CHAPTER 144"Pwede ko na po ba syang makita dok? Pwede ko na po ba syang punatahan ngayon sa loob?" tanong pa ni Lucas sa doktor kasabay nga ng pagpahid ng kanyang luha."Oo naman. Pwede mo na syang puntahan sa loob. Pero wag nyo muna syang pipilitin na kausapin. Ilang araw din kasi na walang malay ang pasyente at maaaring manibago talaga ang kanyang buong katawan kaya wag nyo muna syang pilitin na kumilos o magsalita muna," sagot naman ng doktor kay Lucas."Sige po dok. Maraming salamat po talaga," sagot ni Lucas sa doktor.Agad na rin naman na umalis ang doktor dahil may mga pasyente pa nga sya na kailangan nyang puntahan ngayon.Humarap naman na si Lucas sa mga kaibigan nya habang may matamis na ngiti sa labi nito."N-narinig nyo yun? Gising ni Ayesha. Gising na ang mahal ko," umiiyak na sabi ni Lucas sa mga kaibigan nya."Oo narinig namin. Sabi naman kasi sa'yo eh malalampasan din ni Ayesha yan," sagot ni King kay Lucas saka nya ito tinapik tapik sa balikat."Ayusin mo na ang sari
CHAPTER 145"Maaaring namang bumalik pa ang kanyang alaala. Karamihan din naman sa mga nakaranas ng ganyang amnesia ay bumabalik naman ang kanilang alaala makalipas ng ilang araw, linggo o buwan. Kusa rin naman iyon na babalik. Sa ngayon siguro ay hayaan muna natin syang makapagpahinga para makabawi ng lakas ang kanyang katawan. Wag na rin muna natin syang pilitin na makaalala dahil baka lalo lamang syang hindi makaalala kaya hayaan lamang po natin sya," paliwanag pa ng doktor kay LucasNakahinga hinga naman ng maluwag si Lucas kahit papaano sa kaalaman na babalik naman pala ang alaala ni Ayesha. Natakot talaga sya na baka hindi na nga sya maalala nito.Matapos kausapin ng doktor si Lucas ay lumabas naman na ang doktor sa loob ng ICU. Habang si Lucas ay saglit naman na linapitan si Ayesha na mukhang natutulog na dahil hindi na nga ito nagmulat ng mata ng hawakan ni Lucas ang kamay nito."Babe magpagaling ka kaagad ha. Sana ay maalala mo ako kaagad. Mahal na mahal kita," sabi ni Lucas
CHAPTER 146"S-salamat. P-pasensya ka na talaga kung hindi kita maalala ha. Pinipilit ko naman kaso wala.talaga akong maalala na kahit na ano," tila nahihiya pa na sabi ni Ayesha kay Lucas.Linapitan naman ni Lucas si Ayesha at saka nya nga ito hinawakan sa kamay at matamis nya nga itong nginitian."Ayos lang yan. Naiintindihan naman kita at isa pa ay wag mong pilitin ang sarili mo na makaalala. Sabi ng iyong doktor ay kusa naman daw iyang babalik kaya wag mo ng pilitin pa ang iyong sarili. Sa ngayon ay magpalakas ka na lamang muna para makauwi na tayo at para rin makasama ka na ng mga bata dahil namimiss ka na nila," nakangiti pa na sabi ni Lucas kay Ayesha."Maraming salamat talaga. Sana lang talaga ay bumalik na ang alaala ko dahil napakahirap ng ganito. Hindi ko malaman kung sino sino ba kayo para akong bavong tao na wala man lang maalala na kahit na ano," sagot ni Ayesha kay Lucas. Tumayo naman na muna si Lucas at kinuha nga nya ang pagkain na inihahanda nya kanina."Ang mabuti
CHAPTER 147Nagulat naman ang kambal sa sinabi ng kanilang ama. Parang hindi sila makapaniwala na hindi sila maalala ng kanilang ina."Po? Pero bakit po?" tanong pa ni Brylle."Dahil sa aksidente at ilang araw na walang malay ang mommy nyo ay nagkaroon nga sya ng amnesia. Pero sabi naman ng doktor ng mommy nyo ay babalik naman daw ang alaala nito. Kaya sa ngayon dapat magbehave muna kayo sa mommy nyo ha. Bawal pa syang mapagod at bawal pa rin syang magsaway sa inyo kaya naman dapat magbabait na muna kayo ha," paliwanag pa ni Lucas sa kambalNapatingin naman ang kambal sa gawi ng kanilang ina na natutulog pa rin at malungkot nga nila itong tiningnan. Kahit kasi mga bata pa lamang ang nga ito ay naiintindihan naman na nila ang nangyayare ngayon sa kanilang ina.Matapos na kausapin at paliwanagan ni Lucas ang kambal ay tahimik lamang naman na nakaupo ang mga ito at inabala na nga lamang ng mga bata ang kanilang sarili sa panonood ng cartoons.Maya maya nga ay nagising naman na si Ayesha
CHAPTER 148Lumipas pa nga ang ilang araw at unti unti na nga na nagiging maayos ang pakiramdam ni Ayesha. Nakakatayo tayo na rin sya at kahit papaano ay nakakakilos kilos na rin sya ng mag isa. Kaya laking tuwa naman ni Lucas dahil doon. Pero sa kabila nga noon ay hindi pa rin nga nakakaalala si Ayesha."Dok kumusta po ang lagay ni Ayesha ngayon? Bakit po kaya hindi pa rin sya nakakaalala?" tanong ni Lucas sa doktor ni Ayesha ng bumisita ito sa silid ni Ayesha. Mahimbing naman na natutulog ngayon si Ayesha kaya naman linapitan na ni Lucas ang doktor at nagtanong na nga sya rito tungkol sa kundisyon ni Ayesha."Ayos naman na ang pasyente at pwede nyo na nga rin syang iuwi kung gusto nyo. Ang tungkol naman sa kanyang amnesia ay hindi ko naman masasagot kung kailan iyon babalik. Iba iba kasi ang kundisyon ng may mga ganyang uri ng amnesia. Merong araw lang ay bumabalik na ang alaala at mero naman na inaabot din ng linggo, buwan o taon. Pero mayroon din na iba na hindi na talaga bumabal
CHAPTER 149"Welcome home Ayesha," sabay sabay pa na sabi ng mga tao na nasa loob ng mansyon nila Lucas at naghihintay sa pagdating nila.Nagulat naman si Ayesha sa biglang pagsigaw ng mga naroon sa loob ng mansyon pero napangiti na nga lang din sya ng mamukhaan nga nya ang mga tao na naroon sa loob na naghihintay sa kanya."Welcome home mommy," sabay pa na sabi ni Brylle at Bryan sa kanilang ina kaya naman napatingin si Ayesha sa mga ito at matamis nya nga itong nginitian at saka nya ito yinakap."M-maraming salamat sa inyo," sabi naman ni Ayesha. "Salamat din mga anak," baling naman ni Ayesha sa kambal.Sa nakalipas kasi na mga araw ay unti unti na lamang nga na kinikilala ni Ayesha ang mga tao sa kanyang paligid at kahit hindi pa rin nga nya naaalala ang kambal nyang anak ay parang nakikilala naman ito ng kanyang puso kaya naman tinatawag na nya nga rin ito na mga anak ngayon."Mabuti naman at nakalabas ka na rin sa wakas sa ospital Ayesha. Mas magandan nga na dito ka na lamang mag
CHAPTER 150 Matulin naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay halos isang buwan na ang nakakalipas simula ng lumabas si Ayesha ng ospital.Sa isang buwan na iyon ay maayos na maayos naman na ang lagay ni Ayesha at apat na buwan na nga sya na buntis ngayon. Pero sa kabila nga noon ay hindi pa nga rin talaga ito nakakaalala. Bumalik na rin naman sila ng ilang beses sa ospital para sa follow up check up ni Ayesha at ang sabi nga ng doktor nito ay okay naman na ang lahat ang resulta ng mga exam na ginawa rito at nirmal na nga ang lahat pero hindi pa rin nga nila masagot ang tanong kung bakit nga ba hindi pa bumabalik ang alaala ni Ayesha.Ngayon nga ay narito sa garden ng mansyon si Ayesha at nakangiti pa nga nyang tinitingnan ang maraming bulaklak na tanim doon ng ina ni Lucas."Anong ginagawa mo r'yan babe?" nakangiti naman na tanong ni Lucas kay Ayesha ng makita nga nya ito roon na nakaupo lamang.Agad naman na napalingon si Ayesha sa gawi ng nagsalit at napangiti na nga lamang
CHAPTER 151Agad naman na napangiti si Lucas sa sinabi ng isang bumibili doon. Napabaling naman ang tingin nya sa tindera at may hawak na nga itong kutsilyo para hiwain ang pakwan."Manang wag nyo na pong hiwain. Okay na po iyan. Bibilhin ko na po ang pakwan na iyan. Kung saan saan na po ako nakarating sa paghahanap ng pulang pakwan kaya kukunin ko na po iyan," sabi ni Lucas sa tindera at saka sya kumuha ng isang libo sa kanyang wallet at iniabot sa tindera.Ibinalot naman na ng tindera ang pakwan at akmang kukuha na nga ito ng panukli nya ay nagsalita naman si Lucas."Sa inyo na po ang sukli. Sa susunod po na may gustong kainin na prutas ang asawa ko ay dito na lamang po ako bibili. Maraming salamat po," sabi ni Lucas at kinuha na nga nya ang pakwan at saka dali dali ng umalis doon at agad na umuwi sa kanilang bahay.Pagkarating naman ni Lucas sa kanilang mansyon ay nadatnan naman nya si Ayesha na nasa sala kasama ang kanyang ina.Nagulat pa nga si Shiela ng makita nya ang itsura ni
CHAPTER 169Pagkababa ni Lucas ay sakto naman ang pagpasok ng kanyang ama sa loob ng mansyon at nakita nga nya na bitbit nga nito ang mga bag na naglalaman ng pera na ibinigay nila kanina kay Jessa."Dad," tawag ni Lucas sa kanyang ama at dali dali na nga nya itong linapitan at tinulungan sa mga dala nito."Kumusta po dad?" tanong pa ni Lucas sa kanyang ama.Naupo naman na muna si Rico at saka sya napabuntong hininga at seryosong tiningnan ang kanyang anak."Magiging maayos sana ang lahat kung hindi nanlaban sila Jessa kaso ng habulin nga sila ng mga pulis ay nauna na silang magpaputok kaya napilitan na nga ang mga pulis na paputukan sila ng kasama nya at dead on arrival nga sila pareho ng lalaking kasama nya kanina," malungkot na kwento ni Rico kay Lucas.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Lucas dahil hindi naman nya hinangad na ganon ang maging kahantungan nila Jessa dahil maayos nga silang nakipag usap dito."Sino nga pala ang nagsabi sa mga pulis? Paano nila
CHAPTER 168Matapos nilang mag usap usap ay pinatulog naman na muna nila ang mga bata at balak na rin sana nila Lucas at Ayesha na magpahinga na muna dahil ilang araw rin na walang maayos na tulog si Ayesha. Dahil kahit na hindi nga sya sinasaktan nila Jessa ay nakatali pa rin nga sya at hindi naman sya makahiga ng maayos.Bigla namang tumunog ang cellphone ni Lucas at nakita nga nya na ang kanyang ama ang tumatawag sa kanya kaya naman agad na rin nga nya iyong sinagot."Hello dad. Kumusta po kayo r'yan? May balita na po ba kay Jessa?" sunod sunod na tanong ni Lucas sa kanyang ama na naiwan nga roon sa lugar kung saan nga sila nagkita nila Jessa.Rinig naman ni Lucas ang pagbuntong hininga ng kanyang ama mula sa kabilang linya kaya naman napatingin nga sya gawi ni Ayesha na nakatinvin nga sa kanya.Hindi naman na muna nagsalita pa si Lucas at hinintay na lamang nya na magsalita ang kanyang ama."Anak nanlaban sila Jessa kaya hinabol sila ng nga kapulisan dito. At dahil nga nanlaban si
CHAPTER 167Nang gabi rin na iyon ay nakalabas na rin ng ospital si Ayesha at diretso na nga silang umuwi sa mansyon ng magulang ni Lucas dahil excited na nga rin ang mga naroon na makita muli si Ayesha dahil talagang nag alala silang lahat sa kalagayan ni Ayesha.Pagkarating nga nila sa mansyon ay agad nga na sumalubong si Shiela kay Ayesha at agad nga nyang yinakap ito habang umiiyak."Jusko. Ayesha patawarin mo ako dahil hindi kita nabantayan ng ayos," umiiyak na sabi ni Shiela habang nakayakap nga sya kay Ayesha.Agad naman na gumanti ng yakap si Ayesha sa ina ni Lucas dahil nabanggit nga ni Lucas sa kanya kanina na sinisisi ng ina nito ang kanyang sarili dahil sa pagkawala nga niya."Mom ayos na po ako kaya wag na pi kayong umiyak. Ayos lang po ako at wag nyo na pong sisihin pa ang inyong sarili," sagot naman ni Ayesha at saka sya bumitaw sa pagkakayakap nya sa ginang."Patawarin mo ako hija ha. Kung alam ko lang na mangyayare iyon sana ay hindi na kita hinayaan pa na mag isang u
CHAPTER 166"Teka anong nangyayare? Pakiusap wag nyong saktan si Jessa," sabi ni Ayesha sa mga pulis na naroon."Ma'm mukhang nanlaban po sila kaya kailangan din po naming lumaban para mahuli po si Ms. Jessa. May kasalanan po sya sa batas kaya kailangan nya po iyong pagbayaran," sagot ng isang pulis na naroon kay Ayesha.Agad naman na napatingin si Ayesha kay Lucas at kita naman ni Lucas na labis na nag aalala si Ayesha para kay Jessa kaya naman yinakap na lamang nya ito."Wag mo na munang isipin si Jessa. Hayaan mo at tutulungan ko sya pagkatapos nito. Sa ngayon wala tayong magagawa dahil nanlaban sila ng kasama nya," sabi ni Lucas kay Ayesha.Napayakap na nga lamang talaga si Ayesha kay Lucas at saka sya naiyak.Agad naman ng dinala muna si Ayesha sa ospital para matingnan nga ito ng mga doktor. Ayaw pa nga sana ni Ayesha pero pinilit na nga lamang din sya ni Lucas para matingnan at makasiguro na maayos ang kalagayan nya at pati na rin ng bata sa sinapupunan nito. Pagkarating sa os
CHAPTER 165Matapos nga noon ay unti unti ng lumapit sila Jessa at Ayesha at nanatili nga na hawak pa rin ni Brent si Ayesha pero hindi na nga nakatali ang mga kamay ni Ayesha ngayon.Hindi naman na nagpupumiglas pa si Ayesha dahil umaasa at nagtitiwala naman sya na tutupad sa usapan sila Jessa at Brent.Naglakad na rin naman sila Lucas at ang kanyang ama palapit kila Jessa para salubungin na nga nila ang mga ito dahil gustong gusto na talaga nyang mabawi sa Ayesha at wala rin talaga syang pakialam kung gaano pa kalaki ang hininving pera ni Jessa basta mabawi na nga lang talaga nya si Ayesha.Nang halos magkalapit na magkalapit na nga sila ay tumigil naman na muna sila Jessa sa paghakbang."Pasensya ka na Lucas kung kailangan ko itong gawin. Kailangang kailangan ko lamang talaga ng pera kaya ko ito nagawa dahil gusto ko na lamang magpakalayo layo. Kaya sana ay hayaan mo na lamang din ako dahil pangako ko ay hinding hindi ko na guguluhin pa ang pamilya nyo ni Ayesha," seryosong sabi ni
CHAPTER 164Bago pumasok sa loob ng abandunadong bahay na iyon si Lucas at ang kanyang ama ay nagkatinginan pa nga sila at isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Lucas bago sya tumango sa kanyang ama at saka sila sabay ng pumasok sa loob ng naturang bahay.Pagkapasok nga nila roon ay agad nga nilang iginala ang kanilang paningin at meron nga roong ilaw na nagbibigay ng liwanag sa kanila."Jessa narito na kami. Nasaan ka?" seryosong sabi ni Lucas habang nagpapaling linga pa nga sya sa aligid noon."Oh hi Lucas. Narito ka na pala. Mabuti naman at sumunod ka sa napag usapan natin," sabi ni Jessa na bigla na lamang lumabas sa isa sa mga silid na naroon at tatawa tawa pa nga ito."Nasaan si Ayesha? Dala na namin ang hinihingi mo kaya ibigay mo na sa amin si Ayesha," sagot ni Lucas sa dalaga habang seryoso nya nga igong tinititigan sa mukha."Hindi ka naman nagmamadali nyan Lucas. Kararating mo pa lamang hindi mo man lang ba ako kukumustahin?" nakangisi pa na sagot ni Jes
CHAPTER 163Pagkatanggap nga ni Lucas sa address na ipinadala ni Jessa sa kanya ay dali dali na nga siyang naghanda para umalis doon sa kanilang mansyon. Pinagtulungan na rin nga nilang hakutin ang ilang bag na dadalhin nya na may lamang mga pera.Bago umalis ng mansyon si Lucas ay saglit pa nga syang hinawakan sa braso ng kanyang ina kaya naman napatingin nga sya rito."Mag iingat ka anak ha. Iuwi mo si Ayesha rito," naiiyak pa na sabi ni Shiela kay Lucas.Agad naman na tumango si Lucas sa kanyang ina at saglit pa nga nya itong yinakap."Opo mom mag iingat po ako. At iuuwi ko po ng ligtas si Ayesha rito," nakangiti pa na sagot ni Lucas sa kanyang ina matapos syang bumitaw sa pagkakayakap nya rito.Si Lucas lang kasi at ang kanyang ama ang pupunta sa address na pinadala ni Jessa dahil hindi naman maaari na lahat sila ay pupunta roon dahil baka nga madamay pa sila roon at isa pa ay baka bga mapansin sila ng nga pulis. Kaya minabuti nila na ang ama na lamang ni Lucas ang sasama rito.Si
CHAPTER 162 Matapos na mag usap nila Lucas at Jessa ay hinarap naman ngayon ni Lucas ang mga magulang nila ni Ayesha. "Humihingi ng limang bilyon si Jessa bilang kapalit ni Ayesha," sabi ni Lucas sa mga kasamahan nya roon. "Limang bilyon? Napakalaki naman na halaga iyon. Anong gagawin ng babae na yun sa pera gayong mayaman naman na sila dapat ay sabihin na natin ito sa mga pulis para matulungan nila tayo," gulat pa na sabi ni Rita. "Wag nyo po itong sasabibin sa mga pulis dahil ang kabilin bilinan ni Jessa ay wag itong sasabohin sa mga pulis dahil oras na malaman nya na nagsumbong tayo sa mga pulis ay hindi na raw natin makikita pa sila Ayesha ng buhay. Kaya mas mabuti pa po na wag na lamang natin itong sabihin sa mga pulis para makasigurado po tayo sa kaligtasan ni Ayesha. Ang tungkol naman po sa pera ay eala naman pong problema roon dahil kaya ko pong ibigay iyon sa kanya basta maging ligtas lamang po si Ayesha at ang aming anak.. Ang problema ko lamang po ay kung paano ko ma
CHAPTER 161Habang naghihintay naman sila sa muling pagtawag ni Jessa ay tinuloy naman nila Lucas at ng mga magulang ni Ayesha ang pag alis nila para maglibot at magbaka sakali na maghanap nga nila si Ayesha."Sana naman ay ligtas na makabalik sa atin si Ayesha," sabi ni Rita habang nasa sasakyan na nga sila ni Lucas at naghahanap sa kanyang anak."Wag po kayong mag alala dahil gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para lamang po makabalik ng ligtas si Ayesha sa atin," sagot naman ni Lucas dito."Salamat hijo," sagot ni Rita kay Lucas.Nagatuloy naman na sila sa kanilang paglilibot at tinatawag tawagan nga rin ni Lucas ang mga tauhan nya kung may balita na ba pero wala pa nga ring magandang balita ang mga ito.Halos maghapon naman ng naghanap sila Lucas at bagsak ang balikat na bumalik na nga sila sa mansyon dahil ni anino ni Ayesha ay hindi man lang nila nakita. Ni hindi na nga nila ininda ang kanilang gutom at pagod sa maghapong paghahanap kay Ayesha."Kumusta? Anong balita?" ag