Share

Kabanata 4

Author: Daiana
last update Last Updated: 2021-06-14 10:19:06

Lihim na pinagagalitan ni Felice ang sarili habang patuloy siyang nagbabasa ng second reading para sa Phil. History nila. Hindi niya natapos ang mga readings kagabi dahil na-distract siya sa pa-message ng prof niya kaya ang ending, nagka-cram tuloy siya ngayon.

‘Ugh! Kasi naman, Felice, e! Kung nagbasa ka sana kagabi edi chill ka na sana ngayon!’

Napaungot siya sa inis. Muli niyang binasa ang papel. Mas lalo pa siyang nainis nang pabalik-balik na lamang siya sa isang paragraph. Parang hangin na dumadaan lang ang mga concepts na binabasa niya at hindi ito nare-retain kaya ang ending binabasa niya na naman ulit. Mas lalo lang siyang napu-frustrate tuloy. Naipadyak niya pa ang kanyang mga paa sa sobrang inis.

‘Gosh, Felice! Bakit ang distracted mo?!’

Mabilis niyang tinapunan ng tingin ang kanyang wristwatch at napamura na lamang siya nang makitang halos limang minute na lang ang natitira bago magsimula ang klase nila. Inis na tinapunan niya ng tingin ang mga maiingay niyang kaklase. Dinadagdagan lang kasi ng mga ito ang distraction niya at mas naiinis siya roon. Kailangan na kailangan niyang mag-concentrate!

"Good morning, class."  Nahinto siya sa kanyang ginagawa at natuod na sa kanyang kinauupuan nang marinig ang boses na iyon.

‘Damn it!’

Malutong na napamura siya sa kanyang isipan.

"As I've instructed, we will be having an oral recitation for today."

Hindi na niya mabilang kung nakailang mura na siya nang sabihin ng professor nilang kumuha sila ng one-fourth index card at ipasa iyon pagkatapos sulatan ng mga pangalan nila.

Saglit na tiningnan niya pa ang professor sa harapan. Mas lalo lang siyang nainis. Lihim niyang inirapan ito.

‘Bwisit! Kasalanan niya ito, e! Bakit kasi nag-message pa siya kagabi? At bakit ba kasi ako na-distract sa message na iyon?! Anong meron?!’

She silently groaned in frustration. Hindi niya talaga gets kung anong meron at distracted siya. Ang alam lang niya ay sobrang gulo ng kanyang utak pagkatapos ng text na iyon.

"Pass your index cards." Huminga siya nang malalim at muntik nang malagutan ng hininga habang pinapasa ang index card niya sa harap.

Nang matanggap ng professor nila ang mga cards ay agad nitong binalasa ang mga iyon na parang baraha. Halos hindi na makahinga si Felice sa tuwing bumubunot ng card ang professor niya. Lihim siyang nagdarasal na sana ay hindi siya matawag ngayong period kaso mukhang inulanan siya ng malas.

"Give me the facts of the first reading and share your thoughts about it…Miss Lemuel."

Namilog ang kanyang mga mata nang marinig ang pangalan. Lahat ng mga kaklase niya ay tumingin sa kanya at napamura na lang siya nang maski si Gregory ay nakatingin na rin pala sa kanya. Sobrang nanginginig na ang kanyang mga kamay at paa pero pinanatili niya ang pagkawalang emosyon ng kanyang mukha. Iyon iyong paraan niya para itago ang kaba at hiyang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

‘Oh God, help me!’

***

"Our highest for the quiz, with a perfect score, is none other than Miss Felice Lemuel. Congratulations, Miss Lemuel." Ngumiti ang communication professor ni Felice  habang palapit siya rito para kunin ang kanyang test paper. Narinig niya pang pumalakpak ang kanyang mga kaklase nang pabalik na siya sa kanyang upuan.

"Congrats, Felice," sabi pa ng iba. Tipid na nginitian niya lang naman ang mga ito

Pagkaupo niya ay tiningnan niya ang kanyang papel bago iyon inilagay sa kanyang bag. Itinuon na rin niya ang kanyang atensyon sa harapan at nakinig na kay Miss Fortuna. Pero kahit na nakikinig siya at nakatuon lang ang kanyang tingin sa harapan ay tila sirang plakang bumabalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina sa oral niya sa Philippine History.

Hindi naman mai-erase ng isang perfect score ang kahihiyang dinanas niya kanina sa Phil Histo. Hindi pa siya binibigyan ng grado ng professor nila sa Phil Histo. Bibigyan daw siya nito ng isa pang pagkakataon para sa recitation niya. Hindi kasi talaga siya nakasagot nang maayos kanina. Sobrang hapyaw lang ng mga naaalala niya sa content ng binasa niya. Hindi talaga siya nag-function kanina at ginusto niya na lang talagang lamunin ng lupa para hindi na siya mapahiya pa. Mabuti na lang talaga at may second chance dahil kung hindi, ewan na lang talaga niya.

‘Arg! Hindi na dapat mangyari iyong kanina, Felice! Gosh! No more room for failures! Hindi ka na pwedeng pumalya! Nakasalalay ang mga grades mo! Kung bakit ba kasi kailangan kong mag-take ng Phil Histo! Kainis!’

Bumuga siya ng hininga at iniling ang kanyang ulo para mag-focus na lang. Humugot siya ng hininga at nag-concentrate na lang sa kung ano mang sinasabi ni Miss Fortuna sa discussion nila.

"Okay class, that's it for today. I won't give you any readings yet. But we will have a quiz next week," ani Miss Fortuna nang matapos na ang discussion. Agad niyang narinig ang mga reklamong ungot ng kanyang mga kaklase nang marinig ang salitang quiz. Napailing na lamang siya.

Mabilis niyang tinipon ang kanyang mga gamit at agad na nilagay ang mga iyon sa kanyang bag. Wala na siyang klase pagkatapos kaya napagdesisyunan niyang pumunta na muna sa paborito niyang café sa tapat ng kanilang campus. Kailangan niya munang mag-relax. Susubukan din niyang magbasa ng readings doon. Baka sakaling mas makapag-focus siya dahil sa ambiance ng shop.

Nang okay na ang mga gamit niya ay mabilis siyang umalis ng classroom at nagtungo na palabas campus.

"Hi, Felice."

"Magandang tanghali, Felice."

Muntik na niyang maiirap ang kanyang mga mata nang marinig ang mga greetings na iyon habang naglalakad siya. Hindi niya kasi gets kung bakit panay na lang ang ganoon ng mga estudyante kada dadaan siya. Sa totoo lang ay naiinis at nabubwisit na rin siya sa mga pabati na para bang pagmamay-ari niya ang mundo at para bang isa siyang diyosa. Alam niya namang nagpapapansin lang ang mga ito.

Napailing na lang siya at mas binilisan pa ang lakad. Nang makarating siya sa café ay napamura na lamang siya nang makitang halos lahat ng upuan ay may nakaupo na.

Pumila na lang muna siya sa counter. "One Matcha frappe and one slice of blueberry cheesecake," order niya.

"That would be 546, ma’am.” Binigyan niya ng one-thousand-peso bill ang cashier bago niya ikinalat ang kanyang tingin para maghanap ng bakanteng upuan. Napanguso pa siya nang makitang punuan na talaga.

‘Saan na ako uupo ngayon?’

Binalingan niya ang cashier.

"Uhm may vacant seat pa po kayo for dine in?" tanong niya rito. Ikinalat din ng cashier ang tingin.

"Ma'am kung okay lang po sa inyo, pwede po kayong maki-share na lang sa mga mag-isa. Samahan ko na lang po kayo mamaya,” sabi nito. Tumango na lang siya at saka bumuga ng hininga. Wala na rin naman siyang magagawa.  

Nang matapos na ang order niya ay sinamahan nga siya nitong humanap ng upuan. Nakasunod lang siya rito nang pumunta ito sa may corner at kinausap ang mag-isang lalaking nakaupo roon. Nang matapos siyang makipag-usap ay binalingan siya nito ulit.

"Ma'am, okay lang daw po kay sir na mag-share kayo,” sabi niya pa. Tipid na nginitian niya lang ito at tinanguan.

“Sige, salamat nang marami,” sabi niya at pumunta na rin sa table. Nakayuko ang lalaki at nagbabasa kaya hindi niya makita ang mukha nito.

Tahimik na inilagay lang niya ang kanyang frappe sa lamesa tapos ay umupo na siya sa tapat nito. Kinuha niya ang kanyang Philippine History na Readings. Nakita niyang nag-angat ng tingin ang lalaki nang inilabas niya ang kanyang mga handouts. Ipinagkibit-balikat niya lang ito at saka siya kumagat sa kanyang cake.

"Kailangan mo ng tulong diyan?" Agad na natuod siya sa kanyang kinalalagyan nang marinig ang boses na iyon.

Tiningnan niya ang lalaking nasa kanyang harapan at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang si Sir Greg niya iyon.  

‘What the!’

Greg flashed his signature smile. "I can help you with that, Miss Felice," sabi pa nito, nakangiti pa rin.

Napalunok si Felice nang nagsimula na namang maging kakaiba ang tibok ng kanyang puso. Nataranta siya.

‘What the hell. Bakit ako nagpa-panic?!’ 

"Uhm…"

“Mukhang nahihirapan ka sa mga readings natin. Pwede kitang tulungan. Saan ka ba nahihirapan?” tanong pa nito. Nakagat niya ang labi. Hindi siya makagalaw. Miski daliri niya ay hindi makagalaw.

Huminga siya nang malalim para kalmahin ang kanyang sarili.

"It's fine sir… uhm na-distract lang po ako kanina kaya hindi ako nakasagot,” sambit niya rito. Nakita niya kung paanong nagkunot ang noo nito. Agad niya namang iniiwas ang kanyang tingin dito.

"Hmm. Maybe I can help you, too. Parang ganyan din ako, e. Madali akong ma-distract sa mga bagay bagay pero na-overcome ko naman iyon. Pwede kong sabihin sa’yo ang mga strategy ko.” Ngumiti ulit ito sa kanya. Nagdalawang-isip pa siya kung anong sasabihin pero agad na itong kumuha ng papel dahilan para mapatitig na lang siya rito.

May sinulat ito sa mga readings niya.

"Here are some tips. Most of the words from the readings are usually fillers and those fillers are usually the reasons why we get distracted from the content that we are supposed to be focusing on. An outline on what you should be getting from these readings might help you." Ibinigay nito ulit sa kanya ang mga papel na may mga sulat na.

Tiningnan niya ang mga iyon at nakita niyang may sinulat nga itong mga outline kung ano ang dapat niyang hanapin sa readings. Ipinaglapat niya ang kanyang labi at tiningnan ang lalaki.

"Uhm t-thanks,” nahihiyang sambit niya rito.  Marahang tumawa si Greg.

"You're welcome, Felice," sagot nito sa kanya.

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Muli ay inatake na naman siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang dibdib. Hindi niya iyon maipaliwanag pero sure siyang katulad iyon ng naramdaman niya noong unang magtagpo ang kanilang mga tingin noong first day of class. 

‘Shit. Ano ito? Anong nangyayari sa akin?!’

Related chapters

  • Defying the Norm (Filipino)   Kabanata 1

    "Hi, Felice!""Gosh, Felice is so nice!""True! Sis sana all, di ba! Sana maging ako siya! ""Ay talaga, no! Grabe siya na talaga! Siya na ang babaeng katinga-tingala!"Halos lumuwa na sa kanilang mga mata ang mga eyeballs ng mga babaeng nadadaanan ni Felice. Napabuntong-hininga na lamang siya sa mga naririnig. Kung ang mga ibang babae ay gustong gustong nakakarinig ng mga ganoon kompliment, siya hindi. She just find those annoying and not true. Para kasing pinaplastik lang siya ng mga ito.Obvious naman na hindi bukas sa mga kalooban ng mga ito ang mga sinasabi. Given her reputation and image sa school, sigurado siyang sinasabi lang iyon ng mga babae para mapansin niya. She's Miss Popular and most girls whose aim is to get to the top. Kaya ang way ng mga ito ay ang makipagkaibigan sa kanya para madala niya ito sa kasikatan niya.Napapairap na lan

    Last Updated : 2021-06-14
  • Defying the Norm (Filipino)   Kabanata 2

    Hindi naging komportable kay Felice na manatili pa sa student council room simula nang malaman niyang ang History Professor niya sa History ang kanilang substitute adviser. Ewan ba niya, kada nakikita niya kasi ito ay naaalala niya ang embarrassing moment niya pag nakikita niya ito. Mas nahihiya siya pag ganoon kaya mabuti nang wag na lang talagang mag-cross ang landas nilang dalawa dahil ewan na lang talaga niya.Gusto niya ngang pagalitan ang sarili niya sa pagiging OA niya sa moment na iyon. Napaungot na lamang siya habang inaayos niya ang mga papel na kailangan niyang pirmahan.Nasa kalagitnaan siya ng pagpipirma nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan."Miss Lemuel."Muntik na siyang mapatalon sa kanyang kinauupuan nang marinig iyon. Madaling nag-angat siya ng tingin at saka sinundan ng tingin ang pinanggagalingan ng boses. Napalunok pa siya nang bumungad sa kanya ang mukha ng kanilang

    Last Updated : 2021-06-14
  • Defying the Norm (Filipino)   Kabanata 3

    Halos mag-all nighter si Felice dahil sa dami ng basahin nila sa Philippine History. May tatlong papel pa siyang gagawin na para naman sa Communication subject niya at kasabay noon ay nagsasagot din siya ng mga queries ng Dean tungkol sa palapit nilang acquaintance.“Felice, hindi ka pa tulog?” Agad siyang napalingon nang marinig iyon. Bumungad sa kanya ang Mommy at Daddy niya na kapapasok lang ng bahay nila.Nasa sala kasi siya tumatambay. Nginitian niya ang mga magulang tapos ay tumayo siya."Good evening, mom, dad," bati niya sa mga ito at bumeso sa mga ito.“Bakit gising ka pa? Late na, a,” sabi pa ng Mommy niya. Bumuntong-hininga lang siya at nagkibit-balikat.“Marami pa po kasi akong gagawin, Mom. Don’t worry, matutulog na ako ng bago mang- 12,” sabi niya na lang dito. Sandali ap siyang tinitigan ng ina pero sa huli

    Last Updated : 2021-06-14

Latest chapter

  • Defying the Norm (Filipino)   Kabanata 4

    Lihim na pinagagalitan ni Felice ang sarili habang patuloy siyang nagbabasa ng second reading para sa Phil. History nila. Hindi niya natapos ang mga readings kagabi dahil na-distract siya sa pa-message ng prof niya kaya ang ending, nagka-cram tuloy siya ngayon.‘Ugh! Kasi naman, Felice, e! Kung nagbasa ka sana kagabi edi chill ka na sana ngayon!’Napaungot siya sa inis. Muli niyang binasa ang papel. Mas lalo pa siyang nainis nang pabalik-balik na lamang siya sa isang paragraph. Parang hangin na dumadaan lang ang mga concepts na binabasa niya at hindi ito nare-retain kaya ang ending binabasa niya na naman ulit. Mas lalo lang siyang napu-frustrate tuloy. Naipadyak niya pa ang kanyang mga paa sa sobrang inis.‘Gosh, Felice! Bakit ang distracted mo?!’Mabilis niyang tinapunan ng tingin ang kanyang wristwatch at napamura na lamang siya nang makitang halos limang minute na lang ang natitira bago magsimula ang klase nila. In

  • Defying the Norm (Filipino)   Kabanata 3

    Halos mag-all nighter si Felice dahil sa dami ng basahin nila sa Philippine History. May tatlong papel pa siyang gagawin na para naman sa Communication subject niya at kasabay noon ay nagsasagot din siya ng mga queries ng Dean tungkol sa palapit nilang acquaintance.“Felice, hindi ka pa tulog?” Agad siyang napalingon nang marinig iyon. Bumungad sa kanya ang Mommy at Daddy niya na kapapasok lang ng bahay nila.Nasa sala kasi siya tumatambay. Nginitian niya ang mga magulang tapos ay tumayo siya."Good evening, mom, dad," bati niya sa mga ito at bumeso sa mga ito.“Bakit gising ka pa? Late na, a,” sabi pa ng Mommy niya. Bumuntong-hininga lang siya at nagkibit-balikat.“Marami pa po kasi akong gagawin, Mom. Don’t worry, matutulog na ako ng bago mang- 12,” sabi niya na lang dito. Sandali ap siyang tinitigan ng ina pero sa huli

  • Defying the Norm (Filipino)   Kabanata 2

    Hindi naging komportable kay Felice na manatili pa sa student council room simula nang malaman niyang ang History Professor niya sa History ang kanilang substitute adviser. Ewan ba niya, kada nakikita niya kasi ito ay naaalala niya ang embarrassing moment niya pag nakikita niya ito. Mas nahihiya siya pag ganoon kaya mabuti nang wag na lang talagang mag-cross ang landas nilang dalawa dahil ewan na lang talaga niya.Gusto niya ngang pagalitan ang sarili niya sa pagiging OA niya sa moment na iyon. Napaungot na lamang siya habang inaayos niya ang mga papel na kailangan niyang pirmahan.Nasa kalagitnaan siya ng pagpipirma nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan."Miss Lemuel."Muntik na siyang mapatalon sa kanyang kinauupuan nang marinig iyon. Madaling nag-angat siya ng tingin at saka sinundan ng tingin ang pinanggagalingan ng boses. Napalunok pa siya nang bumungad sa kanya ang mukha ng kanilang

  • Defying the Norm (Filipino)   Kabanata 1

    "Hi, Felice!""Gosh, Felice is so nice!""True! Sis sana all, di ba! Sana maging ako siya! ""Ay talaga, no! Grabe siya na talaga! Siya na ang babaeng katinga-tingala!"Halos lumuwa na sa kanilang mga mata ang mga eyeballs ng mga babaeng nadadaanan ni Felice. Napabuntong-hininga na lamang siya sa mga naririnig. Kung ang mga ibang babae ay gustong gustong nakakarinig ng mga ganoon kompliment, siya hindi. She just find those annoying and not true. Para kasing pinaplastik lang siya ng mga ito.Obvious naman na hindi bukas sa mga kalooban ng mga ito ang mga sinasabi. Given her reputation and image sa school, sigurado siyang sinasabi lang iyon ng mga babae para mapansin niya. She's Miss Popular and most girls whose aim is to get to the top. Kaya ang way ng mga ito ay ang makipagkaibigan sa kanya para madala niya ito sa kasikatan niya.Napapairap na lan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status