BELLA POV Tinitigan ko si Zackeriel mula sa likuran. Kita kong nakakuyom ang mga kamay niya na para bang pinipigilan niya lang ang kanyang galit. Naramdaman kong may humaplos sa likuran ko at nakita kong si Leon iyon. Matalim ang tingin niya kay Liam pagkatapos ay pasimple siyang nagpamulsa tsaka tinabihan ang kaibigan. "Hindi ka naman siguro pwedeng mangialam sa mga bagay-bagay Villagracia. Maaaring tama ka sa sinabi mo dahil natural sa aming mga haciendados ang magkaroon nang ganoong klase ng sistema. Pero hindi ibig sabihin din naman na hindi namin kayang talikuran ang isang bagay na alam naming hindi naman tama para sa amin. We are humans too you know, we can choose the right woman for us to be with." Leon said while staring at Liam and his friends. "Tss. Nasasabi mo lang iyan dahil isa ka rin naman sa mga ganoon. Hindi naman lingid sa kaalaman naming lahat na nakalaan kana sa isang babaeng taga Manila. Ano bang pangalan ng isang iyon? Mariel? Mariel Evangeline Cuevas tama
ZACKERIEL POV ( Continuation of Zackeriel's Flashbacks ) "Sino iyong kasama ni Amanda? Ang ganda ahh." Jack said while looking also to that girl who's laughing out. Napansin ko naman ang pag-ismid ni Leon sa gilid ko. "New student I guess," walang gana kong sabi at dumeretso nang pumasok sa student counsel room. Pilit ko siyang iniiwasan sa buong eskwelahan. Hanggat maaari ay hindi pwedeng magkrus ang landas namin but she's so determined. Hindi ako makapaniwalang may gusto siya sa akin. One time I was eating alone in the cafeteria when I accidentally saw her at the other table. Siya lang mag-isa. She was busy sipping with her orange juice while reading a book but her ears got an earphones in it. Hindi ko maiwasang titigan siya nang maigi. Her hair is tied up into a messy bun at may iilang tikyas na buhok ang humaharang sa kayang maliit na mukha. Mapupula ang kanyang pisngi at halos kita ko mula rito ang mga labi niyang may pagkakulay pinkish. Nakarolyo hanggang siko ang
BELLA POV "Bella!" napapatayong tawag ni mommy sa akin. Napapaluhang tinakbo ko ang distansya naming dalawa at mahigpit siyang niyakap. "Mommy! Oh my god my mommy! You're truly here!" naiiyak kong yakap sa kanya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa ganon din si Daddy na agad namang lumapit sa amin at nakiyakap na rin. "Ohh my princess, I've missed you so much. Ok ka lang ba dito? Wala bang nakakilala sa iyo rito?" Mommy asked while checking myself. Pinunasan niya ang aking mga luha sa pisngi. "I missed you too mom. Saka ok lang po ako rito at wala pong nakakilala sa akin dito. I've found also a friend in here and everyone seems so nice to me." "Well that's was so good to hear." Dad while still smiling. Lumayo ako kay Mommy nang kaonti atsaka naupo sa tabi niya. While Nanay Wilma on the other hand is busy preparing something to eat in the kitchen. "So how's school Bella? Hindi ka ba binubully ng mga kaklase mo?" Dad asked. "Hindi naman po. Lahat po sila ay nat
BELLA POV Kumunot ang noo ko habang nakikinig sa usapan nila Nanay Wilma at Zackeriel. Dalawa lang sila? Kung ganon kaninong anak sina Kairus, Jared at Arthur? "Ehh iyong bunso ilan naman ang anak ni Don Ronaldo? Naku! Madalas ko iyong nakikita noon sa rancho ninyo noong bata pa ako. Lahat ng mga kaibigan kong babae ay gustong-gusto si Ronaldo." Nanay Wilma habang nilalapag ang meryenda sa mesa. "Tatlo po ang anak niya," sagot ni Zack. Sinulyapan lamang niya si Nanay Wilma bago ibinalik sa akin ang kanyang tingin. Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko nang dahil sa mga titig niya sa akin. "Naku! Sobrang laki na pala ng pamilya ninyo ano? Kung sa bagay ay hindi nga nakakapagtaka na isa kang Buenaventura hijo. Kuhang-kuha mo ang pagkakamagandang lalaki ng mga tiyuhin at tatay mo." Napainom ako ng juice dahil doon. Totoo nga! Pansin ko iyon sa kanilang lahat na magpipinsan nung nagpunta ako doon. They were all good looking pero iba talaga ang epekto sa akin ni Zack.
ZACKERIEL POV "Answer me, Bella," mariin ang bawat salita ko sa kanya. Nakita ko kung paano siya nataranta. Napapikit ako nang mariin at huminga ng malalim. Damn it! Hindi ko pa nga siya girlfriend ay ganito na ang epekto niya sa akin. Ano pa kaya kapag kami na. "Sino iyong sumundo sa iyo?" mahinahon ko nang tanong ngayon sa kanya. I don't want to scare her. "Wala iyon, Zack. Kakilala lang ni Nanay Wilma sa manila na dumalaw tsaka sinundo ako," sagot niya pero humina ang boses sa huling sinabi. Pinakatitigan ko siya nang mabuti. Tinatanto kung nagsasabi ba siya ng totoo. Panay ang iwas niya ng tingin habang ipinagdidikit ang kanyang mga palad. Kahit ganoon ay ramdam ko ang pagkalungkot niya. "Ok. I beleive you," bigkas ko nang mapansin ang pamumuo ng kanyang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. "Y-yan ba ang ipinunta mo rito?" She asked habang kagat-kagat ang kanyang ibabang labi. Itinulak ko nang bahagya ang maliit nilang gate at lumapit pa nang husto sa kanya. Na
BELLA POV "Tss. I'm not. Magiging akin rin naman si Bella. Right Baby?" gamit ang baritono na may pagkamarahan niyang boses ay halos himatayin na ako sa kilig. Shit! Is this even happening? Ganito ba talaga siya pumorma? Nalaglag ang panga ni Amanda dahil sa sinabing iyon ni Zack. 'Baby?' bigkas niya na wala namang tunog. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at hinarap na lang si Zack na kanina pa nakatitig. "Hmm. Ganyan ka ba talaga manligaw?" mahina kong tanong sa kanya. Naiilang na ako sa bawat paninitig niya sa akin. "This is my first time to court a girl," deretso niyang sagot. "Ganon ba." "Ehh. Sino iyong dinate mo noong nakaraang taon?" hirit ni Amanda. "I don't know what your talking about Amanda. Hindi ako nagdadate ng babae. Many girls flocked over me pero wala akong kahit ni isang pinagbigyan ng pansin sa kanilang lahat," deretso na naman niyang sagot. Napakurap kurap kaming dalawa ni Amanda sa kanya. Tiningnan niya ang kanyang pambisig na relo. Tsaka
BELLA POV Binigyan ko siya ng masamang tingin tsaka siya inirapan. Kahit maingay dahil sa dami ng tao ay narinig ko pa ang pagsipol na ginawa niya, na sinundan naman ng malutong na pagtawa at asaran ng mga kasamahan niya. "Excuse me." Gumilid kami ni Amanda ng may mga grupo ng mga babae ang pababa. Hinintay muna namin silang makababa lahat, bago kami umakyat sa hagdan patungong benches sa ibabaw. "Hindi ko alam na may magaganda pa pala dito sa El fuego community high school." Naghiyawan ang mga players na galing sa taga ibang school dahil sa litanyang iyon ng kaibigan nila. "Halika na," hila ni Amanda sa akin ng makitang nakababa na ang lahat ng mga babae. "Ahh. Oo," sagot ko sa kanya. Naunang umakyat si Amanda kasunod ako. Hahakbang na sana ako para sumunod ng patirin ako ng isang lalaking taga ibang school na nasa gilid lang ng hagdan. Nanlaki ang mga mata ko at kamuntikan na akong mapasubsob. Pero nagulat ako nang may isang kamay ang pumulupot sa beywang ko. "Yooo
BELLA POV Nag-unahan sa paghabol ng bola ang mga players at halos malaglag ang panga ko ng makitang nakuha ito ni Zackeriel. Walang kahirap-hirap at kasing bilis niyang ipinasa muli ang bola sa isa sa mga kasamahan niya at nang masalo ang bola ay mabilis itong tumira ng 3 points. "KYAAAAHHHH!" sigawan naming lahat ng pumasok ang bola sa ring nang deretso. "Ang galing mo, Adamn!" sigaw ng mga babae. Nag-apir sina Adamn at Zack tsaka pumwesto ulit para sa depensa. "Napakagandang pasa non Zack! Ang galing mo!" sigawan ng mga kagrupo niya na nasa bangko. "Mahusay talaga mag-assist itong si Buenaventura coach," puri ng isang manager nila na may hawak na notebook. "Magaling sa depensa, sa assist at mahusay kumuha ng puntos. Malayo ang mararating niya kung ipagpapatuloy niya ang pagbabasketball." Tumawa ng bahagya ang coach nila. At seryoso ang mga matang nakatingin sa loob ng basketball court. "Kung makukumbinsi niyo siyang sumali sa-" "Huwag mo nang ituloy, Car