Share

Kabanata 31: Court

BELLA POV

Kumunot ang noo ko habang nakikinig sa usapan nila Nanay Wilma at Zackeriel. Dalawa lang sila? Kung ganon kaninong anak sina Kairus, Jared at Arthur?

"Ehh iyong bunso ilan naman ang anak ni Don Ronaldo? Naku! Madalas ko iyong nakikita noon sa rancho ninyo noong bata pa ako. Lahat ng mga kaibigan kong babae ay gustong-gusto si Ronaldo." Nanay Wilma habang nilalapag ang meryenda sa mesa.

"Tatlo po ang anak niya," sagot ni Zack.

Sinulyapan lamang niya si Nanay Wilma bago ibinalik sa akin ang kanyang tingin.

Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko nang dahil sa mga titig niya sa akin.

"Naku! Sobrang laki na pala ng pamilya ninyo ano? Kung sa bagay ay hindi nga nakakapagtaka na isa kang Buenaventura hijo. Kuhang-kuha mo ang pagkakamagandang lalaki ng mga tiyuhin at tatay mo."

Napainom ako ng juice dahil doon. Totoo nga! Pansin ko iyon sa kanilang lahat na magpipinsan nung nagpunta ako doon. They were all good looking pero iba talaga ang epekto sa akin ni Zack.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status