Nakaraos na din kami sa exam. Simula nung araw na nangyare yung sa gymnasium ay wala ng kumausap sa akin maski ang paglapit ay hindi na nila magawa.Tuwing meron kaming groupings ay ang ginagawa ng teacher ay partner nalang kami ni Levi, kami lang dalawa."Pustahan tayo." Alok ko kay Levi. Mamaya na kase iaannounced kung sino ang pinakamataas over all score."Magkano?" Mukha talaga siyang pera."10 pesos." Sabi ko dito. Agad naman nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko."Ang kuripot mo naman Ali." Sa totoo lang ay wala na akong pera dahil pinambili ko na ng pang regalo ko kay Levi para sa birthday niya bukas."Okay class for our top 1...." Agad kaming nagtinginan ni Levi habang hinihintay ang pangalan na babanggitin ni Miss."Congratulations to you Mr. Isaiah Levi Ferrer." Tumayo ako at agad na pinalakpakan siya."Congrats!" Sigaw ko at para naman siyang nahihiya sa ginagawa ko.O bakit proud ako?Natapos iyon at dumeretso na agad ako sa bahay para umuwi nagtext sa akin si
Nasa tabing dagat ako ngayon habang nilalanghap ang sariwang simoy ng hangin, masarap din sa aking pandinig ang mga tinig ng mga alon. Malapit ng dumilim ang langit kaya naman masaya na umupo dito sa mga buhangin habang tanaw ang magandang tanawin. Hindi ko maiwasan na ma - inlove sa magandang tanawin dito.Nandito kami ngayon ni Levi sa tabing dagat malapit sa bahay nila. I mean sa likod ng bahay nila. Yes, may sarili silang dagat.Maya - maya lang ay naramdaman ko ang mga kumot na biglang pumatong sa aking mga balikat." Baka lamigin ka. " ang ngiti niyang nakakatunaw ay bumagay sa paligid na meron kami ngayon." Ang gwapo mo pala ngumiti. " hindi namin maiwasan na dalawa na tumawa. Bumalik ulit siya sa loob ng bahay para i - check ang kaniyang niluluto.Birthday niya ngayong araw at naisip namin na ienjoy ang araw na ito ng magkasama.Narinig niya ang sinabi ko kagabi pero hindi na siya ulit nagtanong pa tungkol doon. Nasa kalagitnaan ako ng pageemote nung makarinig ako ng pagbubuk
Sa pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko na naabutan pa si mama. Pumasok na ako sa trabaho habang si Levi naman ay pansin ko ang pagdalas ng pag-absent niya mapa trabaho man o school.Kaya naman ngayon ko binalak ibigay sa kaniya ang regalo ko na hindi ko na naibigay sa kaniya nung kami ay nasa puntod ng kaniyang ina.Nagpahatid ako sa tricycle para maountahan siya sa bahay. Nakita ko naman na nakaparada halos lahat ng sasakyan nila."Nandito po ba si Levi?" Tanong ko sa isang nagbabantay ng bahay."Ah yes po, kasama niya po si Ms. Janice." Nagtaka ako sa sinabi niya."Sino po 'yung Janice na tinutukoy niyo?" Tanong ko dito."Yung magiging asawa po ni Boss Fedelin."Para akong nabuhusan ng mantika. Yung binanggit na pangalan nung lalaki ay siyang ex ni Levi. Janice, siya ang unang minahal niya.Paano kung hanggang ngayon ay mahal niya pa si Janice at ako ay panakip butas lamang.Gusto kong puntahan si Levi pero nagdecide ako na hindi nalang. Bago ako umalis ay pinaiwan ko ang regalo ko sa
"Nakakabagot naman na!"Hindi ko maiwasan na mapasigaw. Wala akong magawa dito sa bahay namin. Araw na ng linggo at wala akong work and school makakapagpahinga sana ako pero hindi ko magawa 'yon dahil sa mga bagay na iniisip ko."Makapag-gawa nalang ng graham." Tumayo agad ako at tinignan ang wallet ko.Hindi na ulit kami nagkausap ni Levi simula nung araw na makita ko siyang may kayakapan na iba. Hindi ko din naman alam kung ano na ang status naming dalawa, well pareho kaming humihinga."Ay ang poor ko naman pala." Nasabi ko nalang sa sarili ko nung makita kong walang laman ang waller ko. As in wala talaga.Sinubukan ko nalang maglakad-lakad hindi naman masiyadong mainit pero pagkalabas ko palang ng bahay ay napansin ko na ang mga halaman na dati ay magaganda ngayon ay halos malanta na.Napabayaan ko na pala ang bahay dahil sa kakaalis ko.Okay ngayon alam ko na ang gagawin ko."Maglilinis nalang ako."Una akong pumunta sa kusina, hinugasan ko ang mga plato nilinis ko naman ang lagay
(WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS)Gabi na ngayon, nandito lang kami sa tabi ng dagat at naka-upo. May mga hawak kami na bote ng beer."Ano ba yan Levi ang baboy ha!" Pagsisita ko sa kaniya nung makita kong inuman niya ang bote ko. Naghalo na ang mga laway namin."Sarap nga e." Binigyan ko naman siya ng tingin na para bang nandidiri sa kaniya. Tinatawan naman niya ako dahil dito.Ang suot ko ngayon ay kulay puti na dress at ang nasa loob noon ay ang bikini ko na kulay black. Itong gusto ko ngayon ang favorite ko na bikini. Tuwing kami ay may swimming kasama ang buong family noon ay ito ang sinusuot ko dahil binigay ito sa akin ni dad before. Ito ang huling binigay niya sa akin.Si Levi naman ay nakasuot ng all black na damit masiyado naman siyang madilim.Tumayo ako mula sa pagkakaupo at bigla ko siyang sinabunutan sa may ulo niya. Agad naman niya akong hinabol sa dahil sa ginawa ko. Tawa ako ng tawa dahil para kaming bata kung maghabulan dito.Wala na masiyadong tao dito s
"Do you regret doing it?" Tanong sa akin ni Levi.Nandito kami ngayon sa loon ng kwarto. Hindi kami nag-uusap. Nahihiya akong magpakita sa kaniya hindi ko din alam kung bakit pero nahihiya ako."No." Sabi ko sa kaniya at tinignan siya sa mata."Nahihiya lang ako magpakita sayo." Mahinang sabi ko sa kaniya.Narinig ko naman mula sa kaniya ang mahinang mata para bang may nasabi ako sa kaniya na nakakatawa."Love, nakita ko na lahat sayo." Sabi niya sa akin. Pinantayan niya ako at pagkatapos noon ay hinalikan niya ako. Humiwalay na siya sa halik pero naramdaman niya ang pagsunod ng aking labi."See... gusto mo." Natatawang sabi niya sa akin. What if suntukin ko siya?Nagbreakfast na kaming dalawa bago kami mag-uli dito sa palawan."Grabe ang ganda pala dito sa palawan!" Madami kaming nakakasalubong na foreigner at siyempre mga nagtitinda ng buko juice or yung mga ram."Ang ganda ng suot mo ng bikini, bagay sayo, saan mo nabili yan sis?" Nagulat ako nung biglang magsalita si Levi ng ma
"NANALO AKO!" malakas na sigaw niya kaya naman napatingin na din sa amin ang ibang mga tao. Ngumiti lamang ako ng tipid sa kaniya at bigla ko nalang siyang tinalikuran. Ang aking paglalakad ay nag-umpisa sa mabagal hanggang sa ito ay naging mabilis. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Levi mula sa likod. Naririnig ko din ang kaniyang mahina na pagtawa."Okay panalo ka na. Sumusuko na ako. Huwag mo na akong layuan." Gusto ko siyang tawanan nung sabihin niya iyon. Masiyado naman siyang corny.Tumigil ako at naramdaman ko naman ang pagdampis ng kaniyang balat sa likod ko dahil na din sa biglaan kong pagtigil.Humarap ako sa kaniya at hinila siya sa isang mahabang pila. Napatingin naman siya sa taas at nung makita niya ang rides ay talaga namang namula ang kaniyang mukha."Dito tayo magpustahan." Hamon ko sa kaniya. "Doon pa nga lang sa una nating ride na nasakyan ay sumigaw ka na. Dito pa kaya." Pag-yayabang niya pa sa akin. Sus, takot lang siya e."A okay, .... takot ka lang e." Mah
Sa mga nakalipas na araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi ayusin ang aking pag-aaral. Malapit na ang aming final exam kaya naman ngayon palang ay nag-uumpisa na agad akong mag-aral. "Tinawagan mo na ba?" Ito ang naging tanong sa akin ni Levi nung sabihin ko sa kaniya ang aking problema. Sa bilis ng araw ay hindi ko na napansin na halos ilang buwan na din pala simula nung hindi ko nakikita si mama. Tinatawagan ko din ito minsan pero tuwing sasagutin niya naman ay agad din siyang magpapaalam."Hindi siya sumasagot." May halong kaba na ang boses ko. Nakita naman ni Levi sa mukha ko ang pag-aalala kaya naman agad niya akong niyakap."Puntahan natin ang mama mo bukas." Sabi nalang ni Levi.Kahit gustuhin ko man na puntahan na si mama ngayon ay hindi pwede dahil masiyado ng gabi.Kaninang umaga ay sinubukan king tawagan si mama pero nakapatay ang phone niya kaya naman sinubukan ko na sa tanghali na siya tawagan pero nung tawagan ko siya ay hindi pa din niya sinasagot hanggang sa umab