Nandito ako ngayon sa comfort room ng mga babae inaayos ang sarili at pinapakalma dahil sa lahat ng nangyayare.Ang ginawa nila sa akin ay hindi makatarungan. Hanggang ngayon ay nanginginig pa din ang aking buong katawan. Ang mga luha na pilit kong pinipigilan ay patuloy pa din sa pagtulo. Ang principal ang sumigaw kanina. Nasa office na silang anim at habang ako ay nandito para pakalmahin ang sarili.Binigyan ako ng principal ng jacket at pants. Sinabi niyang magbihis ako at huwag akong mag-alala sa kung ano man ang susunod na mangyayare dahil nandito lang daw siya sa tabi ko.Nung medyo kumalma na ang sarili ko ay dumeretso na ako sa office niya. Doon ko natagpuan ang anim, masama ang tingin sa akin ni Xandra at Drake. Kasama nila ngayon ang mga magulang nilang lahat.Tinignan ako ng mga magulang nila mula ulo hanggang paa na para bang tinitignan nila kung anong uri ako ng babae."Mapag-uusapan naman natin ito Ms. Vint, magkano ba ang kailangan ng school magdodonate ako." Sabi ng i
"Mr. Ferrer ano ang ginagawa niyo dito?" Tanong ng papa ni Drake.Tinignan lang siya ni Mr. Ferrer matapos niya suriin ng mabuti yung papa ni Drake ay nilapit niya ako.Agad na nagsilayuan sa akin ang mga mother ng anim, parang kanina lang sinasabunutan niyo ako."Are you okay?" Umupo sa tabi ko si Mr. Ferrer. Kahit gulat na gulat sa nangyayare ay tumango nalang ako."I'm so disappointed, cousin." Humarap siya sa Principal bago niya iikot ang mata sa mga tao dito sa loob ng office.Ang mga magulang na kanina ay galit na galit sa akin ay parang tuta na parang kinawawa kung umasta."Hindi ko alam na tumatanggap ka ng basura." Tumingin sa akin ang mga guardians ng bumugbog sa akin pati na din sila Xandra at Drake. Ngumisi sila sa akin lahat."Even me boss, nagulat ako na nakakasalamuha ng anak ko ang basura na katulad niya." Panggagatong na nung tatay ni Drake."Excuse me, who are you again?" napatingin naman kami sa tatay ni Drake naghihintay ng sagot. Para naman siyang napahiya dahil s
Nandito na kami ngayon sa may gymnasium. Nasa may stage kami habang mga students kasama na ang parents nina Xandra ay nasa baba at naka-upo.Katabi ko dito sa may stage si Levi habang sa kabilang tabi niya naman ay ang ama niya. Pumunta si Ms. Principal sa harap ng mic atang lahat naman ay nakinig sa kaniya."Sa isang linggo kong pagkawala kasama ang aking secretary ay wala akong nakuha na masamang balita galing sa inyo." Biglang nag-iwas ng tingin ang mga teacher.Namukhaan ko pa ang ilang teacher na nambully sa akin. Taas noo silang tumingin sa harap na para bang wala silang ginawang kasalanan sa akin."Akala ko ay okay pa ang school pero bakit nung dumating ako dito ay may nasaksihan ako na hindi kaaya aya." Nilibot ni Ms. Principal ang kaniyang paningin sa buong gymnasium."I'm so disappointed especially sa mga teacher's na nadala sa pera at walang pusong sinasaktan ang student."Sa sinabi na iyon ng Principal ay agad na nagtunguhan ang mga teacher na nambully sa akin. Ngayon ay
"Marcus tama na, ano ba!" Agad ko siyang inawat nung hahablutin niya ulit si Levi. Hindi lumalaban si Levi hinahayaan niya lang na suntukin siya ni Marcus."Marcus umuwi ka na sa bahay niyo!" pagtataboy ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.Umalis siya at hindi na ako tinignan pang muli nito. "Tama siya Ali kasalanan ko ito." Tinignan ko siya. Nakita ko kung paano gumuhit ang regret niya."Huwag kang mag-alala mula ngayon ay hindi na akong muling hihiwalay sayo."At tinupad niya nga ang sinabi niya dahil halos hanggang sa comfort room ay gusto niya akong samahan."Nasisiraan ka na ba ng ulo Levi?" Tanong ko sa kaniya nung nagpaalam sa kina Kuya Mark na gagamit lang ako ng comfort room."Hindi ah" sagot niya sa tanong ko."E bakit mo ako sinusundan pati ba naman sa cr?" Seryoso na sabi ko."Ali nababaliw na nga siguro ako, napapraning na ako tuwing hindi kita nakikita." Binatukan ko naman siya.Wala kaming pasok hanggang sa maging handa
Hinabol ko siya at para kaming mga bata kung maglaro. Hindi namin maiwasang matawa dahil sa tuwa. At mas lalo akong natawa nung makita ko siyang matakid at masubsob ang mukha sa buhangin.Halos mamatay na ako kakatawa dahil sa kaniya, paano ba naman kase kitang kita ko kung paano siya bumagsak."HAHAHAHA -- ang laki mong tanga -- HAHAHAHA" sabi ko sa gitna ng aking mga tawa. Masama niya akong tinignan habang nagpapagpag ng mga buhangin sa katawan."Sayang hindi ko na na-videohan" natatawang sabi ko habang papalapit."Tawang - tawa ka ha" ito ang sinabi niya bago niya ako buhatin na para ba akong isang sako ng bigas. Napatili naman agad ako dahil dito."Ibaba mo koo!" sigaw ko habang pinapalo siya sa likod.Tinawanan niya lang ako. Bigla siyang umikot kaya naman mas napasigaw ako. Gagantihan ko talaga to."HOY! MAY NATUTULOG DITO, SA IBA NALANG KAYO MAGHARUTAN!!" sa gulat ni Levi ay muntikan na niya akong mabitawan. Binaba din agad ako ni Levi kinabahan ata dahil muntik na akong mahulo
November 1 na ngayon at wala akong magawa sa bahay. Bigla akong nakarinig ng pag-ring ng phone ko at nung nakita kong tinatawagan ako ni Levi ay sinagot ko ito."Get dress, pupunta na ako dyan." yun lang ang sinabi niya at pinatay na ang tawag." Saan ba tayo pupunta? " hindi ko maiwasan na magtanong dito." Sa taal batangas, magsisimba tayo. " nag - umpisa na siyang magdrive. Makalipas ang isang oras ay nakarating din kami doon. Mabilis lang sana ang aming byahe kung hindi lang traffic.Nag - umpisa na ang misa nung nakadating kami. Umupo nalang kami sa dulo at nakinig." Ang ganda dito. " palabas na kami sa simbahan at nakita ko ang magandang view mula dito." Alam mo ba na ang simbahang ito ay pangatlo ng simbahan, ang pang - una at pangalawa ay nagiba dahil sa pagputok ng bulkan at paglindol. Sabi ng mga tao dito na ang simbahan na to ang nagpi - present ng love and sacrifice. Love dahil sa pagmamahal ng mga tao sa kanilang relihiyon at sacrifice naman dahil sa kanilang pagmamahal
Tumigil kami dito sa may baywalk dito sa San Nicolas kung saan tanaw mula dito ang Taal Volcano. Pero dahil gabi na ay tanging bituin nalang ang nakita namin. Ang sarap ng simoy ng hangin dito.Kami lang ang naging tao dito dahil siguro ay gabi na."Oo nga pala yung bucket list natin." kinuha ni Levi ang papel sa bulsa niya at kinuha ko naman ang uling na binili ko kanina kay lolo."Saan mo gustong pumunta?" hindi siya agad nakasagot sa tanong ko, siguro ay nagiisip siya."Okay in the count of three sabay natin sabihin, one , two, three...""Palawan" sabay namin na sabi. Nagulat pa kami nung una dahil parehas kami ng iniisip."Okay Palawan na ang una." ganon nalang ang ginawa namin at pag hindi naman parehas ang sinasabi namin ay nag babato - bato - pick at kung sino ang manalo ang lugar na napili niya ang ilalagay namin sa papel."Okay last na.. one , two , three...""Siargao." halos mapasigaw kami dahil nanaman sa tuwa."So ang magiging last destination natin ay Siargao. Nice." ngum
"Huwag ka masiyadong ma - inlove kay Ace, mamatay din yan sa Marineford. " Nasa kalagitnaan kami ng panonood ngayon ng One piece at hindi ko naman alam na pangit pala siya kasamang manood."Napaka - spoiler mo, umalis ka nga dito sa tabi ko." pero siya nakinig sa akin mas lalo niya akong iniinis. Mas lalo siyang lumapit sa akin at sinabi niya din kung paano mamamatay si Ace.Halos isang oras na kaming nanonood napatigil lang ako nung maalala ko na wala pa nga pala akong naaaral." Hala shit, wala pa akong naaaral! " agad akong tumayo at kinuha ang mga libro ko na nasa lamesa na hindi ko na nagalaw.Sabi ko kanina mag-aaral ako pero bakit naman panonood ang ginagawa ko." Bakit, anong nanyare? " sigaw niya mula sa sala." Nakalimutan ko palang mag - aral. " sabi ko habang dala dala ang mabibigat kong libro. Lumapit siya agad sa akin para kunin ang mga books na hawak ko." Gusto mo tulungan kita? "Sa buong tatlong oras ay wala ako na ibang ginawa kundi mag - aral at nirereview naman a
"Oo nga po pala mom, meron po pala kaming family day sa monday." Pagiinform sa akin ni Lev.Nasa sala kami ng bahay ni Duke, nanonood kami ng favorite na movie ni Lev. Nagkatinginan naman kami ni Duke.Normally pagfamily day ay kami na dalawa ni Duke ang pumupunta. Ayaw din ni Duke na mabully si Lev dahil wala itong tatay kaya ang alam ng mga kaklase niya ay tatay ni Lev si Duke."Tatawagan ko lang yung secretary ko para icancel lahat ng meetings." Tatayo na sana si Duke nung mapigilan ko siya at napatingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya."Huwag mo na gawin yan sa anak ko." Sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama ako tinignan ko din siya ng masama.Aba nagpupumilit pa ang hinayupak."Tigilan mo ako sa katigasan tuktok mo!" Nakita ko naman ang pagsuko sa kaniyang expression.Ilang araw din ang lumipas naging busy kami pareho ni Duke. Ngunit kahit gaano pa kadami ang aming ginagawa ay hindi kami nawalan ng oras kay Lev.Dumating na nga ang araw ng family day sa sch
"Anak, eat your veggies." I told him. Tinignan niya muna ako na para bang sinasabi niya sa akin na ayaw niya itong kainin."Anak kainin mo na sige na para maging healthy ang baby ko." Kiniss ko pa siya sa noo para suportahan ang pagkain niya. Habang lumalaki si Lev ay may lalo niya na gusto na magkalapit kami. Kaya hanggat kaya ko ay ginagawan ko ng paraan na magkaroon ng time sa kaniya."Hi baby Lev, tignan mo ko oh." Pinakita ni Duke ang kaniyang kutsara na punong puno ng gulay at sabay na sinubo. Umarte pa ito na sarap na sarap sa kaniyang kinakain.Agad naman nagliwanag ang mukha ng anak ko at agad na ginaya ang ginawa ni Duke. Ginulo naman ni Duke ang buhok ng anak ko para sabihin na good boy ito.Matapos namin kumain ay tinulungan ko na si Lev na mag-ayos ng gamit niya sa school. Pumapasok na kase ang anak ko at palagi din ako nakakatanggap ng tawag mula sa teacher niya para sabihin na napakahusay ng anak ko at pati ang ibang teacher ay ganon ang kanilang sinasabi.Naabutan ko
Celestine Calli POV.Sa mga nakalipas na taon ay wala akong ginawa kung hindi tuparin lahat ng pangarap ng aking nanay para sa akin.Pero na huli lamang ako ng isang taon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Sa unang taon ay hirap na hirap ako dahil sa wala na sa tabi ko si nanay. At higit sa lahat ay nahirapan ako sa pagbubuntis ko.Tama kayo ng nabasa. Sa dami ng pinagdaanan ko ay dito ako nahirapan ng sobra. I was suffering with mental issues tapos malalaman ko na buntis ako.5 Months na akong buntis nung malaman ko na buntis nga ako. Hindi ganon kalakihan ang tiyan ko nung 5 months ako pero sabi ng doctor ay normal lamang ito at may ganon din talaga na nagbubuntis.Tinulungan ako ng parents ni Duke, hinayaan nila akong manirahan sa kanila. Hindi din ako iniwan ni Duke lalo na pag sinusubukan ko na saktan ang sarili ko.Ang dami kong naiisip at tingin ko ay may hinanakit ako na nararamdaman lalo na sa bata. Naiisip ko palang ang nangyare sa akin nung gabi nagahasa ako. Natatakot ak
Simula nung gabi na iyon ay nagising nalang ako kinabukasan na nasa hospital na ulit. Tulala at tahimik.Sa buong isang linggo ay wala akong mailabas na salita. Pero ang isip ko ay punong puno ng tanong.Akala ko nung gabi na iyon ay makakasama ko na ulit nanay at tatay pero kahit ano sigurong gawin ko ay hindi ako tatanggapin sa taas."Ano na Celes, inggit ka ba sa boses ko?" Walang araw na hindi ako dinadalaw dito ni Duke. Madalas niya akong asarin dahil sa nawala ko na boses pero tingin ko kaya din niya ginagawa ito ay para mapasaya ako.'Letche ka talaga.' Gusto kong sabihin ang mga salitang ito pero siguro iipunin ko nalang muna ito sa isip ko para pagbumalik na ang boses ko ay mamura ko siya ng malutong.Nung araw na iyon ay hindi ako hinabol ni Levi. Siguro nga ay hanggang dito nalang din talaga ang love story namin."H-hayop k-ka." Medyo paos ang boses ko pero sapat na para marinig ni Duke.Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin."Kaya mo naman pala magsalita e." Gusto ko n
Pangatlong araw na ngayon ni nanay na nakaburol. Tatlong araw na din akong hindi makausap ng kahit na sino at tatlong araw na din akong nakatulala katabi ng kabaong ni nanay.Hindi ko siya iniwan sa tatlong araw na 'yon kahit halos lahat ng tao sa bahay ay pinipilit ako na kumain o matulog man lang saglit.Nung pangalawang araw ni nanay ay dumating ang ate ni Duke kasama ang kanilang mga magulang. Kinakausap nila ako pero wala silang narinig na kahit na ano na tugon sa akin.Laking pasasalamat ko din kay Duke dahil simula nung araw na yon ay hindi niya ako iniwan. Tinitignan niya lang ako sa malayo habang inaasikaso ang mga bisita ni nanay.Walang araw na lumipas na hindi ko kinakausap si mama. Tuwing gabi ay doon ko lamang naiiyak ang lahat ng sakit. Sinusubukan kong magpakatatag dahil sa kaniya pero ngayong wala na siya ay saan na ako kukuha ng lakas.Naaalala ko pa din at malinaw pa din sa isip ko ang ngiti sa labi ni mama. Kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi k
[WARNING ⚠️: Suicide]Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa harap ng aming bahay. Simula nung ibaba nila ako dito ay hindi ako gumagalaw ng kahit isang hakbang.Nakatitig lamang ako sa bahay namin habang malalim ang iniisip. Hindi ko lubos na maisip na hinayaan lamang ako ni Levi.Naiisip ko tuloy kung napanood niya na ba ang video kaya ganon niya ako tratuhin? At kung oo, bakit mas pinapaniwalaan niya ang video na iyon kesa sa akin.Halos matawa ako nung maalala ko ulit ang video. Sa bibig ko pala mismong nang galing ang mga masasakit na salita na iyon.Humakbang ako ng dahan dahan sa bahay pero bago pa man ako kumatok ay pinahidan ko muna ang gilid ng aking mga mata. Kinuha ko din ang cellphone na nasa bulsa ko at inopen ang camera nito para tignan ang aking itsura.Biglang nagflash sa screen ang isang name na hindi ko inaasahan na tatawag ngayon. Si Duke.Sinagot ko ito ng walang pag-aalinlangan."Nakauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin."Wala man lamang hello?" pang-aasar
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay bigla akong natulala sa sinabi niya. Halata ba na umiyak ako kagabi?Hindi naman sa inaamin ko na umiyak ako pero parang ganoon na nga."Ano hindi ka makasagot? Okay lang yan basta masarap ang ulam." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya na may pagtataka kaya naman tumawa lamang siya at inakbayan ako."Tara nalang kumain." At ganoon na nga kakapal ang mukha ni Duke dahil nagawa niya pa na magbalot ng ulam. Natuwa pa si mama lalo kay Duke dahil sa kaniyang nakakatawa na jokes na minsan ay cringe na kung pakinggan.Lumipas pa ang mga araw at hindi ko maiwasan na tuwing gabi ay maramdaman na wala si mama sa aking tabi. Lagi ko siyang nakikita na nasa sala lamang at tila may sinusulat sa papel. Halos nine days na din ang lumipas simula nung makita ko siyang ganito. Pero kagabi ay nagising ako na nasa tabi ko si nanay kaya naman habang tulog ito ay yumakap ako sa kaniya ng mahigpit."Good morning, anak!" Nagising ako sa boses ni nanay.
Hindi ko na nagawa pa na tanungin ang ibig niyang sabihin nung bigla niya akong tinalikuran. Ayos lang naman kung umalis siya at iwan niya ako dito pero bakit higit higit pa din niya ang aking dextrose! Agad akong tumakbo para mahabol siya dahil nasasaktan ang kamay ko sa ginagawa niya."Parang siraulo 'to!" Hinampas ko siya ng sobrang lakas habang siya naman ay tumawa ng malakas.Ngayon ko lang siya nakita na tumawa. Well, kakakilala ko palang naman sa kaniya pero gwapo din pala ang isang ito."Ako nga pala si Duke." Pagpapakilala niya sa akin, napatingin ako sa kamay niya na nasa harap ko at parang hinihintay nito na makipagshake hands ako sa kaniya.Kinuha ko naman ito at nakipagkilala, "Celestine."Inabot din ako ng isang linggo dito sa hospital at ngayong araw na ako uuwi sa amin. Nakatawag na din ako kay mama nung pangalawang araw ko na dito. Nag-aalala siya sa akin pero sinabi ko na okay lang ako at nagsinungaling ako dito about sa pag-oovernight ko sa bahay ng kaibigan ko. A
"Gising na siya!" Sigaw ng lalaki na hindi ko kilala habang tinatawag ang tingin ko ay nurse. Kanina pa ako gising at nakatulala lang ng deretso habang nakahiga. Hindi gumagalaw ang katawan ko kahit ilang beses ko na gusto umalis dito. Gusto ng utak ko na umalis sa lugar na ito. "Paano ako napunta dito." Tanong ko sa lalaki habang hindi siya tinitignan. Nakarinig ako ng paghakbang at tingin ko ay lalapit siya sa akin. "H-huwag k-ang lalapit! H-huwag mo k-kong hawakan!" Sumigaw ako ng sumigaw habang tinatakpan ng kamay ko ang buo kong katawan. "T-t-tama na p-po." Pagmamakaawa ko habang umiiyak. Muling bumalik sa utak ko ang lahat ng nangyare sa akin hindi ko lubos na maisip na nangyare ito sa akin. Kung paano nila ako tawanan habang pinagpapasa-pasahan ang tumatak sa isip ko. "Miss, wala akong gagawin sayo na masama." Nakita kong tinaas niya ang kamay niya habang umaatras siya papalayo sa akin. Dumating ang Doctor na babae. Nangangatal ako sa takot kaya agad siyang lumapit sa a