Pagdating ni Luz doon ay nagkasalubong sila ni Glory sa may hallway, natandaan naman ni Glory ang mukha ng babae. Iyon ang kasama ni Ralph sa opisina niya noong dumaan siya sa office kahapon. “She must be Ralph’s girlfriend,” saad ni Glory sa isip ngunit binalewala na lang niya iyon. Maya maya ay nakita niyang paalis ang dalawa at mukhang may importanteng lakad. Halos madurog ang puso niya sa sakit. Ang akala niya ay hindi na siya makakaramdam ng sakit pag nagkita sila ni Ralph at pag nakita niyang may ibang babae na ito ngunit hindi pa rin pala. Dobleng sakit ang nararamdaman niya ngayon na para bang nanghihina siya at hindi halos makabangon sa pagkakalugmok. Dumating naman si Joaquin at kinausap ang dalawa ngunit nagulat siya ng biglang lumapit ang tatlo sa kanya. “Glory this is Luz, Ralph’s girlfriend, Luz this is Glory, my best friend and business partner,” pagpapakilala ni Joaquin sa dalawa. “Hi Ms. Luz, nice to meet you,” saad ni Glory. “Pleasure to meet you Ms. Glory, co
Habang nasa bridal shop sila ay walang ibang naiisip si Ralph kundi si Glory. Ang kagandahan nito, nahihiling niya pa nga na sana ay si Glory na lang ang kasintahan at naiinis siya sa sarili niya na ganun ang iniisip niya dahil kasama niya ngayon ang kanyang long time girlfriend na si Luz. “What do you think, Love? Bagay ba?” tanong ni Luz na may ngiti sa mga labi habang suot ang magarbong design ng wedding dress. “Uhm, yeah, you look beautiful,” saad ni Ralph ngunit nainis na si Luz. “Damn it Ralph! You said that for the ninth time! Kasama ba talaga kita? Mukhang naiwan mo ata ang isip mo sa office,” saad ni Luz, na nagtataray na sa kanya. “Honey, kahit anong isuot mong wedding gown maganda ka at saka hindi naman importante sa akin yan, mas gusto ko kasi pag nakahubad ka na,” saad ni Ralph na kumindat at kumagat labi ng bahagya. “Sira ulo mo noh!” saad ni Luz na hinawi si Ralph ng pabiro. Napatalikod naman si Ralph pagkatapos niyang sabihin iyon dahil hindi niya naman forte ang
Pag uwi ni Glory sa Hacienda ay kaagad niyang binuksan ang package na galing kay Siobeh. Tumambad sa kanya ang isang cheque at ang isang kasulatan na ibinabalik niya na ang perang kinuha niya kay Glory na pagmamay ari ng yumaong asawa nito. Ibinalik rin ni Siobeh sa kanya ang lumang papel na nilagyan niya ng pangalan, litrato at impormasyon ni Enrico. Nakalagay sa sulat na wag niya ng sisihin pa ang sarili niya sa pagkamatay ng dating asawa dahil nakatakda talaga itong mamatay sa mga kamay ni Siobeh. May malaking atraso kasi si Enrico kay Siobeh at ang nais lamang nito ay gumanti at patahimikin na ito, nagkataon lang na nalaman ng dalaga ang tungkol sa kanya na nais niya ring ipapatay ang sariling asawa. Bagama’t naiiyak at hindi makapaniwala ay napangiti non si Glory dahil malaking tulong ang halaga ng cheque para sa pagsisimula niya dito sa Maynila kasama ang kambal niya. Samantala, hindi naman maalis sa isip ni Ralph ang pagiging close ni Glory at Joaquin, naiinis siya ngunit w
“Tito help me! Help me! I’m scared!” saad ng limang taong gulang na batang si Annika. “Here, hold my hand,” saad ni Ralph na kaagad na inilahad ang kanyang kamay sa pamangkin. “Tito, I’m scared!” saad nito na humahagulgol na ng iyak. “Annika, come on, hold my hand!” utos niya sa bata. “I don’t want to, I’m scared! I might fell,” saad ng bata na takot na takot. Inabot niya na lamang ito at nahawakan niya ang kamay nito ngunit biglang sumakit ang ulo niya at bumalik sa ala ala niya ang tagpong may sinusubukan siyang sagipin at ang sabi niya ay wag itong bibitaw kahit anong mangyari. Napapikit siya ng mariin upang alisin iyon sa isip niya ngayon dahil baka mahulog ang pamangkin niya. Mabilis niyang hinila ito pabalik sa deck ngunit hindi niya na kinaya ang sakit ng ulo niya at siya ang nahulog sa Yate. Sumigaw naman ng tulong si Annika na kaagad ikinabahala ng lahat. Samantala, habang si Ralph naman ay dahan dahang lumulubog sa dagat ay tila biglang bumalik ang lahat ng kanyang mg
Nang makalabas si Ralph ng ospital ay kaagad siyang bumalik sa pagtatrabaho dahil kay Glory, malinaw na malinaw sa natatandaan niyang alaala sa barko na ang dalaga ang kasama niya sa Cruise Ship noong lumubog iyon kung kaya’t kailangan niyang makausap ito ngunit hindi naman siya makatyempo dahil palaging kasama nito si Joaquin. Ang gusto niya sana ay sila lang dalawa ni Glory ang mag uusap. “Oh, bakit nandito ka? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka pa?” tanong ni Joaquin nang maabutan niya sa ospisina niya si Ralph na nag aayos ng mga papeles. “Ah, okay na ako Sir at saka hindi ko naman pwedeng pabayaan ang trabaho ko ng matagal dahil lang sa aksidenteng iyon,” saad ni Ralph. “Oo pero health is wealth, ika nga, okay ka na ba? Kamusta ang pangangatawan mo?” tanong ulit ni Joaquin. “Maayos na ako, salamat,” iyon na lang ang nasabi ni Ralph kay Joaquin, hindi niya alam kung bakit nakangiti sa kanya ang ginoo ngunit hinayaan niya na lang at isa pa ay inis pa rin siya kapag nakikita niy
Habang nag aayos si Luz sa harap ng tukador ay bigla namang tumawag ang boyfriend niyang si Henry. “Hello? Oh anong balita sa pinapagawa ko sayo?” “Medyo bad news Sweetheart,” “Anong bad news? Wag ka na ngang magpatumpik tumpik pa! Sabihin mo na sa akin!”“Eh, ex niya pala tong Glory na ‘to eh, tapos may anak pa sila, kambal pa nga,” Tila nagulat si Luz sa sinabing iyon ni Henry, napatakip siya ng bibig. Hindi siya makapaniwala na may anak si Glory at Ralph ngunit pilit niyang ikinalma ang sarili. “Oy, andyan ka pa ba?” “Oo, sige, sapat na ang mga impormasyon na yan, salamat,” iyon lang at pinatay na ni Luz ang tawag. Sa totoo kasi ay hindi niya mahal si Ralph at ang pera lamang ng mga Romualdez ang puntirya niya kung kaya’t handa siyang magpanggap na may nararamdaman siya dito upang masamsam lamang ang kayamanan nito. Hindi totoo ang sinabi niyang galing siya sa States at gawa gawa lamang niya iyon dahil ang totoo ay isa siyang gold digger na gagawin ang lahat para sa kayaman
Bagama’t kinakabahan ay nakipagkita si Glory kay Luz. kung ano mang mangyari sa pag uusap nila ay bahala na, ang mahalaga ay naipaalam niya kay Luz na hindi siya hadlang sa pagmamahalan nila ni Ralph. “Alam ko ang ugnayan ninyo ni Ralph, pati na rin ang tungkol sa kambal mong anak sa kanya,” saad ni Luz na nakayuko habang nagsasalita. “Kasalanan ko kung bakit siya naaksidente, nakipaghiwalay ako sa kanya nung gabing iyon, hindi ko naman akalain na mawawalan siya ng alaala pag gising niya eh kaya minabuti ko na lang itago sa kanya ang lahat, pati na ang mga anak ko,” paliwanag ni Glory. Hinawakan naman ni Luz ang kamay niya na siyang kinagulat niya. “I know I’m being selfish right now pero… buntis din ako Glory at si Ralph ang ama ng batang ipinagbubuntis ko,” saad ni Luz na naluluha at tila humahawak sa kanyang tiyan. Kanina pa ay pinipigilan ni Glory ang kanyang mga luha na gusto ng kumawala sa kanyang magandang mga mata. “Wag kang mag alala, hindi ako magiging hadlang sa inyo,
KINABUKASAN ay nagpatawag ng meeting si Joaquin sa Dela Vega Corp. sa lahat ng mga empleyado. Kataka taka iyon dahil iyon ang pangalawang beses na ginawa iyon ni Joaquin kung kaya’t nababahala ang ilan. Noong una kasi itong nagpatawag ng ganito kalaking meeting ay sinesante niya ang lahat ng empleyado at sinara ang Dela Vega Corp. Sa mga empleyado niyang nakasaksi non ay ayaw na nilang maulit pa iyon ulit dahil ilang buwan din silang nawalan ng trabaho. “Ano ba kasi ‘to Joaquin?” tanong ni Glory na naiinis habang si Joaquin ay nakangiti lang at tila good mood na good mood. “Tutal tapos naman na ang malaking project natin kay Velasco at summer naman ngayon let’s have a team building!” anunsyo ni Joaquin. Natuwa naman ang lahat at nawala na ang mga tanong at pangamba sa kanilang isip. “Unbelievable,” bulong ni Glory na iiling iling at dismayado dahil napakarami nilang naka line up na projects at proposals na kailangang tapusin ngunit nag anunsyo naman si Joaquin ng team building.“
KINABUKASAN ay nag asikaso na si Glory. Inayos niya muna ang mga uniporme na gagamitin ng mga bata sa school pati na rin ang mga gamit ng mga ito at gumawa ng baon ng mga ito at saka siya nagbihis. She needs to go out. She needs to work at iyon ang hindi maintindihan ni Ralph.Hindi ito umuwi kung kaya’t siya na ang nag asikaso sa mga bata. Ayaw niya munang makipagtalo dito kung kaya’t ginawa niyang abala ang sarili. Nang makapasok ang mga bata sa school ay kaagad siyang pumunta sa Dela Vega Corp.ngunit laking gulat niya ng naroon si Ralph at tila tulog na tulog pa dahil sa labis na kalasingan.“Tumawag sa akin yung bodyguard ko ng hating gabi at ang sabi nga ay nagpipilit daw pumasok ang gago na yan dito sa Opisina ko at may hawak na alak kaya sabi ko sa guard ay hayaan na lang dahil wala rin namang saysay makipagtalo pa sa taong lasing,” paliwanag ni Joaquin habang hinihilot ang sintido. “Pasensya ka na, nag away Kasi kami kagabi eh, actually, ayaw niya pa akong papasukin sana, a
3 months later… Naka recover na si Glory ngunit wala pa rin siyang maalala at kahit na ikinuwento na ni Ralph sa kanya ang mga nangyari ay nananatiling misteryo para sa kanya ang pagkabuhay na muli dahil sa ulo siya napuruhan ng baril. Napag isipan niya namang mabuti ang tungkol sa pag uusap nila ni Joaquin at ang sabi ng kaibigan ay magsabi lang kung handa na siyang bumalik sa trabaho upang maipaayos ang kanyang opisina ngunit kailangan niyang puntahan ito ng hindi nakaayos. Umaasa pa rin siya na may maalala kahit kaunti. Pagkahatid niya sa eskwelahan ng mga anak ay kaagad siyang pumunta sa Dela Vega Corp. Sa unang sulyap pa lamang ay tandang tanda niya na ang lugar. Nakita niya ang mga nalalantang bulaklak na naroon, binasa niya ang card at galing lahat iyon kay Ralph. Ganon siya kamahal nito. Lumapit siya sa desk niya at binuksan ang mga drawers, nakita niya doon ang isang maliit na picture frame at pagtingin niya ay wedding photo nila iyon ni Enrico na ex husband niya
Maghapon silang nag usap dahil miss na miss nila ang isa’t isa. Gayon din ang mga anak na halos ayaw umalis sa private room ni Glory kung kaya’t ginawan sila ni Ralph ng higaan upang makatulog ng komportable ang mga bata. “Hon, are they sleeping now?” tanong ni Glory dahil hindi na siya mapakali. Masyadong nakakaakit si Ralph ng mga oras na iyon. "Oo, tulog na," saad ni Ralph na lumapit kay Glory at umupo sa gilid ng kama nito.May mga bagay pa ring hindi nagbago kay Ralph katulad na lamang kanyang pananamit. Gwapong gwapo pa rin ito sa simpleng white long sleeve polo na tinupi niya ng ¾ ang manggas habang nakabukas ng bahagya ang butones nito sa may bandang dibdib. Napakagat ng labi si Glory. She wants him so bad. Hindi na napigilan ni Glory ang kanyang sarili at para bang may sariling isip ang kanyang mga kamay na gumapang sa pagkalalaki ni Ralph. “Glory… hindi ka pa tuluyang magaling, baka makasama sayo,” saad ni Ralph na tila nahihirapan ang mukha. Pinipigilan niya ang saril
“Tell me now, I’m ready,” saad ni Glory kay Ralph. “Well, after I got treated at the hospital, Enrico voluntarily helped me to save you,” saad ni Ralph, may lungkot sa kanyang mga mata habang iniisip ang nakaraang pangyayari. Muling bumalik sa ala ala ni Ralph ang lahat ng nangyari ng mga panahong iyon. “Okay, that’s it, that’s good, aalis na ako Ralph, kailangan kong iligtas si Glory but you’re coming with me Luz,” mariing saad ni Enrico kay Luz. “As if I have a choice, jerk!” sarkastikong saad ni Luz. “No!” mariing saad ni Ralph kay Enrico. “What the fuck do you want?! there’s no time! kapag hindi ko naabutang buhay si Glory, tapos tayong lahat Ralph!” singhal ni Enrico. “I’m coming with you!” “Hindi ka pa magaling, Ralph,” “Listen, you asshole! ikaw ang nagdala sating lahat sa sitwasyon na ‘to kaya tutulungan mo akong makaalis dito at pupunta tayong dalawa kay Glory!” mariing paninindigan ni Ralph. “Sigurado ka bang kaya mo na?!” galit na saad ni Enrico. “I’m losing her
Nagising na nga si Glory ng sandaling iyon. Noong una ay puro puti at maliwanag lamang ang nakikita niya ngunit unti-unti na ring luminaw at nakita niya sa tabi niya si Ralph. “Honey, you're finally awake…” saad ni Ralph na ngayon ay nakaupo sa tabi ng kama nito. Walang maisagot si Glory kundi ang pagtulo ng kanyang mga luha sa maganda niyang mukha. Hindi siya makapaniwalang buhay siya. Isa iyong himala dahil hanggang ngayon ay siguradong sigurado siyang napuruhan siya ng bala ng baril ni Sonia sa kanyang sintido na dahilan kung bakit siya nakatulog ng napakahabang panahon. Nag e echo sa isip niya ang tunog ng gatilyo at ang pagsabog non sa kanyang ulo. Malamig na parang wala na siyang buhay ng mga oras na iyon. Masakit. Sobrang sakit na pakiramdam mo ay paulit ulit kang pinaparusahan at nakakatrauma na parang gusto mo na lamang magtago. “Glory… are you alright? gusto mo bang magpahinga muna?” tanong ni Ralph na nagpabalik sa kanyang ulirat. “The kids… where's Cale and Cole?..
Bumisita si Rosenda sa ospital kung nasaan si Glory dala dala ang isang malaking box na pinaglalagyan ng wedding dress nito. Gaya ng dati ay natutulog pa rin ito ng mahimbing. “Tita Glory, nagawa ko na itong wedding dress mo, ikaw na lang ang kulang, please wake up,” saad ni Rosenda. “Ma’am Rosenda, saan ho ito ilalagay?” tanong ng lalaking staff nito na may hawak na mannequin. “Uhm, dito na lang po sa gilid, kuya,” saad ni Rosenda na tinuro ang sulok sa hospital room nito. “I want to flaunt this here at your room so I hope you don't mind, Tita,” saad ni Rosenda habang binibihisan ng wedding dress ang mannequin. “Hindi naman siguro magagalit si tito Ralph nito diba?” saad pa ni Rosenda habang inaayos ang wedding dress. “Alright, tapos na! alam mo, I always imagined na malapit ng dumating yung time na masusuot mo na itong wedding dress na pinagawa mo sa akin,” saad pa ni Rosenda habang nakangiti sa natutulog na si Glory. “Please, wake up Tita, your family needs you. Ang kambal mo
Mabigat ang mga paghinga ni Glory, hindi niya alam kung saan siya dinala ni Lana. “Please, parang awa mo na,” nagmamakaawang saad niya dito ngunit hindi siya pinapakinggan nito. “I’ll pay you… double… please, just don't hurt me and my unborn child.. please,” patuloy na pagmamakaawa ni Glory. “You billionaire’s, sawang sawa na ako sa mga laro ninyo! ginagawa niyo kaming puppet na kailangang gawin kung ano ang gusto niyo sa pamamagitan ng pera. Do you think you can bribe me?!” singhal ni Lana na mas lalo pang hinigpitan ang hawak kay Glory, nanggigigil siya sa galit at tensyon dahil kailangan niya ng matapos ang trabaho niya. “Magkano ang binayad sayo ni Sonia?! please, kahit magkano pa yan! wag mo lang kaming patayin ng anak ko!” Hindi na makapag isip ng matino si Lana, hindi niya alam kung kanino maniniwala ngunit nakukuha na ni Glory ang loob niya. “If I told you how much money I get from Sonia, would you triple it?” “Yes! kahit magkano pa yan please, iligtas mo kami ng anak k
Kasabay ng mabilis na pagpapatakbo ni Ralph ng kotse niya ang pagtibok ng kanyang puso. Wala siyang dapat sayanging oras dahil nasa peligro ang buhay nila. Kasalukuyan silang nakikipaghabulan sa mga taong hindi nila alam ang pakay sa kanila. Mabagsik ang mga ito na pilit binabaril ang sasakyan nila. “Can you move a little so that I can finish those lowlives?” saad ni Enrico kay Luz.“Why me?!” singhal ni Luz. “Baka nakakalimutan mo, nakaposas tayo diba?” “Damn it!” saad ni Luz at saka gumalaw ng konti upang alalayan si Enrico. “Damn it! Hindi pwede ang ganito, Ralph, bubuksan ko yung pinto mo sa likod ah,”“What?! Are you fucking crazy?!” singhal ni Ralph.“Yes! I’m crazy, we need to attack them, kundi mamamatay tayong lahat dito! Just think about Glory and your unborn child!” singhal ni Enrico at saka pumunta sa likod ng kotse, napasunod naman si Luz dahil wala siyang magagawa dahil nakaposas ang mga kamay nila. “Damn it! You need to cooperate bitch!” singhal ni Enrico kay Luz.
Maya maya ay isang bala ng baril ang tumama sa binti ni Ralph dahilan upang matumba siya kay Glory. "Ralph!" singhal ni Glory na kinuha ang braso nito at ipinatong sa balikat niya. "Come on! Umalis na tayo dito!" saad ni Ralph habang akay akay siya ni Glory. Sa di kalayuan ay natanaw na nila ang kotse ni Ralph. Kinuha ni Ralph ang susi sa bulsa niya ngunit mabilis na ang kanyang mga paghinga dahil sa iniindang tama ng baril ngunit tinitiis niya iyon. "You're bleeding, Ralph," saad ni Glory. "It's fine," saad ni Ralph na luminga-linga sa paligid dahil baka may mga bandidong naghihintay na makita sila habang nagkukubli sila sa malalaking dahon na nakapalibot sa kagubatan."I just need to get to my car, so we can escape," saad ni Ralph. "Okay! Okay," saad ni Glory ngunit napakubli silang dalawa ng makita nilang may lumapit sa kotse na isang armadong lalaki. May tattoo ito sa gilid braso at nakasuot ng bandana. "Fuck! Who are these people, Glory?!" bulong ni Ralph sa kanya. "I d