‘Lia? Pinatay na namin siya ni Owen. Imposibleng makaligtas pa siya sa lalim ng hukay na ‘yon. Isa pa, walang nakakaalam ng lugar na pinaglibingan namin sa kaniya kung hindi kami ni Owen. Hindi kaya…’ Marahang nilingon ni Kiana ang kaniyang kasintahan. Namilog ang kaniyang mga mata. ‘Hindi kaya may inutusan si Owen na magligtas kay Lia dahil mahal pa niya ang babaeng ‘yon?’
Nagsalubong ang mga kilay ni Owen nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Kiana habang nakatitig sa kaniya. ‘Anong problema ng isang ‘to? Ginawa ko naman nang maayos ang ipinagawa niya sa akin! We kidnappéd and killed Lia. Kung nakaligtas man siya, hindi ko na kasalanan ‘yon. Hindi ko na kasalanan na pinaboran siya ng pagkakataon at ng nasa Taas. Bakit ang sama ng tingin ng isang ‘to sa akin?’ Tila nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata sina Kiana at Owen. Kapwa sila dismayado at kinakabahan sa nangyayari. Huminga sila nang malalim at saka magkasabay na nilingon ang direksyon kung saan nakatingin si Liam. “L-Lia…” Napahawak sa kaniyang tiyan si Kiana. Kasunod noon ay ang malakas niyang tawa. Si Owen naman ay natulala nang makita niya ang imahe ni Lia na nakatayo sa may pintuan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata. Wala na siyang makitang Lia pagkatapos. Nakahinga siya nang maluwag. Niluwagan niya ang kaniyang necktie at saka muling umupo sa couch. “Daddy, kinakain ka na ng konsensya mo. Nakikita mo si Lia kahit ang totoo, patay na naman talaga siya. Sinabi na naman namin ni Owen sa'yo na WALA NA ANG ANAK MO, WALA NA SI LIA. Tanggapin mo na lang na tayong dalawa na lang ang natitira," puno ng kumpiyansang turan ni Kiana. “Hindi. Sigurado ako. Nakita ko si Lia. Nakita ko siya kanina. Nangingilid pa nga ang mga luha niya eh," giit ni Liam. Humakbang si Kiana palapit sa kaniyang ama. Hinawakan niya ang balikat nito. “Daddy, hindi kawalan sa atin si Lia. Matigas ang ulo niya hindi katulad ko na masunurin sa bawat utos mo. Ilang beses niya akong sinaktan, daddy, dahil sa inggit at mga walang kwentang dahilan. Naging mabuti ako kay Lia pero nuknukan nga yata ng sama ang anak mong ‘yon. Tama ka, daddy. Masyadong na spoiled ni mommy si Lia. Hindi ka na nga niya iginagalang at inirerespeto, daddy eh. And I'm glad that you chose to protect me against her since she always bullies me. Huwag kang mag-alala, daddy. Aalagaan kita at palalaguin ko ang kompanyang pinagpaguran at pinaghirapan niyo ni mommy.” “Pa-pasensya ka na kung na offend o nasaktan man kita kanina, Kia. Nagulat lang ako sa dala mong balita. Nakalimutan ko ang lahat ng mga hirap at sakit na dinanas mo kay Lia noon. Hindi dapat kita pagdamutan at pagdudahan dahil minahal mo kami nang higit pa sa tunay mong mga magulang. Tulad ng palagi kong sinasabi, inampon ka namin para maramdaman mong mahalaga ka at may nagmamahal sa'yo. Patawarin mo si daddy. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa amin ng mommy mo. Maraming salamat sa pagtitimpi at pagpapatawad mo sa ugali ni Lia. Simula ngayon, dito na lang ako sa bahay. Malaki ang tiwala ko sa'yo. Alam kong hindi mo kami bibiguin ng mommy mo. Pasensya ka na rin kung palaging kinakampihan ng mommy mo si Lia noon. Masyado niya lang mahal ang anak namin kaya nakalimutan na niya ang pinagkaiba ng tama sa mali,” litanya ni Liam. Niyakap ni Kiana si Liam. Ngumisi siya pagkatapos. ‘Gan’yan nga, daddy. Paniwalaan mo ulit lahat ng sasabihin ko. Kapag hindi ka naging pasaway, baka buhayin pa kita ng matagal-tagal. Hangga't may pakinabang ka, hindi na muna kita ililigpit. Napakatanga mo lang para balewalain ang mga sinasabi sa'yo noon ni Lia. Napakadali mong paikutin. Paniwalang-paniwala ka talaga na sinasaktan ako ng anak mo. B0b0!’ “Mr. Reed, I'm glad that you apologized to Kia. In return, I will spread my people to look for Lia’s remains. After ng libing niya, siguro naman, p'wede na kaming magpakasal ni Kia,” ani Owen habang nilalaro ang hinubad niyang necktie."Hindi. Okay lang na magpakasal na kayo kahit hindi pa natin nakikita ang bangkay ni Lia. We shouldn't delay our partnership Mr. Ashton. Kailangang-kailangan na nating maumpisahan ang mga nakalatag na mga proyekto. Lia’s not around anymore so Kia will handle everything.” Pinunasan ni Liam ang kaniyang mga luha. Hindi niya maintindihan kung bakit tuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya. Marahil ay tama nga si Kiana. Nakakaramdam lang siya ng pagsisisi at pangungulila sa kaniyang anak. ‘Lia, patawarin mo si daddy. Patawarin mo ako kung hindi kita napalaki ng maayos at kung hindi kita natulungan. Hindi ko pa alam ang mga detalye kung bakit ka namatay pero sana naman, hindi mo kinuha ang sarili mong buhay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nalaman kong nag suicidé ka. Nais pa sana kitang kausapin kung bakit palagi mo na lang sinasaktan at pinagsasalitaan ng masasakit na salita si Kiana. She's been good to you. Marahil ay nagseselos ka na sa kaniya dahil pinapaburan ko siya madal
Parehong tahimik sa loob ng sasakyan sina Lia at Leon.‘I can't believe na hanggang dulo, si Kiana pa rin ang papaburan ni daddy. He handed her the company without a second thought. He still believes all the words that came out of her mouth. Maybe, Kia lied to me. Hindi naman niya siguro lalasunin si daddy dahil hindi ito sagabal sa mga plano niya at sumusunod ito sa mga gusto niya. Maybe, she told me that because she wants to torture me even more. Daddy, how can you believe a stranger over your own daughter? Bakit ang lambot ng puso mo pagdating kay Kiana? Bakit hindi mo pinapakinggan ang mga paliwanag ko bago ka mamili ng kakampihan sa aming dalawa ni Kiana? Bakit…B-bakit mas mahal mo pa ang ampong babaeng ‘yon kaysa sa tunay mong anak?’Pasulyap-sulyap si Leon sa tahimik na si Lia. Sigurado siyang malalim ang iniisip nito. Nais niya sanang basagin ang katahimikan pero mas pinili na lamang niyang mag focus sa pagmamaneho.‘Bakit ba si mommy pa ang nawala? Napaka-unfair ng mundo sa a
“I really thought that Lia was alive. I don't know but I saw her reflection in daddy's eyes earlier.” Kiana massaged her forehead while thinking about the scene earlier at their mansion. Pagkatapos nilang kausapin at pilitin si Liam na ilipat sa kaniya ang mga ari-arian nito ay agad silang dumiretso sa kompanya para mag-reyna-reynahan at mag-hari-harian doon."Akala ko nga rin eh. I also saw her pero the moment I blinked my eyes, she's gone. Maybe, we saw her because of guilt and your dad saw her because of regret.” Marahang inalis ni Owen ang mga kamay ni Kiana na nagmamasahe sa noo nito. Minasahe niya ang mga balikat nito at saka hinalikan ng mabilis sa buhok nito.“Siguro nga tama ka. Anyway, we succeeded in our plan. Daddy's attorney is now preparing the papers for the transfer of his assets to my name.” Ngumiti si Kiana. "That calls for a celebration.”Tumayo si Kiana at humarap kay Owen. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa batok nito at malagkit itong tiningnan. May sasabihi
“Hija, tanggapin mo ito bilang regalo ko sa kasal niyo ng apo ko." Iniabot ni Donya Rehina ang isang kwintas na batbat ng diyamante, sapiro at batong emerald kay Lia. Ito ay isang family heirloom ng mga Ashton na nagmula pa sa kanunu-nunuan ni Donya Rehina.Napako ang mga mata ni Lia sa kwintas. Hindi niya napigilang mapatitig dito dahil sa kaakit-akit nitong anyo. Unang tingin pa lang, alam ng milyones ang halaga. “Pasensya na po, Donya Rehina pero hindi ko po matatanggap ang bagay na ‘yan. Masyado pong mahal a—”Pilit na ibinigay ni Donya Rehina ang heirloom kay Lia. "Ano ka ba? Mapapangasawa ka na ng head ng family ng mga Ashton kaya nararapat lamang na sa iyo mapunta ang kwintas na ito. Huwag ka nang mahiya dahil higit pa sa halaga nito ang pagpasok mo sa aming pamilya. Buong akala ko talaga ay wala ng pag-asang mag-asawa pa si Leon pero heto at ilang minuto na lamang at ikakasal na kayo. Ayoko talagang mapunta kay Owen ang mga negosyo ng aming pamilya dahil busayak at hindi siya
“Ano? Ikinasal na ang Uncle Leon mo?” bulalas ni Kiana.Hinilot ni Owen ang kaniyang sintido. "I thought he's gay. Hindi ko akalaing kakagat siya sa gusto ni lola.”"Paano na? I mean, paano ka na? Kaka appoint pa lang sa'yo ni Donya Rehina bilang President ng Ashtons Group. Madedemote ka na naman as VP?" histerikal na sambit ni Kiana.Huminga nang malalim si Owen.“Owen, hindi mo p'wedeng hayaan ang lola mo na ibigay na naman sa paborito niyang apo ang posisyong pinaghirapan mo. Your uncle left years ago to pursue his chosen career. What happened? Bakit siya muling nagbalik? Para sindakin at sirain ka? Goodness! You should do something!" Umupo si Kiana sa couch at saka dinampot ang kopita na may lamang red wine. Agad niya iyong nilaklak. “You can't let him take what's yours, Owen. Paano na ang mga balak nating projects? Mabubulilyaso lahat! Also, we took a lot of funds to put it som—”“P’WEDE BANG TUMAHIMIK KA MUNA, KIANA? MAS LALO AKONG HINDI MAKAPAG-ISIP NG MAAYOS DAHIL SA KATATALAK
“Who killed who?” Nagulantang ang magkapatid na sina Owen at Jake nang biglang pumasok sa silid ang kanilang tiyuhin. Takang-taka naman si Kiana kung bakit biglang namutla ang dalawa. ‘Who the hell is this old, hot man? His build is almost perfect. Matured na pero mukhang masarap pa rin.’ Napalunok si Owen. "U-Uncle…" Nanlaki ang mga mata ni Kiana. ‘Uncle? So siya si Leon? God! He's so fúcking handsome!’ Inayos niya ang kaniyang buhok at saka naupo nang maayos. Mas lumiyad din siya para lalong lumitaw ang kaniyang dibdib. “Uncle, what are you doing here?" Jake asked. Tumawa si Leon. “Am I not allowed to be here?" Diretso siyang naglakad patungo sa couch at saka naupo roon. Tumalim ang tingin niya kay Owen. ‘This bàstard!’ Lumipat ang tingin niya kay Kiana nang mapansin niyang kakaiba ang ikinikilos nito. ‘Ito? Itong babaeng ito ang ipinalit niya kay Lia? He's blind! Napakalaki ng agwat ng ganda ni Lia sa babaeng ito.’ Napangibit siya nang biglang nagkagat-labi si Kiana. ‘Gr
“Uncle, okay lang ba kung sabay na tayong maglunch mamaya? Let's talk about life. Matagal-tagal ka ring nawala eh,” aya ni Owen. "I'm sorry but I already have plans with my wife later,” diretsong tugon ni Leon. Nagkatinginan sina Owen at Kiana. "Uhm, uncle…" “What is it?" Busy na naman si Leon sa kaniyang cell phone. Hindi niya mapigilang mapangiti habang ka chat si Lia. Huminga muna ng malalim si Owen bago muling nagsalita. “Kailan ka babalik sa duty mo?" "Duty?” pagkukunwari ni Leon. Ang totoo, alam na niya ang nais iparating ni Owen. Sa mukha pa lang nito noong nakita siya nito kanina ay alam na niya ang tumatakbo sa isip nito at iyon ay tungkol sa mga negosyo ng kanilang angkan. Alam niyang nangangamba itong agawin niya ang posisyon nito bilang presidente ng Ashtons Group. “I heard, you're a police officer. No wonder your body is almost molded perfectly. Owen is pertaining to your duty as one of our country’s servants,” Kiana uttered. "Owen, hindi ko alam na may sp
“I’m home.” Mula sa kusina ay sumilip si Lia. Nakasuot pa siya ng apron habang may hawak na sandok. “Patapos na akong magluto." Napangiti si Leon. Hinubad niya ang kaniyang suit at saka umupo sa couch. “Hayaan mo ng si yaya ang gumawa niyan. Magpahinga ka na.” “Anong yaya? Wala tayo sa mansion mo, Mr. Ashton. We’re here at my apartment,” ani Lia habang patuloy sa pagluluto ng tanghalian. Lumabas si Lia sa kusina at agad na naghayin. “Pasensya ka na, ito lang ang naluto ko.” Agad siyang umupo sa tapat ni Leon at inabutan ito ng plato, kutsara at tinidor. “Thank you.” Napako ang mga mata ni Leon sa mga pagkaing nakahayin. Hindi niya akalain na maalam palang magluto si Lia. “The foods looks edible and delicious.” Tumaas ang isang kilay ni Lia. “Edible talaga ha? Don’t worry, Mr. Ashton, hindi naman kita papakainin ng plastic o aluminum,” sarkastikong wika niya. Napatawa si Leon. “I’m just kidding. I’m just surprise that you can cook, given na isa kang Reed.” “Natuto ako n
Austin tilted his head when he noticed a man and a woman had run away from the scene.“Are you the doctor?”Biglang napayuko si Austin nang makita niya kung sino ang nagsalita. “Good evening, Chairwoman. Yes po. Ako po ang doktor na naatangang magdala sa pasyente sa hospital,” magalang niyang sagot.“Your name?” Doña Rehina asked.“Austin Sy po.” Pagkasabi noon ay agad na dinaluhan ni Austin ang pasyente. Agad siyang napaupo nang makita niya kung sino ang nakahiga sa sahig. "Tito Liam!”Nagkunot ng noo si Donya Rehina. ‘He knows the patient.’Mabilis na tsinek ni Austin ang vital signs ni Liam. "His vitals are fine. Go ahead. Put him in the ambulance,” utos niya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang posisyon ng mga binti nito. ‘Someone was here before we came.’“Dr. Austin, please ensure the safety of that man,” Donya Rehina ordered.“Makakaasa po kayo, Chairwoman.” Nag-aalangan si Austin na magtanong kay Donya Rehina kung may iba pa bang naunang nagkita sa pasyente bago ito dumating
“Matagal pa ba ang ambulansya? Dalhin na lang kaya natin si papa sa pinakamalapit na hospital.” Hindi mapakali si Lia. Maya’t-maya niyang tsinetsek ang pulso ng kaniyang papa. She couldn’t even breathe well. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kapag nauwi sa stroke o heart attack ang kalagayan ng kaniyang papa. May sakit kasi ito sa puso.“Hindi tayo p’wedeng umalis. Don’t worry, the ambulance is already on its way here. Walang mangyayaring masama sa kaniya kaya kumalma ka.” Lumingin si Leon sa paligid. Inaabangan niya ang kaniyang kaibigang doktor pero ni anino nito ay hindi pa rin niya makita. Napatingin siya sa kaniyang cell phone nang bigla iyong tumunog. Nagtext ang kaniyang kaibigan. “Hindi raw maaasikaso ng kaibigan kong doktor si papa pero naibilin na raw niya ang tungkol dito sa isa sa mga kabaro niya. Siya na lang daw ang magpapaliwanag ng nangyari kay papa kapag nagkaroon na ito ng malay,” seryosong turan niya.“Anong tawag mo kay papa?” Sa dami ng mga sinabi ni Leon
Napahinto si Lia sa paglalakad nang marinig niya bigla ang boses ng kaniyang ama. “P-papa?” bulong niya. Tumigil din agad si Leon. Tiningnan niya si Lia. “What’s wrong, wifey?” “Parang narinig ko ang boses ni papa,” tugon ni Lia. Nagdalawang isip pa si Leon kung tatapikin niya ang likuran ni Lia pero ginawa niya rin naman. “Namimiss mo lang siguro ang papa mo kaya naririnig mo ang boses niya. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa’yo, hindi mo maitatanggi sa akin na nag-aalala ka pa rin sa kaniya.” “He’s still my father. Wala namang perpektong magulang tulad ng wala ring perpektong anak. Ang ipinagtataka ko, napakalinaw ng boses niya. Parang…parang nasa malapit lang siya.” Napahawak si Lia sa kaniyang dibdib. Tila nagsisikip iyon. Masama ang loob niya sa papa niya pero mahal pa rin naman niya ito. Akala niya ay kaya niya itong tiisin, nagkamali siya. “A-Anak, b-buhay k-ka…” “Did, d-did you hear that? I can really hear his voice,” Lia said. Kumunot ang noo ni Leon. May narinig d
“Kiana, Owen, sagutin niyo ang tanong ko!” Kuyom ang mga kamao ni Liam habang hinihintay ang pagbuka ng bibig ng dalawa.“Daddy, may autopsy report na mula sa mga pulis kaya alam na namin kung ano ang ikinamatay ni Lia.” May kinuhang papel si Kiana mula sa kaniyang bag. Ibinigay niya iyon sa kaniyang ama-amahan. “Here. You can check it.”Nakatingin lang si Liam sa papel na hawak ni Kiana.“Tito, alam kong malungkot ka ngayon dahil sa pagkamatay ni Lia pero nais kong sabihin at ipaalala sa’yo na hindi ka nag-iisa. Kiana and I are grieving too,” singit ni Owen.Tumaas ang dalawang kilay ni Jake at napangiti siya ng lihim. Madaling sabihin na nagluluksa ang isang tao pero mas makikita iyon sa ikinikilos nito.“Daddy, maniwala ka naman sa akin. Alam kong nasulsulan ka na ng mga kaibigan ni Lia. Don’t believe them. Malaki lang ang galit nila sa akin, daddy. Mas paniniwalaan mo pa ba sila kaysa sa akin?” Itinuro ni Kiana ang papel na nasa kamay ni Liam. “Read that. Kasama na rin diyan ang f
“Did you like the dress recommendation?" Leon asked while driving. Kagagaling lang nila ni Lia sa clothing store branch ni Diana sa Riverdale. Ngayon ay patungo na sila sa restaurant kung saan gaganapin ang kanilang family dinner.“Okay naman. It looks well on me but…”Tumaas ang kilay ni Leon. "But?”"It's too expensive and I'm not comfortable wearing it. Hindi ako sanay sa ganitong style.” Pilit hinihila ni Lia pababa ang dress. Above the knee kasi iyon tapos pitis na pitis pa sa kaniya."You wanna hear the truth?” Leon couldn't help but glanced at Lia. Her beauty shines more on that dress. Napapapakagat na lang siya sa kaniyang labi kapag napapatingin siya sa asawa niya."Don't say it. Kontento na ako sa judgement ko. Ayokong marinig ang sa'yo.” Umayos ng upo si Lia. Ang batok niya ay nanlalamig maging ang kaniyang mga binti. Kinakabahan siya sa mga mangyayari. Higit sa lahat, hindi niya magawang tingnan ng diretso si Leon sa mga mata nito. Ibang-iba ang hitsura nito kumpara kanina
“Wow!"Napatawa ng mahina si Lia sa sinabing iyon ni Leon. “Gulat na gulat talaga, uncle?" nang-aasar na sabi niya.Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Leon. “Stop calling me uncle or else…”“Or else what?" Lia said while laughing."Or else, I will kiss you,” Leon warned.Biglang tumahimik si Lia. Ang ngiti sa labi niya ay unti-unting naglaho. Binalot ng kaba ang kaniyang buong sistema. Napalunok siya dahil pakiramdam niya ay biglang natuyo ang kaniyang lalamunan. Tumikhim siya.“Ba-bagay ba sa akin ang new hairstyle ko?" pag-iiba ni Lia ng usapan.Tumango si Leon. “You look prettier." Kumunot ang noo niya nang mapansin niya ang maliit na nunal sa itaas ng labi ni Lia. “That’s new. Did you…”"Aha. For a new look. Dapat masanay ka nang Ria ang tawag mo sa akin at hindi Lia. Anyway, after this ba ay pupunta na agad tayo sa restaurant?” tanong ni Lia.Umiling si Leon. "Pumunta muna tayo sa clothing store ni Diana para makapili ka ng nais mong isuot mamaya. Kung nahihirapan kang pu
“K-Kuya, k-kanina ka pa ba riyan?" nahihintakutang sambit ni Owen. Takot siya sa panganay niyang kapatid lalo at ayaw na ayaw nitong sinasagot-sagot niya ang kanilang ina.Umikot ang mga mata ni Kiana. ‘Umurong na naman ang buntot ng duwag.’“Kararating lang." Napatingin si Jake kay Kiana. "Conservative dress doesn't look good on you.”"Y-you! H—-"“Huwag ka nang kumontra, Kiana.Dalawa na kaming nagsasabi ng anak ko." Bumeso si Guadalupe kay Jake nang lumapit ito sa kaniya. “Akala ko hindi ka makakadalo ngayong gabi. What happened?"“Someone saved me tonight, mama, so here I am. Akala ko ba hindi rin kayo makakapunta ni papa?" kunot-noong turan ni Jake.“Sa tingin mo ba eh papayag si mama na wala kami ng papa mo? She cancelled our business meeting with the Thompsons." Ipinatong ni Guadalupe ang kaniyang isang kamay sa balikat ni Jake. “Why did you invite this woman, Owen? I want Lia, not her."Napapikit sa inis si Owen pero agad din siyang nagmulat. "I told you, mama, patay na si Lia.
Kabanata 21“How do I look?" Nakasuot ng modernong Filipiniana si Kiana kaya hindi siya mapakali sa kaniyang hitsura. Hindi siya sanay magsuot ng ganoong klase ng damit. Kung hindi lamang sinabi ng kaniyang fiancé na si Owen na ganoong klaseng style ang nais ng lola nitong si Donya Rehina ay hinding-hindi siya nito mapapagsuot ng ganoong klase ng kasuotan.“You're stunning and alluring as usual, babe. No need to ask about that," may pagmamalaking tugon ni Owen. Inilahad niya ang kaniyang kamay kay Kiana para alalayan itong lumabas ng sasakyan. "We're twenty minutes early. I'm sure naririto na rin ang family ko. Mas takot silang ma late kaysa sa akin eh.”"Mukhang gustong-gusto ng lola mo ang babaeng napangasawa ng uncle mo,” mahinang sabi ni Kiana habang naglalakad patungo sa entrada ng restaurant kung saan sila maghahapunan."Bakit mo naman nasabi?” kunot ang noong tanong ni Owen."Ikaw na rin mismo ang nagsabi sa akin, hindi ba? Ngayon lang kayo dinala ng lola mo rito sa pinakamahal
“Nandito na tayo," anunsyo ni Austin nang itinigil niya ang sasakyan.Matapos magtungo sa apartment na tinutuluyan ni Lia ay nagdiretso na sina Austin, Kira at Liam sa chapel na tinutukoy nina Owen at Kiana. “Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Lia. Hindi ko na dapat siya iniwan nang araw na ‘yon. Hindi na sana ako nagpauto sa kaniya na kailangan nga niya ng tubig. Kung hindi lang ako naging malambot, buhay pa siguro siya ngayon," puno ng panghihinayang na turan ni Austin. Hinilot niya ang kaniyang sintido. Nais niyang lumuha pero pinigilan niya dahil kasama nila ang ama ni Lia. Tinapik ni Kira ang likod ni Austin. “Wala kang kasalanan sa nangyari. Walang may gusto nito. Huwag mong sisihin ang iyong sarili, Doctor Austin," aniya sa malambing na tinig. “Mali na umasa pa akong buhay pa ang anak ko. Tanggap ko na noong sinabi sa akin nina Kiana at Owen na wala na si Lia eh. Mas lalo lang sumakit ngayon dahil nagkaroon ako ng kahit katiting na pag-asang walang katotohanan ang bi