Share

Chapter 51

Kanina pa ako hindi matigil sa pabalik balik na paglalakad at sa tingin ko ay nahihilo na si Levi sa pinaggagagawa ko.

"Ali, umupo ka na muna dito sa tabi ko." Suggestion ni Levi.

Pero para akong bingi na hindi man lang narinig ang salita niya dahil hanggang ngayon ay pabalik balik pa din ako.

Nandito kami ngayon sa hospital kung saan namin sinugod si mama. Hindi mawala sa isip ko ang kalagayan niya nung maabutan namin siya sa under ground.

Nakatali ang isang paa niya habang ang buong mukha naman niya ay puro bugbog. Ang damit niya na halos sira sira na dahil sa mga punit. At hindi ko lalo malilimutan kung paano siya mag agaw buhay sa loob.

Ilang oras din ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa din akong balita sa nanay ko. Umalis muna si Levi sa tabi ko para bumili ng pagkain na aming kakainin.

"9pm na Calli, kain ka na muna wala ka pang kain simula nung umaga." Pilit iniaabot sa akin ni Levi ang pagkain na kaniyang binili.

Pero sa sobrang kaba ko ay tingin ko ay wala din akong
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status