PABAGSAK na naupo si Raziel sa kaniyang upuan. Tatlong madugong meeting na kailangang naroon siya. Kung hindi lang kailangan ang presensiya niya, si Alexiel sana ang pina-attend niya. Pero isa pang tamad ang isang iyon. Pinakaayaw pa naman nito ang mga meeting.
He cracked his neck left and right and closed his eyes. Magpapahinga lang siya sandali bago siya magpunta sa site kung saan kasalukuyang ginagawa ang isa pang branch ng restaurant nila. Kailangan niyang i-check ang progress dahil minsan may mga tauhang tatamad-tamad kapag walang nangangasiwa.
Nakauwi na kaya si Lyxelle? Pag-uwi niya sigurado siyang marami itong tanong sa kaniya. Lalo na sa weird na inasal niya kanina. Gusto niiyang ipakita rito ang kaniyang opisina para alam nito kung saan siya hahanapin kung sakaling may mangyari. Naisip na rin naman niya kung sakaling makita ito ng ibang barkada niya pero hindi rin naman niya akalain na makikita ito kaagad ni Terrence.
Napakamot siya ba
"WHAT the hell?!"Sinalakay ng kaba ang dibdib ni Raziel nang makita ang magulong bahay ni Aldin. Kanina pa siya kumakatok sa pinto nito pero walang sumasagot, kaya sinubukan niyang buksan ang pinto. Nagulat siya nang malamang hindi iyon naka-lock.Hindi siya makapaniwala sa nakita sa loob ng bahay nito. Naging alerto naman kaagad si CL sa kaniyang tabi. May hindi magandang nangyari. May mga patak ng dugo sa sahig, kung kanino? Ayaw iyon isipin ni Raziel.Nasa gilid din ng pintuan ang nakatagilid na wheelchair ni Aldin pero wala roon ang binata. At sa tantiya ni Raziel, hindi makakalakad ng walang wheelchair ang lalaki.Kusang kumilos ang kaniyang kamay upang i-dial ang numero ni Lyxelle. The second he waited for the ring felt like eternity and he almost jumped out of his skin when he heard the ringing inside the house. Nagkatinginan sila ni CL.Mabilis na nakita niya ang cellphone ni Lyxelle. May crack iyon sa gilid pero gumagana
HINILOT ni CL ang kaniyang noo. Siya ang nahihilo sa ginagawang pabalik-balik na lakad ng kaibigan niyang si Raziel. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa tinititigang mga papeles. Kanina pa niya ito sinasaway pero hindi naman ito nakikinig. Kapag sinaway niya uli ito, siguradong mamadaliin lang siya nito sa paghahanap ng bakas para malaman nila kung nasaan na ang asawa nitong si Lyxelle. Naiintindihan niya ang frustration nito pero mas lalo lang bbabagal ang pag-iimbestiga niya dahil sa ginagawa nito. Inis na tiningnan niya ang pinsang si Francis. "Ilipat mo nga ng ibang kuwarto ang damulag na iyan." Tiningnan nito si Raziel. "Well, I can unnderstand him." Sinimangutan niya ang pinsan. "At sa tingin mo hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ng isang iyan?" Kinusot niya ang buhok. "Just put him in the next room. Sumasakit ang ulo ko sa ginagawa niyang pagbubutas ng karpet ko." Nagkibit-balikat si Francis at hinila si Raziel
A few hours ago…Antok na antok si Lyxelle kaya hinayaan niya ang sariling matulog. Wala naman sigurong gagawin sa ngayon ang mga kidnappers. Ilang araw na silang pinapabayaan ng mga ito, hanggang sa puntong hindi na sila hinahatiran ng pagkain.Nararamdaman niya ang unti-unting pagbagsak ng kaniyang ulo kaya inaayos niya iyon. Paulit-ulit ang ganoon kaya hinayaan niya ang sarili na bumagsak sa sementadong sahig. She finally felt comfortable enough to let herself fall into slumber.But it only took a few minutes before she was awakened. Napakislot siya nang may marinig na mga yabag. Hindi niya pinansin iyon noong una pero papalapit sa kanila ang mga yabag kaya napilitan siyang magbukas ng mga mata, at makiramdam sa paligid.Sinulyapan niya si Aldin kung gising ba ito. Nakapikit ang mga mata ng binata kaya hindi sigurado si Lyxelle kung gising din ba ito o nakikiramdam lang din sa paligid.Napakislot siya nang marinig ang pagkalansin
TUMILAPON si Raziel lupa dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kaniya ni Francis. Halos mahilo siya sa tama nito, awtomatiko ring lumipad ang kaniyang kamay sa kanyang panga para i-check kung kompleto pa ba ang mga iyon."Dammit, Francis!"Utak ang gamitin mo kung gusto mong makita pang buhay ang dati mong asawa." gigil na bulyaw nito sa kaniya.Nakapamulsa lang si CL sa isang gilid habang hinihintay silang matapos, he flip him the bird. Mga kaibigan nga naman.Marahas na pinunasan niya ang dugo sa gilid ng kaniyang labi, sa lakas ng suntok ni Francis ay nakagat niya ang sariling labi. Naaasar na tinapunan niya ito ng tingin. "Nakakadalawa ka na ha. Namimersonal ka na yata eh.""Focus on Lyxelle, not your fears. Sasama-sama ka sa amin, magiging sagabal ka naman pala. Sana pinatulog na lang kita ulit kanina."Nagtagis ang kaniyang mga bagang. He will not let it happen na hindi siya sasama sa pagliligtas kay Lyxelle. Baka may hindi magandang mangyari kapag hindi siya tumulong sa pagligtas.
RAZIEL's heart almost burst out of his chest when he found the man CL punched to sleep standing in the open doorway with his gun pointing directly at them. Tumalikod siya habang pasan si Lyxelle para saluhin ang bala kung sakali mang si Lyxelle ang babarilin nito. Gun shot was fired that made his ear ring, he stumbled forward, but managed to grip Lyxelle tightly. It took him a few seconds to realize that he was fine. Napatingin siya sa direksiyon ni CL. Mahigpit na nakakapit sa likod nito ang isa pang babae. Umuusok ang nguso ng baril nito. Napatingin siya sa kalaban, nakabulagta na ito sa sahig. CL brushed his hair backwards. "Damn." Niyuko niya si Lyxelle. Wala pa rin itong malay. Hinarap ni CL ang umiiyak na babae. "What's your name?" Nanginig ang labi ng babae, mukhang na-trauma ito sa mga nasaksihan. "Nicole." "Okay, Nicole. Sundin mo ang iuutos ko, hmm?" Hinintay nitong tumango ang dalaga. "Good. Kapag lumabas na tayo ng pinto, dumikit ka lang sa likod ko, okay? Huwag na
Kahit ano'ng gawin ni CL na pagkumpara sa mga resulta ng imbestigasiyon ay hindi niya mahanap ang koneksiyon ng unang pagkawala ni Lyxelle at ang pagkakakidnap nito. Hindi naman ibig sabihin ay may koneksiyon ang dalawa, it could be pure coincidence, but CL's gut instinct was saying that the two incidents are connected. His gut instinct was what kept her alive as an agents, so he trusts it. "Pero wala pa ring maalala si Lyxelle, at walang kasigaraduhan kung kailan babalik ang memorya niya," bulong niya sa sarili habang nakakunot ang noong nakatitig sa medical certificate ng dalaga. "Kailangang madaliin ang imbestigasiyon ito." Dahil kung hindi baka mas dumami pa ang maging biktima ng mga demonyo. Nicole, Venice and Lyxelle's face popped up in his head. Ibinagsak niya ang dalawang kamay sa mesa. Hindi niya gusto ang mga nadidiskubre sa sindikatong ito. Habang tumatagal ay pabata ng pabata ang biktima ng mga ito. Kumuyom ang kaniyang mga kamao nang maalala ang bangkay ng babae sa i
"WHAT the heck happened?" Iyon ang bulalas ni Alexiel nang pumasok ito sa private room ni Lyxelle. Kasunod ng kapatid niya ang kanilang magulang. Halata ang pag-aalala sa mukha ng kaniyang ina. Lumapit ang kaniyang ina kay Lyxelle at sinuri ito bago siya hinarap. "Ano ang nangyari, Raziel?" "We still don't know the details, mom. Lyxelle was too tired to talk about it." Tumango ang kaniyang ina at muling hinarap si Lyxelle. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok sa mukha ni Lyxelle. Naramdaman niya ang mabigat na kamay ng kaniyang ama sa kaniyang balikat. "Magpahinga ka muna. Halatang wala ka pang tulog. Kami na muna ang magbabantay kay Lyxelle. Tatawagan ka na lang namin kapag nagising na siya." "But..." "Don't worry, anak." sabi ng kaniyang ina. "Babantayan naming maigi si Lyxelle. Huwag kang mag-alala." Tumango siya. He could trust his family to look after Lyxelle. He knew that. Alam din niya na kailangan na niya ng pah
PINUNASAN ni Lyxelle ang mga luhang hindi niya namalayang pumatak na pala. Her heart swelled when he saw Raziel scanning his family for the suspect. Hindi niya akalaing tatratuhin siya nito at ng pamilya nito na kabilang talaga sa mga ito at hindi lang estrangherong iniligtas ni Raziel sa paligid. "Walang may kasalanan, hindi ko lang inaasahan ang pag-aalala ng pamilya mo sa `kin kahit na nga estranghero ako sa kanila." Ginagap nito ang kanyang kamay. "Of course they'd be worried about you. You're part of the family." But she's not. Ngumiti siya kay Raziel. Napakaswerte nito sa pamilya nito. Sana ay alagaan nito at mahalin ang pamilyang kinalakhan nito. Minsan kasi dahil palagi at araw-araw nating nakikita ang mga mahal natin sa buhay ay tini-take for granted natin ang mga ito. At nasa huli na ang pagsisisi. She let them fuss over her for a few more minutes before she had enough. Nakakapagod din pala kapag ganoong klase ng pamilya. Hindi ka na halos makagalaw dahil bantay sarado
NAPAKISLOT si Lyxelle nang bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Bumaba siya ng kotse pero hindi niya sinalubong ang mga mata ng taong nagbukas ng pinto para sa kanya. Buong biyahe ay pinipilit niyang huwag umiyak kaya hindi siya iiyak ngayon.Pagod na siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata niya. Masakit na ang mga iyon. Pero sa tuwing gusto niyang magsalita, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.Hindi nga niya namalayang umuulan pala kung hindi pa dumikit sa kanya ang binata para pareho silang makinabang sa payong.Pagtapak na pagtapak nila sa pinto ng mansion ay sinalubong sila ng isang eleganteng babae.“Lyx?” tanong nito.Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Kitang-kita niya ang pagkagulat nito at ang sumunod na mga tanong na pinili nitong huwag isatinig. Binuksan nito ng malaki ang braso para yayain siyang pumailoob doon.Hindi na siya nakatanggi. The feeling of wanting to be comforted was strong, her knees almost buckled.Walang pag-aalinlangang niyakap siya nito. Muli na n
NANLULUMONG napaupo si Raziel nakasarang pinto ng resort. Nangyari na ang kinakatakutan niya. Iniwan na siya ni Lyxelle.Iniuntog niya ang ulo sa nakasarang pinto ng bahay. Damn! Bakit naman kasi siya nagsinungaling dito? Kung sana sinabi na lang niyang ito ang dati niyang asawa noong wala itong naaalala.Kung sana nagawa niyang umamin kaagad bago bumalik ang mga alaala nito sana hindi humantong sa ganoon. Sana mas naging bukal itong makinig sa kanya. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya na baka iwan siya nito oras na malaman nitong hiwalay na sila.“Duwag ka kasi,” bulong niya sa sarili.Pinahid niya ang mga luhang kumawala. Hindi iyon ang oras para sisihin niya ang sarili. Kailangan niyang maabutan si Lyxelle. Wala itong mapupuntahan ngayon kundi ang bahay nila kaya baka maabutan pa niya ito roon.Raziel felt like it was the longest ride he ever had. All scenarios are rushing in his brain, making him feel even more burdened. Natanaw niya sa malayo na bukas ang gate kaya nab
NAPABALIKWAS ng bangon si Lyxelle. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Madilim ang silid na kinaroroonan niya. Muntik na siyang mag-panic attack pero na-relax din kaagad siya.Ipinikit niya ang mga mata. Isang panag-inip. Muli siyang humiga at sinubukang matulog ulit. At dahil pagod siya ay mabilis siyang nakatulog ulit.“Ano’ng nangyari?”“Lyxelle, we’re so sorry.”“Ano ba naman `yang mga mukha niyo. Para kayong namatayan ah?” nakangiti niyang saad. “Buhay pa naman ako.”Alam niyang nagi-guilty ang mga ito dahil sa nangyari sa kanya kaya panay ang paghingi ng mga ito ng paumanhin. Hindi naman ginusto ng mga ito na maaksidente siya. Gusto lang niyang tumingin sa positive side dahil sa dami ng mga negative na nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraan buwan.Sa apat niyang kaibigan, wala ni isa ang makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.Doon na napakunot ang noo niya. “Hey, everything’s alright. Wala namang masamang nangyari sa akin ah. Ano ba kayo?”“Lyxelle…”Nanginginig na muling
RAZIEL took Lyxelle’s virginity the night she agreed to be his. Hindi na niya naisip na sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi niya akalaing nakakablanko pala ng isip ang pakikipag-isa sa taong gusto mo.Ang akala niya ay pagsisisihan niya ang gabing iyon. Akala niya, sex lang ang habol ng binata sa kanya. Maraming mga “akala” ang nagsulputan sa kanyang isip kinabukasan. Lalo na nang magising siya na mag-isa sa kama.Nagsimula ang kaba sa kanyang dibdib dahil baka totoo ang mga iniisip niya at pinaglalaruan lang siya ni Raziel. Isa nga lang naman siyang dukha.Nakahinga siya ng maluwang nang makita ito sa kusina at nagluluto ng agahan nila. Muntik na siyang maiyak sa ginhawang naramdaman niya ng mga sandaling iyon kaya patakbo siyang pumasok sa banyo bago pa siya makita nito.Noong humarap siya rito ay nagulat ito sa pamamaga ng kanyang mga mata pero tinukso pa siya nito na dahil daw magaling ito sa kama kaya naiiyak na lang siya sa sarap. Namula ang kanyang mga pisngi dahil doon.At
TUMAWA si Lyxelle nang mag-dive sa sahig ang kasamahan niya sa trabaho. May bago kasing pakulo ang may-ari ng resort na pinagtatrabahuan niya, gusto nitong gumamit sila ng sapatos na may gulong habang nagse-serve ng mga pagkain sa restaurant.Isa siyang waitress at sarili na lang niya ang binubuhay dahil nasa Cebu ang ina at kapatid niya. Hindi naman siya itinuturing na kapamilya ng mga ito kaya kung tutuusin, mag-isa na lang talaga siya sa buhay.Nangungulila pa rin naman siya sa kanyang natitirang pamilya kaya lang hindi talaga siya tinuturing na parte ng pamilya kaya kusa na lang siyang lumayo. Minsan ay naiinggit siya sa kapatid dahil ito ang palaging paborito ng kanilang ina.Ipinilig niya ang ulo. Hindi iyon ang oras at lugar para mag-isip ng mga negatibong bagay.“Ang hirap naman nito Sir CL.” reklamo ng kasama niyang nag-dive.Tatawa-tawa lang si Sir CL at ibinigay sa kanya ang sapatos na may gulong. “Ikaw naman ang mag-try, Lyxelle.”Inilapag niya ang bitbit na tray sa bar co
NAPALUNOK si Lyxelle sa klase ng titig ni Raziel. Hindi niya sinasadyang gawin iyon. She was unconsciously running her finger in his chest.Namula ng husto ang kanyang mga pisngi. Hindi niya sinalubong ang tingin nito dahil nahihiya siya.“Err—didn’t mean to touch your—” she closed her eyes. “your chest.”“Lyx,”Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa paraan ng pagtawag nito sa kaniyang palayaw. Nagsitayuan ang mga balahibo niya pero sa pagkakataong iyon, hindi na dahil sa takot.He cupped the left side of her cheek, his thumb caressing her lips softly. Nakatutok ang mga mata nito sa ginagawa ng hinlalaki.Pakiramdam ni Lyxe
IPINIKIT ni Raziel ang mga mata habang naghihintay ng sagot ni Lyxelle. Mabilis ang pintig ng puso niya. Halos mabingi na siya dahil doon. Nang lumipas ang isang minuto na wala siyang narinig kay Lyxelle ay iminulat niya ang mga mata. Siguro hindi lang niya narinig ang reaksiyon nito dahil halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng puso. Nang tingnan niya ang dalaga ay nahulog ang kaniyang panga nang makitang natutulog ito. “Lyxelle…?” he softly called her name, afraid and was holding his breath. When she didn’t budge, he sighed. Nakahinga siya ng maluwang pero at the same time ay nakaramdam siya ng pagsisisi. Kailan ba niya masasabi rito ang totoo? Kailangan na niyang magsalita habang puwede pang masalba ang kanilang relasiyon.
“NASAAN ang bagong dating?”“No.”“No…”“No!”“Inject her.”“Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.”Marahas na binawi niya ang kamay at malakas na pinadapo ang palad niya sa pisngi nito. May malakas na puwersang nagsasabi sa kanya na lumayo siya sa taong iyon bago siya tuluyang hindi makalaya.Halos hindi na siya makahinga dahil sa lakas ng tibok ng puso niya na para bang anumang sandali ngayon ay l
KUMABOG ng husto ang puso ni Lyxelle dahil sa sinabi ni Raziel. Hindi siya sigurado kung tama ba ang kaniyang narinig. “M-Mahal mo ako?”Tumango ito, he was looking at her softly it almost melted her heart. “Yes, I love you. I’ve always been in love with you. Even when we first met.”Talaga bang mahal siya nito? How though? She was nothing but a woman with a lot of baggage on. She doesn’t even remember her past.“Lyxelle,” he cupped her checks. “I know what you’re thinking. Stop it. I love you. And that’s it. I want to stay with you for as long as I can.”“Pero…hindi ka ba nandidiri sa akin noong una tayong magkita?”Umiling ito. “No.”“Pero Raziel…”“Hindi mo ba ako mahal?”“Ano kasi…” She wanted to avoid his gaze, but he wasn’t letting her. “P-Paano kung may asawa na ako?”Tinitigan siya nito. “I do hope you don’t have any men in your life. Or else I’d have to fight them to get you.”Her heart swelled. Can she let herself be swayed by his words? Gusto rin niyang makasama ito. Dahil