You'll never know what will happen to your future. All your sorrows, pain, tears and heartache might happen again, repeating its history, or maybe it will make its own history, possibly much more lighter pain or worst, a depressing sorrow in your life.
Author's Pov:"Shan!" Isang malakas at baritonong tinig na pagsigaw ni Jake nang makarinig ng sunod-sunod na malalakas na putok ng baril.Pakiramdam niya'y lahat ng dugo niya ay nagtipon sa iisang bahagi ng katawan dahil hindi man lang niya magawang igalaw ang kanyang katawan dulot ng takot na baka bumungad sa kanya ang naliligo sa dugo, namumutla ang mukha at nakapikit ang mga matang si Shan. Napaka-oa niyang mag-imahe, pero hindi naman malabong mangyari iyon."Come out you stupid!" Pamimilit pa sa kanya ni Rychll tsaka padarag na hinila nito ang kwelyo ng suot niyang jacket mula sa malaking bato.Malakas na bumagsak ang pwetan ni Jake sa buhanginan bagay na siyang ikinangiwi niya tsakaMemories will fade but not the feelings. Author's Pov:Naramdaman ng binata ang mas paghihigpit ng yakap ni Shan sa kanya dahilan para mapatingin si Jake sa uluhan ni Shan na ngayo'y nakabaon sa kanyang leeg. Dahan-dahan ngunit wala sa sarili namang iniyakap ni Jake ang kanyang mga braso palibot kay Shan tsaka sinimulang suklayan ang buhok nito gamit ang kanyang mga daliri.Sa buong buhay ng binata ay hindi niya naranasang yakapin siya ng kusa ni Shan kaya ganoon na lamang ang gulat niya nang yakapin siya ng dalaga. "Alisin mo sila sa harapan ko." Maya-maya'y mahina, ngunit mababahidan ng awtoridad na pag-utos ni Shan kasabay ang dahan-dahan na pagkakalas sa yakapan nilang dalawa ni Jake. Ang kanina'y nakabaon na ulo ni Shan sa leeg niya ngayon ay kaharap na ng binata at ang kanina'y mga brasong nakaakap sa binata ay ngayo'y wala na. Parang biglang nanghina at bumalik sa dati ang sigla ni Jake nang tanggalin ni Shan ang kanilang yakapa
Isn't it exciting to run without knowing the reason why? You just keep on running on the same path while your enemy was just standing there, watching you stupidly. Author's Pov:Hindi na alam ni Shan kung ano ng nangyayari sa takbo ng buhay niya. Hindi niya na alam kung saan na ba patungo ang buhay niya, o kung may patutunguhan pa ba ito. Lahat ng mga bagay na nangyayari ngayon ay tila nagbibigay lamang ng dagdag katanungan sa kanyang isipan. Mas lalong gumugulo ang mga ideya at hinuhang pumapasok sa kanyang isipan sa tuwing may nangyayari taliwas sa kagustuhan niya. Lahat ng mga bagay na nangyayari ngayon ay tila hindi nagbibigay kasagutan sa mga katanungan niya. Ang sabi sa isang kataga, 'Lahat ng mga bagay ay may dahilan.' pero bakit wala siyang makitang tamang dahilan sa mga kasakiman at kapahamakan na nangyayari sa kanya? Bakit hindi niya mahanap-hanap ang sagot sa mga bagay na nangyayari sa kanya? Bakit sa tuwing sinusubukan ni
The pain is not really on what you see, it's in what you feel. Shan's Pov: Libo-libong mga butuin at isang napakalaking buwan sa madilim na kalangitan ang nagbibigay liwanag sa buong planeta. Malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang buong kapaligiran. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa tuwing hinahalikan ng nakakabinging katahimikan ang buo kong pagkatao. Kakauwi pa lang namin mula sa usapan namin kanina sa hideout. Pagod na pagod na kaming lahat at ang gusto na lang ay magpahinga. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa garahe tsaka mabilis na naglakad papuntang main door. Ang gusto ko nalang ay magpahinga matapos ng napakabigat na mga pangyayari kanina. Habang naglalakad ay sakto akong napahinto mismo sa harapan ng nakasiradong pintuan dahil sa isang mahihina ngunit mabibigat na hikbi na aking narinig. Mabilis na kumunot ang aking noo nang mas lumakas ang mga halinghing at hikbi ng kung sino kasunod ng pagsinghot.
Everything will slowly made its way to be back on track. Little by little it'll make you realize why did it happen to your life. Author's Pov: Naalimpungatan si Shan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang pisnge. Nakapikit pa lang ang mga mata niya ay ramdam na ramdam niya na ang mga daliri ng kanyang ina na marahang sinusuklayan ang kanyang buhok. Walang kasing lambot at kasing-ingat ng mga daliri nito na para bang masasaktan si Shan sa oras na hindi siya mag-iingat. Dahan-dahang iminulat ni Shan ang kanyang mga mata matapos ng ilang minutong pagdadama sa pagmamahal ng kanyang ina. Agad bumungad ang nakangiti niyang ina kasunod niyon ay ang sinag ng araw na halos sakupin na ang buong mukha niya. "Mommy," may halong paglalambing at pagmamahal na tawag ni Shan tsaka napapangiting mas iniyakap ang braso sa bewang nito kasabay ng pagbaon ng kanyang mukha sa dibdib tila isang dekada silang hindi nagkita para umakto ng ganoon. Nata
Never trust someone easily because it can be the reason why you're breaking apart. Author's Pov:Panibagong araw na naman ang haharapin ni Shan. Hindi niya alam kung papaano muling simulan ang araw. Dapat na ba siyang maging masaya dahil sa wakas ay nayakap na niya muli at nakalambingan ang kanyang pamilya matapos ng matagal na panahon o dapat niya ba itong ikabahala dahil alam niyang sa oras na may taong napapalapit sa kanya ay nadadamay at nalalagay ang buhay nito sa gulong mayroon siya. Gayun pa man, hindi niya hahayaang madamay ang mga inosenteng taong nakapaligid sa kanya at pinapangakong gagawin ang lahat, h'wag lang maulit muli ang nangyari sa taong mahal niya. Kasalukuyang minamaneho ni Shan ang pulang sasakyan papunta sa isang mamahaling coffee shop. Kakatapos lang nilang mag-usap-usap ng kanyang mga kasamahan sa hideout ukol sa nangyari kahapon. Hindi pa rin nila nakikilala kung sino ang nasa likod ng dalawang letrang nakauk
The truth will always divulge no matter how hard you try to hide it.Author's Pov:Muling tinignan ni Shan si Zach at gusto niya mang tumanggi ay hindi niya magawa. Tatango pa lang si Shan ay agad na itong umupo sa bakanteng upuan na kaharap niya dahilan para maiwang nakatayo si Rychll sa harapan nilang dalawa. "What the hell? Are you sure we're sharing table with her?" Hindi makapaniwala at taliwalas ang pagkadi-gusto ni Rychll sa naging kilos ni Zach. Napapantiskulang napatingin sa kanya ang binata at napaawang na lamang ang labi matapos mapagtantong kasama niya pa pala ang dalaga. Buong akala niya'y sila na lang dalawa ng dalagang nasa harapan niya ang naririto."I'm not forcing you to sit with us. If you don't want then go sit over there on the vacant seat," hindi man intensyong insultuhin ni Zach ngunit nagkakamali siya bagay na mas lalong nagpainis kay Rychll bago napipilitang nakiupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Z
When you thought that he's just a stanger passing by to your life, but the fact is he's the one who'll ruin, bring pain at hatred to your destiny. Author's Pov: Tuluyan nang lumabas si Shan sa coffee shop pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Iniisip niya pa lang na ganoon nga ang nangyari sa unang lalaking tunay niyang minahal ay pakiramdam na niya'y dinudurog siya ng paulit-ulit gamit ang palakol. Minsan niya pang sinulyapan ang loob ng coffee shop at nakita ang agresibong pag-iisa ng mga kilay ni Zach habang kunot-noong nakatayo sa silyang inupuan niya kanina tila nagtataka kung bakit siya kaagad umalis. Sinubukang sundan siya ni Zach ngunit agad ring napahinto dahil sa dalawang mistisang kamay na mabilis na lumingkis sa braso nito. Nlingon ni Zach iyon at nakita si Rychll na pilit na pinapaupo siya sa kanyang upuan upang pigilan ang balak nitong sundan si Shan. Nakita ni Shan kung paanong natanggal ang pagkunot ng noo ni Zach matapos m
"Ako ang magpapatunay sa'yo na lahat ng babae ay kayang protektahan ang sarili nang hindi nangangailangan ng tulong sa mga istupidong katulad niyo." Buwelta ni Shan at mataas na tumalon upang bigyan ng isa pang malakas na sipa ang binata sa baba nitong nakayuko dahilan para kusang mapaangat ang ulo nito sa ere kasabay ng pagtalsik ng laway na may kasama ng dugo.Maayos na inilapag ni Shan ang kanyang dalawang binti sa lupa habang habol-hininga at nanliliksik ang mga matang nakatanaw sa binatang nakasapo ang dalawang kamay sa ulo at nakahiga sa sahig, halatang pilit iniinda ang sakit. Sarkastikong napabuga siya ng malalim na hininga tsaka nilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga gamit ang dulo ng patalim na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin niya. Tila nangilabot ang dalawang binatang kaharap niya ngayon matapos makita ang ginawa niya tsaka sunod-sunod at malalim na napapalunok. Parang gusto na lamang nilang atrasan ang kalaban, pero alam ni
Nangunot ang noo ni Kreizser nang mapansin na inaalalayan ito ni Zach sa balikat habang bahagyang nakakuba ang katawan dulot na rin ng katandaan. "Are you sick, po?" Nag-aalalang tanong ni Kreizser at wala sa sariling hinawakan ang kulubot na braso ni Erick. Tumingkayad pa ito para pilit na abutin ang noo dahilan upang bahagyang ibaba ni Erick ang sarili. "You're not sick but why do you look so weak, po? Do you tire yourself everyday? You know what po, my Mommy studied in medical field and I certainly know that she can heal you! Come here, po!" Sunod-sunod na sinabi niya pa at hinila si Erick papunta sa long sofa para paupuin doon. Lahat ay parang mga manonood na hinihintay ang magiging climax ng eksena habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tahimik lamang sila tila inaabangan ang susunod na mangyayari. Maya-maya pa ay napansin nila na tumayo si Kreizsure at tahimik na naglakad papunta sa direksyon ni Shan. "Mommy, you can heal him, right?" Tanong nito matapos hilahin si Shan sa d
Naputol lamang ang tila nawalang ulirat ni Shan nang aksidenteng dumapo ang mga mata niya sa halatang may kaedaran ng lalaki na paroo't-parito ang paglalakad habang sapo-sapo ang noo. Nakasuot ito ng simpleng puting shirt na pinaresan ng jaggy pants at simpleng pares ng asul na tsinelas. Mukhang hindi sa kanya ang suot na damit dahil halata ang pagiging maluwang nito. Wala sa sarili man ay pinagmasdan ni Shan ang lalaking tila balisang-balisa at atat na atat sa kung ano. Kung dati ay itim ang buhok nito at mukhang malusog sa lahat ng malulusog, ngayon naman ay halos wala ka ng mahita na kulay itim sa buhok nito dahil mas pumapaibabaw ang puti. Nangangayayat rin ang katawan nito at konting-konti na lang ay makikita mo na ang buto-buto nito na dati-rati'y puro kalamnan. Bahagyang kumuba rin ang likuran niya na para bang nahihirapang ituwid ang katawan at maglakad ng hindi humihingi ng pangbalanse. Aksidenteng dumapo ang mga mata ni Shan rito nang huminto ito sa paglalakad dahilan par
"You'll stick with your tito and tita, okay?" Bilin ni Shan sa dalawa niyang anak na nakahawak sa magkabilang kamay ni Yhurlo. Atat na tumango-tango naman si Kreizser tsaka mabilis at nakangiting tinakbo ang anak ni Yhurlo na kanina pa nakasampa sa sahig habang hinihintay si Kreizser para makapaglaro na sila ng mga manika. Umiling na lamang si Shan nang makita kung gaano kasaya makita nila Kreizser ang isa't-isa tsaka niluhod ang isang paa para pantayan ang tangkad ni Kreizsure. "Take care of your sister, okay?" Paalala ulit ni Shan at ginulo ang basang buhok nito. Tahimik na nakangiting tumango naman si Kreizsure dahilan para bumalandra ang dalawang malalim nitong dimples. Kahit pa hindi magawang ipagtanggol ni Kreizsure ang kanyang sarili ay alam ni Shan na kayang-kaya nitong ipagtanggol aa nakakabatang kapatid. "Kayo na muna bahala sa kanila." Pagkausap ni Shan kay Yhurlo pagkatapos kausapin si Kreizsure tsaka bahagyang tinapik ang balikat nito. Napangiwi naman si Yhurlo bag
"Kreizser..." Maya-maya'y pagtawag ni Zach at bahagyang lumapit sa anak. Awtomatiko namang napanguso si Kreizser nang dahil sa pagtawag sa kanya ni Zach tsaka mabilis na nagtago sa likuran ng nakakatandang kapatid. Sumilip siya mula sa maiksing siko ni Kreizsure para tignan ang kanyang ama."Kuya, tell him everything..." mahinang bulong pa ni Kreizser at bahagyang hinila ang dulo ng damit habang ang kalahati ng mukha ay nakasilip pa rin sa siko ni Kreizsure. "We were just playing and they accidentally hit me but it's okay. It's not that serious, anyway." Pagpapaliwanag nito na nagkibit pa ng balikat dahilan para agresibo siyang tignan ni Kreizser, halata ang matinding pag-alma sa mukha. "Tinapunan ka nila ng bato, kuya!" Pagmamatigas pa nito at sinubukan ulit hanapin ang batong tinapon sa nakakatandang kapatid. Ngumiti lamang si Kreizsure tsaka ginulo ang buhok ng kapatid. "It's fine. It's just an accident," anito pa at hindi na hinayaan pa ang kapatid na magsalita tsaka walang p
It's been six years since Zach proposed to Shan to be his wife forever and forever and forevermore. In six years of being married, Zach never failed to shower Shan with his love, affection and care. He would always remind Shan how his life changed when he has no hope to change. Ni minsan ay walang araw na pinalipas si Zach na hindi batiin si Shan ng good morning, good noon at good night. Araw-araw nitong ginagawa at sinasabayan ng halik bagay na mas lalong nagpapahulog sa loob ng dalaga. Kasalukuyang nakahiga sina Zach at Shan sa malambot na kama. The sun is completely displayed above the orange and yellow skies so as the wind that keeps kissing the silk curtains causing it to sway in a smooth manner. Kanina pa gising si Zach at natapos na niyang lutuin ang magiging umagahan nila sadyang hinihintay na lang niyang magising si Shan na mahimbing na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Hinigpitan ni Zach ang pagkakayakap niya sa bewang ni Shan mula sa likod tsaka bahagyang umukl
Nagsimulang kumunot ang noo ko nang magsimulang maglakad sina Margou papunta sa akin dala-dala ang hawak na pulang rosas. Mas lalong lumalim ang gitla ng aking noo nang isa-isa nila itong binigay habang sinasabayan ang nakakahalinang intro ng kanta. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo rito na parang walang kaalam-alam sa nangyayari nang iabot sa akin ni Jake ang rosas na dala niya tsaka ako binigyan ng isang mahigpit man ngunit maingat na yakap. Nagtagal iyon ng ilang minuto bago niya ako nagawang harapin at ngitian. "I wish your happiness." anito bago tuluyang umalis sa harapan ko dahilan para maiwan akong nakatanga habang hawak-hawak ang mga rosas na inabot nila sa akin. Napapantiskulang kong tinignan ang ngayo'y isang palumpon ng rosas at napabuga ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung anong nangyayari ang huling naaalala ko lang ay narito ako para umattend ng kaarawan hindi para ipagdiwang ang tila debut ko. Napailing ako at muling nagtaas ng paningin dahilan para
Tatlong linggo na ang nakakalipas simula no'ng tumalon si F.H sa napakataas na rooftop. Tatlong araw na ang lumipas simula no'ng mabigyan nila ng hustisya ang mga taong pinaglaruan at dinamay ni F.H sa kanyang kahibangan. Noong panahong tumalon si F.H sa rooftop ay laking pasasalamat nila dahil ligtas ito. Pakiramdam ko nga ay inaasahan na ng mga pulis na tatalon si F.H sa rooftop dahil imbis na sa sahig na bumagsak ang katawan nito at mamatay ng duguan at bugbog sarado ay unang humalik sa katawan ni F.H ang napakalambot na sampung foam bed na pinagpatong-patong dahilan para maging ligtas ang kalagayan nito. Laking pasasalamat rin ni Mr. Hans nang malaman niyang ligtas ang kanyang ama pero kahit gayun pa man ay hindi pa rin nito magawang maging tuluyang masaya dahil alam niya saan pupulutin ang kanyang ama o kung may pupulutin pa ba siya. Ako naman ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na nang mapagtantong maaaring ginawa iyon ni F.H para takasan na pagbayaran ang mga
What will you do if the person that you know happened to be suspicious to you and ended up as your older brother?Author's Pov:Mabilis na hinawakan ng mga pulis si F.H matapos na ibigay iyon ni Alvin. Nakaposas ang dalawa nitong kamay sa likuran habang ang mga mata ay hindi maawat sa panliliksik na nakatingin kina Erick at Alvin na ngayo'y nagtutulong-tulong na alsahin ang mga tauhan ni F.H na nakabulagta sa sahig. Napaismid na lamang si F.H lalo na nang makita ang matagumpay na ngiti sa mga labi nina Shan. "Papa!" Parang batang nawala sa mall na tawag ni Margou sa kanyang ama tsaka niya ito naiiyak na niyakap ng mahigpit. Ganoon rin ang ginawa nina Justine at niyakap rin ang kapamilya nila na matagal na nilang gustong makita at mayakap muli, maliban na lamang kay Nick na nahahalatang ayaw ni Tonton na makipag-usap o tignan man lang siya. Napabuntong-hininga na lamang si Nick tsaka wala sa sariling ginulo ang buhok ng nakakabatang kapatid na para bang nakasanayan na nito bago tinan
Mistake is a mistake. It's up to you if you do it twice just don't beg for forgiveness for your sake. Author's Pov:"Hindi nagtaksil si Mommy. Pagkakamali iyon na hindi na niya gugustuhing ulitin." Pagtatanggol ni Shan, halata sa mukha nito ang pagkainsulto sa sinabi ni F.H. "At kahit kailan ay alam kong hindi nagsisisi si Mommy na buhayin ako."Natawa si F.H sa sagot ni Shan bago mas diniinan ang pagkakasakal sa kanya. Napangiwi na lamang si Shan nang maramdaman ang magaspang nitong balbas na kanina pa patuloy na humahalik sa pisnge niya. "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Hindi ka naman ata tulog, ano?" ani F.H gamit ang nang-aasar na tono. Bahagyang natigilan si Shan sa sinabi nito at wala sa sariling nilingon ito ngunit agad ring nag-iwas ng paningin nang sumalubong sa kanyang mata ang nakakadiri nitong pagmumukha. "Oo! At mahal na mahal ako ni Mom. Hinding-hindi mo na mababago ang katotohang 'yan," pagmamatigas ni Shan at inis na siniko ang sikmura ni F.H. Parang bigla na