Ang balak kong gigising ng maaga para hindi maabutan ni Steve ang nangyari, ay hindi ko nagawa. Dahil nagising ako na wala na sa tabi ko si Steve. Hindi ko tuloy alam kung ano ang naging reaction niya na nalamang ako ang ka-siping niya kagabi. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama, binalot ang sarili sa comforter ni Steve. Napapikit ako sa isiping baka nandidiri na sa'kin ngayon si Steve dahil hindi si Nicole ang katabi niya.Napamulat ako dahil sa pagbukas ng pinto ng banyo. Doon, lumabas ang hinahanap ko. Nakatabing lamang ito ng towel sa pambaba at walang saplot pang itaas. Itinaas ko naman lalo ang comforter habang napapalunok sa kaba.Walang emosyon ako nitong tinignan habang nagtutuyo ito ng kan'yang buhok.“Ano pang ginagawa mo d'yan? Bakit hindi ka pa magbihis at bumalik sa kwarto mo?” Malamig nitong tanong bago pumasok sa loob ng kaniyang walk-in-closet.Nanlulumo naman akong nagbihis habang nasa loob pa s'ya. Pagkatapos ko magbihis ay lumingon pa ako sa pinasukan niya
Pinalampas ko ang nangyari nang araw na 'yon. Nanahamik ako, wala s'yang narinig mula sa'kin. Wala rin naman itong binanggit na kahit ano nang araw din na 'yon. Balik kami sa normal na parang walang nangyari. Ibig kong sabihin sa normal namin ay, nagpapaka-asawa ako sa kan'ya. At hindi naman ako nag e-exist sa kaniya. 'Yon ang normal para sa pamumuhay namin bilang mag-asawa. Nagkakasabay kami kumain kung minsan, pero para lang kaming magkaibang tao na nagkasabay sa isang resto. Walang nagsasalita, kahit kumusta ay wala. Still okay for me... Akala ko okay na, dahil hindi na s'ya umuuwi ng lasing dahil dito na s'ya nag-iinom sa bahay. Not until, one night he came with a girl...Natigilan ako nang pagbuksan ko ng pinto si Steve, dahil may kasama ito. Hindi lang basta kasama dahil pagbukas ko ng pinto ay naghahalikan pa ang mga 'to. Titig na titig ako sa kanilang dalawa na halos kainin na ang mga sarili nila. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin sa dalawa. Gayong para
“Be ready, we're leaving in an hour.” Sabi ni Steve bago ito umakyat sa kan'yang kwarto. 'Yon lamang ang sinabi nito pagkapasok at hindi manlang ako tinignan. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Pero, may hint na ako na tungkol ito sa family gathering kaya naghanda na ako.Nag bodycon dress ako na dark blue at stilettos na black, pinatungan ko lamang ito ng black coat. Itinaas ko ang aking buhok na naka pony. Pagkatapos ay lumabas na ako dala ang aking sling bag. Paglabas ko ay saktong labas lang din ni Steve. Saglit lamang itong napatingin sa'kin bago ako nilampasan at naunang bumaba ng hagdan. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kan'ya.Nag dire-diretso ito sa kaniyang sasakyan kaya sumunod ulit ako at naupo sa passenger seat. Pagkasakay ko ay agad niya itong pinaandar kahit hindi ko pa nakakabit ang aking seatbelt.“Saan tayo pupunta?” Tanong ko rito.“My mom's birthday.” Maikling sagot nito.Tss. Hindi manlang sinabi bago kami umalis, pupunta kami ng
Tumagal lang kami ng ilang oras sa bahay ng parents ni Steve bago nagpaalam sa mga ito na uuwi na.Ang pag-uusap naman namin ni Asher ay hindi na rin naman tumagal, dahil biglang lumapit sa amin si Steve. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero para silang may alitan magkapatid dahil sa tinginan nilang dalawa. Hindi ko na lamang pinansin pa.“Bisitahin n'yo naman kami ng madalas dito sa bahay.” Sabi ng Mommy ni Steve. Hindi ko alam kung kailan pa ba kami naging close para maging ganito siya. Samantalang alam naman naming lahat na kasal lang sa pilit ang nangyari sa'min ng kaniyang anak.Umaasa pa rin talaga sila...“Kapag hindi na busy mommy..” Nakangiting sagot naman ni Steve. “O sige. Mag-iingat kayo.”“Salamat po, happy birthday po ulit.” Sabi ko naman.“Salamat iha... Hindi na nagpunta ang Mommy at Daddy mo. Busy daw kasi sila,” hindi naman na bagong balita 'yon. Lagi naman talaga silang busy.“Sige na Mom, pakisabi na lang kay Daddy umuwi na kami.”“Sige, ingat sa pagda-drive Steve
Masakit na katawan ang nararamdaman ko bago ko dahan-dahang imulat ang aking mga mata. Bumungad sa'kin ang amoy ng ospital at ang maliwanag nitong ilaw. Sa pagdilat ng mga mata ko ay agad may lumapit sa'kin.“Hey... May masakit ba?” Nagaalalang tinig nito.Dahan-dahan ko itong tinignan upang malaman kung sino. Nagbabaka sakali na si Steve ang aking unang makikita. Pero ..“A-Asher...” kapatid niya ang kasama ko ngayon.“May masakit ba sa'yo? Gusto mo ba tawagan ko ang doctor? Wait lang—”“H'wag na...” putol ko sa sinasabi niya dahil mukha itong natataranta. “Okay na ako, medyo masakit lang katawan ko.” Nanghihina kong saad sa kausap. Tinitigan ako nito ng ilang segundo, eto na naman ang hindi ko mabasang ekspresyon niya.“Gusto mo bang itawag ko 'to sa parents mo? O sa kaibigan mo?”“No! H'wag...” mabilis kong sagot.“Why?”“Ayoko silang maabala, ayoko silang mag-alala...” kahit na kaibigan ko lang ata ang mag-aalala. “Si Steve na lang... Baka... Naghihintay na 'yon sa bahay,”“Hindi
Ilang araw na akong hindi kinokontak ng kaibigan ko na si Amarah. Hindi ako sanay ng ganito kaya napagpasyahan ko na puntahan siya sa bahay nila sa San Carlos. Pero bigo ako dahil ilang araw na raw ito hindi umuuwi sabi ng kanyang Mommy. Umuwi muna ako dahil hapon na rin. Bukas ko na lang siya pupuntahan sa kan'yang resort at baka nandoon lang siya. May problema siguro ang isang iyon.Pagkarating ko sa bahay ay nagluto lamang ako ng gabihan kahit hindi naman ako sigurado kung dito kakain si Steve. Maghapon ito laging wala dahil sa trabaho sa company nila. Tapos uuwi siya rito ay gabi na at lasing pa.Kumain ako ng mag-isa pagpatak ng gabi dahil mukhang wala na namang plano na rito kumain si Steve. Habang nagliligpit ako ng aking kinainan ay bigla namang may kumatok sa pinto. Katok na para bang gusto nang sirain ito.Siguradong si Steve na 'to...Agad akong tumungo sa pinto para pagbuksan siya. Lasing na lasing na si Steve ang bumungad sa'kin. Muntik pa itong matumba sa'kin dahil nak
“Why are you here? May problema?” Amirah asked me. Nandito ako ngayon sa resort niya sa Isla Haven para bisitahin siya. Ilang araw pa bago ako pumunta at sinigurado na wala na akong galos o pasa.“Ikaw nga dapat kong tinatanong. Bakit ka nandito? Ilang araw ka na raw hindi umuuwi ah!” Bigla itong natahimik sa aking sinabi. Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan sa ilalim ng puno malapit sa dagat.“They want me to marry someone,” saad nito. “Sinabi na sa'yo?”“No, I just accidentally heard them. They're talking about the family of the guy who they want me to marry with.” Tumingin ito sa'kin na may malulungkot na mata. “Now, I really understand your situation. Like you, I'm started to hate my parents.” She said with sad voice.“A...” Tawag ko sa pangalan nito bago ko ito niyakap. “H'wag kang pumayag please...”Ayokong maranasan niya ang mga nararanasan ko ngayon. Maaaring hindi sila pareho nang lalaki, pero hindi pa rin niya ito kilala. Hindi niya alam ang pwedeng mangyari sa kan'ya. A
Ilang araw ako pabalik-balik sa hospital para magpa-check kung buntis nga ako. And yes, I'm pregnant. I'm four weeks pregnant. Masayang-masaya ako sa nalaman, sa tuwa ko ay agad kong pinuntahan ang kaibigan sa Isla Haven. “A!” masigla kong bati sa kaibigan pagkarating ko sa rest house nito.“B?” nagtataka nitong tawag sa'kin. “Napadalaw ka?” agad itong lumapit sa'kin at niyakap ako. Ganoon din naman ang ginawa ko sa kan'ya.“I have a good news!” masayang-masaya kong balita rito na lalo niyang ipinagtaka.“Good news? Kelan ka pa nagkaroon ng good news sa buhay?” agad ko itong inirapan ng pabiro.“Bastos ka kausap! Pero, ngayon meron na. Hindi ka ba masaya?” “M-Masaya naman... Ano ba 'yon?”Hinila ko ito palapit sa kan'yang sala at pinaupo sa sofa bago huminga nang malalim. Ang aking mga ngiti ay hindi na mabura sa aking labi. Nawiwirduhan naman akong tinignan ng aking kaibigan.“A...” Tawag ko sa pangalan niya, naghihintay naman ito ng kasunod. “I'm pregnant!” Nakangiti kong sabi.A
▪Steve Pov▪Ilang taon na ang lumipas pero hindi na namin siya muling nakita. Ilang taon na mula noong huli ko siyang nakita. Pero, walang nagbago. Araw-araw naiisip ko siya, araw-araw hinahanap ko siya. Binago ko lahat sa'kin, inayos ko ang sarili ko. Kinalimutan ko ang bisyo ko, kinalimutan ko ang masasamang gawain ko. Lahat 'yon ay ginawa ko para kung sakaling bumalik siya. Alam kong walang kasiguraduhan na mabawi siya, lalo pa ngayong nalaman ko na mahal din siya ng kapatid ko.Siya ang babaeng matagal nang gusto ng kapatid ko. Ang nagpapasaya sa kapatid ko noon kahit sa tingin lamang.Naisip ko, siguradong wala akong laban kung siya ang kasabayan ko. Napakabait nito, Doctor, at walang masamang bisyo. Naging malapit din sila noon sa isa't-isa, kaya hindi malabo na siya ang piliin nito.Pero hindi ako basta susuko, hindi ko siya basta isusuko.Four years still her... And unexpected happened. Sila pala ng kaibigan niya ang may ari ng AB Constraction Company kung saan kami makikipag
Natigil lamang sa bangayan ang dalawa nang makarating kami sa simbahan. Nasa gitna ako ng magkapatid habang nasa tabi ni Ash si A. At nang nasa part na ng hallelujah ay bigla na lamang hinawakan ng magkapatid ang aking kamay, na pwede namang hindi na. Tss.“Para-paraan. Pwede namang hindi nakahawak oy!” bulong ni A sa mga ito.“Wala lang may gustong humawak sa kamay mo,” agad na bawi ni Asher.Pasimpleng sinipa ni A ang sapatos ni Ash dahil doon. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa dalawang ito. Na kahit sa gitna ng misa ay nag-aaway pa rin.Matapos ng misa ay nagyaya naman kumain ang magkapatid. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila, pero doon nila kami dinala sa resto kung saan may masakit na alaala sa'min ni Steve. Ang resto kung saan tinapos ni Nicole ang relasyon nila.Napatingin ako kay Steve pagkababa namin ng sasakyan. Pero ngumiti lamang ito at nagyaya na papasok sa loob kaya sumunod naman kami. Umorder sila ng pagkain habang ako ay nakatingin kung saan ko naaalala
Noon, hinihiling ko na sana tanggapin ako ng mga tao sa paligid ko. Na sana, makita naman nila ang worth ko. At ngayon na tanggap na nila ako, na ramdam ko na ang pagmamahal nila, nagulo naman ang isip ko. Si Asher, naging mabuting tao simula pa noon sa'kin. Pero may dahilan pala ang lahat ng 'yon, dahil gusto na niya ako noon pa habang gusto ko ang kapatid niya. Pero never niyang sinabi dahil ayaw niyang maging dahilan o sagabal sa mga pangarap ko.Si Steve, simula pa lang sinasaktan na ako. Never niyang pinaramdaman ang respeto na kailangan ko. Pero may dahilan din, dahil naman sa sobra siyang nasaktan. Ang mali naman niya, naging selfish siya sa part na, akala niya siya lang ang biktima.Buong buhay ko, palagi ko na lamang inuuna ang nararamdaman ng ibang tao. Palagi kong iniisip ang sasabihin nila sa magiging desisyon ko. Dahil gano'n ako pinalaki ni Daddy, which is mali. Nang dahil doon, naging selfless ako, na kahit na nasasaktan na ako, okay lang sa'kin 'wag lang ang ibang tao
Simula noong araw na 'yon ay nagpaalam ako kay A na lilipat na muli sa puder ni Daddy para may kasama ito. Sinabi ko rin na hindi muna ako mag full time sa office. Pumayag naman ito at sinabing siya na muna ang bahala, bibisitahin na lamang daw niya kami ni Daddy.Three days na ako rito kay Daddy, three days na rin ako hindi pumapasok sa office pero nagtatrabaho pa rin sa bahay. May katulong naman sa bahay, pero gusto ko pa rin na nababantayan si Daddy. Madalas ito sa garden ni Mommy tumambay.“Anak, ilang araw ka na rito at hindi napasok sa company niyo. Hindi mo naman ako kailangan bantayan.” Sabi ni Daddy habang nagkakape kami sa garden.“Dad... Nagta-trabaho pa rin naman po ako kahit nandito ako sa bahay, tsaka gusto ko po na nandito ako. Ayaw niyo po ba akong nandito?” “What? No! Of course not. Syempre gusto ko na nandito ka. Kaya lang... Baka kasi nakakaabala na ako sa'yo anak.”Huminga ako nang malalim bago ngumiti kay Daddy.“Dad, 'wag n'yo nga po isipin 'yan. Hindi kayo nagi
Ginimbal ako nang araw na 'yon. Araw-araw ko silang nakikita sa company namin kahit wala namang meeting. Akala ko si Asher lamang ang may pasabog. Pero kinabukasan din no'n ay kinausap muli ako ni Steve ng isa pang rebelasyon na nagpagulo rin sa utak ko. “Brianna, I'm sorry to those painful days of your life with me. Lahat 'yon pinagsisisihan ko, handa kong pagbayaran lahat ng 'yon araw-araw,” wika nito habang magkaharap kami sa isa't-isa sa loob ng office ko.“T-Teka nga... Anong nangyayari sa inyong magkapatid? Pinagtitripan n'yo ba ako?”“What? No! I'm serious Brianna...”“Ikaw, anong dahilan mo para gawin 'to?” dahil si Ash ang dahilan niya ay mahal ako, ano naman dahilan ng isang 'to? Last time I checked, kinamumuhian niya ako.“Alam kong mahihirapan kang paniwalaan ako matapos ang mga nangyari sa'tin noon. But, the truth is... I already loved you that day I signed the divorce paper.”Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para ko na namang nakain ang dila ko sa narinig.“An
Biglang may kumatok kaya agad kong nai-tulak si Steve at lumayo nang bahagya. Nagtataka naman ako nitong tinignan. Tumikhim ako at tumingin sa pinto nang magbukas ito."Architect Dela Cruz, your—Steve?" natigilan si Ash at nagtatakang nakatingin kay Steve. May dala itong..."Coffee?" tanong ko habang nakatingin sa hawak nito. Napatingin din ako sa kape na nasa table ko."Ah yeah... Here," ibinaba nito ang kape sa table at natigilan dahil sa isa pang kape na nasa table ko. Tumingin ito kay Steve na nagtatagis na ang panga. Seryosong nakatingin ang mga ito sa isa't-isa na ipinagtaka ko. Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Amirah. Natigilan naman ito sa tagpo na kaniyang naabutan. "What's going on here? Harrison brothers?" nagtataka nitong tanong at naglakad palapit sa'kin. Nag-iwasan nang tingin ang dalawang lalaki. Samantalang natigilan naman si A sa dalawang kape na nakita."B, baka kabagan ka na d'yan at mag palpitate, dalawa agad ang kape mo.""Tss. Ewan ko sa'yo A. Ikaw in
▪Brianna Czes Pov▪“Are you ready Architect Tianson?” I asked my friend A.“Of course! Ikaw! Ready ka na bang bumalik Architect Dela Cruz?” she asked back.“Yeah... It's been four years. I think, four years is enough to heal.”“All right! Let's go!” masiglang sabi nito.Four years ago... Akala namin hindi na kami makakaalis. Mabuti na lamang at hindi kami napuruhan ng araw na 'yon noong maaksidente kami. Yeah, nasaktan lang kami pero nakontrol pa rin ni A ang manibela at ang preno. So galos lang. Thanks God! Ngayong araw ang plano namin na pagbalik sa Philippines. Four years na...tanggap ko na ang lahat. Nabuo ko na muli ang sarili ko na walang tulong ng kung sino pero may gabay ng kaibigan. Amirah never left me, she's been here for me until I'm fully healed.Isa kami sa mga architect sa isang kilalang company sa New York. At may pinatayo na kaming business sa Pilipinas habang nandito kami. Kaya pwede na kaming manatili sa Pilipinas dahil nandoon ang business naming dalawa. May kaus
“Magiging masaya ka na ba kapag pinirmahan ko 'yan? 'Yon ba talaga ang gusto mo?” Seryosong tanong ko kay Brianna pagtutukoy sa divorce paper.Dahil kung 'yon lang ang magpapasaya sa kan'ya, kahit may kirot na akong nararamdaman sa isipin na magdi-divorce na kami, gagawin ko. Maging masaya lang siya.“Oo... Sobrang laking kaginhawaan sa buhay ko ang pakawalan mo Steve. Dahil ayoko na talaga...pagod na pagod na ako sa'yo at sa buhay ko. Pero may isa akong kailangan bitiwan, at ikaw 'yon... Dahil malaki ang nagawa mong sira sa buhay ko. Walang kapatawaran ang mga ginawa mo sa'kin. Alam mo 'yon!” Ang marinig ang lahat ng ito sa kan'ya ay napakasakit pala talaga. Noon naman ay wala akong pakialam. Pero bakit ngayon apektado na ako ng sobra? Napapalunok na lamang ako habang nakatingin sa kan'ya.Wala akong ibang magagawa kung hindi ang pirmhan na lamang dahil ayaw ko nang saktan pa siya ulit. Dahil sobra-sobra na ang nagawa ko. Ayaw ko ng dagdagan pa.Tinitigan ko siya sa huling pagkakata
Nagsama kami sa iisang bahay, pero hindi ko hinayaan na magsama kami sa iisang kwarto. Hindi rin ako pumayag na may katulong, para mas pahirapan pa siya. Hindi ako pumayag na magtrabaho pa siya, dahil gusto ko siya ang gagawa ng gawain sa bahay. Kasama na ang pagsilbihan ako.Bumalik ako sa dating ako... Lagi akong umuuwi nang lasing. Araw-araw ko pa rin hinahanap si Nicole kahit alam kong wala na itong planong magpakita pa. Pagkakalabas ko ng office ay nadiretso ako sa bar para magpakalunod sa alak. Walang araw na hindi ako nag-iinom simula nang iwan na niya ako nang tuluyan. Araw-araw mainit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko si Brianna. Lalo na kapag nakikita siya ng mga babae ko. Oo, kahit kasal na ako ay kung sino-sino pa ang kasama ko. Tuluyan kong ibinalik kung ano ako noon bago ko makilala si Nicole. 'Yon ay ang pariwarang Steven Adam...Sa tuwing itatanong siya sa'kin ng mga babae ko ay itinatanggi ko na lamang. Ilang beses rin akong nagdadala ng babae sa bahay namin para mas