Masakit na katawan ang nararamdaman ko bago ko dahan-dahang imulat ang aking mga mata. Bumungad sa'kin ang amoy ng ospital at ang maliwanag nitong ilaw. Sa pagdilat ng mga mata ko ay agad may lumapit sa'kin.“Hey... May masakit ba?” Nagaalalang tinig nito.Dahan-dahan ko itong tinignan upang malaman kung sino. Nagbabaka sakali na si Steve ang aking unang makikita. Pero ..“A-Asher...” kapatid niya ang kasama ko ngayon.“May masakit ba sa'yo? Gusto mo ba tawagan ko ang doctor? Wait lang—”“H'wag na...” putol ko sa sinasabi niya dahil mukha itong natataranta. “Okay na ako, medyo masakit lang katawan ko.” Nanghihina kong saad sa kausap. Tinitigan ako nito ng ilang segundo, eto na naman ang hindi ko mabasang ekspresyon niya.“Gusto mo bang itawag ko 'to sa parents mo? O sa kaibigan mo?”“No! H'wag...” mabilis kong sagot.“Why?”“Ayoko silang maabala, ayoko silang mag-alala...” kahit na kaibigan ko lang ata ang mag-aalala. “Si Steve na lang... Baka... Naghihintay na 'yon sa bahay,”“Hindi
Ilang araw na akong hindi kinokontak ng kaibigan ko na si Amarah. Hindi ako sanay ng ganito kaya napagpasyahan ko na puntahan siya sa bahay nila sa San Carlos. Pero bigo ako dahil ilang araw na raw ito hindi umuuwi sabi ng kanyang Mommy. Umuwi muna ako dahil hapon na rin. Bukas ko na lang siya pupuntahan sa kan'yang resort at baka nandoon lang siya. May problema siguro ang isang iyon.Pagkarating ko sa bahay ay nagluto lamang ako ng gabihan kahit hindi naman ako sigurado kung dito kakain si Steve. Maghapon ito laging wala dahil sa trabaho sa company nila. Tapos uuwi siya rito ay gabi na at lasing pa.Kumain ako ng mag-isa pagpatak ng gabi dahil mukhang wala na namang plano na rito kumain si Steve. Habang nagliligpit ako ng aking kinainan ay bigla namang may kumatok sa pinto. Katok na para bang gusto nang sirain ito.Siguradong si Steve na 'to...Agad akong tumungo sa pinto para pagbuksan siya. Lasing na lasing na si Steve ang bumungad sa'kin. Muntik pa itong matumba sa'kin dahil nak
“Why are you here? May problema?” Amirah asked me. Nandito ako ngayon sa resort niya sa Isla Haven para bisitahin siya. Ilang araw pa bago ako pumunta at sinigurado na wala na akong galos o pasa.“Ikaw nga dapat kong tinatanong. Bakit ka nandito? Ilang araw ka na raw hindi umuuwi ah!” Bigla itong natahimik sa aking sinabi. Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan sa ilalim ng puno malapit sa dagat.“They want me to marry someone,” saad nito. “Sinabi na sa'yo?”“No, I just accidentally heard them. They're talking about the family of the guy who they want me to marry with.” Tumingin ito sa'kin na may malulungkot na mata. “Now, I really understand your situation. Like you, I'm started to hate my parents.” She said with sad voice.“A...” Tawag ko sa pangalan nito bago ko ito niyakap. “H'wag kang pumayag please...”Ayokong maranasan niya ang mga nararanasan ko ngayon. Maaaring hindi sila pareho nang lalaki, pero hindi pa rin niya ito kilala. Hindi niya alam ang pwedeng mangyari sa kan'ya. A
Ilang araw ako pabalik-balik sa hospital para magpa-check kung buntis nga ako. And yes, I'm pregnant. I'm four weeks pregnant. Masayang-masaya ako sa nalaman, sa tuwa ko ay agad kong pinuntahan ang kaibigan sa Isla Haven. “A!” masigla kong bati sa kaibigan pagkarating ko sa rest house nito.“B?” nagtataka nitong tawag sa'kin. “Napadalaw ka?” agad itong lumapit sa'kin at niyakap ako. Ganoon din naman ang ginawa ko sa kan'ya.“I have a good news!” masayang-masaya kong balita rito na lalo niyang ipinagtaka.“Good news? Kelan ka pa nagkaroon ng good news sa buhay?” agad ko itong inirapan ng pabiro.“Bastos ka kausap! Pero, ngayon meron na. Hindi ka ba masaya?” “M-Masaya naman... Ano ba 'yon?”Hinila ko ito palapit sa kan'yang sala at pinaupo sa sofa bago huminga nang malalim. Ang aking mga ngiti ay hindi na mabura sa aking labi. Nawiwirduhan naman akong tinignan ng aking kaibigan.“A...” Tawag ko sa pangalan niya, naghihintay naman ito ng kasunod. “I'm pregnant!” Nakangiti kong sabi.A
Simula nang makasal ako, hindi na ako kinumusta pa ng mga parents ko. Kahit si Mommy manlang sana, kahit text o tawag manlang sana. Pero wala...Napagdesisyunan ko na puntahan na lamang sila sa bahay dahil baka busy lamang ang mga ito. Itinaon ko talagang linggo para siguradong nasa bahay sila. Dahil 'yon ang araw na walang pasok ang mga office workers.Hindi ko na naman nakita si Steve paglabas ko. Malamang ay maaga itong umalis para sa panibagong babae dahil walang trabaho. Hindi naman 'yon natigil sa bahay kahit rest day. Sanay na ako...Nag drive ako papunta sa subdivision namin sa San Lorenzo, katabi lang ng Village nina Amirah sa San Carlos. Pagkarating ko ay ang katulong ang sumalubong sa'kin, si Manang Aira.“Iha, napadalaw ka? Ang tagal mo na hindi nabisita ah! Kumusta ka na?” Masayang bungad sa'kin ni Manang na s'yang lagi kong kasama sa bahay.Naglakad kami ng sabay papasok sa loob ng bahay.“Okay lang po manang, kayo po?”“Okay naman kami rito, hinahanap mo ba ang mga Momm
Nag drive ako habang umiiyak, nag drive ako na walang pakialam kung mababangga ba ako.Isang malakas na busina ng truck ang nagpabalik sa akin sa realidad. Agad itong nagpreno at ganoon din naman ako. May sinasabi pa ito pero hindi ko magawang intindihin. Itinabi ko muna ang aking sasakyan sa tabing daan at hinayaan muna umiyak ang sarili.“'Yong totoo...” Basag na boses na pagkausap ko sa sarili habang nakasandal sa headrest ng aking upuan. “M-Masamang tao po ba talaga ako sa past life ko? B-Bakit ganito n'yo ko s-saktan? Bakit g-ganito niyo ako p-pahirapan?” sunod-sund kong tanong.Napayuko ako sa aking manibela at doon ibinuhos ang lahat ng gusto kong ilabas sa pamamagitan ng pag-iyak. Crying is the only choice I have everyday...Kung pwede lang sana sa bawat iyak ay mawawala na agad ang sakit. Kung pwede lang na iiyak ka lang magiging okay ka na pagkatapos. Pero hindi... Mababawasan lang ang bigat sa dibdib mo, pero hindi no'n mababago ang sakit na naidulot sa'yo.Nang medyo kuma
“A...” nanghihina kong tawag sa pangalan ng kaibigan ko. Ngumiti ito sa'kin pero bigla rin may pumatak na luha na ipinagtaka ko.“Ang tapang mo...sobra...” naiiyak nitong sabi. Wala pa rin akong maintindihan. “Pero tama na B... Isuko mo na ha?” humikbi ito.“A... Ano ba sinasabi mo?” mabagal kong tanong dahil sa panghihina kong pakiramdam. “Tsaka paano mo nalaman na nandito ako?”“I saw you... Pupuntahan sana kita sa inyo pero nakasalubong ko ang sasakyan mo kaya sinundan ko. Hanggang sa makita kitang binuhat ng mga nurse at guard.” Sabi nito at hindi pa rin paawat ang mga luha nito. Ngumiti ako. Mabuti na lang pala meron akong siya...“Salamat...”“B... You know that no matter what happens, I'm always here for you right?” nagtataka man ay tumango ako. Hinawakan nito ang mga kamay ko at hinalikan bago humagulhol doon. “You l-lost your baby, B...” nahihirapan nitong saad.Ang ngiti ko ay unti-unting nawala. Natigilan ako sa narinig pero nagpaulit-ulit ito sa aking pandinig.You lost yo
Dalawang linggo akong tumira kay Amirah. Dalawang linggo kaming magkasama kahit na madalas itong umalis. Matapos ang dalawang linggo ay napag pasyahan kong umuwi sa bahay namin ni Steve.“Are you sure na uuwi ka pa do'n?” nagaalalang tanong ni A.“Yeah... Asawa ko pa rin siya A—”“Wala akong pakialam kung asawa mo pa rin siya dahil hindi naman siya nagpaka asawa sa'yo.” May diin na sabi nito sa'kin. Napabuntong hininga naman ako.Alam kong galit na galit ito kay Steve dahil sa trato nito sa'kin. Kaya lang, kasal pa rin kami. Kahit sa papel lamang 'yon...“H'wag mo ko masyado alalahanin, hmm? Okay lang ako,” ngumiti pa ako rito.“Kailan ka ba mapapagod? Kailan mo ba matututuhan na mahalin ang sarili mo?” Seryosong tanong nito na ikinatigil ko. “Nawalan ka na ng anak B, hihintayin mo pa ba pati ikaw ay mawala? Dahil kapag nangyari 'yon, sisiguraduhin kong magiging criminal ako.”Tumulo ang luha ko dahil sa aking narinig sa kaibigan. Handa talaga siyang pumatay para lamang sa'kin. Handa
▪Steve Pov▪Ilang taon na ang lumipas pero hindi na namin siya muling nakita. Ilang taon na mula noong huli ko siyang nakita. Pero, walang nagbago. Araw-araw naiisip ko siya, araw-araw hinahanap ko siya. Binago ko lahat sa'kin, inayos ko ang sarili ko. Kinalimutan ko ang bisyo ko, kinalimutan ko ang masasamang gawain ko. Lahat 'yon ay ginawa ko para kung sakaling bumalik siya. Alam kong walang kasiguraduhan na mabawi siya, lalo pa ngayong nalaman ko na mahal din siya ng kapatid ko.Siya ang babaeng matagal nang gusto ng kapatid ko. Ang nagpapasaya sa kapatid ko noon kahit sa tingin lamang.Naisip ko, siguradong wala akong laban kung siya ang kasabayan ko. Napakabait nito, Doctor, at walang masamang bisyo. Naging malapit din sila noon sa isa't-isa, kaya hindi malabo na siya ang piliin nito.Pero hindi ako basta susuko, hindi ko siya basta isusuko.Four years still her... And unexpected happened. Sila pala ng kaibigan niya ang may ari ng AB Constraction Company kung saan kami makikipag
Natigil lamang sa bangayan ang dalawa nang makarating kami sa simbahan. Nasa gitna ako ng magkapatid habang nasa tabi ni Ash si A. At nang nasa part na ng hallelujah ay bigla na lamang hinawakan ng magkapatid ang aking kamay, na pwede namang hindi na. Tss.“Para-paraan. Pwede namang hindi nakahawak oy!” bulong ni A sa mga ito.“Wala lang may gustong humawak sa kamay mo,” agad na bawi ni Asher.Pasimpleng sinipa ni A ang sapatos ni Ash dahil doon. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa dalawang ito. Na kahit sa gitna ng misa ay nag-aaway pa rin.Matapos ng misa ay nagyaya naman kumain ang magkapatid. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila, pero doon nila kami dinala sa resto kung saan may masakit na alaala sa'min ni Steve. Ang resto kung saan tinapos ni Nicole ang relasyon nila.Napatingin ako kay Steve pagkababa namin ng sasakyan. Pero ngumiti lamang ito at nagyaya na papasok sa loob kaya sumunod naman kami. Umorder sila ng pagkain habang ako ay nakatingin kung saan ko naaalala
Noon, hinihiling ko na sana tanggapin ako ng mga tao sa paligid ko. Na sana, makita naman nila ang worth ko. At ngayon na tanggap na nila ako, na ramdam ko na ang pagmamahal nila, nagulo naman ang isip ko. Si Asher, naging mabuting tao simula pa noon sa'kin. Pero may dahilan pala ang lahat ng 'yon, dahil gusto na niya ako noon pa habang gusto ko ang kapatid niya. Pero never niyang sinabi dahil ayaw niyang maging dahilan o sagabal sa mga pangarap ko.Si Steve, simula pa lang sinasaktan na ako. Never niyang pinaramdaman ang respeto na kailangan ko. Pero may dahilan din, dahil naman sa sobra siyang nasaktan. Ang mali naman niya, naging selfish siya sa part na, akala niya siya lang ang biktima.Buong buhay ko, palagi ko na lamang inuuna ang nararamdaman ng ibang tao. Palagi kong iniisip ang sasabihin nila sa magiging desisyon ko. Dahil gano'n ako pinalaki ni Daddy, which is mali. Nang dahil doon, naging selfless ako, na kahit na nasasaktan na ako, okay lang sa'kin 'wag lang ang ibang tao
Simula noong araw na 'yon ay nagpaalam ako kay A na lilipat na muli sa puder ni Daddy para may kasama ito. Sinabi ko rin na hindi muna ako mag full time sa office. Pumayag naman ito at sinabing siya na muna ang bahala, bibisitahin na lamang daw niya kami ni Daddy.Three days na ako rito kay Daddy, three days na rin ako hindi pumapasok sa office pero nagtatrabaho pa rin sa bahay. May katulong naman sa bahay, pero gusto ko pa rin na nababantayan si Daddy. Madalas ito sa garden ni Mommy tumambay.“Anak, ilang araw ka na rito at hindi napasok sa company niyo. Hindi mo naman ako kailangan bantayan.” Sabi ni Daddy habang nagkakape kami sa garden.“Dad... Nagta-trabaho pa rin naman po ako kahit nandito ako sa bahay, tsaka gusto ko po na nandito ako. Ayaw niyo po ba akong nandito?” “What? No! Of course not. Syempre gusto ko na nandito ka. Kaya lang... Baka kasi nakakaabala na ako sa'yo anak.”Huminga ako nang malalim bago ngumiti kay Daddy.“Dad, 'wag n'yo nga po isipin 'yan. Hindi kayo nagi
Ginimbal ako nang araw na 'yon. Araw-araw ko silang nakikita sa company namin kahit wala namang meeting. Akala ko si Asher lamang ang may pasabog. Pero kinabukasan din no'n ay kinausap muli ako ni Steve ng isa pang rebelasyon na nagpagulo rin sa utak ko. “Brianna, I'm sorry to those painful days of your life with me. Lahat 'yon pinagsisisihan ko, handa kong pagbayaran lahat ng 'yon araw-araw,” wika nito habang magkaharap kami sa isa't-isa sa loob ng office ko.“T-Teka nga... Anong nangyayari sa inyong magkapatid? Pinagtitripan n'yo ba ako?”“What? No! I'm serious Brianna...”“Ikaw, anong dahilan mo para gawin 'to?” dahil si Ash ang dahilan niya ay mahal ako, ano naman dahilan ng isang 'to? Last time I checked, kinamumuhian niya ako.“Alam kong mahihirapan kang paniwalaan ako matapos ang mga nangyari sa'tin noon. But, the truth is... I already loved you that day I signed the divorce paper.”Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para ko na namang nakain ang dila ko sa narinig.“An
Biglang may kumatok kaya agad kong nai-tulak si Steve at lumayo nang bahagya. Nagtataka naman ako nitong tinignan. Tumikhim ako at tumingin sa pinto nang magbukas ito."Architect Dela Cruz, your—Steve?" natigilan si Ash at nagtatakang nakatingin kay Steve. May dala itong..."Coffee?" tanong ko habang nakatingin sa hawak nito. Napatingin din ako sa kape na nasa table ko."Ah yeah... Here," ibinaba nito ang kape sa table at natigilan dahil sa isa pang kape na nasa table ko. Tumingin ito kay Steve na nagtatagis na ang panga. Seryosong nakatingin ang mga ito sa isa't-isa na ipinagtaka ko. Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Amirah. Natigilan naman ito sa tagpo na kaniyang naabutan. "What's going on here? Harrison brothers?" nagtataka nitong tanong at naglakad palapit sa'kin. Nag-iwasan nang tingin ang dalawang lalaki. Samantalang natigilan naman si A sa dalawang kape na nakita."B, baka kabagan ka na d'yan at mag palpitate, dalawa agad ang kape mo.""Tss. Ewan ko sa'yo A. Ikaw in
▪Brianna Czes Pov▪“Are you ready Architect Tianson?” I asked my friend A.“Of course! Ikaw! Ready ka na bang bumalik Architect Dela Cruz?” she asked back.“Yeah... It's been four years. I think, four years is enough to heal.”“All right! Let's go!” masiglang sabi nito.Four years ago... Akala namin hindi na kami makakaalis. Mabuti na lamang at hindi kami napuruhan ng araw na 'yon noong maaksidente kami. Yeah, nasaktan lang kami pero nakontrol pa rin ni A ang manibela at ang preno. So galos lang. Thanks God! Ngayong araw ang plano namin na pagbalik sa Philippines. Four years na...tanggap ko na ang lahat. Nabuo ko na muli ang sarili ko na walang tulong ng kung sino pero may gabay ng kaibigan. Amirah never left me, she's been here for me until I'm fully healed.Isa kami sa mga architect sa isang kilalang company sa New York. At may pinatayo na kaming business sa Pilipinas habang nandito kami. Kaya pwede na kaming manatili sa Pilipinas dahil nandoon ang business naming dalawa. May kaus
“Magiging masaya ka na ba kapag pinirmahan ko 'yan? 'Yon ba talaga ang gusto mo?” Seryosong tanong ko kay Brianna pagtutukoy sa divorce paper.Dahil kung 'yon lang ang magpapasaya sa kan'ya, kahit may kirot na akong nararamdaman sa isipin na magdi-divorce na kami, gagawin ko. Maging masaya lang siya.“Oo... Sobrang laking kaginhawaan sa buhay ko ang pakawalan mo Steve. Dahil ayoko na talaga...pagod na pagod na ako sa'yo at sa buhay ko. Pero may isa akong kailangan bitiwan, at ikaw 'yon... Dahil malaki ang nagawa mong sira sa buhay ko. Walang kapatawaran ang mga ginawa mo sa'kin. Alam mo 'yon!” Ang marinig ang lahat ng ito sa kan'ya ay napakasakit pala talaga. Noon naman ay wala akong pakialam. Pero bakit ngayon apektado na ako ng sobra? Napapalunok na lamang ako habang nakatingin sa kan'ya.Wala akong ibang magagawa kung hindi ang pirmhan na lamang dahil ayaw ko nang saktan pa siya ulit. Dahil sobra-sobra na ang nagawa ko. Ayaw ko ng dagdagan pa.Tinitigan ko siya sa huling pagkakata
Nagsama kami sa iisang bahay, pero hindi ko hinayaan na magsama kami sa iisang kwarto. Hindi rin ako pumayag na may katulong, para mas pahirapan pa siya. Hindi ako pumayag na magtrabaho pa siya, dahil gusto ko siya ang gagawa ng gawain sa bahay. Kasama na ang pagsilbihan ako.Bumalik ako sa dating ako... Lagi akong umuuwi nang lasing. Araw-araw ko pa rin hinahanap si Nicole kahit alam kong wala na itong planong magpakita pa. Pagkakalabas ko ng office ay nadiretso ako sa bar para magpakalunod sa alak. Walang araw na hindi ako nag-iinom simula nang iwan na niya ako nang tuluyan. Araw-araw mainit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko si Brianna. Lalo na kapag nakikita siya ng mga babae ko. Oo, kahit kasal na ako ay kung sino-sino pa ang kasama ko. Tuluyan kong ibinalik kung ano ako noon bago ko makilala si Nicole. 'Yon ay ang pariwarang Steven Adam...Sa tuwing itatanong siya sa'kin ng mga babae ko ay itinatanggi ko na lamang. Ilang beses rin akong nagdadala ng babae sa bahay namin para mas