Kabadong bumaba ng eroplano si Ariana. Sa wakas, pagkatapos ng limang taon na pananatili sa California ay nakabalik na rin siya ng Pilipinas, matagal na siyang umaasa na makapiling muli ang mga nawalay niyang mga kapatid, hindi na siya makapaghintay na makita at mayakap ang mga ito.
Paglabas ni Ariana ng arrival gate nakita niya agad ang dalawa sa triplets niyang mga kapatid. Tumakbo siya patungo sa mga ito hatak-hatak ang kanyang malaking suit case.
"Mga Kuya!!" masayang tawag niya, at sabay na lumingon sa kanya ang dalawa.
"Ariana Kate!" Mahigpit siyang niyakap ni Rick.
"Damn! Dalaga na ang unica hija namin!" Tudo ngiting sabi ni Kurt.
"Kuya! Bagong ayos ang buhok ko," reklamo ni Ariana nang gulohin ni Rick ang buhok niya.
"At maarte na rin! Noon sipunin ka pa at ayaw maligo," pagkukwento ni Rick sabay akbay sa kanya. "Ngayon ang bago na at mukhang oras-oras kung maligo."
"Kuya Rick, dahil bata pa nga ako noon ‘di ba? Iba na ngayon, dalaga na ‘ko."
“Tama nga naman Ken Rick,” sigunda ni Kurt Rex.
"Si Kuya Brian? Hindi ba siya sumama sa inyo para sunduin ako?" pag-iiba ni Ariana ng paksa. Inasahan pa naman niya na kompletong susundo sa kanya ang mga kapatid.
Sa triplets niyang nakatatandang kapatid, si Brian Gil ang hindi malapit sa kanya. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit palagi na lang mainit ang ulo nito sa kanya, para bang lagi itong may regla sa tuwing kaharap siya. Sa pagkakatanda ni Ariana, wala naman siyang ginawang masama kay Brian, ganun lang talaga siya nito tratuhin; cold, harsh and savage. Napakailap at hindi niya magawang makuha ang loob ng nakatatandang kapatid.
"Pasinsya na Ariana, kilala mo naman ang isang ‘yon. Kung ayaw n’ya, hindi talaga mapipilit sa kanya," katwiran ni Rick.
"Hayaan mo na si Brian, hindi ka pa nasanay sa isang iyon, mas uunahin pa nun ang mambabae kesa ang makipag-bonding sa atin na kapamilya niya," dagdag ng Kurt.
Yeah, babaero nga ang Kuya Brian niya. Mas pipiliin pa nito ang makasama ang mga fling nito kesa sa kanila na pamilya. Minsan nga noong magbakasyon ang triplets sa California para bisitahin sila, hindi niya halos makita sa bahay si Brian. Ang dahilan? Binisita nito ang ex-girlfriend na sa California nadestino, hindi pa nga umuwi ang lalaki ng ilang araw at doon sa bahay ng babae natulog.
"Ayos lang mga kuya kasi nandito naman kayo." Tipid na ngumiti si Ariana.
Mabuti na nga at triplets ang mga kapatid niya, kahit malayo ang loob ni Brian sa kanya, at least palaging nasa tabi niya si Kurt at Rick, kahit paano ay maswerte pa rin siya kesa sa iba na kahit magulang ay hindi kasama.~❀~"Welcome back, Ariana Kate!" sabay na sigaw ng lahat nang pumasok si Ariana ng mansion kasunod ni Kurt at Rick."Oh, my gosh!" tili niya nang makita ang mga pinsan sa salas ng malaking bahay.
“Na-miss ka namin, Ariana Kate. We're happy to have you back,” magiliw na sabi ni Ziggy, isa sa mga pinsan niya. Lumapit ito kay Ariana at mahigpit na niyakap ang dalaga.
"Kuya Z…tama na, nasasakal na ‘ko." Natatawang sabi niya at humiwalay sa pinsan.
"Pasensya na, na-miss lang kita," paumanhin ni Ziggy at ginulo ang buhok niya.
"Oo nga, ang tagal mo kasing bumalik Ariana," segunda ni Yves.
Nagulat si Ariana, katabi ni Yves ang Kuya Brian niya. Hindi niya ito napansin kanina, ang buong akala niya’y wala ito at nasa kung saan kasama ng mga babae nito. Ngunit, kahit na natutuwa siya na makita ito, hindi nagpahalata si Ariana at isinawalang bahala ang presensya ni Brian.
"Paano kasi ayaw akong payagan ni daddy na bumalik ng Pilipinas. Pati nga ang pagbabakasyon dito ay ayaw akong payagan.”
"Hayaan mo na, para rin naman iyon sa ‘yo. Gusto lang masiguro nila Tito Renoir na nasa mabuti kang kalagayan," pang-aalo ni Saint, ang kakambal ni Ziggy.
"Kung hindi ka dinala nila tito at tita sa California baka ngayon buntis ka na," prangka at walang filter na sabad ni Xander; ang nakatatandang kapatid ni Yves. Wala pa rin itong pinagbago, matalas pa rin ang tabas ng dila at straight forward.
"Grabe naman Kuya X? Hindi pwedeng boyfriend muna? O kaya aral muna bago landi?" depensa ni Ariana. Buntis talaga? Hindi naman siya ganun klase ng babae.
"Oo nga, X! Grabe ka!" segunda naman Ziggy.
Sa apat na pinsan ni Ariana, si Ziggy ang pinakamabait para sa kanya. Hindi lang mabait, masayahin ito at laging nama-magnet ang mga tao sa paligid nito para maging kaibigan dahil sa jolly and bright personality nito.
"Bakit, pwede naman ‘yon, ah? Uso ngayon sa generation natin ang ganyan. May iba nga d’yan may anak na tinatago lang,” biro ni Xander.
Mahinang tumawa si Ariana, ngunit agad siyang natigilan nang sa kanya natuon ang tingin ng lahat. "B-bakit? M-may problema ba? Hindi ba't nakakatawa ‘yon?"
Walang nagsalita o nagkomento sa sinabi niya.
Napalingon ang lahat kay Brian na walang imik na tumayo. Umalis ito ng salas ng hindi nagpapaalam sa kanila, at pumanik ng ikalawang palapag. Sumimangot si Ariana, ay ganun? Hindi pa nga ito bumabati sa kanya, umalis na agad? Hindi niya mapigilan samaan ng loob. Mukha yatang may nasabi siyang naging dahilan para ma-offend ito, pero ano naman?
"Hayaan mo na ang isang 'yon, stress lang si Brian. Kakahiwalay lang kasi nila ng syota nya," pang-aalo ni Rick sa kanya. Nahalata marahil nito ang disappointment niya sa kinilos ni Brian.
"Tama si Rick, h’wag mo ng pansinin si Brian. Parang hindi ka pa nasanay doon." Hinimas ni Kurt ang likuran niya. "Pabayaan mo na nalang ang isang yon."
Impit na nginitian ni Ariana ang mga kapatid. "Okay lang mga kuya. Hindi na nga talaga siguro magbabago ang treatment ni Kuya Brian sa ‘kin. Gusto ko mang maging malapit sa kanya, wala rin akong magawa kung siya mismo ay ayaw sa ‘kin."
Isang malalim na buntonghiniga ang pinakawalan niya. "Mga kuya akyat muna ako sa kwarto, mag-aayos lang ako ng mga gamit ko," paalam ni Ariana na hindi na hinintay ang sagot ng mga ito.
~❀~"Ibaba n’yo nalang po ang mga ‘yan d'yan sa sulok," bilin ni Ariana sa dalawang katulong na nagdala ng maleta niya.Sa mansion ng grandparents niya pansamantalang titira si Ariana kasama ng mga kapatid at pinsan niya. Ang daddy at mommy kasi nila ng triplets ay nasa California at inaasikaso ang negosyo ng kanilang pamilya, ganun din ang parents ng kambal na sina Ziggy at Saint, magkapatid na Xander at Yves, lahat ay busy sa kani-kanilang mga negosyo, kaya silang magpipinsan ay ginawang dormitoryo ang mansion ng kanilang Lolo Klimt.
Convinient kasi sa kanila ang tumira sa lumang mansion ng mga dela Vega. Bukod sa malapit lang ito sa university na papasukan nila, hindi sila malulungkot dahil magkakasama silang magpipinsan at may mga katulong din na inilaan para asikasuhin sila. Wala na rin kasing nakatira sa malaking bahay, dahil mas pinili ng kanilang Lolo Klimt na manirahan sa Pennsylvania.
Pagkatapos ayusin ang kanyang mga gamit, naglakad si Ariana patungong balcony upang magpahangin. Napangiti siya nang makita ang rose maze garden ng kanyang great grandmother; ang ina ng kanilang Lolo Klimt.
Madalas silang maglaro na magpipinsan sa rose maze noong mga bata sila, at siya ang laging nananalo dahil maliit siya at magaling maglaro ng tagu-taguan. Malabo man sa alaala ni Ariana, masaya siyang balikan ang kanyang masayang kabataan kasama ang mga kapatid at pinsan. Hindi lahat ng memorya niya ang nagbalik, but at least, hindi na siya tulad noon na nangangapa sa sarili niyang pagkatao.
Minsan ng nasangkot sa isang aksidente si Ariana na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang alaala, ito ang pangunahing dahilan kung bakit dinala siya ng kanilang magulang sa ibang bansa. Matindi ang aksidenting kinasangkutan niya noon at halos ikamatay niya iyon, mabuti na lang at may kakayanan ang magulang niya na dalhin siya sa California para sa mabisang gamutan.
Niyakap ni Ariana ang sarili nang umihip ang malamig na hangin, napapikit siya nang masamyo ang nakapabagong halimuyak ng mga rosas mula sa garden.
“Sa wakas… Nakabalik na rin ako.”
Ilang buwan niyang kinulit ang daddy niya para lang payagan siyang bumalik ng Pilipinas. Gusto niyang dito magkolehiyo, at syempre, para na rin makasama ang kanyang mga kapatid na matagal ng nawalay sa kanya. Mabuti na lang talaga at sa bandang huli ay pumayag ang daddy niya kaya heto siya ngayon, kasama na ng kanyang mga kapatid.
Pabalik na si Ariana sa loob ng kanyang silid nang mapasulyap siya sa kabilang balcony; nakaupo sa isang outdoor chair ang Kuya Brian niya, nakadekwatro itong nakasandal sa upuan at nakasalampak ang headset sa tenga habang nakapikit ang mga mata.
“Nakatulog ba siya habang nagpapahangin?” bulong ni Ariana.
Muntik na niyang makalimutan na magkatabi lang ang kwarto nila ni Brian. Katabi naman ng kwarto ni Brian ang kwarto ni Kurt, at katabi ng kwarto ni Kurt ang kwarto ni Rick. Ang katapat naman na kwarto ay ang kwarto nina Yves, Xander, Ziggy at Saint, katulad ng sa kanilang magkakapatid ay may mga balcony rin ang bawat silid ng apat niyang pinsan na nakaharap naman sa malaking pool ng mansyon.
Napatitig si Ariana sa mukha ni Brian. Maliwanag ang buwan kaya hindi nakatakas sa mga mata niya ang maamo at gwapo nitong mukha. Napangiti siya, nakakatuwa paring pagmasdan ang maliit na mole sa ilalim ng ilong ng nakatatanda niyang kapatid. Bumaba ang tingin ni Ariana sa labi nito, katulad ng ilong ay may maliit ring nunal sa gilid ng labi si Brian Gil.
"Ang akala ko ba’y kapag may nunal sa lips madaldal? Bakit siya panis na yata ang laway sa sobrang tahimik?” Nakalabi niyang tanong sa sarili. "Tsk! Ewan… Bakit ba kasi ganyan ka makitungo sa ‘kin Kuya B?"Nakatitig parin si Ariana sa kapatid nang bigla itong magmulat ng mata. Nataranta siyang nag-iwas ng tingin at tumalikod, ngunit aksidenteng tumama ang tuhod niya sa gilid ng silya.
"Ouch!" d***g niya at napaupo sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakatama ng tuhod. Siguradong magpapasa ito ng ilang araw. "Ang tanga-tanga naman kasi. Ouch! Sumagad talaga sa bone marrow ang sakit," eksaherado niyang bulong. Siguradong nasa kabilang balcony pa ang Kuya Brian niya, mainam na hindi muna siya tatayo.
Panay ang ihip ni Ariana sa kanyang tuhod nang bigla nalang siyang umangat sa sahig. Nanlaki ang mata niya nang makita sa malapitan ang mukha ni Brian Gil.
"K-kuya Brian…" mahina niyang sambit.
Napalingon si Ariana sa pinanggalingan nitong balcony, at napakurap-kurap siya nang makitang nasa sahig na ang headset at cellphone nito. Marahil ay naitapon nito ang mga gamit sa pagmamadaling tawirin ang balcony para tulungan siya.
“Pero bakit? Hindi ba wala naman siyang paki sa ‘kin?” tanong ni Ariana sa sarili.
Pagpasok ng kwarto maingat na inilapag siya ni Brian Gil sa gilid ng kama. Agad nitong tinignan ang tuhod niya; malalim itong nagbuntonghininga.
“Magnanakaw ka na lang ng tingin tatanga-tanga pa,” iritadong sabi nito kaya napalabi siya. Kung ganun ay alam pala nitong pinagmamasdan niya ito habang natutulog. Eh? Tulog nga ba? Paano nito nalaman na nakatitig siya?
"Sorry, pinanunood—"
"Sa susunod, h’wag kang tatanga-tanga.” Hindi siya pinatapos ni Brian magsalita. Tumayo ito. "Magpapadala ako dito ng yelo sa katulong, gamutin mo ang sarili mo,” walang simpatya na sabi nito at lumabas ng kanyang silid.
Gustong kutusan ni Ariana ang sarili. “At talagang umasa ka pang concern siya sa ‘yo? Dream on, Ariana! Gumawa ka lang ng panibagong dahilan para mas mainis siya sa ‘yo. Sigurado nabasag ang screen ng cellphone niya. Bakit ba kasi ang lampa ko?” kastigo niya sa sarili
"Kamusta naman ang California, Ariana? Hindi ka ba nahirapan mag-adjust doon?" tanong ni Ziggy habang hinihiwa ang steak sa plato nito. Kasalukuyan silang nasa dining table at kumakain ng haponan. "Medyo, pero dahil kasama ko naman si mommy at daddy ay nakapag-adjust agad ako.” Tipid na ngumiti si Ariana nang may maalala. “Malungkot sa simula, wala kasi kayo pero may nakilala naman ako at kinalaunan ay naging matalik kong kaibigan. You remember Daisy, Kuya Rick? Siya ang tinutukoy ko," tawag pansin niya sa kapatid na kanina pa nakatutukok sa hawak nitong cellphone habang sumusubo. "Huh? Yes, I can remember her," agarang tugon nito. "Mabuti at naging masaya ka roon kahit paano." Ngumiti si Ariana sa pahayag ni Ziggy. "Mabuti at hindi mo namiss ang gurang mong mga kapatid," segunda ni Xander. "Syempre namiss ko, Kuya X. Pwede ba namang hindi?" mabilis na sagot ni Ariana na hindi napigilan ang mapangiti. Kung alam lang ng mga ito kung gaano siya kalungkot noon dahil sa labis na pagka
"Talaga bang sa Ppalpan ka mag-aaral Ariana?" diretsahang tanong ni Yves kay Ariana. Kasalukuyan silang kumakain ng meryenda sa veranda sa likod ng mansion. "Oo, gusto ko kasi na kasama ko sa university ang mga kuya ko. Alam muna…matagal akong nawala at gusto kong palagi silang makasama kahit sa pagpasok ng school." "Sabagay, mas okay ‘yong mababantayan ka nila. Hindi ka agad makakapaglandi kung kani-kanino sa campus," pagsang-ayon ni Yves sabay tawa sa huling sinabi. "Grabe naman!" d***g niya sabay suntok sa braso ng pinsan. Landi talaga ang term? Pero may point naman si Yves, mahihirapan talaga siyang lumandi kung may strict siyang mga nakatatandang kapatid. "Mukhang mahihirapan nga akong makahanap ng boyfriend nito,” sakay niya at sabay silang natawa ng pinsan. "Pero seryoso… Wala ka bang boyfriend ngayon?" Hindi kombinsidong tanong ni Yves sa kanya. Tumango naman si Ariana bilang kompirmasyon. "Talaga? Hindi nga? Imposible naman, sa ilang taon mo sa California hindi ka nagkar
"Salamat sa tulong mo, Ariana. Napakabait mo talagang bata," puri ni Ester ang mayordoma ng mansion at siyang pinagkakatiwalaan ng pamilya na mag-ala sa kanilang magpipinsan. "Wala ‘yon manang…" Nakangiting sabi ni Ariana dito na nahihiya pa dahil sa puri ng ginang. “Manang, papanik na muna ako sa kwarto para maghanda,” paalam niya at inilapag ang hawak na garden hose. “Sige, mabuti pa nga. Baka ma-late ka pa sa school mo.” Agad na tumakbo si Ariana papasok ng mansion, dumaan siya sa likurang pinto ng kusina at mabilis na umakyat ng hagdan patungo ng kanyang kwarto. Nakapag-agahan na si Ariana, maliligo na lang siya at magbibihis, pagkatapos ay handa na siya para pumasok. Tapis ang puting tuwalya, lumabas si Ariana ng bathroom. Magbibihis na sana siya nang may sunod-sunod na kumatok sa pinto ng kanyang silid. "Miss Ariana, may tawag po kayo," tawag ng katulong mula sa labas. "Sino raw po?" tanong ni Ariana na sumilip sa maliit na siwang ng pinto. May personal number naman siya,
“Ariana!” agad na napalingon si Ariana sa pinsan. “Nakita mo ba si Anne?” “Hindi, ang akala ko kayo ang magkasama?" Niyaya n’ya si Annie kanina na sumabay sa kanya pero ang sabi nito may lakad ito kasama ni Yves. "Akala ko may lakad kayo?" nagtatakang tanong ni Ariana sa pinsan. "Lakad? Wala naman kaming usapan." Napakamot sa kilay si Yves. "Sigurado ka?" "Yeap, look…" Sabay lahad ni Ariana sa cellphone. Inilapit niya ito sa mukha ni Yves para makita nito ng maayos ang reply sa kanya ni Annie. "Imposible, wala talaga kaming lakad," nagugulohang pahayag nito. "Nakapagtataka naman." "Ariana, mauna na ‘ko hahanapin ko muna si Annie masama ang kutob ko dito, eh." Tumango lang si Ariana sa pinsan. Nagmadaling tumakbo si Yves at iniwan s’yang mag-isa sa tahimik at walang katao-taong hallway. Nagpatuloy si Ariana sa paglalakad, hindi niya alam kong saan pupunta. Ang hirap lang talaga ng walang makasama. Hindi naman niya maaya ang mga kuya niya dahil may sariling mundo ang mga iyon, ma
Punong-puno ng tao ang buong paligid, nahihilo si Brian sa naghalong pabango, alak, sigarilyo at pawis ng mga taong naggigitgitan sa nightclub. Pakiramdam niya’y mabibingi siya sa bawat beat ng napakalakas na musika, isama pa ang ingay at hiyawan ng mga taong nasa loob ng nigclub. Pagkatapos mag-walk out, nilisan ni Brian ang mansion at nagtungo sa nightclub na madalas niyang puntahan upang ibsan ang inis at galit na kanyang nararamdaman. Badtrip talaga siya sa nangyari lalo na sa mga pang-aasar ng pinsang si Xander Clay. Mahigpit na hinawakan ni Brian ang kaliwang braso na halos ikadurog na ng kanyang mga buto. “F*ck!” mahina ngunit mariin niyang pagmumura. Naalala niyang bigla ang nakita kanina… That f*cking guy named Kenji, nasa labas ang mga ito ng classroom ni Ariana. Nakita niya ang ginawa nitong paghalik sa pisngi ng kanyang nakababatang kapatid. “Tang*na lang talaga…” Hindi siya makakapayag na may ibang lalaki na umaaligid sa kapatid. Hindi siya papayag na may ibang lalaki
"Ang tamlay mo yata?" puna ni Daisy sa matalik na kaibigan. Nag-bi-video call sila ngayon dahil linggo, at walang pasok si Ariana. "Stress lang siguro sa school," tipid niyang sagot at napaiwas ng tigin. Ang dumi-dumi na ng tingin niya sa sarili. Matapos ang nagyari sa kanila ni Brian Gil noong isang gabi hindi na niya sinubukang kausapin o lapitan muli ang kapatid! Hindi lang isang beses, makailang ulit siyang inangkin ng kapatid nang gabing iyon na para bang sabik na sabik itong hagkan at gawin ang lahat ng gusto nito sa katawan niya. Ang masama pa ay nagustohan ni Ariana ang ginawa nila. Nagustuhan niya kung paano isagad ng kapatid ang kabuohan nito sa loob niya, kung paano nito alam ang mga kahinaan niya na magpapawala ng katinuan ng kanyang isip. Hindi niya mapigilang baliktanawin ang naganap sa pagitan nila ng kapatid nang gabing iyon, nag-iinit ang katawan niya sa tuwing naalala ang kapatid. "Okay, ka lang? ‘Di ka nakikinig," nakasimangot na sabi ni Daisy sa kabilang linya. L
"Pwede mo na akong bitiwan," malamig ang boses na utos ni Ariana sa kapatid. Hindi huminto si Brian sa paglalakad kaya sapilitang binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng binata. "May pasok pa ‘ko," giit niya, at tinalikuran ang nakatatandang kapatid na napahinto dahil sa hindi inasahang ginawa niya. "Ariana, wait!" pigil ni Brian at hinawakan sa kanang braso ang kapatid na nakatalikod na sa kanya. "Can we talk?" Nagbabakasakali siyang kausapin ng dalaga sa pagkakataong ito. Mula noong gabing iyon ay iniwasan na siya nito at hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Brian na makipag-usap dito, o ang malapitan lamang ito dahil sa mga kapatid niyang laging nakabantay sa kaniya. "Late na na ako!" Inalis ni Ariana ang kamay ni Brian sa braso niya at walang pasabing iniwan ang binata. Wala siyang panahon para kausapin ito. Gusto na niyang kalimutan ang nangyari Ayaw na niyang alalahanin pa ang kababoyang ginawa nila! Alam niyang may kasalanan din siya sa nangyari, hinayaan niya ang sar
"Anong meron?" tanong ni Ariana kay Anne. Naglalakad sila sa labas ng gym nang mapansin ang mga estudyanteng nagkakagulo sa entrace, mukhang may kumusyon sa loob ng gym. "Baka naman may event?" hindi siguradong tugon ni Annie. Minsan kasi ay nagkakaroon ng event ang mga higher levels sa gym. "Mukha nga…" Lumapit si Ariana sa entrance ng gym at bahagyang sumilip, curious lang siya, ang dami kasing estudyante ang nagkumpulan. "Anong meron?" curious na tanong ni Anne, sumilip na rin sa gym. "Wala naman akong makita ang daming estudyante," sagot nya at hinarap si Anne. Niyakap niya ang braso ng kaibigan at hinila na ito paalis sa lugar, ngunit pareho silang nagulat ni Anne nang bumukas bigla ang pinto ng gym at pabagsak na sumara. Lumabas roona ng isang babaeng estudyante, takip-takip nito ang mukha at umiiyak. "A-anong nangyari sa kanya?" nagtatakang tanong ni Anne. "Wait… Hindi naman siguro ako namamalik mata,” usal ni Ariana. Anong ginagawa ng babaeng ito dito sa school nila? “B
"Ouch!" "Sorry," agad na hingi ni Yves ng paumanhin kay Daisy. Muli nitong dinampi ang cotton na may gamot sa siko nitong may sugat. "Does it still hurt?" nag-aalalang tanong ng binata sa kanya. "Hindi na…" Nginitian ito ni Daisy. Pinagpatuloy ni Yves ang paggagamot sa mga galos at sugat ng kaibigan. Minabuti ng binata na dalhin sa clinic si Daisy pagkatapos makita ang natamo nito sa mga bully. Sisiguradohin niyang mapaparusahan ang tatlo sa ginawa ng mga ito sa matalik niyang kaibigan. Those b*tches can't escape him after beating the most special girl in his life. "Yves…” Napatitig ang binata kay Daisy nang tawagin nito ang pangalan niya. Doon n'ya napansin ang kalmot sa mukha ng dalaga. Wala sa sariling umangat ang libre nilang kamay at masuyong hinaplos ang parti ng mukha nito na may kalmot. "Baka mag-iwan ito ng peklat." Nagugulat na hindi kumilos si Daisy sa ginawa ni Yves. Instead na bawiin ang kamay ay muli niyang hinaplos ang mukha ng dalaga. "Next time, umiwas ka sa mg
"Hindi mo ba panonoorin ang performance ng Ppalpan Prince?" Umiling si Daisy sa tanong ni Anne."Bakit? Hindi ba't ikaw ang number one fan ni Yves Chandler?""Tinatamad ako," walang gana niyang sagot."Maniwala ako sa ‘yo. Ang sabihin mo, nagtatampo ka naman sa best friend mo. Tell me… Anong kalandian na naman ang ginawa niya para magselos ka?"Inismiran ni Daisy si Anne. “Hindi ako nagseselos!" She rolled her eyes.Of course, nagtatampo siya kay Yves kaya hindi niya panonoorin ang performance nito sa school opening ceremony. Paanong hindi siya maiinis sa lalaki? Nakita na naman niya itong masyadong papansin sa mga babae sa school nila. Oo na, school hearthrob ito, at mala-celebrity dahil sa grupo na kinabibilangan nito sa school nila, pero hindi niya talaga kasi maiwasan na hindi magselos at mainis. Sa kanya lang dapat ang buong atensyon ni Yves!"Hindi ka nagseselos? Sige, sabi mo eh." Inagaw ni Anne ang popcorn na hawak n'ya. "Oo nga pala, nabalitaan ko, babalik na ng Pilipinas si
Daisy is the most gentle and sweet girl Yves Chandler has ever encountered in his life. Para sa kanya si Daisy ang perpektong imahe ng isang tunay na dalagang Pilipina kahit pa may dugo itong banyaga. Una niyang nakilala ang babae nang minsan niyang katagpuin ang pinsan na si Ariana sa isang café. They exchanged numbers due to an emergency, at after nang pangyayari ay hindi na nawala ang communication nila ng dalaga. They became close friends, hanggang sa best friend na rin ang turingan nila ng babae. Of course, he cares for her and loves her. Daisy is her only girl friend… As in, babaeng kaibigan, kaya naman mahal na mahal niya ang dalaga. He really trusted Daisy kaya naman nang malaman niya ang ginawang panloloko at pagsisinungalin nito sa kanya ay halos isumpa niya si Daisy Unang beses niyang makita si Yves matindi na ang tama niya sa lalaki. Agad siyang nakagawa ng kasinungalingan makuha lang ang personal na number ng binata, and the next thing that happened was history. Hindi ala
Kakatapos lang ng final exam at napagdisisyonan ng ama nilang dalhin si Ariana sa California kasama ang anak nitong si Kara habang inaayos ang ilang papers at schood records ng dalaga. Ariana kasi ang ginamit nito simula nang mag-aral sa California, kaya hindi pa pweding magsama ang dalawa bilang mag-asawa.Sa mata ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigang nakakaalam ng tunay na relasyon ni Ariana at Brian ay walang problema sa pagkakaroon ng relasyon ng mga ito, ngunit, sa ibang tao na hindi alam ang tunay na nangyari sa kanilang nakaraan ay hindi kailan man maiintindihan ang relasyon nila, alam ng lahat na magkapatid sila sa papel at isang malaking kasalanan ang pagkakaroon ng relasyon sa iyong sariling kapatid sa mata ng tao, lalo na sa batas ng Diyos.Pinangako ni Renior na mamadaliin ang proseso ng papers ni Ariana, para magamit na nito ang tunay na pangalan, kaya kahit malalayo sa kanyang mag-ina ay pumayag si Brian sa set-up nilang mag-asawa, well, kung gugustuhin niya, maari
"I'm cumming!!" Umarko ang katawan ni Ariana, nanginig ang mga hita niya at tumirik ang mata nang marating ang ika-pitong langit. Hinihingal na ibinagsak niya ang sarili sa kama at ipinatong ang braso sa kanyang mga mata. Satisfied siyang ngumisi nang maalala ang ginawa sa harap ng asawa. Hindi na siya makapaghintay na tingnan ang ekspresyon sa mukha nito, hahabulin muna niya ang sariling hininga bago niya balikan si Brain, na siguradong puno na pagnanasa dahil sa live show niya."Gosh! That was great, right? Nagustuhan mo ba ang pinanood mo?" tanong ni Ariana na hindi pa rin gumagalaw sa pagkakahiga niya sa kama. Grabe! Iyon lang ang ginawa niya pero pagod na pagod na siya."Hey, Brian… Are you even listening?" Wala pa rin siyang nakuhang tugon mula sa mister. "Don't tell me nalunok mo ang dila mo habang nanunood ng live show ko?"Nakunot ni Ariana ang noo. Wala pa rin siyang nakuhang tugon mula sa lalaki. Nagpasya siyang tignan na ito para i-check kung humihinga pa ba ang asawa. Ng
Unti-unting iminulat ni Brian ang mata, he adjusted his vision, nang masilaw sa ilaw na nakatutok sa kanya. Damn! Where is this place? Ginala niya ang tingin, at doon lang niya napagtanto na nakatali pala siya sa isang kama. "What the f*ck!" malutong niyang pagmumura.Brian tried to sit in bed, and he succeeded. Hindi naman mahigpit ang pagkakatali niya sa kama, naigagalaw pa niya ang mga kamay at paa, ngunit hindi lang talaga niya ito mailayo sa pinagtalian sa bawat corner ng kama.Nang makasandal ng maayos sa headboard, sinipat niya ang bawat sulok ng silid, pero hindi niya makita kung may tao ba kwarto, dahil hindi nakabukas ang mga ilaw, liban na lang sa nag-iisang ilaw na nakatapat sa mismong kama na kinahihigaan niya."And now you're awake." Dinig niyang sabi ng isang babae.Masakit pa rin ang batok ni Brian, pamilyar sa kanya ang boses ngunit hindi niya matuok, nahihilo pa rin siya’t hindi makapag-isip ng maayos. "W-who are you?""Should I be mad? My husband has forgotten me,"
"Kung ganun hindi talaga nagsisinungaling si Ariana sa sinabi niya kanina, may date pala talaga sila ni Kenji," pahayag ni Saint. Nasa parking silang tatlo; si Brian at Xander, at nakikita nilang palabas ng gate si Kenji at sakay ng motorcycle nito si Ariana "Hayaan niyo siya, wala na akong pakialam sa kanya. Kung gusto niya kay Kenji, edi magsama sila!" supladong tugon ni Brian at naglakad patungo sa kotse niya."Hoy! Teka, sasabay ako sa ‘ yo" saad ni Saint at pumasok sa backseat ng sasakyan. "Sasabay din ako pauwi," wika din ni Xander at pumasok sa shotgun seat."May mga sasakyan naman kayo, ah?" reklamo ni Brian."Na-flat" walang ganang tugon ni Xander."Flat din yong sa ‘kin," sagot din ni Saint kaya tinaasan niya ang mga ito ng kilay."Umamin nga kayo! May binabalak ba kayong hindi maganda?" seryosong tanong ni Brian sa mga pinsan."Ako wala, malinis ang intensyon ko. Ewan ko lang d’yan kay Xander," pasaring ni Saint at sumandal sa upuan.Napabuga ng hangin si Xander at umarko
"Kuya Brian!" tawag ni Ariana sa binata na papasok na sana sa kotse nito."Ano?" malamig na tugon naman nito. Masama pa rin ang loob niya kay Ariana! Bakit ba ang manhid nito?"Sa ‘yo na ako sasabay papuntang school!" Tudo ngiti na sabi niya."Doon ka sumabay sa lalaki mo!" Singhal ni Brian sa dalaga pero hindi ito pinansin ni Ariana at pumasok sa shotgun seat. "Ano ba, doon ka nga sabi kay Kenji!""Mhmm... Oo, mamaya doon ako sa kanya. I'll ride him," saad ng dalaga kaya natigilan si Brian. "I mean ‘yong motor po," pagtatama ni Ariana sa iniisip ni Brian na sasakyan niya."Psh!" Naiinis na tugon ni Brian bago umiko sa kabilang bahagi ng sasakyan. Subukan lang talaga ni Ariana na magpagalaw sa iba, at makakapatay talaga siya! Ini-start ni Brian ang makina ng sasakyan at minaneho ang kotse papuntang Ppalpan University."Kuya, wala ka bang planong magka-girlfriend?" Basag ni Ariana sa katahimikan. Wala lang gusto na naman niyang mag-asar."Wala!""Mhmm... Bakit naman? Wala ka bang nati
"Bakit ngayon ka lang umuwi anak?" nag-aalalang tanong ni Chaeyoon kay Ariana, kanina pa nila hinihintay ang dalaga."Sorry mommy, may ginawa lang po kasi akong project kasama ng mga classmates ko," pagsisinungaling niya. Ang totoo hindi napansin ni Ariana ang oras dahil nawili siya sa pakikipag laro sa anak na si Kara. Hindi nya alam kung kailan siya mapapasyal muli sa anak, kaya sinulit na niya habang naroon pa siya. "Bakit mommy may nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Ariana sa ina.Napahilot ang ginang sa sintido. "Ang asawa mo umuwi ng lasing nakipagsagutan pa sa daddy niyo." Napabuntonghininga si Ariana. Alam na ng mommy at daddy nila, pati na nila Rick at Kurt na bumalik ang memorya niya. Ayaw lang niyang ipaalam ng mga ito kay Brian dahil gusto niyang turuan muna ng leksyon ang lalaki.Naiinis siya ng sobra kay Brian, hindi lang nito itinago sa kanya ang lahat, nagawa pa siya nitong galawin habang wala siyang maalala, sobra siyang na konsesya dahil inisip niyang magkapatid ta