“Hey, baby, what’s wrong?” nag-aalalang tanong ni Lance. Maingat pa siyang humawak sa braso ko pero mabilis ko iyong binawi. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya. “Uuwi na ako!” matatag kong sabi. Konting-konti na lang ay maiiyak na naman ako kaya kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito. “Ano ba’ng problema? May masakit ba sa iyo? Sumama ba ang pakiramdam mo? Bakit biglang gusto mong umalis?” puno ng pag-aalala ang boses niya kaya napapikit ako. Kasama ba ito lahat sa pagpapanggap niya? Ang galing naman niyang umarte?! “Bitiwan mo ako, Lance. Gusto ko nang umuwi!” pagmamatigas ko. Ngayon nga ay napuno na ng luha ang mga mata ko at kusa nang bumuhos ang mga luha ko. Dahil ayaw kong humarap sa kaniya ay siya na ang nagpunta sa harapan ko. Doon pa lamang tumabi iyong mga tauhan niyang nakaharang sa harapan ko. “Umiiyak ka? Why? Bakit ka umiiyak? Farah, ano’ng nangyayari?” kahit puno ng pagsuyo at pag-aalala ang tanong niya ay tiningnan ko lang siya ng masama. “Manloloko ka!” hindi ko
“Natatakot ako, Lance. Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa iyo,” napilitan na akong umamin at muling naiyak. Agad naman niya akong dinaluhan at niyakap ng mahigpit.“Walang masamang mangyayari sa akin, okay? Nag-iingat ako. At isa pa, nagdagdag na rin ako ng mga tauhan na nakapaligid sa akin. Plus, nakita mo naman kung gaano ako kagaling sa pakikipaglaban, ‘di ba? Partida pa nga kagabi kasi–”Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil bigla akong naeskandalo sa gusto niyang sabihin.“Tumigil ka na! Dadaanin mo na naman ako sa mga biro mo. Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo!” asik ko. Mahina naman siyang natawa at muli akong niyakap.“I’m just saying that you have nothing be worried about. I can take care of myself,” paniniguro pa niya. Bumuntong-hininga ako at yumakap na rin sa kaniya. Nagkatawanan pa kami nang biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko. Gutom na nga kasi ako kanina pa, kaya lang nawalan nga ako ng gana dahil sa narinig ko.“Narinig ko rin na magkikita kayo b
“Do you really have to work?” malambing na tanong niya habang nasa biyahe na kami pauwi,” tiningnan ko siya at saka ibinaba ang kamay kong may hawak na cellphone. Nag-reply kasi ako sa message ni Leah kanina.“Bakit mo natanong?” pero sa halip na sagutin ako ay bigla na lang siyang nanghahalik sa leeg. Kaya napalingon ako sa driver niya, na nasa daan lang naman ang atensiyon.“Lance!” mahinang saway ko sa kaniya saka hinawakan ang mukha niya para bahagyang ilayo sa akin.“Stop working please. Wala ka ng time sa akin. Ako na lang magbibigay ng pera sa iyo pagkatapos ako na lang atupagin mo!” mapanghibong sabi niya saka akmang muling hahalikan ako pero pinigilan ko siya.“At anong palagay mo sa akin, pokpok? Bibigyan mo ako ng pera kapalit ng aliw?” pabiro lang iyong pagkakasabi ko pero dumilim ang mukha niya at saka dumiretso ng upo. Napagdikit ko tuloy ang mga labi ko dahil bigla akong kinabahan. Sumungit kasi iyong awra niya at nahaluan ng lambong ang mga mata niya.“Kailan ka pa nat
“Good! So, wala naman palang magiging problema,” sabi niya. Napahinto ako sa pagbubuklat at napatingin sa kaniya. “Bakit ano’ng problema?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. Pero umiling siya at ngumiti sa akin. “Nothing. I want you to drive one of those three. I will be driving one and I will ask the other bodyguards to drive the third one. Alin doon ang gusto mong i-drive?” sagot niya. Pagkatapos ay nagtanong sa huli. Saglit akong napaisip. Alin ba roon? “Hmm, iyong Porsche na lang. At least mas feminine ng konti tingnan,” nakangiting sagot ko at itinuloy ang pagba-browse sa magazine na hawak ko. Halos mahigit isang oras ang itinagal namin doon bago umalis. Gaya nang napag-usapan, ako ang magda-drive ng Porsche. Hindi ko alam kung bakit matinding excitement ang nararamdaman ko. Ilang taon din kasi akong hindi nakapag-drive kaya siguro gano’n na lang ang saya ko. May konting kaba pero mas matimbang talaga iyong tuwa. Nasa pinaka-una iyong bodyguard niyang nagda-drive ng Sedan, tap
Naging sobrang saya ng mga sumunod na araw at linggo. Kahit may sarili na ulit akong mga sasakyan, mas madalas pa rin na sinusundo at inihahatid ako ni Lance. Saka lang niya iyon hindi nagagawa kapag talagang busy siya o kaya ay nasa business trips. Simula rin noon ay hindi ko na nakita pang muli si Hailey. Para sa akin naman ay tama lang iyon. Sabi ni Lance ay nagkausap na sila at nagkalinawan na at talagang hindi na sila babalik sa dati bagkus ay mananatili na lang bilang matalik na magkaibigan. “Oh, wala ka yatang sundo ngayon?” tanong ni Leah nang maabutan akong mag-isa sa parking lot at nakasimangot nakatitig sa kawalan. “Bigla raw kasing may emergency sa opisina si Lance. Hindi pa naman ako nakapagdala ng sasakyan. Halika, sabay na tayong umuwi,” anyaya ko sa kaniya pagkatapos sagutin ang tanong niya. “Ahh… o sige, halika na!” pero nakakailang hakbang pa lang kami ay may tumawag sa pangalan ko. Kahit hindi ko tingnan ay kilala ko kung sino iyon, pero pinili ko pa ring linguni
Humarap ako sa salamin at nanlumo sa nakita. Mapulang-mapula at namamaga ang mga mata ko. Pati ilong ko ay parang hinog na kamatis. Hindi ako puwedeng lumabas ng ganito dahil siguradong magtataka sina mommy. Magpanggap na lang kaya akong natutulog na? “Sweetheart, I know you’re awake. Please open the door and talk to me,” napasinghap ako sa sumunod na narinig. Nasa labas na ng pintuan si Lance. May pag-aatubili man ay dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Matagal ko pang tinitigan ang doorknob bago bumuntong-hininga. Sa huli ay pinihit ko iyon pabukas pagkatapos ma-unlock. “Tuloy ka,” nakayuko kong sabi. Bahagya ko lang binuksan ang pintuan at iyong sakto lang na makapapasok siya. Alam kong nagtataka siya pero gayunpaman ay pumasok na rin siya. Sinabihan pa niya ang kapatid ko na siya na raw ang bahala. “Baby, what’s wrong? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? May problema ba? Nagtatampo ka ba dahil biglaan kitang hindi nasundo? There was really an emergency in the office, ear
“That’s right, baby. Panganay na kapatid ni Papa si Tito Norberto at maliban kay Kiara ay may dalawa pa kaming lalaking pinsan sa kanila,” dagdag pa ni Lance. Pagkatapos ay bumaling muli sa kapatid. “Para saan naman daw niya gagamitin ang pera at sa iyo pa tumawag?” tanong niya rito.“Well, she just said that she’s in an emergency situation, right now that’s why she needed the money,” kibit-balikat na sagot naman ni Darwin.“Eh, ano’ng ginagawa ng asawa niya? Sander is filthy rich and fifty million is nothing to him,” simpleng sagot ni Lance.“Balita ko, hindi naman daw yata totoong nagsasama ang dalawang iyon. I’m not really sure but maybe their relationship is on the rock,” sabi pa ni Darwin. Nakikinig lang ako dahil hindi naman ako nakaka-relate sa pinag-uusapan nila. Pero siyempre, kilala ko si Vice-president Sander. Maliban sa matalino ay napakguwapo pa no’n. Kaya nga, maraming babae ang nababaliw sa kaniya.“Eh, sina Tito at Tita, bakit hindi niya lapitan?” kunot-noong tanong ni
“Puwede ka na bang makausap? Kumusta na ang pakiramdam mo?” banayad na tanong niya sa akin. Ibinaba ko sa lamesang nasa gilid ang baso saka tumingin sa kaniya. “Mas mabuti na po kaysa kanina,” sagot ko. “Sabi mo nasusuka ka. Ngayon ba’y naususuka ka pa rin?” marahang tanong pa niya. Tumango lang ako. “Opo. Pero hindi naman iyong talagang susuka na. Iyong pakiramdam lang po na nasusuka, gano’n,” paliwanag ko. Tumango-tango siya saka tumitig sa akin ng ilang sandali. “Gusto ko lang malaman mo, na kahit anupaman ang ma-discover nating kalagayan mo, mananatili iyong confidential kaya huwag kang matakot magsabi,” mahinahong sabi niya. Ako naman ay napakunot ang noo dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Bakit po? May sakit po ba ako?” naguguluhang tanong ko. “Wala naman akong nakikitang sakit mo kasi pati BP mo ay normal naman. Tapos sabi mo ngayon mo lang ito naramdaman. Hindi ka rin naman puyat o sobrang pagod para makaramdam ng matinding pagkahilo at nasusuka ngayon
Farah’s POVHindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa matinding pag-aalala kay Lance. Mula noong umalis ito kahapon ay hindi pa ito bumabalik at hindi ko rin naman siya makontak. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero hindi ko naman ito mapigilan dahil hindi mawala-wala ang matinding kaba sa dibdib ko.Lumipas pa ang buong maghapon ay wala pa rin akong anumang balita mula kay Lance. Kahit ano pang pangungulit ko sa mga naiwan niyang tauhan dito ay ayaw naman nilang magsalita. Ni hindi nga rin ako makakain ng maayos dahil sa matinding pag-aalala.“Ma’am, magandang gabi po, gusto daw po kayong makausap ng tauhan ni Sir,” tawag-pansin sa akin ni Butler Jimmy. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.“Nasaan po siya?” may pagmamadaling tanong ko. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil baka may balita na ito tungkol kay Lance.“Naroroon po sa sala, Ma’am,” magalang na tugon ni Jimmy. Mabilis akong tumango at nagpaalam na sa kaniya para puntahan ang sinasabi niyang naghihintay sa akin.
“Bakit? Bakit mo iyon nagawa kay Papa? Alam mo bang nag-aagaw buhay si Mama Angela sa ospital ngayon? Dahil hindi siya makapaniwalang ang batang minahal at inalagaan niya ay hindi pala tao kun‘di isang demonyo!” malakas kong sigaw sa kaniya. Pero ipinagpatuloy lang niya ang pagtungga ng alak mula sa boteng hawak niya. “Bakit? Dahil epal ka! Lahat na lang, gusto mo sa iyo! Lahat na lang, dapat ikaw ang bida! Pero okay na sana, eh. Okay na sana kung kahit konti may inilaan si Papa para sa akin. Ako ang nasa tabi niya sa lahat ng oras, habang ikaw, nagpapakakasarap sa buhay mo. Maging ang pagpasok niya sa illegal na negosyo at sindikato, sinuportahan ko. Pero ano ang ending? Lahat ng kayamanan, pera at posisyon niya, sa iyo lang pala niya iiwan! Ulol ba siya? Ako ang pinahirapan niya tapos lahat ng pakinabang sa iyo mapupunta? Hell, no!” parang nahihibang na sabi niya. Para siyang wala sa sariling katinuan habang nagsasalita. “Papatay ka dahil lang sa pera? Napaka
The next day, I spent almost the whole day sleeping and whining about my whole body being sore. Kinailangan ko pang uminom ng gamot para lang kahit papaano ay maibsan ang pananakit ng buong katawan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa baby ko. “Sorry, baby, na-diet kasi nang husto si Daddy, kaya iyon ayaw paawat!” hinging paumanhin ko sa anak ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Madilim na sa labas at katatapos ko pa lamang maligo. Ilang beses akong napapangiwi habang nagsasabon at nagbabanlaw kanina dahil sa hapdi ng pagkababae ko. Parang namamaga na nga yata iyon at maging ang pag-ihi ay isang malaking pagsubok! Napaangat ako ng paningin nang biglang bumukas nag pintuan ng kuwarto. Inaasahan kong si Lance ang papasok pero bumagsak ang balikat ko nang dalawang katulong na parehong may dalang tray ng pagkain at mga prutas ang pumasok. “Nasaan ang Sir ni’yo?” nakangiting tanong ko nang maupo na ako sa harap ng mga nakahaing pagkain. “Um
“Ha? Bakit? May nangyari ba sa kanila?” nahihintakutang tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan sa ibinalita niya sa akin. “Nagsiguro lang ako dahil alam ko kung gaano na kadesperado si Darwin na mahanap ka. At alam kong ikaw ang gagamitin niya para mapasunod ako sa anumang iba pang binabalak niya. Kaya inunahan ko na siya bago pa niya maidamay ang pamilya mo. Kahit ang mga kaibigan mo ay pinababantayan ko na rin. Konting-konti na lang ay mahuhuli na rin namin ang hayop na iyon!” asar na tukoy ni Lance kay Darwin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. “Salamat, Lance. Salamat at hindi mo sila pinabayaan.” “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako pa nga ang dapat humingi ng dispensa dahil nadadamay kayo sa gulo ng pamilya ko,” may lungkot niyang sabi. “Hindi ka nag-iisa, Lance. Nandito lang ako. Magkasama nating harapin ang lahat ng problema,” sinserong sambit ko sa kaniya. “Hirap ka ba sa paglilihi? O kaya ay may mga gusto ka
“Lance, ano ba kasing klaseng buhay ito? Mabuti nga at ‘yang braso lang ang tinamaan sa iyo. Paano kung sa susunod ang ulo mo na o iyong parte ng katawan mo na pwede mong ikamatay?!” may pag-aalalang panunumbat ko. Nasubukan ko nang maranasan ang mapaulanan ng bala at pasabugan pa ang sinasakyan. Doon ko rin nakita kung gaano kagaling makipagbarilan ni Lance. Maliksi siya at sigurado ang bawat kilos nito. Pero kasabay din noon ang katotohanang napakadelikado ng mga ganoong sitwasiyon. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit. Noong una ay nalito ako kung ano ang gagawin pero parang kusa namang umangat ang mga kamay ko para tugunin ang yakap niya. “I’m very sorry for putting you in danger, Farah. Akala ko, matatapos ko ang lahat ng ito bago ko maipagtapat sa iyo na hindi totoong nakalimutan kita. Pero sakim si Darwin. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapatay. At natatakot ako dahil pati ikaw ay gusto niyang idamay,” madamdaming saa
“Hindi mo naman kasalanan iyon dahil may sakit ka. Kaya naiintindihan ko kung hindi ka naniniwala sa ak–” “I never lost my memory, or any memory at all!” naagaw ang atensiyon ko at napatunganga ako sa pagputol niya sa pagsasalita ko. “What?” naguguluhang tanong ko. “I was just pretending that time,” mababa ang boses na pag-amin niya. Doon na tuluyang umawang ang bibig ko. Para bang sa isang segundo lang pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Ang kalituhan ko ay biglang napalitan ng galit at paghihinakit. Matalim ko siyang tiningnan at doon ko napansin ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng kaniyang Adam’s apple. “Why?” may diin at nagtatagis ang mga ngiping tanong ko. Kagyat na nanubig ang mga mata ko dahil isa-isang nagbalik sa isip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Ang mga pang-iinsultong halos pumatay na sa akin at dumurog sa lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa pag-ibig at mga p
Dahil sa nangyari sa nagdaang gabi ay halos hindi ako nakatulog. Bigla-bigla na lang akong nagugulat at kinakabahan. Kahit konting ingay lang ay madali akong naaalimpungatan mula sa pagkakaidlip ko. Kaya hanggang ngayon, kahit mag-aalas- nuwebe na ay naririto pa rin ako sa kuwarto at tulala. Naagaw lang ang atensiyon ko nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. “Ate, gising ka na daw ba? Tinatawag ka na nina Mommy at Daddy. Kumain ka na raw po!” narinig kong tawag sa akin ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim at napilitang bumangon na rin. “Oo, sige. Pakisabi susunod na ako,” sagot ko. Pilit kong pinasisigla ang boses ko para hindi siya makahalata. Naligo ako at nagbihis bago lumabas ng silid ko. Naabutan ko sa sala sina Mommy at Daddy. Seryoso ang pag-uusap ng dalawa kaya hindi nila napansin ang paglapit ko. “Mom, Dad, good morning po!” bati ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin at ngumiti. “Anak, tinanghali ka, ah? Hindi ka rin kumain kagabi. Akala ko nga ay may s
Tumikhim si Darwin na umagaw sa atensiyon ng dalawa. Si Lance lang ang lumingon habang si Hailey ay patuloy lang sa paghalik sa kaniya. Pinigil niya ito at kunot’noong tumingin sa akin.“Ano na namang ginagawa ng babaeng iyan dito?” mataray na tanong ni Hailey. Pero hindi ko siya tiningnan dahil nanatiling nakapako ang paningin ko kay Lance.Inilabas ko ang kaheta mula sa bag ko at walang imik na lumapit sa kinanaroroonan niya.“Huwag kayong mag-aalala, hindi ko kayo guguluhin. Pasensya na sa abala,” buong katatagan kong saad kahit parang sinusuntok ang puso ko sa sakit.“Kung gano’n, bakit ka nandito?” malamig na tanong ni Lance.Iniabot ko sa kaniya ang kaheta at may pagtataka niya iyong tiningnan.“Ibabalik ko lang ito, sa iyo. Nakalimutan kong ibigay noong huling palayasin mo ako rito,” walang-buhay na sabi ko. Inabot naman niya iyon kaya agad na akong tumalikod upang lumabas.“Sana nga hindi na kita makitang muli,” nanunuyang saad ni Lance. Napapikit ako at marahang pinagdikit an
“Lance… hindi mo ba talaga ako naaalala?” halos pumiyok nang tanong ko. Muli akong napalunok upang pigilan ang sariling maiyak dahil bahagya na ring nanginig ang mga labi ko. Gusto kong maging matapang sa kabila nang paghilab ng dibdib ko dahil sa malamig na trato niya sa akin.“Makulit ka rin talaga, eh, ano? Ilang beses ko nang sinagot iyang tanong mo! Ikaw lang itong hindi makaintindi dahil ipinipilit mo ang sarili mo sa akin! Bakit? Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na ako?” nang-iinsultong tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa ang maiyak.“Lance, buntis ako…” umiiyak kong sambit. “Miss na miss na kita…” pagpapatuloy ko pa. Pero hindi nagbago ang malamig na tingin nito sa akin. Dahil doon ay lalo akong napahikbi sa sobrang sakit na dinaranas ng puso ko. Para itong patuloy na dinudurog at tinatapakan pa nang paulit-ulit.“Ah… iyon naman pala! Buntis ka rin at gusto mong ipaako sa akin?” nagulat ako nang pagak siyang