Two weeks na ang nakalilipas simula ng umalis si Glory at ang kambal sa poder ni Ralph. Bumili si Ralph ng ilang necessities niya at ginamit ang card niya. “Uhm Sir, invalid po eh,” saad ng cashier. “What? Anong invalid? Sinwipe mo ba ng maayos?” “Opo eh, invalid po,” “That’s impossible, try again,” Sinunod ng cashier ang inutos ni Ralph at nakita pa ng dalawang mata niya na sinwipe ulit nito ang card niya ngunit invalid pa rin. Bumuntong hininga nalang siya dahil nonsense pang makipag away sa cashier kung talagang invalid ang card niya. “Sige, magkano ‘to lahat? I’ll just pay in cash,” saad ni Ralph na kinuha ang wallet niya. Nang mabayaran niya iyon ay kaagad na siyang bumalik ng Penthouse at tinawagan si Renzo. “Did you just freeze all my cards?! It’s not funny, Renzo! Ano ka? Si Daddy?!”“Didn’t I tell you that you’re not part of the family anymore? So what did you expect? That you will still use all the privileges? Aba, masyado ka namang yatang sinuswerte, Ralph, and nga
Tinugon naman ni Ralph ang mga halik na iyon at saka humawak sa bewang nito at kinabig siya papasok sa Penthouse. Sinara ni Ralph ang pinto at maingat na hinalikan si Glory. Nang magkalas ang mga labi nila ay hinaplos ni Ralph ng marahan ang pisngi nito at pinahid ang mga luha na namumutawi sa magaganda nitong mga mata. “I told you not to come back, why do you have to be so stubborn?!” singhal ni Ralph na halos maluha luha, hindi niya akalaing nasa harapan niya si Glory ngayon at naroon na ulit ang mga bata. “It doesn’t matter, I’m here,” saad ni Glory na umiiyak pa rin.“Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo, you shouldn't stay with me in the first place," saad ni Ralph ngunit hindi niya mapigilan ang saya at lungkot na nararamdaman. Magkahalo iyon ngayon at mas nangingibabaw ang pagmamahal niya kay Glory dahil sa kabila ng lahat ng pagmamalupit niya rito ay bumalik pa rin ito sa kanya. "Just look at you," saad ni Glory na sinapo ang noo niya, "nilalagnat ka oh," "I'm fin
Pag gising ni Glory kinabukasan ay wala na si Ralph sa tabi niya, hindi niya alam kung saan nagpunta ito, ginising niya na ang mga bata dahil papasok pa ang mga iyon sa eskwelahan, nagluto siya ng almusal habang ang kambal naman ay nag aasikaso na ng sarili nila. Maya maya ay narinig niya ng may nagbukas ng pinto ng Penthouse at pagsilip niya ay bumalik na si Ralph, nakita siya nito kung kaya’t kaagad itong dumiretso sa kusina at niyakap siya mula sa likod at dinampian siya ng halik sa leeg. “Good morning, Beautiful, flowers for you,” saad ni Ralph sabay abot kay Glory ng bouquet ng yellow tulips. “Ang ganda naman ng mga bulaklak na ito, you got it this time,” saad ni Glory na masayang tinanggap ang bouquet. “Kaya ba nagalit ka noong binibigyan kita ng bulaklak sa office? Kasi hindi mo gusto yung mga bulaklak na binibigay ko?” tanong ni Ralph dito.“Eh kasi naman, Love, magbibigay ka na nga lang ng bulaklak, lilies at roses pa,” saad ni Glory. “Oh bakit? Maganda naman ang mga iyo
Pag hatid niya sa mga bata at kay Glory ay naglinis si Ralph sa buong Penthouse dahil sobrang kalat at naghugas rin siya ng pingan. Kaya naman nilang mag hire ng maids ngunit mas gusto kasi ni Glory na matuto ang mga bata ng mag isa upang lumaking independent ang mga ito gaya niya ngunit kabaligtaran naman kay Ralph, hindi naman kasi sanay si Ralph sa mga gawaing bahay at mayroon silang mga taong gumagawa non para sa kanila kung kaya’t pagod na pagod si Ralph sa paglilinis ngunit gusto niyang gawin ang lahat para kay Glory kung kaya’t nagsisikap siya, ayaw niya kasing dumating ito na ito pa ang maglilinis ng Penthouse dahil pagod na nga ito sa trabaho at pagkatapos ay makalat pa ang dadatnan nitong bahay pag uwi. Nahihiya na rin siya dito dahil halos si Glory na ang gumagastos ng lahat para sa Penthouse. Electric bills, water bills, tuition fee’s ng mga bata dahil sa private school pa nag aaral ang mga ito at pang grocery at panggastos nila sa araw araw. Naisip niyang iyon na lamang
KINABUKASAN ay ganon ulit ang ginawa ni Ralph. Hatid-sundo niya ang mga bata sa eskwelahan at maging si Glory sa opisina hanggang sa dumaan pa ang anim na buwan at ganon lang palagi ang set up nila. Tumigil na rin sa pangungulit sa kanya si Harold Xiu at hindi na tumatawag o nagte text man lang. Ngayon ay weekends at nasa Penthouse lang sila, maagang nagising si Glory upang magluto ng almusal. Naalimpungatan naman si Ralph at bumaba ng kwarto nang mapansing wala sa tabi niya si Glory. Nakita niya ito sa kusina na nagluluto kung kaya’t lumapit siya dito at niyakap ito mula sa likod at ginawaran ng matamis na halik sa pisngi. “Good morning, Beautiful,” saad ni Ralph na nakayakap pa rin. “Good morning,” “Bakit ikaw ang gumagawa nyan? Sana ginising mo ako,” saad ni Ralph dahil day off nito ngayon, ito na lang ang araw na makakapagpahinga ito sa trabaho ngunit nag aasikaso pa rin sa bahay. “Ano ka ba, okay lang, at saka luto naman na ‘to eh,” “Uhm nga pala, aalis ako mamaya, may pup
Samantala, naiwan naman si Glory at ang mga bata sa Penthouse. Naglalaro sa sala ang dalawa habang nakabukas ang pinto. Si Glory naman ay kinuha ang laundry basket at inilagay ang mga maruming damit sa automatic na washing machine. Maya maya ay may narinig si Glory na kumakausap sa kambal niya, hindi niya masyadong maaninag kung sino iyon dahil abala siya sa paglalaba ngunit malinaw na pambabae ang boses nito. “I’m looking for Ralph Romualdez, nandyan ba siya?” “You’re looking for daddy?” tanong ni Cole sa babae. “Daddy? Si Ralph Romualdez ba, siya ba ang daddy mo?” “Yes, wait here, I’ll go ask mommy where he is!” saad ni Cole ngunit nauna nang puntahan ni Cale si Glory. “Naku! Hindi na!” saad ng babae na nahiya. “Mommy! Mommy! someone‘s looking for daddy, she’s a girl and she’s beautiful!” “What?” tanong ni Glory at saka pumunta papalapit sa pinto at nagulat siya nang makita niya si Danice, halos maluha luha ang mga mata nito na nagbabadya ang pag iyak na nakahawak sa k
KINABUKASAN ay itinuring lang ni Glory na ordinaryong araw ang lahat. Pumasok siya sa opisina at ang mga bata naman ay sa eskwelahan. Habang nagtatrabaho sila sa boardroom ay kinausap siya ni Joaquin. “Nga pala, birthday ng panganay ni Ralph ah, si Danice, pinadalhan kami ni Renzo ng invitation,” saad ni Joaquin. “Ah oo,” matamlay na saad ni Glory. “Oh, bakit parang nalugi yang mukha mo, anong oras kayo pupunta?” tanong ni Joaquin. “Sa tingin ko, hindi ako pupunta,” saad ni Glory na malungkot. “Bakit naman? Unica hija ni Ralph iyon,” saad ni Joaquin. “Ano kasi eh, nagpang abot kami sa Penthouse, eh hindi naman alam ni Danice yung relasyon namin ng daddy niya eh, pakiramdam niya inaagaw ko si Ralph sa kanya,” saad ni Glory na nag aalala. “Ganon? Eh bakit hindi niyo kasi sinabi kaagad? Tsk tsk, kawawa naman si Danice,” “Ang sabi kasi ni Ralph ay humahanap lang daw siya ng tiyempo, eh kaso biglang pumunta doon si Danice sa Penthouse para sana iabot ng personal yung invitat
Nang makarating sila sa birthday party ni Danice ay late na nga sila kung kaya't kaagad na lumapit si Ralph sa entrance ngunit kaagad na humarang ang guard sa entrance, malaki ang pangangatawan nito at may katangkaram din. "Sir Ralph pasensya na ho kayo ngunit banned po kayo dito sa birthday party ni maam Danice," mahinahong saad ng guard. Kaagad na nag pantig ang tenga ni Ralph sa sinabi ng guard, "eh gago pala 'to eh, anong banned banned ang sinasabi mo?! Eh anak ko ang may birthday, gago ka ba, ah?!" "Pasensya na po talaga sir Ralph, sinusunod lang po namin ang utos ni Sir Renzo, mahigpit na bilin niya po na wag daw po kayong papapasukin pag dumating kayo," "Eh hindi pala kami nagkakaintindihan nitong putang inang 'to eh," "Sir, wag po kayong magmura," saad ng guard na naiinis na rin. "Ralph, tama na yan, halika na, umuwi na lang tayo," pag aawat ni Glory na hinawakan ang braso ni Ralph. "Anong umuwi?! Birthday yan ng anak ko, bakit ako uuwi?!" galit na saad ni Ralph n