Pinatay ni Ella Jane ang music sa kaniyang cellphone at hinablot ang earphone sa kaniyang tainga. Alas dose ng tanghali ay binalak niyang matulog na lang muna at alisin sa utak ang mga problema niya sa buhay. Isama na rin ang lalaking gusto siyang paglaruan. Buwesit na lalaking ‘yon, aniya sa isip at pumikit na lang. Kapag naiisip niya talagang gusto lang nitong maglaro ay umiinit ang ulo niya. Nakulangan yata ito sa Physical Education noong nasa High School palang ito hanggang College. Kaya gustong makipaglaro sa kaniya.“Bakit ba kasi gusto niyang maglaro?” aniya at muli na namang nagdilat tapos sinapo pa ang noo. “Bakit ako pa ang paglalaruan? Hindi naman ako mukhang barbie doll.”“Hindi nga, mukha ka kasing doll na tinutusok sa karayom. Alam mo ba ‘yon?”Kung totoo ‘yong feeling na parang gusto na lang niyang kainin ng lupa, iyon ang nararamdaman niya ngayon. Hindi sa nahihiya siya pero gusto na lang niyang kainin siya ng lupa para maiwasan ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob.
“Hindi ako hihingi ng pera, Lyn. Magpapaturo sana ako kung paano manligaw,” ani ni Ella Jane sa pinsan na nakabuka nang kaunti ang bibig.Ilang segundo naghari ang katahimikan. Kahit siya ay hindi alam kung bakit niya naisipan iyon. Siguro kailangan na rin talaga niyang makipaglaro kay Rafael kung hindi ito papayag na tigilan na nila. Wala naman siyang ibang magagawa kung matigas talaga ang ulo ng lalaki.Siguro matigas din ang pangalawang ulo niya, bulong niya.Lihim siyang napatawa kasabay nang pagkagat niya sa ibabang labi niya. Minsan talaga madumi rin siya mag-isip. Kung saan-saan na rin napupunta ang isip niya.Pero kahit gaano pa katigas ang ulo ni Rafael, mas matigas siya. Kung kaya nitong makipaglaro, kaya rin niya. Kung hindi talaga ito papayag, wala na siyang magagawa. Pero pipilitin niya na siya ang mananalo.Hindi siya mahuhulog sa pangit na Rafael na ‘yon. Pangit na nga ang unang lalaki na nanloko sa kaniya, ayaw niyang maloko na naman ulit ng pangit.Kailangan din mag-u
Hawak ang cellphone ay tulalang nakatingin sa maitim na langit si Ella Jane habang tinatangay ng hangin ang kaniyang buhok. Tinatanong niya ang sarili kung kaya ba niyang tawagan ang loko-lokong lalaki na naging dahilan kung bakit siya nagpa-load. Talagang nag-effort pa siya para matawagan lang ang lalaking ‘yon. Hindi na nga niya lubusang natatandaan kung kailan ang huling punta niya sa tindahan na tanging load lang ang dahilan. Wala naman din kasi siyang pagagamitan ng load.Ngayon lang niya naisip na masiyado na pa lang makaluma ang ibinigay na tip sa kaniya ng pinsan. Hindi kaya masiyadong halata na wala talaga siyang alam kung paano manligaw? Pero sabagay, wala namang mawawala sa kaniya kung susubukan niya.Nasapo niya ang noo. Totoo naman talagang wala siyang alam, bakit natatakot siyang malaman iyon ni Rafael?“Jesus, mababaliw na ‘ko!”Nang makauwi siya kanina ay agad siyang humingi ng number ni Rafael sa mismong kapitan nila. Kinapalan niya talaga nang tudo ang mukha niya nan
WALANG tulog si Ella Jane. Halos kaharap na niya ang computer buong gabi. Hindi siya makatulog kaiisip tungkol sa naging reaction ni Rafael noong may activity ang mga bata sa City Hall. Hindi talaga nawala kahit saglit lang sa isip niya ang nangyari.Pero wala siyang lakas ng loob na magtanong sa binata. Wala siyang lakas ng loob na alamin iyon mismo sa ina ni Rafael kahit nakausap na niya ito sa tawag kaya gumawa na lang siya ng paraan upang alamin iyon.Ang naging resulta ay wala siyang tulog. Wala na nga siyang tulog kahahanap ng rason pero wala naman siyang napala. Eye bags lang ang kaniyang nakuha. Malaking eye bags at nahihilo pa siya.Sana pala hindi na lang siya nangialam.Huminga siya nang malalim at hinarap ang salamin upang makita ang resulta sa pagharap niya sa computer. Siguro hindi lang talaga sikat ang Governor na iyon kaya wala siyang mahanap na impormasiyon tungkol dito. Siguro hindi lang talaga open ang buhay nito sa publiko.Pero impossible talaga kung hindi siya op
NAPAHINTO sa paglakad si Ella Jane nang makita niya ang lalaking naging dahilan ng puyat niya noong nakaraan, walang iba kun’di si Rafael. Nakatingin ito sa kaniyang mata habang ang isang kamay ay nasa baba at naka-de-kuwatro pa ito. Halos ‘di ito kumukurap katulad niya na para bang may hinihintay.Nag-iwas siya ng tingin at pumasok na sa kaniyang classroom. Hindi na lang siya nagpahalata na nagulat siya nang makita niya ito sa kaniyang classroom na daig pa ang presidente ng Pilipinas kung makaupo. Mabuti na lang dahil iilan lang ang nasa loob ng classroom niya, kaya lang niyang bilangin gamit ang kaniyang mga daliri sa dalawang kamay at panay laro pa ang mga bata.Sinulyapan niya muna ang suot na relo at tinahak ang kaniyang mesa. Wala siyang panahon na makipag-away at makipaglaro sa lalaking naging dahilan na naman kung bakit hindi siya nakabawi ng tulog kagabi. Naglakbay sa kaniyang isipan at diwa kung ano marahil ang rason na naman nito sa hindi nito pagpasok.Great, kung maka-de-
WALA sa sariling inamoy ni Ella Jane ang suot niyang blusa at inalam kung dumikit pa ba ang pabangong ginamit niya kanina nang lumabas siya ng bahay. Mabuti na ang sigurado, baka peke ang inutang niya sa kapitbahay na hindi pala aabot kahit isang oras lang ang pabango na tinda nito. Nang masiguro niya na kumapit pa pala ang pabango ay inayos na niya ang suot at humakbang palapit sa gate.Ito ang pangalawang beses na nakapunta siya sa bahay ni Rafael. Ilang kalye lang naman ang agwat nila pero pakiramdam niya ay sobrang layo nila ng lalaki. Mabuti na rin iyon para maiwasan niya ang malas. Dahil hanggang ngayon ay tumalab pa rin ang kulam, mukhang wala yatang expiration date ‘yon. Ang malas niya talaga.Hindi niya alam kung dapat ba siyang malungkot dahil hindi niya matandaan kung paano siya nakarating sa bahay ni Rafael noon. Ang laki siguro talaga ng tama sa kaniya ng alak at pati ang detalye na iyon ay hindi niya maalala. Hindi niya rin alam kung dapat ba niya iyong ikatuwa na hindi
MULING naramdaman ni Ella Jane ang labi ng binata na inaangkin na naman ang labi niya. Para itong isang bata na nahanap ang masarap na gatas ng ina. Pero ibang gatas yata ang nahanap nito sa kaniya.Wala siyang ibang nagawa kun’di ang pumikit at makiramdam sa bawat halik na ibinibigay nito sa kaniya. Ito na yata ang halik na ayaw niyang matapos. Bawat galaw ng labi ni Rafael ay parang kinikiliti ang buo niyang katawan. Parang kinakalkal pati ang kasulok-sulokan niya.Dahan-dahan siyang pinahiga ni Rafael sa higaan nito. Hindi nga niya napansin na nasa kuwarto na pala sila. Parang kanina lang ay nagtatalo pa ang utak at puso niya kung tutugon ba siya sa halik ng binata o hindi.Lunod na lunod ang masarap na dulot ng halik ni Rafael sa kaniyang katawan. Hanggang sa ang halik nito ay bumaba patungo sa kaniyang leeg. Ramdam na ramdam niya ang hininga nito na dumapo sa kaniyang balat. Pakiramdam niya, tumayo yata ang mga balahibo niya upang pagbuksan ng pinto ang binata.Ganito pala ang pa
SABADO. Ilalapag na sana ni Ella Jane ang hawak na cellphone nang bigla na namang tumunog iyon. Kanina pa tumaas ang dugo niya dahil sa buwesit na caller niya na para bang wala talagang magawa sa buhay. Pang-apat na sigurong tawag iyon ng kung sinumang herodes ang gustong sirain ang weekend niya.“Last ka na talaga, kapag hindi ka pa nagsalita, block ang kahahantungan mo.” Napakamot pa siya sa ulo niya at muling kinuha ang cellphone.Tuwing sinasagot niya kasi ang tawag ay wala siyang naririnig na nagsasalita sa kabilang linya. Ewan kung trip lang ba talaga nitong sirain ang araw niya o bored lang ito sa buhay. Iyon nga ang kinaiinisan niya, marami namang tao riyan na bored din, bakit siya pa talaga ang trip nitong guluhin?Hinanda na niya ang sasabihin niya pero bigla siyang natigilan nang makitang ibang numero ang nakapaskil sa kaniyang cellphone. Nanay iyon ni Rafael. Biglang bumalik sa kaniyang alaala ang huling tagpo na nakasama niya ang binata.Ilang araw na ba ang lumipas? Dala
6 years later“That’s mine! Give it back to me!”Agad na napalingon si Ella Jane nang marinig ang boses ng kaniyang anak na parang may kaaway na naman. May hawak na isang color pencil ang kaniyang anak at nagdadabog. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magagalit sa inaakto ng kaniyang anak.“Anong that’s mine? May name ko oh, tingnan mo. May name ko!” nanggigigil din na sabi ng lalaking kaharap ng kaniyang anak.Pinili na lang niyang pagmasdan ang anak niya. Mukhang namana ng kaniyang anak ang pagiging maldita niya. Mabilis na lumipas ang mga taon pero parang buwan lang ang dumaan. Parang kailan lang nang pumayag siya sa deal ni Rafael at naging ganito na ang buhay niya.Napaigtad siya nang may biglang humawak sa kaniyang kamay. Nang lumingon siya ay nakangiting Rafael ang kaniyang nakita na nakatingin din sa kanilang anak na mukhang hindi magtatagal ay iiyak na.“Akin nga kasi ‘yan, give it back to me, Jorge!” sigaw na naman ng anak niya na siya namang paglapit sa guro ng anak n
“You may now kiss the bride.”Hindi mapigilan ni Ella Jane ang ngumiti nang marinig ang mga katagang iyon. Ang pagngiti na lang ang kaya niyang gawin ngayon. Nasa ngiti na niya ang mga salitang nais niyang sambitin sa mga oras na ito.Sa wakas ay dumating na ang hinihintay niyang araw na isa na siyang ganap na bahagi ng buhay ni Rafael. Natupad na rin ang isang hiling niya. Hindi man niya maisalarawang mabuti kung gaano siya kasaya ngayon pero alam niya sa sarili niya na ito na ang simula ng bagong kabanata ng buhay niya na kasama ang lalaking pinakamamahal niya.Mas lalong hindi niya maisalarawan kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya nang magtagpo ang mga labi nila ng asawa. Ang alam lang niya, hindi niya narinig nang maayos ang sigaw ng mga tao na nakasaksi sa pag-iisang dibdib nila ni Rafael. Wala siyang ibang narinig kun’di ang malakas na tibok ng kaniyang puso at ang pagsigaw ng luha niya na gusto na naman ulit na tumulo.Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay inilapit ni R
1 year later“Ito naman si Kapitan,” nakangiting wika ni Ella Jane habang hawak ang invitation card na inaabot niya sa Baranggay Captain nila. “Siyempre hindi ka po namin makakalimutan.”Lumapit sa kaniya si Rafael at inakbayan siya. Nakangiti ito nang sulyapan niya at kinindatan pa ang Kapitan nila.“Ano, Kap? Bilib ka na ba?” Nagpaguwapo pa ito sa harap ng Kapitan at sinuklay ang buhok na para bang may pinabibiliban.Palihim niya itong kinurot sa tagiliran pero hindi man lang siya nito pinansin.“Sabi sa’yo, Kap eh. Bakit ayaw mo kasing maniwala na kaya kong bingwitin ‘tong pinakamagandang guro sa baranggay natin.” Lumayo ito sa kaniya at pinaharap siya rito. “Kita mo na? Pakakasalan pa ‘ko.”“Hay nako, Kap—” aangal pa sana siya pero parang walang narinig ang dalawa.“At alam mo ba, Kap? In love na in love si Ella Jane sa’kin. Hindi ‘to pumapayag kapag hindi nakikita ang kaguwapohan ko.”Napailing na lang siya at lumayo sa dalawang lalaki na parang mga ewan.Mabilis na lumipas ang i
“Can’t you forgive me?”Lihim na napangiti si Ella Jane sa tanong ni Rafael. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang tanong na ni Rafael iyon. Lima? Anim? Pito? O baka lang-sampu na. Hindi siya sigurado. Nakanguso pa itong nakatingin sa kaniya habang hawak ang kamay niya na hinahalikan nito. Seryoso talaga itong hinihingi ang kapatawaran niya kahit wala naman talaga itong nagawang kasalanan sa kaniya. Gusto niya tuloy na tuksuhin pa ito at umaktong hindi niya talaga mapapatawad.Naiinis siya sa sarili niya. Nagsayang lang tuloy siya ng luha sa walang kuwentang dahilan. Tama pala ang Mama niya, sana nagtanong muna siya kay Rafael bago mag-emote. Edi sana, hindi mugto ang mga mata niya tulad ngayon.“Hindi,” sagot niya kay Rafael at iniwas ang mga mata. Baka mabasa ni Rafael na nag-iinarte lang siya kahit nag-iinarte lang naman talaga. Hindi naman niya kayang magalit kay Rafael lalo na kapag nagpapa-cute ito.“Bakit? Are you still mad?”Umismid siya at seneryoso ang pag-akting niya. San
BINIGYAN si Ella Jane ng tubig ng kaniyang Mama pagkatapos siyang pinaupo nito. Halos lumampas din ng ilang minuto ang pag-iyak niya habang yakap siya ng kaniyang Mama. Akala niya kasi talaga kaya niyang hindi ilabas ang lahat pero nang yakapin siya ng kaniyang Mama ay doon niya nalaman na hindi pala talaga siya ganoon kalakas.Nawawala talaga ang lakas na inipon niya kapag ang Mama na niya ang nagtanong. Her Mom is her weakness. Alam naman niyang hindi talaga siya malakas pero pinipilit niya. Lahat naman ng tao ay may kahinaan, pati rin siya. Lahat ng tao maaaring umiyak kapag hindi kaya, ganoon din siya. Hindi niya nakaya nang malaman niya ang ginawa ni Rafael sa kaniya, hindi niya kayang tanggapin. Ngayon talaga, ang hirap nang alamin kung ano ang totoo at hindi. Ang hirap nang alamin kung sino ang nagkukunwari at sinong hindi. Ang hirap malaman kung peke ba ang kaharap o hindi. Sana may bagay na maimbento upang malaman kung kasinungalingan ba ang sinasabi ng tao o nagsasabi ito
TANGING cellphone lang ang nadala ni Ella Jane nang umalis siya sa bahay ng nobyo niya. Nobyo niya ba talaga si Rafael o naging nobyo lang niya ang lalaki dahil gusto nitong makuha ang brand new car at brand new nitong relo.Inilapat niya ang noo sa pinto at pumikit. Dinama niya ang isinisigaw ng puso niya. Sumisigaw ito ng tama na dahil hindi na nito kaya. Bakit hindi pa rin siya nadala? Bakit sumubok pa rin siya? Hindi pa ba siya natuto nang iwanan siya ng una niyang nobyo? Mas magaan pa nga iyon para sa kaniya dahil tao ang ipinalit nito sa kaniya. Pero si Rafael? Bagay lang! Bagay na nasisira pa.Pinaglalaruan lang siya nito. Pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. Mas pinili nito ang sasakyan at relo kumpara sa kaniya. Nasaan na ang sinabi nitong mahal siya nito? Mahal? Hindi naman totoo ang salitang ‘yon eh. Kasi kung totoo ‘yon, bakit nasasaktan ako? Bakit dalawang beses pa talaga akong naloko?Tumalikod siya upang ang likod naman ang ilapat. Kahit anong gawin niyang pagkausa
MAHIGIT ang pagkakapit ni Ella Jane sa baywang ni Rafael habang sakay sila sa motor nito. Isang linggo na ang lumipas mula nang maging sila ni Rafael.Pauwi na sila sa bahay ng lalaki dahil ngayong araw na ito ang balak nila na ipapakilala raw siya nito sa mga kaibigan nito na dati nitong kasama sa trabaho. Isipin palang na mga guro din ang makikilala niya mamaya ay kinakabahan na siya.Noong isang araw ay tinanong niya si Rafael tungkol sa sinabi ng Nanay nito na wala raw itong mga barkada. Nagtataka lang siya dahil bakit hindi kilala ng Nanay nito ang mga sinasabi ni Rafael na kaibigan raw kuno nito.Taga ibang baranggay daw kasi ang mga kaibigan ng nobyo kaya hindi pa nadadalaw sa bahay nito at hindi pa nito napakilala sa sarili nitong Nanay. Hindi na lang siya muling nagtanong pa.Sabagay, hindi nga rin kilala ng Mama niya ang best friend niya noon. Mabuti na lang pala at hindi niya pinakilala, baka mas lalo lang ma-stress ang Mama niya.Noong pinakilala niya si Rafael sa Mama niy
MABILIS na lumipas ang isang linggo sa buhay ni Ella Jane. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Rafael tungkol sa Papa niya ay gumaan ang kaniyang loob at mas naging malapit siya sa lalaki. Aminin man niya o hindi, palaging dumadaan sa isip niya ang maamong mukha ng binata.Hindi niya inakalang may sense pala kausap ang Rafael na ‘yon, na may mga punto rin naman pala siyang makukuha. Akala niya kasi puro panlalait lang ang kaniyang maririnig dito. Wala kasi itong ibang ginawa noon kun’di ang ipamukha sa kaniya na hindi siya nito kilala at iparinig ang lahat ng panlalait nito sa kaniya.Pero mula nang araw na iyon, nagbago ang kaniyang paningin sa lalaki at sinubukan niyang ibigay ang kapatawaran sa kaniyang Papa na matagal na panahon niyang ipinagkait rito. Ilang araw lang ang lumipas ay dumalaw siya sa puntod ng kaniyang Papa.Masakit para sa kaniya ang biglaang pagkawala nito. Hindi man lang ibinigay ng panahon na muli niya itong makita na may buhay at lakas pa. Hindi niya inaasahan na s
TANGING yakap ng binata ang nagbigay init kay Ella Jane. Hindi na naman siya makapaniwala na nagawa na naman niya ito. Parang panaginip lang ang lahat pati ang pagpayag niya. Pero wala siyang maramdaman na lungkot o kahit kaunting pagsisisi sa dibdib niya.Hinalikan siya ni Rafael sa noo at pinasiksik siya sa katawan nito. Mabuti na lang talaga na wala ang Mama niya.Oh God, ang sama mo, Ella Jane! Pangaral niya sa sarili.Nakayakap siya sa binata habang sinusuklay nito ang buhok niya. Kanina pa siya nagising pero si Rafael parang hindi man lang nakatulog. Tinawanan pa siya nito dahil ang lakas niya raw kuno humilik. ‘Di naman niya narinig na humilik siya.Hinampas niya ito sa dibdib at bumangon siya. Tiningnan niya ito nang masama at muli na namang hinampas. Tumawa lang si Rafael sa kaniya at ginawang shield ang unan.“Hindi nga kasi sabi ako humilik!” sigaw na naman niya pero panay tawa lang ang lalaki. “Bakit ba ipinipilit mo na humilik ako?”“Bakit ba pinipilit mo rin na hindi ka