Share

Kabanata 35

Nandito ako ngayon sa comfort room ng mga babae inaayos ang sarili at pinapakalma dahil sa lahat ng nangyayare.

Ang ginawa nila sa akin ay hindi makatarungan. Hanggang ngayon ay nanginginig pa din ang aking buong katawan. Ang mga luha na pilit kong pinipigilan ay patuloy pa din sa pagtulo.

Ang principal ang sumigaw kanina. Nasa office na silang anim at habang ako ay nandito para pakalmahin ang sarili.

Binigyan ako ng principal ng jacket at pants. Sinabi niyang magbihis ako at huwag akong mag-alala sa kung ano man ang susunod na mangyayare dahil nandito lang daw siya sa tabi ko.

Nung medyo kumalma na ang sarili ko ay dumeretso na ako sa office niya. Doon ko natagpuan ang anim, masama ang tingin sa akin ni Xandra at Drake. Kasama nila ngayon ang mga magulang nilang lahat.

Tinignan ako ng mga magulang nila mula ulo hanggang paa na para bang tinitignan nila kung anong uri ako ng babae.

"Mapag-uusapan naman natin ito Ms. Vint, magkano ba ang kailangan ng school magdodonate ako." Sabi ng i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status