Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay Biyernes na. Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at sinabing mamayang alas siyete na ulit magkita-kita. As usual, sabay kaming umuwi ni LJ sa bahay ni Kyrous. Kaagad akong nag-ayos at nagbihis. Nilantad ko na rin ang may kulay kong buhok ko binagay ko sa kulay pink kong two-piece dress. Sa pang-itaas, tube ang disenyo nito. Umabot naman ang dulo ng skirt sa gitnang bahagi ng hita ko."You looks cool in your hair," manghang komento ni LJ nang makababa ako. Ngumisi ako dahil pinupuri na niya ngayon ang dating nilalalait niya at gusto agad palitan. "Sabi sayo, e!" Dumirteso kami sa condo niya pagkatapos. Nakahanda na ang mga disenyo roon. Napangiti ako nang makita ang nakakahilong party lights at marinig ang malakas na tugtog. Nakaka-miss mag-party! Sumama ako sa kwarto ni LJ at umupo sa kulay abong kama niya habang pinapanood siyang mag-ayos. Pormal na pormal ang itsura nito dahil sa coat at tie na suot. Halatang pinaghan
Someone's POV My hand turned into a fist as I saw how that freaking jerk kiss that bitch. May iniwang camera sina Rave sa kwarto ni LJ at ngayon, napapanood namin kung ano ang ginagawa nila. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil walang audio iyon dahil hindi ko maririnig ang ungol nila kapag nagtagal sila roon. Nang hindi ko na natiis ay umalis na ako sa pwesto namin at pumuntang dining room para uminom ng tubig. Damn that jerk! Akala ko pa naman ay gentleman. At isa pa 'yong Scarlet na iyon. Napakalandi talaga kahit kailan! Padabog kong ibinagsak ang nabasaging baso. Wala akong pakialam kung mabasag iyon. Akmang lalabas na ako nang may mapansing umiilaw. Nilapitan ko iyon at nakita ang mamahaling brand ng cellphone. May tumatawag rito at gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko nang mabasa kung sino. "Kyrous? Si Sir Kyrous ba 'to?" kuryosong tanong ko at sinagot iyon. Itinapat ko iyon sa tenga ko at pinakinggan ang kabilang linya. "Scarlet, finally!" Tumaas ang balahibo ko sa bato
"Nalabas na 'yong baho mo. Kaya enjoy-in mo na ang huling araw mo rito!" sagot nito na sinundan ng pagsang-ayon ng iba. "May issue ka?" kuryosong tanong ni Rave sa akin. "Hindi ko alam," iyon lang ang naisagot ko. "Baka may scandal kang lumabas, Scarlet. Nako!" saad ni Khan. Scandal? Bigla akong napalunok. "Scarlet, totoo ba 'to?" Hinarap ni Zhai ang cellphone niya sa akin. Doon, nakita ko ang isang facebook post na may kasamang pictures at video. Kinuha ko iyon para makita ng mabuti. Nalaglag ang panga ko nang makita ang screenshot ng mga convo namin ni Kyrous. Naroon din ang video na ipinadala ko via Telegram. Iyong inakit ko siya para gantihan. "Shit!" napamura ako at agad na kinuha ang cellphone ko. Sigurado ako, may nangialam nito. "So, totoo nga, Scarlet?!" Halos mapatalon ako sa gulat nang sumigaw si Zhai. "Kaya pala, unang quiz pa lang, may source ka na. Galing pala kay sir! Lahat ng pandaraya mo, galing sa kalandian mo!" Tumulo ang luha ko nang lumapit sa amin si Lyn
Umangat ang kilay ni Anastacia at lumunok bago sumagot. "I don't, but, I know you gave it to her. Only the two of you knows what happened in your office, before the quiz happened. Or maybe, we can check the footage of your CCTV." "What if I won't allow that?" "See, Dean! Baka po kasi may mas malala pa silang ginawa. Ang landi pa naman niyang si Scarlet! Tignan niyo po 'yong video sa post ko, Dean. Gano'n siya kawalang-hiya." Ngumisi ako sa kabila ng kaba at pumalakpak. "Wow? Nahiya naman ako sa 'yo, Anastacia. Siguro binigyan mo ulit si Rave ng blowjob para malaman ang password ng cellphone ko, 'no? Kaya, nakita mo ang laman? O baka mas malala pa ang binigay mo." "How dare you?! Hindi ko 'yon ginawa kasi hindi ako kasing-cheap mo!" "Ah! Ayaw mo talagang marumihan ang pangalan mo, 'no? Pero, bakit ikaw, tuwang-tuwa kang nasisira 'yong pangalan ng ibang tao." "Because you deserve it!" Sa isang iglap ay nasa harap ko na siya. Napadaing ako nang sabunutan niya ang buhok ko. Agad ko
Kyrous's POV Tangina, ang sakit ng katawan ko! Gusto kong sumandal para makapagpahinga pero kumikirot ang mga sugat sa likod ko. Wala tuloy akong magawa kun'di ang matulog ng nakatagilid. Papikit na ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino iyon nang marinig ang yabag ng takong niya. "Son, have you take your med?" Tumango na lang ako kahit hindi naman talaga. Hindi pa nga ako nagpapatingin sa doctor! Bwiset kasi 'yong kapatid ko. Atat lumipad papunta rito!"I want to rest, mom," pagod na wika ko at ipinikit na ang nga mata. "Alright. I just come to check on you. Goodnight!" Tuluyan akong nakapagpahinga nang umalis siya. Kaso, saglit lang. Bigla kasing tumunog ang phone ko. Pinatay ko iyon at nang makita kung sino ang tumawag. Ayaw ko munang makausap si Scarlet. Pakiramdam ko ay mas manghihina ako lalo. Kanina nga ay nag-iinarte na siya kay Cleverio. Kapag nakausap niya ako, paniguradong mas lalala ang drama niya. "Good morning, baby boys!"
Binalewala ko ang tanong at muling napatingin sa orasan. Nauuna ang Pilipinas ng thirteen hours. Kung tama ang pagkalkula ko sa oras ng alis namin bukas, makakarating kami sa Pilipinas ng ala-una. Tangina, nasa biyahe ako kapag sinend ang e-mail! Baka hindi ko maabutan. Shit! Kailangan na naming umalis ngayon. Tinakbo ko ang kwarto ni kuya at kinatok ito ng maraming beses. Nang pagbuksan niya ako ay iritado ang mukha nito. "What?!" "We need to leave now! Come on, put your things onㅡ" "I already did last night," pagputol niya sa akin. Tumango ako at tinapik ang balikat niya. "Good! Book our flight now. Mag-iimpake na rin ako!" utos ko rito kahit labag sa kalooban niya. Habang nag-iimpake ay tinawagan ko si mom at nagdahilang may emergency sa LDIAA kaya kailangan na ako roon. Alam kong makakarating sa kanila ang pagsisinungaling ko pero ang mahalaga ay makauwi na ako. Tsaka na ako hihingi ng tawad. Kailangan ko na talagang makita si Serenity!"What's with the rush?" tanong ng kapat
Scarlet's POV"You really cut and dye your hair?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyrous matapos alisin ang pagkapusod nito. Hinaplos niya iyon at pinalandas sa mahahabang daliri niya. Napanguso ako at hinuli ang kamay niya. "Sorry. Hindi ko kasi binasa noon 'yong rule book kaya heto. Ganito kasi kami dati ni Danna no'ng hindi pa ako nag-aaral dito," malambing na paliwanag ko. "It's okay." Binitawan niya ang kamay ko at ngumiti ng kaunti. "Maganda, bagay rin sa 'yo 'yan." Nanlaki ang mga mata ko at napangiti rin. "Talaga? Thank you!" Inipit ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko. "But, that should be temporary. Ayos lang ang kulay brown. Basta 'wag 'yang mga ganyan," paliwanag niya, tumango lang ako at iniba ang usapan. "By the way, Kyrous. Nakita mo na si... ate?" Napakagat labi ako nang maramdaman ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ko. "Yes, kaninang madaling araw. Pinuntahan ko muna siya bago ako bumalik sa 'yo." "S-sa akin?" kunot-noong tanong ko. Tumango ito at
Tumango ako at mahigpit na napakapit sa bag na nasa kandungan. "Kyrous, p'wedeng... pa-hug? For the last time," nag-aalangang tanong ko nang makalas ang seatbelt. Hindi siya gumalaw kaya ako na ang lumapit para yakpin siya. Uminit ang gilid ng mga mata ko nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Niyakap niya ako pabalik. Gusto kong doon na lang ako sa braso niya, pero, hindi na p'wede. Tumulo ang luha ko nang maramdaman ang halik niya sa noo ko. "I'm sorry for everything," bulong niya bago ako pinakawalan. "S-sorry rin," sagot ko at pinunasan ang pisngi. Inayos ko ang sarili bago tuluyang bumaba sa kotse niya. Hindi na ako nagpaalam. Kumapit ako sa bag nang makatapat sa gate namin. Ilang taon na ang lumipas pero gano'n pa rin ang bahay namin. Kumatok ako sa gate at hindi nagsalita nang marinig ang boses ni ate. "Sino 'yan?" Kasunod ay ang pagbukas ng gate. Kapwa napaawang ang labi namin nang makita ang isa't-isa. "Scarlet!" Mabilis siyang dumalo sa akin at niyakap ako ng mah