay na ikinatigil ng lahat. Sabay-sabay silang apat napatingin sa isa't-isa. Wala sa sariling dumapo ang mga mata ni Jake kay Rychll ngunit agad ring napaiwas ng paningin nang makita ang mata nitong may mga luhang unti-unti nang namumuo dulot marahil ng matinding takot at kaba sa balang pinakawalan kanina. Napatingin na rin si Shan kay Zach para lamang malaman na kanina pa pala ito matiim na nakatingin sa kanya. Ang mga mata ng binata ay walang kasing bigat sa damdaming dinadala ni Shan, para bang sinasabi at isinisigaw ng mga mata ni Zach kung gaano nito kamahal si Shan ngunit taliwas naman ang sinasabi at pi
She's always there if someone needs her help. She's always on the way whenever you want someone to talk to. She's always ready to listen to your problems whenever you need a listener. She always sacrifice her happiness for the happiness of others. But who's there when she needs someone to lean on? Who's there to save her from drowning on her own thoughts? Who's there when she needs a friend? She's ready to sacrifice everything, but who's ready to sacrifice for her?Author's Pov: Haring araw na unti-unting lumulubog sa likod ng mga kahel at dilawan na mga ulap at kalangitan bagay na nagbibigay kulay sa malinaw at malawak na karagatan. Ang mga tubig na pumupuno sa buong dagat ay siyang naghahatid ng maliliit at malumanay na mga alon na humahampas sa dalampasigan kung saan matatagpuan ang maputi at pinong buhanginan. Ang mga mumunti at makukulay na mga isda ay siyang nagbibigay buhay sa payapang karagatan. Ang mga iba't-ibang klase ng mga ibong malayang nagliliparan
You'll never know what will happen to your future. All your sorrows, pain, tears and heartache might happen again, repeating its history, or maybe it will make its own history, possibly much more lighter pain or worst, a depressing sorrow in your life.Author's Pov: "Shan!" Isang malakas at baritonong tinig na pagsigaw ni Jake nang makarinig ng sunod-sunod na malalakas na putok ng baril. Pakiramdam niya'y lahat ng dugo niya ay nagtipon sa iisang bahagi ng katawan dahil hindi man lang niya magawang igalaw ang kanyang katawan dulot ng takot na baka bumungad sa kanya ang naliligo sa dugo, namumutla ang mukha at nakapikit ang mga matang si Shan. Napaka-oa niyang mag-imahe, pero hindi naman malabong mangyari iyon."Come out you stupid!" Pamimilit pa sa kanya ni Rychll tsaka padarag na hinila nito ang kwelyo ng suot niyang jacket mula sa malaking bato. Malakas na bumagsak ang pwetan ni Jake sa buhanginan bagay na siyang ikinangiwi niya tsaka
Nangunot ang noo ni Kreizser nang mapansin na inaalalayan ito ni Zach sa balikat habang bahagyang nakakuba ang katawan dulot na rin ng katandaan. "Are you sick, po?" Nag-aalalang tanong ni Kreizser at wala sa sariling hinawakan ang kulubot na braso ni Erick. Tumingkayad pa ito para pilit na abutin ang noo dahilan upang bahagyang ibaba ni Erick ang sarili. "You're not sick but why do you look so weak, po? Do you tire yourself everyday? You know what po, my Mommy studied in medical field and I certainly know that she can heal you! Come here, po!" Sunod-sunod na sinabi niya pa at hinila si Erick papunta sa long sofa para paupuin doon. Lahat ay parang mga manonood na hinihintay ang magiging climax ng eksena habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tahimik lamang sila tila inaabangan ang susunod na mangyayari. Maya-maya pa ay napansin nila na tumayo si Kreizsure at tahimik na naglakad papunta sa direksyon ni Shan. "Mommy, you can heal him, right?" Tanong nito matapos hilahin si Shan sa d
Naputol lamang ang tila nawalang ulirat ni Shan nang aksidenteng dumapo ang mga mata niya sa halatang may kaedaran ng lalaki na paroo't-parito ang paglalakad habang sapo-sapo ang noo. Nakasuot ito ng simpleng puting shirt na pinaresan ng jaggy pants at simpleng pares ng asul na tsinelas. Mukhang hindi sa kanya ang suot na damit dahil halata ang pagiging maluwang nito. Wala sa sarili man ay pinagmasdan ni Shan ang lalaking tila balisang-balisa at atat na atat sa kung ano. Kung dati ay itim ang buhok nito at mukhang malusog sa lahat ng malulusog, ngayon naman ay halos wala ka ng mahita na kulay itim sa buhok nito dahil mas pumapaibabaw ang puti. Nangangayayat rin ang katawan nito at konting-konti na lang ay makikita mo na ang buto-buto nito na dati-rati'y puro kalamnan. Bahagyang kumuba rin ang likuran niya na para bang nahihirapang ituwid ang katawan at maglakad ng hindi humihingi ng pangbalanse. Aksidenteng dumapo ang mga mata ni Shan rito nang huminto ito sa paglalakad dahilan par
"You'll stick with your tito and tita, okay?" Bilin ni Shan sa dalawa niyang anak na nakahawak sa magkabilang kamay ni Yhurlo. Atat na tumango-tango naman si Kreizser tsaka mabilis at nakangiting tinakbo ang anak ni Yhurlo na kanina pa nakasampa sa sahig habang hinihintay si Kreizser para makapaglaro na sila ng mga manika. Umiling na lamang si Shan nang makita kung gaano kasaya makita nila Kreizser ang isa't-isa tsaka niluhod ang isang paa para pantayan ang tangkad ni Kreizsure. "Take care of your sister, okay?" Paalala ulit ni Shan at ginulo ang basang buhok nito. Tahimik na nakangiting tumango naman si Kreizsure dahilan para bumalandra ang dalawang malalim nitong dimples. Kahit pa hindi magawang ipagtanggol ni Kreizsure ang kanyang sarili ay alam ni Shan na kayang-kaya nitong ipagtanggol aa nakakabatang kapatid. "Kayo na muna bahala sa kanila." Pagkausap ni Shan kay Yhurlo pagkatapos kausapin si Kreizsure tsaka bahagyang tinapik ang balikat nito. Napangiwi naman si Yhurlo bag
"Kreizser..." Maya-maya'y pagtawag ni Zach at bahagyang lumapit sa anak. Awtomatiko namang napanguso si Kreizser nang dahil sa pagtawag sa kanya ni Zach tsaka mabilis na nagtago sa likuran ng nakakatandang kapatid. Sumilip siya mula sa maiksing siko ni Kreizsure para tignan ang kanyang ama."Kuya, tell him everything..." mahinang bulong pa ni Kreizser at bahagyang hinila ang dulo ng damit habang ang kalahati ng mukha ay nakasilip pa rin sa siko ni Kreizsure. "We were just playing and they accidentally hit me but it's okay. It's not that serious, anyway." Pagpapaliwanag nito na nagkibit pa ng balikat dahilan para agresibo siyang tignan ni Kreizser, halata ang matinding pag-alma sa mukha. "Tinapunan ka nila ng bato, kuya!" Pagmamatigas pa nito at sinubukan ulit hanapin ang batong tinapon sa nakakatandang kapatid. Ngumiti lamang si Kreizsure tsaka ginulo ang buhok ng kapatid. "It's fine. It's just an accident," anito pa at hindi na hinayaan pa ang kapatid na magsalita tsaka walang p
It's been six years since Zach proposed to Shan to be his wife forever and forever and forevermore. In six years of being married, Zach never failed to shower Shan with his love, affection and care. He would always remind Shan how his life changed when he has no hope to change. Ni minsan ay walang araw na pinalipas si Zach na hindi batiin si Shan ng good morning, good noon at good night. Araw-araw nitong ginagawa at sinasabayan ng halik bagay na mas lalong nagpapahulog sa loob ng dalaga. Kasalukuyang nakahiga sina Zach at Shan sa malambot na kama. The sun is completely displayed above the orange and yellow skies so as the wind that keeps kissing the silk curtains causing it to sway in a smooth manner. Kanina pa gising si Zach at natapos na niyang lutuin ang magiging umagahan nila sadyang hinihintay na lang niyang magising si Shan na mahimbing na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Hinigpitan ni Zach ang pagkakayakap niya sa bewang ni Shan mula sa likod tsaka bahagyang umukl
Nagsimulang kumunot ang noo ko nang magsimulang maglakad sina Margou papunta sa akin dala-dala ang hawak na pulang rosas. Mas lalong lumalim ang gitla ng aking noo nang isa-isa nila itong binigay habang sinasabayan ang nakakahalinang intro ng kanta. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo rito na parang walang kaalam-alam sa nangyayari nang iabot sa akin ni Jake ang rosas na dala niya tsaka ako binigyan ng isang mahigpit man ngunit maingat na yakap. Nagtagal iyon ng ilang minuto bago niya ako nagawang harapin at ngitian. "I wish your happiness." anito bago tuluyang umalis sa harapan ko dahilan para maiwan akong nakatanga habang hawak-hawak ang mga rosas na inabot nila sa akin. Napapantiskulang kong tinignan ang ngayo'y isang palumpon ng rosas at napabuga ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung anong nangyayari ang huling naaalala ko lang ay narito ako para umattend ng kaarawan hindi para ipagdiwang ang tila debut ko. Napailing ako at muling nagtaas ng paningin dahilan para
Tatlong linggo na ang nakakalipas simula no'ng tumalon si F.H sa napakataas na rooftop. Tatlong araw na ang lumipas simula no'ng mabigyan nila ng hustisya ang mga taong pinaglaruan at dinamay ni F.H sa kanyang kahibangan. Noong panahong tumalon si F.H sa rooftop ay laking pasasalamat nila dahil ligtas ito. Pakiramdam ko nga ay inaasahan na ng mga pulis na tatalon si F.H sa rooftop dahil imbis na sa sahig na bumagsak ang katawan nito at mamatay ng duguan at bugbog sarado ay unang humalik sa katawan ni F.H ang napakalambot na sampung foam bed na pinagpatong-patong dahilan para maging ligtas ang kalagayan nito. Laking pasasalamat rin ni Mr. Hans nang malaman niyang ligtas ang kanyang ama pero kahit gayun pa man ay hindi pa rin nito magawang maging tuluyang masaya dahil alam niya saan pupulutin ang kanyang ama o kung may pupulutin pa ba siya. Ako naman ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na nang mapagtantong maaaring ginawa iyon ni F.H para takasan na pagbayaran ang mga
What will you do if the person that you know happened to be suspicious to you and ended up as your older brother?Author's Pov:Mabilis na hinawakan ng mga pulis si F.H matapos na ibigay iyon ni Alvin. Nakaposas ang dalawa nitong kamay sa likuran habang ang mga mata ay hindi maawat sa panliliksik na nakatingin kina Erick at Alvin na ngayo'y nagtutulong-tulong na alsahin ang mga tauhan ni F.H na nakabulagta sa sahig. Napaismid na lamang si F.H lalo na nang makita ang matagumpay na ngiti sa mga labi nina Shan. "Papa!" Parang batang nawala sa mall na tawag ni Margou sa kanyang ama tsaka niya ito naiiyak na niyakap ng mahigpit. Ganoon rin ang ginawa nina Justine at niyakap rin ang kapamilya nila na matagal na nilang gustong makita at mayakap muli, maliban na lamang kay Nick na nahahalatang ayaw ni Tonton na makipag-usap o tignan man lang siya. Napabuntong-hininga na lamang si Nick tsaka wala sa sariling ginulo ang buhok ng nakakabatang kapatid na para bang nakasanayan na nito bago tinan
Mistake is a mistake. It's up to you if you do it twice just don't beg for forgiveness for your sake. Author's Pov:"Hindi nagtaksil si Mommy. Pagkakamali iyon na hindi na niya gugustuhing ulitin." Pagtatanggol ni Shan, halata sa mukha nito ang pagkainsulto sa sinabi ni F.H. "At kahit kailan ay alam kong hindi nagsisisi si Mommy na buhayin ako."Natawa si F.H sa sagot ni Shan bago mas diniinan ang pagkakasakal sa kanya. Napangiwi na lamang si Shan nang maramdaman ang magaspang nitong balbas na kanina pa patuloy na humahalik sa pisnge niya. "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Hindi ka naman ata tulog, ano?" ani F.H gamit ang nang-aasar na tono. Bahagyang natigilan si Shan sa sinabi nito at wala sa sariling nilingon ito ngunit agad ring nag-iwas ng paningin nang sumalubong sa kanyang mata ang nakakadiri nitong pagmumukha. "Oo! At mahal na mahal ako ni Mom. Hinding-hindi mo na mababago ang katotohang 'yan," pagmamatigas ni Shan at inis na siniko ang sikmura ni F.H. Parang bigla na