Bumalik ako sa sarili nang may humampas sa braso ko. Napahawak ako roon at natingin ko kay Scatlet nang magsalita siya. "Bakit ka nakangiti? Akala ko ba galit ka?" "Huh?" litong tanong ko. "Wala! D'yan ka na nga!" Nagmamaktol siyang lumabas at padabog pang isinarado ang pinto. "Scarlet!" Sinundan ko siya hanggang sa kama. Masama ang ipinukol niyang tingin nang lapitan ko siya. Ayaw ko nang maunahan niya akong kunin ang octopus stuff toy na ngayon ay nakangiti. Sa oras kasing baliktarin niya iyon at gawing galit ang itsura ng laruan ay 'di na ako makakalapit sa kanya. "Ako na lang, 'wag ng iba. Nandito naman ako." Umirap siya at umusog palayo sa akin. "Please, baby? 'Di ba sabi ko naman, ibibigay ko lahat sa 'yo," I beg. Not because I'm after sex but but because she's my brat that I am willing to spoil hanggang sa maubos ako. "Tama na. Magalit ka na lang kasi sa akin, Kyrous!" iritadong aniya at inirapan ako. Habang nakatingin sa malayo, nakanguso ang labi niya.Napabuntong hinin
"Thirty thousand seven hundred and ninety nine pesos in total, sir," saad ng babaeng cashier. Binunot ko ang wallet sa bulsa at naglabas ng credit card. Ibinigay ko iyon sa kanya at tumingin sa mga pinamiling ngayon ay ibinabalot na. Sumilay ang ngiti sa labi ko at hindi na makapaghintay na makita ni Scarlet ang mga iyon. "Sir, zero balance na po." Napatingin ako ulit sa cashier nang magsalita siya. Tinignan ko ang credit card machine na nsa harap at kunumot ang noo ko. "Try this," sagot ko at muling nagbigay ng ibang kulay na credit card. "Ten thousand na lang po ang laman nito, sir." Tinignan ko ang laman ng wallet, ang natirang tatlong card ay wala na ring laman dahil naubos na sa mga gastusin at luho ni Scarlet. Inilabas ko ang cash at binilang iyon. Twenty thousand lang. Damn, I run out of money! "Wait a minute. I'll just withdraw," paalam ko at nag-iwan ng ID. Kinuha ko ang cellphone mula sa loob ng coat at tinawagan si daddy. Gabi na roon sa kanila kaya alam kong hindi na
Nakangiti ako habang tulak ang cart na galing pa sa Mall. Isa-isa ko iyong ibinaba nang mabuksan ang pinto ng unit at hinintay ang isang staff ng Mall na sumama sa akin para tulungan akong i-biyahe ang malalaking gamit tulad ng crib, stroller at mga malalaking pambatang laruan. "Here's your tip. Thank you." Napangiti ang staff nang matanggap ang pera. "Salamat, sir!" aniya at nagpaalam. Isinarado ko ang pinto at binuksan naman ang sa kwarto kung nasaan si Scarlet. Naabutan ko siya sa upuang binili niya online. Malambot ang kutson n'on at foldable kaya napapahaba o napapahilig. May magkabilang arm rest at higit sa kahat, may massager. Nilapitan ko siya at nakitang nakapikit ito. Nakasandal ang ulo niya sa head rest ng upuan habang ang dalawang kamay ay nasa ibabaw ng tiyan niyang malaki na ang umbok. Lumuhod ako sa gilid niya at hinalikan ang tiyan niya. "Hi, baby!" bati ko rito at nakangiting hinaplos iyon. Sunod ay tumayo ako para halikan ang noo ni Scarlet. Nang gumalaw siya at
Kyrous' POVIt's earlier than I expected. Akala ko ay sa susunod na linggo pa ang ka-buwanan niya! Wala akong pinalampas na segundo para mapuntahan siya. Mabuti na lang pala ay na-rentahan ko ang kwarto sa kabilang unit. Kahit masakit sa bulsa, I rented some hospital equipments and hired medical personnels to be ready when this day comes. At dahil busy ako kaninang bumili ng cheese, di ko namalayang tumatawag na pala sa akin ang personal nurse na binayaran ko. Napamura ako dahil sa labis na kaba nang makapag-park. Dala ang isang plastic, tumakbo ako papasok sa Condo Hotel kung saan kami nakatira ni Scarlet. Mas nataranta ako nang sumara ang elevator at umangat na. Hindi pa ako nakasakay! Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa isa pang elevator na nakasara rin pati na sa hagdanan patungong taas. Parehas na matatagalan kung maghihintay ako at aakyat. Tumakbo ako at tinungo ang hagdan. Mas okay nang kumilos kaysa maghintay roon. Gusto kong nasa tabi ako ni Scarlet habang iniluluwal ang ana
Scarlet's POVNaalimpungatan ako ako na may nararamdamang sumusuklay sa buhok ko. "Yes, mom. They are with me right now."Nang marinig ang pamilyar na boses ni Kyrous ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakumpirma kong naroon pa rin ako sa kung saan ako dinala ni LJ kanina at inuluwal ang anak ko.Rumagasa ang kaba sa dibdib ko nang makita si Kyrous. Nakaupo ito sa gilid ko. Bumaba ang tingin ko sa sanggol na nasa tabi. Napaawang ang labi ko at hindi mapigilang tignan ang lalake. Nakangiti siya nang magtama ang paningin namin. "I'll call you later, mom, dad," pagtapos niya sa usapan bago hinawakan ang kamay ko. "Scarlet, baby..." tawag niya sa akin.Kita ko ang tuwa sa mga mata at ngiti niya. Pero kasalungat ang nararamdaman ko. Pumatak ang luha ko nang makita sa malapitan ang katabi. Nakabalot siya sa puting tela, nakabihis na rin. May medyas, guwantes at bonnet ito. Ang cute-cute niya! Gusto ko siyang alagaan."K-kyrous, kukunin mo na ba siya?" 'di ko maiwasan ang pait s
"May gusto ka bang pagkain para sa dinner mamaya, Scarlet?"Nilingon ko si Kyrous. Prente siyang nakaupo habang nakaharap sa laptop. Nakasandal sa dibdib niya si Cara na nasa baby carrier. Pinagsasabay niya kasi ang trabaho at pagpapatulog sa anak."Kahit ano na," sagot ko at muling tinignan ang iPad. Bumalik na kasi ako sa pag-aaral dahil kaunting buwan na lang ay makakabalik na ako sa Academy. Mula sa gilid ng mga mata ko, kita kong tumayo siya at inilagay sa crib si Cara. "Sleepwell, baby," rinig kong bulong ni Kyrous. Ilang saglit pa'y lumabas siya kaya tinignan ko ang anak na nagsimula na namang umiyak. Simula no'ng iniluwal ko siya hanggang ngayon, hindi ko pa siya naalagaan. Palaging si Kyrous kahit busy siya at ako, walang ginagawa. Natatakot kasi ako. Baka 'di ko na sila kayang pakawalan. Gusto ko kasing unahin ang pangarap ko kaysa sa pamilya namin. Tutal, nandyan naman na si Kyrous para alagaan ang anak.Nang lumakas ang pag-iyak niya ay unti-unti akong umalis sa kama par
Scarlet's POV"You don't even know how to cook," matabang na pagpaparinig ng mama ni Kyrous sa akin habang tinitignan ko ang pagkakasunod-sunod ng pagluluto gamit ang cellphone. Nagpresinta ako para makapagpahinga naman si Kyrous at gusto kong patunayan ang sarili ko sa mama niya. Pero, ito pa ang sasabihin niya."Marunong naman po, ma'am. Palagi lang kasi akong ini-spoil ni Kyrous dati kaya hindi ko na masyadong tanda kung paano magluto," mahinahong pagki-kwento ko sa kanya at ibinaba ang gadget para hinihintayin ang pagkulo ng manok sa lutuan."So, you're now admitting you're after his wealth? And how dare you make him your sugar daddy?!" bakas ang gigil sa boses niya at napainom ng malamig na tubig na nakahanda sa harapan niya. "You're too low compared to Serenity." Natahimik ako ng banggitin niya si ate. "She's your sister, right? You must know that she's way better than you in everything," dagdag pa nito. Kumilos ako para tignan ang niluluto. Pagbalik, doon ako pa lang ako suma
Doon ako nagsimulang maging mapalapit sa kanilang dalawa. Pero dahil pasukan na ulit, nabawasan na naman ang oras ko para makasama sila. Tatlong beses na mas busy ang schedule ko kumpara sa dati dahil madami akong kailangang habulin. Nagsisisi tuloy akong hindi pinansin ang mag-ama ng tatlong buwan."May anak na raw si Sir Kyrous!" Isang araw habang sakay ng elevator ay narinig ko iyon sa katabing babae. Napatingin din sila ng kasama niya sa akin at muling nagbulungan na para bang 'di ko sila mariririnig kahit nasa magkabilang dulo kami."Oh, 'di ba siya 'yong girlfriend ni sir dati na nag-drop?""Hala! Baka siya 'yung nabuntis ni sir!" palakas nang palakas ang boses nila. Nag-iwas ako ng tingin at binalewala ang opinyon nila. Nang makarating sa pangalawang palapag kung nasaan ang First Aid Station ay hinanap ko ang room number ko. Kabado ako habang naghihintay sa instructor. Ang labing isa ko pang kasama sa kwarto ay gano'n din. Wala akong mamukhaan sa kanila mini isa. Ang dalawa p