“Pero ingatan mo rin ang sarili mo, okay? Kung gusto mong alagaan si Lance, dapat malakas ka both physically and emotionally,” payo pa niya. Ako naman ang tumango ngayon sa kaniya.“Sige, aalis na kami. Kumain ka rin sa tamang oras,” dagdag paalala ni Terrence. Akmang yayakap din siya sa akin pero mabilis na humarang si Darwin na pareho naming ikinagulat. Pero tinawanan na lamang iyon ni Terrence at lumakad na paalis kasama si Leah. Kumaway pa sila sa amin kaya ngumiti na lang ako pabalik.Nang wala na sila sa paningin namin ay hinarap ko si Darwin.“Bakit ang sungit mo yata lalo ngayon? Ilang araw ka nang bad mood, ah!” paninita ko sa kaniya. Paiwas itong umirap.“Eh, bakit nagpapahawak ka sa lalaking iyon?” maangas na tanong niya. Napamaang ako habang hinuhuli ang mga mata niyang mailap at ayaw tumingin sa akin ng diretso.“He was just concerned about me. Wala naman sigurong masama roon kasi magkaibigan naman kami ni Terrence,” may inis na sagot ko. Dahil sa tono ko ay napilitan siy
Nasa ganitong eksena kami nang dumating si Tita Angela. Napasinghap siya nang makitang gising na si Lance at kinakausap na ng doktor. Kasunod lang din niya si Darwin na bumili pala ng pagkain kaya hindi ko agad nakita kaninang magising ako.“Kumusta siya, hija?” naluluhang tanong ni Tita Angela. Si Darwin naman ay seryoso lamang na nakatingin sa kapatid.“Hindi ko pa po alam, Tita. Pero mukhang okay naman po siya dahil nakaka-usap naman po nila nang maayos. Nagawa rin po niya iyong mga iniutos ng doktor na gawin niya kanina,” may ngiting tugon ko.“Salamat sa Diyos at nagising na rin siya!” emosyonal na pahayag ni Tita Angela. Tumango naman ako at muling pinahid ang mga luhang dumaloy mula sa aking mga mata.Ilang sandali pa ay humarap na sa amin ang doktor at mga kasama niya.“Mrs. Dominguez, I think your son is recovering just fine. Nag-seizure siya kanina pero stable naman ang lahat ng vitals niya. Wala rin kaming nakitang problema sa kaniyang post-surgery activity. Puwede ni’yo na
“Okay ka lang?” concerned na tanong ni Darwin. At dahil doon ay hindi ko na napigilan ang maiyak. Mahigit isang buwan kong hinintay na magkamalay si Lance. Tapos paggising niya ay hindi man lang niya ako maalala. Ang sakit-sakit at maging ang lalamunan ko ay tila may apoy na bumabara. “Ang sakit pala kapag ma-experience ang gano’n. Sa TV ko lang nakikita ang mga ganiyan, pero ngayong naranasan ko na mismo para akong pinapatay,” humahagulgol na sabi ko. Ni hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko. “Huwag mo na munang isipin iyon. Sabi naman ni Dok, normal lang daw iyon, ‘di ba? Malay mo mamayang paggising niya makilala ka na niya ulit,” pang-aalo niya sa akin. Bahagyang humina ang pag-iyak ko at tiningnan siya. “Paano kung hindi?” parang batang tanong ko. “So, susuko ka na?” tila nanghahamong tanong niya. Pero agad akong umiling at pinahid ang mga luha ko. “Hindi. Marami na kaming pinagdaanan ni Lance. Kaya kahit ano’ng mangyari hindi
“Lance… hindi mo ba talaga ako naaalala?” halos pumiyok nang tanong ko. Muli akong napalunok upang pigilan ang sariling maiyak dahil bahagya na ring nanginig ang mga labi ko. Gusto kong maging matapang sa kabila nang paghilab ng dibdib ko dahil sa malamig na trato niya sa akin.“Makulit ka rin talaga, eh, ano? Ilang beses ko nang sinagot iyang tanong mo! Ikaw lang itong hindi makaintindi dahil ipinipilit mo ang sarili mo sa akin! Bakit? Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na ako?” nang-iinsultong tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa ang maiyak.“Lance, buntis ako…” umiiyak kong sambit. “Miss na miss na kita…” pagpapatuloy ko pa. Pero hindi nagbago ang malamig na tingin nito sa akin. Dahil doon ay lalo akong napahikbi sa sobrang sakit na dinaranas ng puso ko. Para itong patuloy na dinudurog at tinatapakan pa nang paulit-ulit.“Ah… iyon naman pala! Buntis ka rin at gusto mong ipaako sa akin?” nagulat ako nang pagak siyang
Tumikhim si Darwin na umagaw sa atensiyon ng dalawa. Si Lance lang ang lumingon habang si Hailey ay patuloy lang sa paghalik sa kaniya. Pinigil niya ito at kunot’noong tumingin sa akin.“Ano na namang ginagawa ng babaeng iyan dito?” mataray na tanong ni Hailey. Pero hindi ko siya tiningnan dahil nanatiling nakapako ang paningin ko kay Lance.Inilabas ko ang kaheta mula sa bag ko at walang imik na lumapit sa kinanaroroonan niya.“Huwag kayong mag-aalala, hindi ko kayo guguluhin. Pasensya na sa abala,” buong katatagan kong saad kahit parang sinusuntok ang puso ko sa sakit.“Kung gano’n, bakit ka nandito?” malamig na tanong ni Lance.Iniabot ko sa kaniya ang kaheta at may pagtataka niya iyong tiningnan.“Ibabalik ko lang ito, sa iyo. Nakalimutan kong ibigay noong huling palayasin mo ako rito,” walang-buhay na sabi ko. Inabot naman niya iyon kaya agad na akong tumalikod upang lumabas.“Sana nga hindi na kita makitang muli,” nanunuyang saad ni Lance. Napapikit ako at marahang pinagdikit an
Dahil sa nangyari sa nagdaang gabi ay halos hindi ako nakatulog. Bigla-bigla na lang akong nagugulat at kinakabahan. Kahit konting ingay lang ay madali akong naaalimpungatan mula sa pagkakaidlip ko. Kaya hanggang ngayon, kahit mag-aalas- nuwebe na ay naririto pa rin ako sa kuwarto at tulala. Naagaw lang ang atensiyon ko nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. “Ate, gising ka na daw ba? Tinatawag ka na nina Mommy at Daddy. Kumain ka na raw po!” narinig kong tawag sa akin ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim at napilitang bumangon na rin. “Oo, sige. Pakisabi susunod na ako,” sagot ko. Pilit kong pinasisigla ang boses ko para hindi siya makahalata. Naligo ako at nagbihis bago lumabas ng silid ko. Naabutan ko sa sala sina Mommy at Daddy. Seryoso ang pag-uusap ng dalawa kaya hindi nila napansin ang paglapit ko. “Mom, Dad, good morning po!” bati ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin at ngumiti. “Anak, tinanghali ka, ah? Hindi ka rin kumain kagabi. Akala ko nga ay may s
“Hindi mo naman kasalanan iyon dahil may sakit ka. Kaya naiintindihan ko kung hindi ka naniniwala sa ak–” “I never lost my memory, or any memory at all!” naagaw ang atensiyon ko at napatunganga ako sa pagputol niya sa pagsasalita ko. “What?” naguguluhang tanong ko. “I was just pretending that time,” mababa ang boses na pag-amin niya. Doon na tuluyang umawang ang bibig ko. Para bang sa isang segundo lang pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Ang kalituhan ko ay biglang napalitan ng galit at paghihinakit. Matalim ko siyang tiningnan at doon ko napansin ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng kaniyang Adam’s apple. “Why?” may diin at nagtatagis ang mga ngiping tanong ko. Kagyat na nanubig ang mga mata ko dahil isa-isang nagbalik sa isip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Ang mga pang-iinsultong halos pumatay na sa akin at dumurog sa lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa pag-ibig at mga p
“Lance, ano ba kasing klaseng buhay ito? Mabuti nga at ‘yang braso lang ang tinamaan sa iyo. Paano kung sa susunod ang ulo mo na o iyong parte ng katawan mo na pwede mong ikamatay?!” may pag-aalalang panunumbat ko. Nasubukan ko nang maranasan ang mapaulanan ng bala at pasabugan pa ang sinasakyan. Doon ko rin nakita kung gaano kagaling makipagbarilan ni Lance. Maliksi siya at sigurado ang bawat kilos nito. Pero kasabay din noon ang katotohanang napakadelikado ng mga ganoong sitwasiyon. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit. Noong una ay nalito ako kung ano ang gagawin pero parang kusa namang umangat ang mga kamay ko para tugunin ang yakap niya. “I’m very sorry for putting you in danger, Farah. Akala ko, matatapos ko ang lahat ng ito bago ko maipagtapat sa iyo na hindi totoong nakalimutan kita. Pero sakim si Darwin. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapatay. At natatakot ako dahil pati ikaw ay gusto niyang idamay,” madamdaming saa
Farah’s POVHindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa matinding pag-aalala kay Lance. Mula noong umalis ito kahapon ay hindi pa ito bumabalik at hindi ko rin naman siya makontak. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero hindi ko naman ito mapigilan dahil hindi mawala-wala ang matinding kaba sa dibdib ko.Lumipas pa ang buong maghapon ay wala pa rin akong anumang balita mula kay Lance. Kahit ano pang pangungulit ko sa mga naiwan niyang tauhan dito ay ayaw naman nilang magsalita. Ni hindi nga rin ako makakain ng maayos dahil sa matinding pag-aalala.“Ma’am, magandang gabi po, gusto daw po kayong makausap ng tauhan ni Sir,” tawag-pansin sa akin ni Butler Jimmy. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.“Nasaan po siya?” may pagmamadaling tanong ko. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil baka may balita na ito tungkol kay Lance.“Naroroon po sa sala, Ma’am,” magalang na tugon ni Jimmy. Mabilis akong tumango at nagpaalam na sa kaniya para puntahan ang sinasabi niyang naghihintay sa akin.
“Bakit? Bakit mo iyon nagawa kay Papa? Alam mo bang nag-aagaw buhay si Mama Angela sa ospital ngayon? Dahil hindi siya makapaniwalang ang batang minahal at inalagaan niya ay hindi pala tao kun‘di isang demonyo!” malakas kong sigaw sa kaniya. Pero ipinagpatuloy lang niya ang pagtungga ng alak mula sa boteng hawak niya. “Bakit? Dahil epal ka! Lahat na lang, gusto mo sa iyo! Lahat na lang, dapat ikaw ang bida! Pero okay na sana, eh. Okay na sana kung kahit konti may inilaan si Papa para sa akin. Ako ang nasa tabi niya sa lahat ng oras, habang ikaw, nagpapakakasarap sa buhay mo. Maging ang pagpasok niya sa illegal na negosyo at sindikato, sinuportahan ko. Pero ano ang ending? Lahat ng kayamanan, pera at posisyon niya, sa iyo lang pala niya iiwan! Ulol ba siya? Ako ang pinahirapan niya tapos lahat ng pakinabang sa iyo mapupunta? Hell, no!” parang nahihibang na sabi niya. Para siyang wala sa sariling katinuan habang nagsasalita. “Papatay ka dahil lang sa pera? Napaka
The next day, I spent almost the whole day sleeping and whining about my whole body being sore. Kinailangan ko pang uminom ng gamot para lang kahit papaano ay maibsan ang pananakit ng buong katawan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa baby ko. “Sorry, baby, na-diet kasi nang husto si Daddy, kaya iyon ayaw paawat!” hinging paumanhin ko sa anak ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Madilim na sa labas at katatapos ko pa lamang maligo. Ilang beses akong napapangiwi habang nagsasabon at nagbabanlaw kanina dahil sa hapdi ng pagkababae ko. Parang namamaga na nga yata iyon at maging ang pag-ihi ay isang malaking pagsubok! Napaangat ako ng paningin nang biglang bumukas nag pintuan ng kuwarto. Inaasahan kong si Lance ang papasok pero bumagsak ang balikat ko nang dalawang katulong na parehong may dalang tray ng pagkain at mga prutas ang pumasok. “Nasaan ang Sir ni’yo?” nakangiting tanong ko nang maupo na ako sa harap ng mga nakahaing pagkain. “Um
“Ha? Bakit? May nangyari ba sa kanila?” nahihintakutang tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan sa ibinalita niya sa akin. “Nagsiguro lang ako dahil alam ko kung gaano na kadesperado si Darwin na mahanap ka. At alam kong ikaw ang gagamitin niya para mapasunod ako sa anumang iba pang binabalak niya. Kaya inunahan ko na siya bago pa niya maidamay ang pamilya mo. Kahit ang mga kaibigan mo ay pinababantayan ko na rin. Konting-konti na lang ay mahuhuli na rin namin ang hayop na iyon!” asar na tukoy ni Lance kay Darwin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. “Salamat, Lance. Salamat at hindi mo sila pinabayaan.” “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako pa nga ang dapat humingi ng dispensa dahil nadadamay kayo sa gulo ng pamilya ko,” may lungkot niyang sabi. “Hindi ka nag-iisa, Lance. Nandito lang ako. Magkasama nating harapin ang lahat ng problema,” sinserong sambit ko sa kaniya. “Hirap ka ba sa paglilihi? O kaya ay may mga gusto ka