Sa pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko na naabutan pa si mama. Pumasok na ako sa trabaho habang si Levi naman ay pansin ko ang pagdalas ng pag-absent niya mapa trabaho man o school.Kaya naman ngayon ko binalak ibigay sa kaniya ang regalo ko na hindi ko na naibigay sa kaniya nung kami ay nasa puntod ng kaniyang ina.Nagpahatid ako sa tricycle para maountahan siya sa bahay. Nakita ko naman na nakaparada halos lahat ng sasakyan nila."Nandito po ba si Levi?" Tanong ko sa isang nagbabantay ng bahay."Ah yes po, kasama niya po si Ms. Janice." Nagtaka ako sa sinabi niya."Sino po 'yung Janice na tinutukoy niyo?" Tanong ko dito."Yung magiging asawa po ni Boss Fedelin."Para akong nabuhusan ng mantika. Yung binanggit na pangalan nung lalaki ay siyang ex ni Levi. Janice, siya ang unang minahal niya.Paano kung hanggang ngayon ay mahal niya pa si Janice at ako ay panakip butas lamang.Gusto kong puntahan si Levi pero nagdecide ako na hindi nalang. Bago ako umalis ay pinaiwan ko ang regalo ko sa
"Nakakabagot naman na!"Hindi ko maiwasan na mapasigaw. Wala akong magawa dito sa bahay namin. Araw na ng linggo at wala akong work and school makakapagpahinga sana ako pero hindi ko magawa 'yon dahil sa mga bagay na iniisip ko."Makapag-gawa nalang ng graham." Tumayo agad ako at tinignan ang wallet ko.Hindi na ulit kami nagkausap ni Levi simula nung araw na makita ko siyang may kayakapan na iba. Hindi ko din naman alam kung ano na ang status naming dalawa, well pareho kaming humihinga."Ay ang poor ko naman pala." Nasabi ko nalang sa sarili ko nung makita kong walang laman ang waller ko. As in wala talaga.Sinubukan ko nalang maglakad-lakad hindi naman masiyadong mainit pero pagkalabas ko palang ng bahay ay napansin ko na ang mga halaman na dati ay magaganda ngayon ay halos malanta na.Napabayaan ko na pala ang bahay dahil sa kakaalis ko.Okay ngayon alam ko na ang gagawin ko."Maglilinis nalang ako."Una akong pumunta sa kusina, hinugasan ko ang mga plato nilinis ko naman ang lagay
(WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS)Gabi na ngayon, nandito lang kami sa tabi ng dagat at naka-upo. May mga hawak kami na bote ng beer."Ano ba yan Levi ang baboy ha!" Pagsisita ko sa kaniya nung makita kong inuman niya ang bote ko. Naghalo na ang mga laway namin."Sarap nga e." Binigyan ko naman siya ng tingin na para bang nandidiri sa kaniya. Tinatawan naman niya ako dahil dito.Ang suot ko ngayon ay kulay puti na dress at ang nasa loob noon ay ang bikini ko na kulay black. Itong gusto ko ngayon ang favorite ko na bikini. Tuwing kami ay may swimming kasama ang buong family noon ay ito ang sinusuot ko dahil binigay ito sa akin ni dad before. Ito ang huling binigay niya sa akin.Si Levi naman ay nakasuot ng all black na damit masiyado naman siyang madilim.Tumayo ako mula sa pagkakaupo at bigla ko siyang sinabunutan sa may ulo niya. Agad naman niya akong hinabol sa dahil sa ginawa ko. Tawa ako ng tawa dahil para kaming bata kung maghabulan dito.Wala na masiyadong tao dito s
"Do you regret doing it?" Tanong sa akin ni Levi.Nandito kami ngayon sa loon ng kwarto. Hindi kami nag-uusap. Nahihiya akong magpakita sa kaniya hindi ko din alam kung bakit pero nahihiya ako."No." Sabi ko sa kaniya at tinignan siya sa mata."Nahihiya lang ako magpakita sayo." Mahinang sabi ko sa kaniya.Narinig ko naman mula sa kaniya ang mahinang mata para bang may nasabi ako sa kaniya na nakakatawa."Love, nakita ko na lahat sayo." Sabi niya sa akin. Pinantayan niya ako at pagkatapos noon ay hinalikan niya ako. Humiwalay na siya sa halik pero naramdaman niya ang pagsunod ng aking labi."See... gusto mo." Natatawang sabi niya sa akin. What if suntukin ko siya?Nagbreakfast na kaming dalawa bago kami mag-uli dito sa palawan."Grabe ang ganda pala dito sa palawan!" Madami kaming nakakasalubong na foreigner at siyempre mga nagtitinda ng buko juice or yung mga ram."Ang ganda ng suot mo ng bikini, bagay sayo, saan mo nabili yan sis?" Nagulat ako nung biglang magsalita si Levi ng ma
"NANALO AKO!" malakas na sigaw niya kaya naman napatingin na din sa amin ang ibang mga tao. Ngumiti lamang ako ng tipid sa kaniya at bigla ko nalang siyang tinalikuran. Ang aking paglalakad ay nag-umpisa sa mabagal hanggang sa ito ay naging mabilis. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Levi mula sa likod. Naririnig ko din ang kaniyang mahina na pagtawa."Okay panalo ka na. Sumusuko na ako. Huwag mo na akong layuan." Gusto ko siyang tawanan nung sabihin niya iyon. Masiyado naman siyang corny.Tumigil ako at naramdaman ko naman ang pagdampis ng kaniyang balat sa likod ko dahil na din sa biglaan kong pagtigil.Humarap ako sa kaniya at hinila siya sa isang mahabang pila. Napatingin naman siya sa taas at nung makita niya ang rides ay talaga namang namula ang kaniyang mukha."Dito tayo magpustahan." Hamon ko sa kaniya. "Doon pa nga lang sa una nating ride na nasakyan ay sumigaw ka na. Dito pa kaya." Pag-yayabang niya pa sa akin. Sus, takot lang siya e."A okay, .... takot ka lang e." Mah
Sa mga nakalipas na araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi ayusin ang aking pag-aaral. Malapit na ang aming final exam kaya naman ngayon palang ay nag-uumpisa na agad akong mag-aral. "Tinawagan mo na ba?" Ito ang naging tanong sa akin ni Levi nung sabihin ko sa kaniya ang aking problema. Sa bilis ng araw ay hindi ko na napansin na halos ilang buwan na din pala simula nung hindi ko nakikita si mama. Tinatawagan ko din ito minsan pero tuwing sasagutin niya naman ay agad din siyang magpapaalam."Hindi siya sumasagot." May halong kaba na ang boses ko. Nakita naman ni Levi sa mukha ko ang pag-aalala kaya naman agad niya akong niyakap."Puntahan natin ang mama mo bukas." Sabi nalang ni Levi.Kahit gustuhin ko man na puntahan na si mama ngayon ay hindi pwede dahil masiyado ng gabi.Kaninang umaga ay sinubukan king tawagan si mama pero nakapatay ang phone niya kaya naman sinubukan ko na sa tanghali na siya tawagan pero nung tawagan ko siya ay hindi pa din niya sinasagot hanggang sa umab
Kanina pa ako hindi matigil sa pabalik balik na paglalakad at sa tingin ko ay nahihilo na si Levi sa pinaggagagawa ko. "Ali, umupo ka na muna dito sa tabi ko." Suggestion ni Levi.Pero para akong bingi na hindi man lang narinig ang salita niya dahil hanggang ngayon ay pabalik balik pa din ako.Nandito kami ngayon sa hospital kung saan namin sinugod si mama. Hindi mawala sa isip ko ang kalagayan niya nung maabutan namin siya sa under ground.Nakatali ang isang paa niya habang ang buong mukha naman niya ay puro bugbog. Ang damit niya na halos sira sira na dahil sa mga punit. At hindi ko lalo malilimutan kung paano siya mag agaw buhay sa loob.Ilang oras din ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa din akong balita sa nanay ko. Umalis muna si Levi sa tabi ko para bumili ng pagkain na aming kakainin."9pm na Calli, kain ka na muna wala ka pang kain simula nung umaga." Pilit iniaabot sa akin ni Levi ang pagkain na kaniyang binili.Pero sa sobrang kaba ko ay tingin ko ay wala din akong
Hindi ako makapaniwala.Para akong nananaginip. Isa lamang ba itong panaginip?Nandito ngayon sa harapan ko si Levi, may dala siyang mga paper bags at nakatingin lang siya sa akin ng deretso. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ito ang tono na gusto ko at hindi din dapat ito ang itatanong ko pero wala e, lumabas na siya sa sarili kong bibig.Hindi ko na mababawi pa."Alam kong ayaw mo akong makita, lalo na ngayon at kasalanan ko kung bakit nandiyan ang nanay mo." Agad akong napapikit ng mariin nung marinig ko ang boses niya.Sa tono ng boses niya ay may halong pangungulila. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa."Alam ko na dapat ay hindi na ako nagpakita pa sayo. Pasensya na ulit sa kung ano man ang nangyare sa nanay mo."Hindi ko inaasahan na sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa nanay ko. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko Levi, pasensya na. Ito ang mga kataga na gusto kong sabihin sa kaniya pero hindi ko masabi dahil parang may nakabara sa lalam
"Oo nga po pala mom, meron po pala kaming family day sa monday." Pagiinform sa akin ni Lev.Nasa sala kami ng bahay ni Duke, nanonood kami ng favorite na movie ni Lev. Nagkatinginan naman kami ni Duke.Normally pagfamily day ay kami na dalawa ni Duke ang pumupunta. Ayaw din ni Duke na mabully si Lev dahil wala itong tatay kaya ang alam ng mga kaklase niya ay tatay ni Lev si Duke."Tatawagan ko lang yung secretary ko para icancel lahat ng meetings." Tatayo na sana si Duke nung mapigilan ko siya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya."Huwag mo na gawin yan sa anak ko." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama ako tinignan ko din siya ng masama.Aba nagpupumilit pa ang hinayupak."Tigilan mo ako sa katigasan tuktok mo!" Nakita ko naman ang pagsuko sa kaniyang expression.Ilang araw din ang lumipas naging busy kami pareho ni Duke. Ngunit kahit gaano pa kadami ang aming ginagawa ay hindi kami nawalan ng oras kay Lev.Dumating na nga ang araw ng family day sa sch
"Anak, eat your veggies." I told him. Tinignan niya muna ako na para bang sinasabi niya sa akin na ayaw niya itong kainin."Anak kainin mo na sige na para maging healthy ang baby ko." Kiniss ko pa siya sa noo para suportahan ang pagkain niya. Habang lumalaki si Lev ay may lalo niya na gusto na magkalapit kami. Kaya hanggat kaya ko ay ginagawan ko ng paraan na magkaroon ng time sa kaniya."Hi baby Lev, tignan mo ko oh." Pinakita ni Duke ang kaniyang kutsara na punong puno ng gulay at sabay na sinubo. Umarte pa ito na sarap na sarap sa kaniyang kinakain.Agad naman nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad na ginaya ang ginawa ni Duke. Ginulo naman ni Duke ang buhok ng anak ko para sabihin na good boy ito.Matapos namin kumain ay tinulungan ko na si Lev na mag-ayos ng gamit niya sa school. Pumapasok na kase ang anak ko at palagi din ako nakakatanggap ng tawag mula sa teacher niya para sabihin na napakahusay ng anak ko at pati ang ibang teacher ay ganon ang kanilang sinasabi.Naabutan ko
Celestine Calli POV.Sa mga nakalipas na taon ay wala akong ginawa kung hindi tuparin lahat ng pangarap ng aking nanay para sa akin.Pero na huli lamang ako ng isang taon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Sa unang taon ay hirap na hirap ako dahil sa wala na sa tabi ko si nanay. At higit sa lahat ay nahirapan ako sa pagbubuntis ko.Tama kayo ng nabasa. Sa dami ng pinagdaanan ko ay dito ako nahirapan ng sobra. I was suffering with mental issues tapos malalaman ko na buntis ako.5 Months na akong buntis nung malaman ko na buntis nga ako. Hindi ganon kalakihan ang tiyan ko nung 5 months ako pero sabi ng doctor ay normal lamang ito at may ganon din talaga na nagbubuntis.Tinulungan ako ng parents ni Duke, hinayaan nila akong manirahan sa kanila. Hindi din ako iniwan ni Duke lalo na pag sinusubukan ko na saktan ang sarili ko.Ang dami kong naiisip at tingin ko ay may hinanakit ako na nararamdaman lalo na sa bata. Naiisip ko palang ang nangyare sa akin nung gabi nagahasa ako. Natatakot ak
Simula nung gabi na iyon ay nagising nalang ako kinabukasan na nasa hospital na ulit. Tulala at tahimik.Sa buong isang linggo ay wala akong mailabas na salita. Pero ang isip ko ay punong puno ng tanong.Akala ko nung gabi na iyon ay makakasama ko na ulit nanay at tatay pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ako tatanggapin sa taas."Ano na Celes, inggit ka ba sa boses ko?" Walang araw na hindi ako dinadalaw dito ni Duke. Madalas niya akong asarin dahil sa nawala ko na boses pero tingin ko kaya din niya ginagawa ito ay para mapasaya ako.'Letche ka talaga.' Gusto kong sabihin ang mga salitang ito pero siguro iipunin ko nalang muna ito sa isip ko para pagbumalik na ang boses ko ay mamura ko siya ng malutong.Nung araw na iyon ay hindi ako hinabol ni Levi. Siguro nga ay hanggang dito nalang din talaga ang love story namin."H-hayop k-ka." Medyo paos ang boses ko pero sapat na para marinig ni Duke.Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin."Kaya mo naman pala magsalita e." Gusto ko n
Pangatlong araw na ngayon ni nanay na nakaburol. Tatlong araw na din akong hindi makausap ng kahit na sino at tatlong araw na din akong nakatulala katabi ng kabaong ni nanay.Hindi ko siya iniwan sa tatlong araw na 'yon kahit halos lahat ng tao sa bahay ay pinipilit ako na kumain o matulog man lang saglit.Nung pangalawang araw ni nanay ay dumating ang ate ni Duke kasama ang kanilang mga magulang. Kinakausap nila ako pero wala silang narinig na kahit na ano na tugon sa akin.Laking pasasalamat ko din kay Duke dahil simula nung araw na yon ay hindi niya ako iniwan. Tinitignan niya lang ako sa malayo habang inaasikaso ang mga bisita ni nanay.Walang araw na lumipas na hindi ko kinakausap si mama. Tuwing gabi ay doon ko lamang naiiyak ang lahat ng sakit. Sinusubukan kong magpakatatag dahil sa kaniya pero ngayong wala na siya ay saan na ako kukuha ng lakas.Naaalala ko pa din at malinaw pa din sa isip ko ang ngiti sa labi ni mama. Kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi k
[WARNING ⚠️: Suicide]Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa harap ng aming bahay. Simula nung ibaba nila ako dito ay hindi ako gumagalaw ng kahit isang hakbang.Nakatitig lamang ako sa bahay namin habang malalim ang iniisip. Hindi ko lubos na maisip na hinayaan lamang ako ni Levi.Naiisip ko tuloy kung napanood niya na ba ang video kaya ganon niya ako tratuhin? At kung oo, bakit mas pinapaniwalaan niya ang video na iyon kesa sa akin.Halos matawa ako nung maalala ko ulit ang video. Sa bibig ko pala mismong nang galing ang mga masasakit na salita na iyon.Humakbang ako ng dahan dahan sa bahay pero bago pa man ako kumatok ay pinahidan ko muna ang gilid ng aking mga mata. Kinuha ko din ang cellphone na nasa bulsa ko at inopen ang camera nito para tignan ang aking itsura.Biglang nagflash sa screen ang isang name na hindi ko inaasahan na tatawag ngayon. Si Duke.Sinagot ko ito ng walang pag-aalinlangan."Nakauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin."Wala man lamang hello?" pang-aasar
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay bigla akong natulala sa sinabi niya. Halata ba na umiyak ako kagabi?Hindi naman sa inaamin ko na umiyak ako pero parang ganoon na nga."Ano hindi ka makasagot? Okay lang yan basta masarap ang ulam." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya na may pagtataka kaya naman tumawa lamang siya at inakbayan ako."Tara nalang kumain." At ganoon na nga kakapal ang mukha ni Duke dahil nagawa niya pa na magbalot ng ulam. Natuwa pa si mama lalo kay Duke dahil sa kaniyang nakakatawa na jokes na minsan ay cringe na kung pakinggan.Lumipas pa ang mga araw at hindi ko maiwasan na tuwing gabi ay maramdaman na wala si mama sa aking tabi. Lagi ko siyang nakikita na nasa sala lamang at tila may sinusulat sa papel. Halos nine days na din ang lumipas simula nung makita ko siyang ganito. Pero kagabi ay nagising ako na nasa tabi ko si nanay kaya naman habang tulog ito ay yumakap ako sa kaniya ng mahigpit."Good morning, anak!" Nagising ako sa boses ni nanay.
Hindi ko na nagawa pa na tanungin ang ibig niyang sabihin nung bigla niya akong tinalikuran. Ayos lang naman kung umalis siya at iwan niya ako dito pero bakit higit higit pa din niya ang aking dextrose! Agad akong tumakbo para mahabol siya dahil nasasaktan ang kamay ko sa ginagawa niya."Parang siraulo 'to!" Hinampas ko siya ng sobrang lakas habang siya naman ay tumawa ng malakas.Ngayon ko lang siya nakita na tumawa. Well, kakakilala ko palang naman sa kaniya pero gwapo din pala ang isang ito."Ako nga pala si Duke." Pagpapakilala niya sa akin, napatingin ako sa kamay niya na nasa harap ko at parang hinihintay nito na makipagshake hands ako sa kaniya.Kinuha ko naman ito at nakipagkilala, "Celestine."Inabot din ako ng isang linggo dito sa hospital at ngayong araw na ako uuwi sa amin. Nakatawag na din ako kay mama nung pangalawang araw ko na dito. Nag-aalala siya sa akin pero sinabi ko na okay lang ako at nagsinungaling ako dito about sa pag-oovernight ko sa bahay ng kaibigan ko. A
"Gising na siya!" Sigaw ng lalaki na hindi ko kilala habang tinatawag ang tingin ko ay nurse. Kanina pa ako gising at nakatulala lang ng deretso habang nakahiga. Hindi gumagalaw ang katawan ko kahit ilang beses ko na gusto umalis dito. Gusto ng utak ko na umalis sa lugar na ito. "Paano ako napunta dito." Tanong ko sa lalaki habang hindi siya tinitignan. Nakarinig ako ng paghakbang at tingin ko ay lalapit siya sa akin. "H-huwag k-ang lalapit! H-huwag mo k-kong hawakan!" Sumigaw ako ng sumigaw habang tinatakpan ng kamay ko ang buo kong katawan. "T-t-tama na p-po." Pagmamakaawa ko habang umiiyak. Muling bumalik sa utak ko ang lahat ng nangyare sa akin hindi ko lubos na maisip na nangyare ito sa akin. Kung paano nila ako tawanan habang pinagpapasa-pasahan ang tumatak sa isip ko. "Miss, wala akong gagawin sayo na masama." Nakita kong tinaas niya ang kamay niya habang umaatras siya papalayo sa akin. Dumating ang Doctor na babae. Nangangatal ako sa takot kaya agad siyang lumapit sa a