NGAYON ang unang araw ni Charity sa hospital at hindi siya makaramdam ng saya gaya ng dati sa tuwing nagttrabaho siya. Siguro dahil na rin sa mga bagay na bumabagabag sa kaniya. Pero somehow, hindi niya maiwasang maging proud sa sarili niya sa tuwing naiisip na naharap niya si Cameron noong gabing iyon. "Doc, heto na po ang record ng pasyenteng ipinasa po sainyo ni Dr. Cruz," anang isang nurse at sabay abot sa kaniya ng record ng isang pasyente. "Thanks, Lizzy," aniya sa babae at inilagay sa mga files na naroon ang nasabing record na isa-isa niyang pag-aaralan mamaya. Limang operasyon sa buwan na iyon ang agad na hahawakan ni Charity. Kailangan niyang hamigin ang sarili dahil ayaw niyang sumasalang sa operating room ng magulo o stress ang utak. Maya-maya pa ay pumasok sa private room na nagsisilbing opisina ng mga ibang doctor ang isang babae. Si Dra. Atson. Sa bawat private room ay apat silang doctor na ookupa nun at isa na nga ito sa mga kasama n
"CAMERON! Cameron, ilabas mo ang anak ko!" Sigaw ni Charity sabay nang pagkalampag ng matayog na gate sa mansion ni Cameron. "Cameron!" She shouted again at wala siyang pakialam kung mamaos man siya basta makita niya ang kaniyang anak at makuha ito sa lalaki. Naiimagine na niya ang pag-iyak ni Calista sa bawat minutong hindi siya nito kasama. Paanong natitis iyon ni Cameron? Ilang saglit pa ay bumukas ang gate at walang babalang pumasok siya, hindi na siya napigilan ng bantay. Malayo pa ng kaunti ang mansion sa mismong gate kaya naglakad siya ng mabilis upang makarating sa main door. Strange, pero wala siyang nararamdamang takot o kaba. Dala na rin siguro ang kagustuhan niyang mabawi ang anak. Malayo pa siya sa main door nang makitang lumabas si Cameron. Nakasuot ito ng faded blue na rugged jeans at itim na tshirt na hakab na hakab sa malaki nitong katawan at mas lalong nakadagdag sa dating nito ang tattoo sa braso nito. Nakapamulsa ito sa magkabil
GABI na ngunit hindi pa rin makatulog si Charity. Naalala niya ang naging usapan nila ni Cameron sa mansion... "Sumunod ka sa akin," ani Cameron kay Charity. Hinawakan nito ang kamay ni Calista at pumasok sa mansion. Ayaw man pumasok ni Charity, pero napilitan siyang sumunod dahil naroon ang anak. Nakita pa niya si Ms Salve dahil ipinabantay muna ni Cameron si Calista rito. Mangiyak-ngiyak ang matanda nang makita siya at ganoon din siya, ang saya niyang malaman na okay lang 'to. Mabilisang yakap lamang ang pinagsaluhan nila. "Sige na at sumunod ka na kay Sir Cameron, alam mo naman 'yon, ayaw niya ng pinaghihintay. Ako na ang bahala muna kay Calista," ani Ms Salve. Tumango siya at sinundan sina Cameron sa may backyard sa kung saan sa gazebo nagtungo ito. "Take a sit, Charity." "Hindi na kailangan. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, wala akong balak na patagalin ang usapan natin, Cameron," matigas na sabi niya sa lalaki. Kita n
KITANG kita ni Charity kung paano ang saya ni Calista nang bumalik sila sa mansion ni Cameron. Yes, she decided to stay here with Calista. Ano pa nga bang choice niya? Hindi niya ibibigay kay Cameron nang tuluyan ang kaniyang anak, ano 'to, sinuwerte? "Ms Salve!" Masaya niyang tawag sa matandang babae at niyakap ito ng mahigpit. "Kumusta na po kayo?" Hindi nila magawang magkamustahan noon nakaraan, kaya ngayon na lang. "Okay naman ako, Charity. Talagang bumalik nga kayo rito sa mansion. Kumusta ka na? Ang laki ng ipinagbago mo at masaya ako roon," anito na pinagmasdan siya. Nginitian niya ang matanda. "Kailangan po namin bumalik. Kapag kasi hindi ko ginawa may isang monster ang mababaliw." Sabay hagikhik. "Atsaka Sinuwerte po akong makakilala ng mabubuting tao na tumulong sa akin,"dagdag niya. Natawa rin si Ms Salve sa unang sinabi niya at tinapik siya sa braso. "Pero masaya akong nandito kayo ni Calista at hindi na parang horror house itong buong mansio
"WHAT the hell?!" Inis na bulalas ni Cameron nang makita ang mga mahalagang dokumentong hinahanap sa itaas ng mesa, dahil doon doon niya naalalang nilagay pero nakita niya ang mga ito sa drawer at may mantsa pa ng kape. "Charity..." Gigil niyang bigkas sa pangalan ng babae. Kinuha niya ang mga papel at mabilis ang mga paa na bumaba sa lanai kung saan naroon si Charity at si Calista. Naglalaro ang dalawa, habang sinasabayan na rin ng pagmemeryenda. "What's this?" Madilim ang anyong tanong ni Cameron kay Charity. Natigilan ang dalawa sa paglalaro at napatitig ang mga ito sa kanila. "I'm asking you, what's this?" "Papers, isn't it obvious?" pilosopong sagot ni Charity sa lalaki. Lalong tila kumulo ang dugo niya sa sagot nito. Hindi ba nito alam na mahalaga ang mga papel na iyon at binasa nto ng kape. "What I mean is, anong ginawa mo sa mga documents ko?" Tataas sana ang boses niya pero nakatingin sa kaniya si Calista kaya pinigilan niya ang sarili na
KINABUKASAN, wala pa rin nagawa si Charity kung hindi sumama kay Cameron papunta kay Senior Silvestre. "Mommy, mabait ba si grandpa?" Inosenteng tanong ni Calista. Sinabi niya kasi rito na pupunta sila sa lolo niya at pumayag naman ito. Napangiwi siya sa tanong ng anak pero hindi niya ipinahalata, binigyan niya ito ng pilit na ngiti at sinagot ng, "Oo naman anak, sobrang bait." Pagkatapos niyang sabihin ang huling tinuran ay pasimple siyang napaismid. Bagay na nakita ni Cameron dahil kanina pa pala siya nito tinitignan. "What? Bakit ganyan ka makatingin? Totoo naman, hindi ba? Sobrang bait ng papa mo," aniya kay Cameron. Binigyan siya ng klase ng tingin ni Cameron na 'Namumuro ka na, humanda ka lang.' Kaya natahimik siya. Medyo malakas ang loob niya na bara-barahin si Cameron nitong mga nakaraang araw dahil hindi siya nito pinapatulan at iyon ang bagay na hindi niya maintindihan. "Sir Cameron, mukhang may problema po," imporma ni Servant Kim ka
NAIILANG si Charity habang nililinisan niya ang sugat ni Cameron, paano ba naman ay kanina pa siya nito matamang pinagmamasdan. "Don't look at me that way, baka gusto mong dikdikin ko ulit ang sugat mo?" Masungit niyang turan sa lalaki na tinaasan lamang siya ng kilay. "Puwede bang sa susunod ang sakyan naman natin ay 'yung alam mong safe kami ni Calista? Muntik na kaming mamatay kanina," reklamo niya sa lalaki. "Yeah. That's my big mistake, ang doon kayo isakay knowing na mas maraming kalaban sa paligid ang gusto akong pabagsakin. But they always failed." "Pasalamat ka na lang na hindi ka napuruhan," aniya habang binabendahan na ang braso nito. "Oh, hayan na. Feel better?" Aniya matapos bendahan ang braso ni Cameron. Tumayo na siya at niligpit ang mga ginamit. Tahimik lang si Cameron habang pinagmamasdan ang bawat galaw niya, bagay na lubos na ikinaiilang ni Charity. "How's Calista?" "She's okay now. Natutulog na nga," ani Charity
"STEFANO..." salubong ni Charity sa binata nang makita niya itong naghihintay sa kaniya sa labas ng hospital. Ilang araw din niyang hindi nakikita ito at sa tingin niya ay medyo pumayat ito. "Pauwi ka na ba?" Usisa ni Stefano sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit sa kinatatayuan nito. "Oo, bakit narito ka?" Balik tanong naman niya. "Gusto sana kitang iinvite mag-dinner, since matagal na tayong hindi nakakapasyal," anito na nakangiti. Napangiti rin siya dahil namiss niya ang gala nilang laging ginagawa noon. "Sure. Sakto namiss ko na rin ang mga treat mo," biro niya. Hindi niya ipinahahalata kay Stefano na alam na niyang gusto siya nito. Hindi na rin niya dapat ishare rito kung paano niya nalaman 'yon. Ayaw niyang magkaroon ng ilangan sa pagitan nila. "No problem, bibilhin ko kahit anong gusto mo," sabi naman nito na natatawa. Inakbayan siya ni Stefano. Kung dati ay wala sa kaniya iyon at tila normal lang nilang ginagawa, ngayon ay
SWITZERLAND. "YOU look great, wifey..." May kislap ng paghanga sa mga mata ni Cameron nang sabihin ang mga salitang 'yon sa kaniyang asawa na si Charity. Nasa harapan niya si Charity habang nakasuot ng pulang nighties na umabot lamang sa taas ng tuhod at kitang-kita ang bilugin at mapuputing hita ng babae na biglang nagpainit sa kaniyang pakiramdam. Kahapon pa niya tinitiis ang sarili na huwag angkinin pagkatapos ng kasal ang asawa at gusto nilang gawin iyon sa Switzerland. At ngayong nasa ibang bansa na sila, sa wakas ay magkakaroon na rin ng hanganan ang pagtitiis niya. "Regalo sa akin ni Gab," ani Charity na nahihiya pa. Lumawak ang ngiti ni Cameron, natutuwa siya kay Charity sa tuwing namumula ang mukha nito kapag nahihiya, hindi kailanman nawala ang kainosentehan ng asawa kahit may anak na sila. Para pa rin itong laging sasabak sa unang pagniniig dahil sa hiya. "Come here, Charity. Show me what you've got under that nighties..." Seryoso pero r
ISLA SILVESTRE... NGAYONG araw ang kasal nina Cameron at Charity, sa Isla Silvestre nila ginawa ang beach wedding at choice nilang dalawa iyon. Para kay Charity paraiso pa rin ang Isla Silvestre. Naroon ang halos mahahalagang tao sa buhay nilang dalawa. Habang naglalakad sa gitna si Charity at masaya niyang tinitignan ang mga taong naroon. Sina Madam Ada, Senior Silvestre, Stefano, Kier, Gab, Milet, Sharlot, Ms Salve ang anak nilang si Calista, sina Dra. Lesley at pamilya nito, at ang ibang mga malalapit na kamag-anak at business partner ng mga Silvestre. Sayang nga lang at wala roon si Servant Kim... Pumailanlang ang awiting ON THIS DAY habang naglalakad siya at nagtama ang mga mata nila ni Cameron na napakagwapo sa suot na white tuxedo. Hindi siya makapaniwala na ikakasal na siya sa lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan nila, still, sila pa rin pala sa huli. Iba talaga maglaro ang tadhana. Papaikutin ka muna
NANG sabihin ng doctor na ligtas na sa panganib si Charity, pero kailangan pa rin obserbahan sa mga susunod na araw. Agarang pinuntahan ito ni Cameron sa private room nito. Mahimbing ang tulog ng babae, nilapitan niya ito at isang ngiti ang sumilay sa labi ni Cameron. She's safe now. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ito sa kamay. "He heard my prayers, our prayers for you..." marahan niyang sambit. Ang takot na naramdaman niya nang malagay sa peligro ang buhay ni Charity ay walang katumbas. Doon lang niya narealized kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya nalaman na ganoong kalaki na pala ang espasyo sa puso niya ang naokupa ng babae, ganoon na rin pala kalaki ang pagmamahal ang naibigay na niya sa babae. He can risk everything for her. Even his life. Niyakap niya si Charity sa paraang hindi ito masasaktan lalo na ang sugat nito. Isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg nito at sinamyo ang natural na amoy ng babae. Nanatili siya ng ilan
PAGKARINIG ni Charity sa sinabi ni Cameron na tumakbo na siya ay ginawa naman niya. Kahit nakatali pa ang mga kamay niya ay hindi niya alintana iyon, tumakbo siya. Alam niyang susunod si Cameron sa kaniya at kumukuha lang ito ng tiyempo. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nakarinig siya ng isang putok ng baril. Napatigil siya at nilingon si Cameron sa pag-aakalang binaril ito ng mga kalaban. Kita niyang nakatingin ang lahat sa kaniya at doon lang niya naramdaman ang biglang kirot sa kaniyang balikat malapit sa puso. Dahan-dahan siyang tumingin sa sarili and she saw a blood on her shirt. God! Siya ba ang binaril?! "Charity!" Sigaw ni Cameron ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin dahil ang pansin niya ay sa kumikirot na bahagi ng kaniyang katawan na naghatid sa kaniya ng kakaibang kaba. God! Dito na ba sila mamamatay ni Cameron?***** PINAPUTUKAN ni Cameron ang tauhan ni Pilat na bumaril kay Charity. Nakawala sa pagkakasakal niya si Pilat
"CAMERON..." mahina at garalgal na bigkas ni Charity sa pangalan ng lalaki nang makita ang sasakyan nito na tumigil sa hindi kalayuan kung saan siya nakatayo. Gaya ng inaasahan niya, mag-isa ito, bagay na ikinatakot niya lalo. Nang mga sandaling 'yon ay ipinabahala na ni Charity ang lahat sa panginoon. "Nice, nandiyan na si lover boy mo," anang babaeng nasa likuran niya at ang may hawak sa kamay niyang nakatali sa likod. "Napakatanga, ano? Talagang pumunta ng mag-isa, mukhang patay na patay sa'yo at ililigtas ka talaga. Pero sad to say, dito kayong dalawa mamatay." Hindi kumibo si Charity pero sa kaloob-looban niya ay kumukulo na ang dugo niya sa mga masasamang taong dumukot sa kaniya. "Lakad!" Sabi ng babae at bahagya siyang itinulak. Nasa unahan nila ang boss ng mga 'to at ang apat na lalaki. Dahil hindi niya alam ang pangalan ng boss ng mga 'to, 'pilat' na lang ang itatawag niya rito. Ang ibang tauhan nito ay nakatago pa sa mga madidilim na pa
KUYOM ang mga kamao ni Cameron habang pinapanood ang cctv footage kung saan makikita ang pagdukot kay Charity. Habang tumatakbo ang bawat minuto ay mas lalong lumalaki ang kaba at takot niya sa puwedeng mangyari kay Charity. Pero kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may lead naman sila kahit paano at anumang sandali ay matutunton na ng mga magagaling niyang tauhan ang pinagdalhan kay Charity. Sinisigurado niyang hindi niya mapapatawad ang sinumang gumawa ng pagdukot sa babae.. pagbabayarin niya ang mga 'to ng malaki. Napakislot siya nang makitang may tumatawag sa cellphone ni Charity na unknown number. May kutob na siya. Inutusan niya ang tauhan niya na itrack ang location ng sinumang tumatawag na 'yon. "Hello," pirming bungad niya sa tumatawag. "Mr. Silvestre," bungad ng lalaki sa kabilang linya. Mas lalong naikuyom ni Cameron ang mga kamao nang nang marinig ang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. "May nais sana akong iparinig sa'yo," muling s
MALAMIG na tubig na sumaboy sa mukha ni Charity ang gumising sa kaniya. Halos hinabol pa niya ang kaniyang paghinga dahil sa tila pagkalunod. Habang nahihirapan pang himulat ang mga mata ay ramdam niyang nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang dalawang kamay sa likod, pati ang paa niya ay ramdam niyang mahigpit na nakatali. Kinain ng takot ang buong sistema niya. "Gising na!" Boses ng isang babae. Sa nanlalabong paningin ay tumingin siya sa kaniyang harapan at nakita ang isang babae na nakatunghay sa kaniya, may tatlong lalaki itong kasama na nakatunghay at nakangisi rin sa kaniya. Pilit niyang binalikan sa ala-ala kung bakit naroon siya sa ganoong sitwasyon. Ang huling natatandaan niya ay lumapit ang babaeng nasa harapan niya sa kaniya noon sa resort. Sa pag-aakalang katiwala o nagtatrabaho ito sa mga Silvestre gaya ng sinabi nito ay inentertain niya ito. Ang sabi nito ay may malaking regalo itong ipapakita sa likod ng sasakyan, regalo para kay Calista na galing daw
"NASAAN si Charity?" Tanong ni Cameron kay Gab nang hindi mahagilap ng kaniyang mga mata ang babae. "Hindi ba't ikaw ang kasama niya magmula kanina?" Kunot noong sagot naman ni Gab. "Yah. Pero nagpaalam siya kanina na may titignan lang siya. Calista is looking for her, inaantok na ang bata," aniya sa kapatid. It's almost 12 midnight at inaantok na si Calista kaya hinahanap na niya si Charity para makapagpahinga na sila. May mga ibang bisita pa na nagkakasiyahan at nag-iinuman pero mangilan-ngilan na lamang ang mga 'yon. "Hindi ko naman siya nakita. Maybe we're too busy kaya hindi ko na napansin, wait, itatanong ko siya kina Dra. Lesley," ani Gab na umalis saglit. Halos thirty minutes na niya itong hinahanap at imposibleng hindi niya ito makita lalo na at kakaunti na lamang ang mga bisita. Medyo nakainom si Charity pero hindi ganoon karami ang naiinom nito at nasa katinuan pa. Ayaw man niya ay unti-unting may bumabangong kaba sa dibdib ni Cameron. H
PAGBALIK nila sa hardin at dala ang mga kape ay hindi nila nakita si Senior Silvestre at Madam Ada. Lumapit sila kina Milet at Stefano at nagtanong kung nasaan ang mga ito. Nginuso ng dalawa ang isang bahagi ng hardin na malayo kung nasaan sila ngayon. Pagkalapag nila sa kape ay tinungo nila ni Cameron ang bahaging iyon at natanaw nilang tila seryosong nag-uusap ang dalawa. "I think we have no business here," aniya kay Cameron. "Yah. I think so," sagot naman ni Cameron at inakbayan siya nito at tahimik na bumalik at nakipag-umpukan kina Gab. "Mukhang magkakaroon pa tayo ng kapatid, ah?" Natatawang biro ni Gab kay Cameron nang makaupo sila malapit dito. Abala ito sa pakikipaglaro kay Calista. Titang ina talaga ang peg nito. "Shut up. Nakakakilabot ang sinabi mo," masungit na sabi naman ni Cameron sa kapatid na tanging malakas na halakhak ang naging tugon. "Ay, oo nga pala. Lumpo na rin si dad. Hindi na kakayanin," patuloy pa nito na ikinat