(WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS)Gabi na ngayon, nandito lang kami sa tabi ng dagat at naka-upo. May mga hawak kami na bote ng beer."Ano ba yan Levi ang baboy ha!" Pagsisita ko sa kaniya nung makita kong inuman niya ang bote ko. Naghalo na ang mga laway namin."Sarap nga e." Binigyan ko naman siya ng tingin na para bang nandidiri sa kaniya. Tinatawan naman niya ako dahil dito.Ang suot ko ngayon ay kulay puti na dress at ang nasa loob noon ay ang bikini ko na kulay black. Itong gusto ko ngayon ang favorite ko na bikini. Tuwing kami ay may swimming kasama ang buong family noon ay ito ang sinusuot ko dahil binigay ito sa akin ni dad before. Ito ang huling binigay niya sa akin.Si Levi naman ay nakasuot ng all black na damit masiyado naman siyang madilim.Tumayo ako mula sa pagkakaupo at bigla ko siyang sinabunutan sa may ulo niya. Agad naman niya akong hinabol sa dahil sa ginawa ko. Tawa ako ng tawa dahil para kaming bata kung maghabulan dito.Wala na masiyadong tao dito s
"Do you regret doing it?" Tanong sa akin ni Levi.Nandito kami ngayon sa loon ng kwarto. Hindi kami nag-uusap. Nahihiya akong magpakita sa kaniya hindi ko din alam kung bakit pero nahihiya ako."No." Sabi ko sa kaniya at tinignan siya sa mata."Nahihiya lang ako magpakita sayo." Mahinang sabi ko sa kaniya.Narinig ko naman mula sa kaniya ang mahinang mata para bang may nasabi ako sa kaniya na nakakatawa."Love, nakita ko na lahat sayo." Sabi niya sa akin. Pinantayan niya ako at pagkatapos noon ay hinalikan niya ako. Humiwalay na siya sa halik pero naramdaman niya ang pagsunod ng aking labi."See... gusto mo." Natatawang sabi niya sa akin. What if suntukin ko siya?Nagbreakfast na kaming dalawa bago kami mag-uli dito sa palawan."Grabe ang ganda pala dito sa palawan!" Madami kaming nakakasalubong na foreigner at siyempre mga nagtitinda ng buko juice or yung mga ram."Ang ganda ng suot mo ng bikini, bagay sayo, saan mo nabili yan sis?" Nagulat ako nung biglang magsalita si Levi ng ma
"NANALO AKO!" malakas na sigaw niya kaya naman napatingin na din sa amin ang ibang mga tao. Ngumiti lamang ako ng tipid sa kaniya at bigla ko nalang siyang tinalikuran. Ang aking paglalakad ay nag-umpisa sa mabagal hanggang sa ito ay naging mabilis. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Levi mula sa likod. Naririnig ko din ang kaniyang mahina na pagtawa."Okay panalo ka na. Sumusuko na ako. Huwag mo na akong layuan." Gusto ko siyang tawanan nung sabihin niya iyon. Masiyado naman siyang corny.Tumigil ako at naramdaman ko naman ang pagdampis ng kaniyang balat sa likod ko dahil na din sa biglaan kong pagtigil.Humarap ako sa kaniya at hinila siya sa isang mahabang pila. Napatingin naman siya sa taas at nung makita niya ang rides ay talaga namang namula ang kaniyang mukha."Dito tayo magpustahan." Hamon ko sa kaniya. "Doon pa nga lang sa una nating ride na nasakyan ay sumigaw ka na. Dito pa kaya." Pag-yayabang niya pa sa akin. Sus, takot lang siya e."A okay, .... takot ka lang e." Mah
Sa mga nakalipas na araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi ayusin ang aking pag-aaral. Malapit na ang aming final exam kaya naman ngayon palang ay nag-uumpisa na agad akong mag-aral. "Tinawagan mo na ba?" Ito ang naging tanong sa akin ni Levi nung sabihin ko sa kaniya ang aking problema. Sa bilis ng araw ay hindi ko na napansin na halos ilang buwan na din pala simula nung hindi ko nakikita si mama. Tinatawagan ko din ito minsan pero tuwing sasagutin niya naman ay agad din siyang magpapaalam."Hindi siya sumasagot." May halong kaba na ang boses ko. Nakita naman ni Levi sa mukha ko ang pag-aalala kaya naman agad niya akong niyakap."Puntahan natin ang mama mo bukas." Sabi nalang ni Levi.Kahit gustuhin ko man na puntahan na si mama ngayon ay hindi pwede dahil masiyado ng gabi.Kaninang umaga ay sinubukan king tawagan si mama pero nakapatay ang phone niya kaya naman sinubukan ko na sa tanghali na siya tawagan pero nung tawagan ko siya ay hindi pa din niya sinasagot hanggang sa umab
Kanina pa ako hindi matigil sa pabalik balik na paglalakad at sa tingin ko ay nahihilo na si Levi sa pinaggagagawa ko. "Ali, umupo ka na muna dito sa tabi ko." Suggestion ni Levi.Pero para akong bingi na hindi man lang narinig ang salita niya dahil hanggang ngayon ay pabalik balik pa din ako.Nandito kami ngayon sa hospital kung saan namin sinugod si mama. Hindi mawala sa isip ko ang kalagayan niya nung maabutan namin siya sa under ground.Nakatali ang isang paa niya habang ang buong mukha naman niya ay puro bugbog. Ang damit niya na halos sira sira na dahil sa mga punit. At hindi ko lalo malilimutan kung paano siya mag agaw buhay sa loob.Ilang oras din ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa din akong balita sa nanay ko. Umalis muna si Levi sa tabi ko para bumili ng pagkain na aming kakainin."9pm na Calli, kain ka na muna wala ka pang kain simula nung umaga." Pilit iniaabot sa akin ni Levi ang pagkain na kaniyang binili.Pero sa sobrang kaba ko ay tingin ko ay wala din akong
Hindi ako makapaniwala.Para akong nananaginip. Isa lamang ba itong panaginip?Nandito ngayon sa harapan ko si Levi, may dala siyang mga paper bags at nakatingin lang siya sa akin ng deretso. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ito ang tono na gusto ko at hindi din dapat ito ang itatanong ko pero wala e, lumabas na siya sa sarili kong bibig.Hindi ko na mababawi pa."Alam kong ayaw mo akong makita, lalo na ngayon at kasalanan ko kung bakit nandiyan ang nanay mo." Agad akong napapikit ng mariin nung marinig ko ang boses niya.Sa tono ng boses niya ay may halong pangungulila. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa."Alam ko na dapat ay hindi na ako nagpakita pa sayo. Pasensya na ulit sa kung ano man ang nangyare sa nanay mo."Hindi ko inaasahan na sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa nanay ko. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko Levi, pasensya na. Ito ang mga kataga na gusto kong sabihin sa kaniya pero hindi ko masabi dahil parang may nakabara sa lalam
Napatigil ako sa pagtawa nung makita ko sa mukha niya ang pagkaseryoso. Nagkunwari ako na na-ubo para mawala ang tingin niya sa akin.Nung tignan ko ulit siya ay nanatili pa din ang kaniyang mga mata sa akin. Naka focus lamang ito sa akin na para bang takot na takot ito na baka mawala ako bigla.Parang nung isang araw lang ay sinabi niya sa akin na may nagugustuhan na siyang iba pero bakit ngayon ay nandito siya sa aking harap at parang muli ulit sinasabi sa akin ang kaniyang tunay na nararamdaman."Kalimutan mo nalang ang aking mga sinabi." Ngumiti siya sa akin pero nahahalata sa kaniyang mga ngiti na may kasama itong lungkot.Pinilit ko na ibahin ang aming topic para hindi naman awkward para sa aming dalawa. Nakisama naman siya sa akin.Dahil wala na din naman kami na magawa pa dito sa garden ay nag-umpisa na kaming maglakad pabalik sa room ni mama nung may dumaan sa harap namin na mga doctor.Nagmamadali sila habang may nakahiga na pasyente sa stretcher. Sa ibabaw ng pasyente ay ma
(WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS/Sexual, trauma)Nung magkaroon ako ng malay at nung imulat ko ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang kadiliman. Tingin ko ay nasa isa akong sulok ng masikip na kwarto na ito. Nararamdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil bukod sa malamig na pader ay nararamdaman ko din ang mga lubid na nakatali sa aking mga paa at kamay. Matagal din ako sa ganoong position nung makarinig ako ng mga yabag ng mabibigat na paa na papalapit sa kung nasaan ako. Agad kong pinikita ang aking mga mata at nagkunwari ako na natutulog.Narinig ko ng ang padabog na pagbubukas ng tao na pumasok sa loob ng kwarto. Nakarinig din ako ng iba pang hakbang nasa tingin ko ay kasamahan nung pumasok."Natawagan niyo na ba?" barako na sabi nung lalaki. Ito ata yung nagbukas ng pinto at sa tingin ko ay siya ang bossing."Hindi pa sumasagot bossing e." Sabi nung isang lalaki.Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa din sila umaalis. Patul