Habang nasa bridal shop sila ay walang ibang naiisip si Ralph kundi si Glory. Ang kagandahan nito, nahihiling niya pa nga na sana ay si Glory na lang ang kasintahan at naiinis siya sa sarili niya na ganun ang iniisip niya dahil kasama niya ngayon ang kanyang long time girlfriend na si Luz. “What do you think, Love? Bagay ba?” tanong ni Luz na may ngiti sa mga labi habang suot ang magarbong design ng wedding dress. “Uhm, yeah, you look beautiful,” saad ni Ralph ngunit nainis na si Luz. “Damn it Ralph! You said that for the ninth time! Kasama ba talaga kita? Mukhang naiwan mo ata ang isip mo sa office,” saad ni Luz, na nagtataray na sa kanya. “Honey, kahit anong isuot mong wedding gown maganda ka at saka hindi naman importante sa akin yan, mas gusto ko kasi pag nakahubad ka na,” saad ni Ralph na kumindat at kumagat labi ng bahagya. “Sira ulo mo noh!” saad ni Luz na hinawi si Ralph ng pabiro. Napatalikod naman si Ralph pagkatapos niyang sabihin iyon dahil hindi niya naman forte ang
Pag uwi ni Glory sa Hacienda ay kaagad niyang binuksan ang package na galing kay Siobeh. Tumambad sa kanya ang isang cheque at ang isang kasulatan na ibinabalik niya na ang perang kinuha niya kay Glory na pagmamay ari ng yumaong asawa nito. Ibinalik rin ni Siobeh sa kanya ang lumang papel na nilagyan niya ng pangalan, litrato at impormasyon ni Enrico. Nakalagay sa sulat na wag niya ng sisihin pa ang sarili niya sa pagkamatay ng dating asawa dahil nakatakda talaga itong mamatay sa mga kamay ni Siobeh. May malaking atraso kasi si Enrico kay Siobeh at ang nais lamang nito ay gumanti at patahimikin na ito, nagkataon lang na nalaman ng dalaga ang tungkol sa kanya na nais niya ring ipapatay ang sariling asawa. Bagama’t naiiyak at hindi makapaniwala ay napangiti non si Glory dahil malaking tulong ang halaga ng cheque para sa pagsisimula niya dito sa Maynila kasama ang kambal niya. Samantala, hindi naman maalis sa isip ni Ralph ang pagiging close ni Glory at Joaquin, naiinis siya ngunit w
“Tito help me! Help me! I’m scared!” saad ng limang taong gulang na batang si Annika. “Here, hold my hand,” saad ni Ralph na kaagad na inilahad ang kanyang kamay sa pamangkin. “Tito, I’m scared!” saad nito na humahagulgol na ng iyak. “Annika, come on, hold my hand!” utos niya sa bata. “I don’t want to, I’m scared! I might fell,” saad ng bata na takot na takot. Inabot niya na lamang ito at nahawakan niya ang kamay nito ngunit biglang sumakit ang ulo niya at bumalik sa ala ala niya ang tagpong may sinusubukan siyang sagipin at ang sabi niya ay wag itong bibitaw kahit anong mangyari. Napapikit siya ng mariin upang alisin iyon sa isip niya ngayon dahil baka mahulog ang pamangkin niya. Mabilis niyang hinila ito pabalik sa deck ngunit hindi niya na kinaya ang sakit ng ulo niya at siya ang nahulog sa Yate. Sumigaw naman ng tulong si Annika na kaagad ikinabahala ng lahat. Samantala, habang si Ralph naman ay dahan dahang lumulubog sa dagat ay tila biglang bumalik ang lahat ng kanyang mg
Nang makalabas si Ralph ng ospital ay kaagad siyang bumalik sa pagtatrabaho dahil kay Glory, malinaw na malinaw sa natatandaan niyang alaala sa barko na ang dalaga ang kasama niya sa Cruise Ship noong lumubog iyon kung kaya’t kailangan niyang makausap ito ngunit hindi naman siya makatyempo dahil palaging kasama nito si Joaquin. Ang gusto niya sana ay sila lang dalawa ni Glory ang mag uusap. “Oh, bakit nandito ka? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka pa?” tanong ni Joaquin nang maabutan niya sa ospisina niya si Ralph na nag aayos ng mga papeles. “Ah, okay na ako Sir at saka hindi ko naman pwedeng pabayaan ang trabaho ko ng matagal dahil lang sa aksidenteng iyon,” saad ni Ralph. “Oo pero health is wealth, ika nga, okay ka na ba? Kamusta ang pangangatawan mo?” tanong ulit ni Joaquin. “Maayos na ako, salamat,” iyon na lang ang nasabi ni Ralph kay Joaquin, hindi niya alam kung bakit nakangiti sa kanya ang ginoo ngunit hinayaan niya na lang at isa pa ay inis pa rin siya kapag nakikita niy
Habang nag aayos si Luz sa harap ng tukador ay bigla namang tumawag ang boyfriend niyang si Henry. “Hello? Oh anong balita sa pinapagawa ko sayo?” “Medyo bad news Sweetheart,” “Anong bad news? Wag ka na ngang magpatumpik tumpik pa! Sabihin mo na sa akin!”“Eh, ex niya pala tong Glory na ‘to eh, tapos may anak pa sila, kambal pa nga,” Tila nagulat si Luz sa sinabing iyon ni Henry, napatakip siya ng bibig. Hindi siya makapaniwala na may anak si Glory at Ralph ngunit pilit niyang ikinalma ang sarili. “Oy, andyan ka pa ba?” “Oo, sige, sapat na ang mga impormasyon na yan, salamat,” iyon lang at pinatay na ni Luz ang tawag. Sa totoo kasi ay hindi niya mahal si Ralph at ang pera lamang ng mga Romualdez ang puntirya niya kung kaya’t handa siyang magpanggap na may nararamdaman siya dito upang masamsam lamang ang kayamanan nito. Hindi totoo ang sinabi niyang galing siya sa States at gawa gawa lamang niya iyon dahil ang totoo ay isa siyang gold digger na gagawin ang lahat para sa kayaman
Bagama’t kinakabahan ay nakipagkita si Glory kay Luz. kung ano mang mangyari sa pag uusap nila ay bahala na, ang mahalaga ay naipaalam niya kay Luz na hindi siya hadlang sa pagmamahalan nila ni Ralph. “Alam ko ang ugnayan ninyo ni Ralph, pati na rin ang tungkol sa kambal mong anak sa kanya,” saad ni Luz na nakayuko habang nagsasalita. “Kasalanan ko kung bakit siya naaksidente, nakipaghiwalay ako sa kanya nung gabing iyon, hindi ko naman akalain na mawawalan siya ng alaala pag gising niya eh kaya minabuti ko na lang itago sa kanya ang lahat, pati na ang mga anak ko,” paliwanag ni Glory. Hinawakan naman ni Luz ang kamay niya na siyang kinagulat niya. “I know I’m being selfish right now pero… buntis din ako Glory at si Ralph ang ama ng batang ipinagbubuntis ko,” saad ni Luz na naluluha at tila humahawak sa kanyang tiyan. Kanina pa ay pinipigilan ni Glory ang kanyang mga luha na gusto ng kumawala sa kanyang magandang mga mata. “Wag kang mag alala, hindi ako magiging hadlang sa inyo,
KINABUKASAN ay nagpatawag ng meeting si Joaquin sa Dela Vega Corp. sa lahat ng mga empleyado. Kataka taka iyon dahil iyon ang pangalawang beses na ginawa iyon ni Joaquin kung kaya’t nababahala ang ilan. Noong una kasi itong nagpatawag ng ganito kalaking meeting ay sinesante niya ang lahat ng empleyado at sinara ang Dela Vega Corp. Sa mga empleyado niyang nakasaksi non ay ayaw na nilang maulit pa iyon ulit dahil ilang buwan din silang nawalan ng trabaho. “Ano ba kasi ‘to Joaquin?” tanong ni Glory na naiinis habang si Joaquin ay nakangiti lang at tila good mood na good mood. “Tutal tapos naman na ang malaking project natin kay Velasco at summer naman ngayon let’s have a team building!” anunsyo ni Joaquin. Natuwa naman ang lahat at nawala na ang mga tanong at pangamba sa kanilang isip. “Unbelievable,” bulong ni Glory na iiling iling at dismayado dahil napakarami nilang naka line up na projects at proposals na kailangang tapusin ngunit nag anunsyo naman si Joaquin ng team building.“
BORACAY ISLAND, PHILIPPINES “Yehey! I wanna go swim! Splish! Splash!” masayang saad ni Cale habang binibihisan siya ni Glory ng swimming trunks, nasa dalampasigan na sila ngayon at maganda ang sikat ng araw at sakto lamang upang maglaro at magtampisaw. “Me too! Me too!” saad naman ni Cole na tumatalon talon pa. “Hey Noreen!” singhal ni Cale na natanaw si Noreen na tumakbo agt sinalubong ang maliit na waves ng dagat. “Come on Cale! The water is so cool!” sigaw nito. “Oh, sa malapit lang kayo huh, wag lalayo,” paalala ni Glory sa mga bata habang nilalagyan ang mga ito ng sunblock. “Eww Mommy! Ayaw ko ng sunblock, ang lagkit!” reklamo ni Cole. “Hindi pwede, gusto mo bang sumakit ang balat mo? Magkakasunburn ka sige ka!” panakot ni Glory sa anak habang inaasikaso ito. “Mommy totoo bang pag pumunta ka doon sa pinakamalalim may mermaid na hahatak sayo sa ilalim ng dagat at dadalhin ka sa Atlantis?” seryosong tanong ni Cale. “Ha? Sinong nagsabi sayo nyan?” tanong ni Glory. “