Share

Kabanata 6: Mga Cowboy

BELLA POV

Binuksan niya ang pinto at nang makapasok kami ay pinagbubukas niya ang mga bintana at ang mga ilaw. And indeed it is so neat and all the things are all well arranged properly.

Halos kumpleto din ito sa mga kagamitan may hagdan din itong maliit na alam kong patungo sa ikalawang palapag.

Sinundan ko si Nanay Wilma sa kusina at nakita kong may sariwang mga bulaklak sa gitna ng lamesa.

"Sino po ang naglilinis dito Nanay Wilma?"

"Iyong kumare kong si Luciana malapit lang ang bahay nila dito. Hindi ko naman pinasama pa ang paglilinis sa labas at mukhang nakakahiya na kasi para sa kanila. Ang importante ay itong sa loob."

"Ganon po ba," sa mahina kong boses.

"Naku! paniguradong pagod ka sa byahe natin Bella. Halika at sasamahan kita sa silid mo at nang makapagpahinga ka na muna sandali," natataranta niyang utal at iginiya ako sa ikalawang palapag.

Binuksan niya ang isang pintuan, marahil ay ang magiging kwarto ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng silid na 'yon at napansin kong maaliwalas din naman ito.

"Huwag kang mag alala at bagong laba ang kama at kumot mo hija. Pagpasensyahan mo na lang ang bakuran natin at ipapalinis ko na lang," sabay bukas niya sa bintana.

Nakita kong kaharap pala ito sa kalsada sa labas itong silid ko.

"Ok lang Nanay Wilma sa katunayan sobra-sobra na po itong ginagawa niyo para sa akin," nakangiti kong bigkas.

Nilapitan niya ako at tinanggal niya ang sumbrero kong suot saka marahan niyang inayos ang buhok ko.

"Para na rin naman kitang tunay na anak Bella. Ang sa akin lang ay huwag maging matigas ang ulo ha," sabay kurot sa pisngi ko.

Napanguso ako nang wala sa oras dahil sa ginawang pagkurot niya. Natawa lamang siya dahil doon.

"Magiging maayos ka dito hija. Walang makakakilala sa iyo dito. Sige na at magpahinga ka na, bukas na bukas din ay makikilala mo si Luciana at ang anak niya."

"Ok po."

Tuluyang lumabas si Nanay Wilma kaya sinimulan ko na ring magbabad sa banyo. Matapos akong makapag ligo ay agad akong dinalaw ng antok, dulot na rin siguro sa pagod sa buong araw na byahe namin kaya naging madali para sa akin ang makatulog.

( Sa Panaginip )

Naglalakad ako sa labas ng Xavier University nang may isang puting van ang huminto.

Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad, sabik na akong makita si Peter, isa sa mga kaibigan ko. Napag-usapan kasi naming magkita sa coffee shop malapit sa eskwelahan.

I was about to cross the road when someone grab my wrist. Dahil na rin sa bigla ay mabilis ang naging pagtili ko causing so much attention to the nearby securities of the school at maswerte ring may grupo ng mga pulis ang nakapaligid sa isang printing shop.

"Tangina! Batsi na!!" sigaw ng isang lalaking may black bonnet at may mask na itim.

All of them are wearing one.

Ayaw pa sana akong bitawan ng isa at sapilitan pa akong hinihila dahilan nang pagsigaw ko muli.

"Tulong! Kidnaper! Someone help me!!" I shrieked.

"Uyy!! Ano yan?!" sigaw ng mga pulis kasabay nang paglapit ng iilang security guard ng school.

Bago pa sila makalapit ay mabilis na tumakbo at sumakay ang mga kidnapers sa puting van. Agad namang sumunod ang iilang pulis dala ang kanilang patrol car.

( End Of Panaginip )

Napabangon ako sa kama at wala sa sariling nilibot ng tingin ang buong paligid.

Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi ito ang silid ko, it takes a second when I remember na wala nga pala ako sa manila.

Kumakamot sa ulo akong bumangon at binuksan ang bintana nang sobrang laki.

Tumambad sa mukha ko ang sinag ng araw at ang malamyos na pagdampi ng hangin. Napapikit ako at napapangiting nilanghap ang sariwang hangin ng lugar.

"Good morning self!" masayang bati ko sa sarili at dahan dahang binuksan ang mga mata.

Una kong nasilayan ang magandang kapaligiran na napapalibutan ng mga matatayog na puno ng niyog. The chirping of the birds filled in my ear and I find it so nostalgic. Nang ibaba ko ang tingin sa kalsada ay kumunot ang noo ko nang makita ang tatlong lalaking nakasakay sa mga kabayo.

Nakatingala ang mga ito sa akin na para bang gulat na gulat na nandidito ako sa itaas.

"What are you all looking at?" tanong ng isang lalaking kararating lang gamit ang magaspang at matigas na boses sa ingles.

Napasunod siya ng tingin sa direksyon ko at mula rito ay naklaro ko ang mga mata niyang kulay brown.

Kagaya ng iba ay nakasakay din siya sa isang kabayo at may suot ding parang cow boy hat.

Hindi ko maklaro ang buong mukha niya pero ang mga mata niya mismo ang naging dahilan upang titigan ko siya nang mariin.

"Tss. Ano pang hinihintay niyo?! HIYA!!"

Sigaw niya at naunang pinatakbo ang kabayong dala. Sumunod naman ang tatlong kasamahan niya sa kanya.

Ano 'yon? Mga cowboy?

ZACKERIEL POV

Pabalibag kong binuksan ang pintuan at marahas na pumasok. Nakita ko pa ang pagkagulat ng isang kasambahay habang abala siya sa pagpupunas ng bintana. Tsk!

"Hijo! Ang bilis naman ata nang lakad niyo at napaaga ang uwi mo?" salubong sa akin ni Lola at sinilip pa ang likuran ko.

Naupo ako sa sofa at binuklat ang isang newspaper para sa araw na ito.

Naramdaman ko ang pagbukas muli ng pintuan at ang pagpasok ng tatlo kong pinsan.

"Ba't hindi mo kami hinintay Zack?" Jared at naupo sa tabi ko.

"Manang meryenda nga po rito," utos ni Kairus at prenteng umupo sa kaharap kong upuan.

"Ang ganda ng umaga ngayon. Ano sa tingin niyo?" Arthur sabay ngise nilang tatlo.

"Mga gago!" Jared na halatang pinipigilang matawa ulit.

"So, kumustang lakad niyo hijo?" Lola asked and stared at me.

"Good. Nakausap ko na po si Leon," sagot ko habang abala sa binabasang balita para sa araw na ito.

"Mabuti naman kung ganoon hijo. Nga pala kailan kayo magpapaenroll? Malapit na ang pasukan sa taong ito," sabay tingin niya sa tatlo.

"Lola kami na pong bahala doon." Kairus sabay siko sa balikat ni Jared.

"Ahh oo nga po Lola," natatawang pakli ni Jared sabay sulyap sa akin.

"Tss," tanging anas ko lamang at marahang tumayo dahilan nang pagtingin nilang lahat sa akin.

"Sa taas muna ako."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status