Share

Deeply In Love With You ( El fuego Series # 2 )
Deeply In Love With You ( El fuego Series # 2 )
Author: M.A.B. Writes

Simula

Disclaimer:

This is only work of fictions. All characters, locations, names of buildings are all fictitious and imaginary product of the author. If there is any resemblance to any location, person, building etc. It is purely co-incidental and not intentional.

BELLA POV

Pagkatapos nang pagpunta ko sa kompanya ni Daddy kanina ay hindi na ako lumabas pa ng bahay. Nagmukmok ako sa loob ng kwarto ko at buong araw lang na natulog. Panay pa nga ang tawag sa akin ni Dominic pero sa halip na sagutin ang mga tawag niya ay inoff ko na lang ang aking selpon.

Mga alas 11 na ng gabi ng maisipan kong lumabas. Halos patay na ang lahat ng ilaw sa labas kaya parang pusa akong dahan-dahan na bumaba sa engrandeng hagdanan. At upang hindi ako makalikha ng ingay ay binitbit ko na lang din ang aking silver high heels.

Deretso akong pumasok sa aking pulang ashton martini. At lumabas ng subdivision. Greet! Now this is called a night out!

Habang nagmamaneho ay panay ang sulyap ko sa salamin upang tingnan kung ayos ba ang itsura ko ngayon.

I was wearing a black silk mini dress at hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok. Hindi na ako nag-abala pang maglagay pa ng makeup.

Napapangiting inihinto ko ang aking sasakyan sa parking lot ng isang sikat na exclusive club. Bago lumabas ay tinitigan ko ang sign board na nasa ibabaw nito.

'Welcome to Rockwell Club.'

So, ito pala talaga ang pinakasikat na club sa buong manila.

Masigla akong lumabas ng sasakyan at nilibot ng tingin ang buong paligid. Woohh! this is super cool! Walang bodyguards at walang Mr. Art na laging nakabuntot. Mahigpit ang hawak ko sa aking pouch tsaka naglakad papasok sa loob ng nasabing club.

Unang sumalubong sa akin ay ang napakalakas na tugtugin at ang mga taong nagsasaya sa dance floor. Dumeretso ako sa bar counter at agad na umupo sa stole.

"Beer please," nakangiting sabi ko sa bartender na nakatulala sa akin.

"Y-yes, right away Madame."

Mas lalo ko lang siyang nginitian bago ko iginala ang buong paningin.

"Uhm..heto na po Madame."

"Thanks." I said and drink my shot.

Napangiwi ako nang malasahan ko ang pait sa inuming iyon. Sobrang tagal ko nang hindi ito natitikman.

Sa U.S. Kasi purong female wine lang ang naiinom ko dahil hindi ako pinapayagan ni Dominic na uminom nang ganito.

"Bago lang po kayo dito Madame? Hindi ko pa po kasi kayo kahit kailan nakita rito," tanong ng bartender sa akin.

"Yeah, This is my first time."

ZACKERIEL POV

As usual nandidito na naman ako sa paborito kong club. Tsk! Tuwing gabi na yata ako nandidito.

Lumabas ako ng private room at humilig sa railings. Kitang-kita ko ang mga taong nagwiwild dance sa ibaba.

Tss.

Akmang aalis na ako nang matigilan ako sa ginagawang paghakbang. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang ibinalik ulit ang tingin sa gitna ng dance floor.

Titig na titig ako sa nag-iisang babaeng nakasuot ng itim na mini dress na may mahahaba at maalon-alon na buhok.

Nakatalikod ito sa mismong direksyon ko pero kitang-kita ko ang makinis nitong balat na sobrang puti.

Fuck! Naaalala ko tuloy si Bella sa isang iyon. Tsk! Hindi na ata maganda ito, mukhang lasing na yata ako.

"Hii, Mr. Buenaventura it was so nice to see you here around."

Nilingon ko ang may-ari ng boses na iyon at nakita ko si Emelia. Anak ng isa sa mga kasosyo ko sa business world.

Nakasuot ito ng spaghetti dress na hapit na hapit sa kanyang beywang.

Damn it! I need to get out of here.

Hindi ko siya pinansin at deretsong naglakad paalis. Napadaan ako sa bar counter at hindi sinasadyang marinig ang sinasabi ng bartender.

"Naku! Mukhang lasing na lasing napo kayo Miss Bella. May iba pa po ba kayong kasama?"

Kumunot ang noo ko sa pangalang narinig at nilingon ang direksyon nila.

Hawak-hawak ng bartender na iyon ang isang babaeng nakayuko sa counter dahil sa sobrang kalasingan. Kumunot ang noo ko nang mapansin na ito iyong babaeng sumasayaw kanina sa gitna ng dance floor.

Tss.

My Bella is not alcoholic. Tsk!

Nagkamali ako sa pag-iisip na magkatulad silang dalawa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at ng makalabas ay agad kong tinawagan si Liza.

[ Good evening Sir. Ano pong maitutulong ko? ] Tanong niya sa kabilang linya.

"Ihanda mo ang conference room at magpatawag ka ng meeting. I will be there at exactly 15 minutes."

[ Po?! Pero sobrang gabi na po ngayon Sir. ]

"Papunta na ako," walang pakialam kong sabi at sinulyapan ang aking pambisig na relo.

[ R-right away sir! ]

Ibinaba ko ang tawag at akmang bubuksan ko na ang pintuan ng aking sasakyan nang may marinig akong sumisigaw.

"Fuck!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at doon nakita ko ang isang babaeng nagpagewang gewang sa paglalakad.

Ito iyong babae kanina ahh. May nakaalalay sa kanyang isang lalaki na mukhang hindi rin mapagkakatiwalaan. Just look at that! Isang lasingga at isang manyakis.

Tsk! tsk!

Ano bang pakialam ko sa kanila. Hindi naman bago sa akin ang makakita ng ganyan.

"Ano ba! What do you think your doing?!" lasing na sigaw ulit nung babae.

"Ahahaha helping you out. I guess," natutuwang anas nang lalaki at hinawi ang buhok ng babaeng iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ang mukha niya.

"There you are. Why such a pretty woman drinking alone at this hour huh? Iniwan ka ba ng boyfriend mo? I can volunteer to be his replacement," wika nito at hinawakan ang panga ng babae para makita ng maayos ang buong mukha nito.

"Just leave me alone!" sabay tampal niya sa kamay ng lalaki.

Titig na titig ako sa mukha ng babaeng nakapikit na abala sa pagtulak palayo ng lalaking kasama niya.

"Pwede namang ako na lang ang maghatid sa iyo-"

Hindi ko na napigilang makialam sa kanilang dalawa. Mabilis akong nakalapit sa kanila at hinawakan ang kamay ng lalaking ito na may balak pa atang haplusin ang katawan niya.

"Sino ka ba?!" galit niyang sigaw sa akin.

Sinulyapan ko lamang siya pero agad ring nagbalik ang tingin sa babaeng nakahilig sa pulang sasakyan.

"Umalis ka na. At baka hindi kita matantya," mariing bigkas ko habang tinititigan si Bella.

Fuck! For the past ten years ay halos suyurin ko na ang buong El fuego at pilipinas sa paghahanap sa kanya. At ngayon, heto na siya sa aking harapan. Lasing at parang wala na sa sarili dahil sa alak.

"Aba't napakaangas mo ahh! Sino ka ba para mangialam?!"

"Hindi mo magugustuhan kapag nakilala mo ako kaya ang mabuti pa umalis ka na!" I sneered at him that made him scared.

Walang imik siyang umalis.

Mabilis kong nilingon ang babaeng ito at nakitang nakatingin na siya sa akin.

Fuck! Is she...

"Z-zackeriel? I-ikaw ba iyan?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status