"Crysaline!" napalingon ako sa likod ko at nakita ang manager ko na humahangos na lumapit sa akin."Naiwan mo sa loob ng van." inabot niya sa akin iyong lumang iPad ko.Kinuha iyon sa kanya bago napakamot sa ulo ko. Makakalimutin na talaga ako."Salamat. Ingat kayo pauwi ha?" sabi ko sa kanya habang nakangiti.“Ingat ka rin. Mag-lock ka ng pinto kung wala ka kasama ha.” paalala ni Ate Chaena. Tumango naman ako sa kanya.Kumaway siya bago isinara iyong pinto ng van. Tumalikod na ako at pumasok sa lobby ng condominium. Agad na sumalubong sa akin ang nakangiting si Kuya Jose na pinagbuksan ako ng glass door."Magandang gabi po, Ms. Lopez." bati niya sa akin."Magandang gabi rin po, Kuya Jose." bati ko pabalik sa kanya.Naglakad ako papunta sa elevator at pinindot iyong button. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator, inabala ko ang sarili ko sa pagre-reply sa Senior Editor ko."Crysaline?" narinig kong tawag sa pangalan ko kaya napaangat ako ng ulo.Napalabi ako at kulang na lang ay m
"Crysaline! Open this damn door or I will fucking break this shit!"Napatalukbong ako ng unan at kumot sa sobrang inis ko sa sarili ko. Bakit ko ba kasi siya tinanong ng ganoon? Nakakahiya!Nang ma-realize ko kanina yung sinabi ko sa kanya ay agad ako tumakbo papasok dito sa kwarto ko at ni-lock yung pinto.Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kokote ko at niyaya ko siyang matulog ng mag-katabi sa iisang kama. Talo ko pa iyong mga pick me girl sa ginawa ko."Bibilangan kita Crysaline Lopez! Kapag hindi mo talaga ako pinagbuksan ng pinto, sisirain ko talaga 'to!" gigil na sigaw niya kaya napabuntong hininga ako at inis na bumangon sa kama."Ayaw ko nga! Umuwi ka na! Gusto ko na magpahinga!" balik kong sigaw sa kanya kahit sa totoo lang nag-aalala ako na baka sirain niya talaga yung pinto ko.Ang mahal pa naman ng pagawa non. Nagtitipid ako."Sinong uuwi? Dito ako matutulog!" sigaw na naman niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko sa sobrang inis."Edi matulog ka na! Doon ka sa kabi
Napalunok ako ng ilang beses habang nakikipag-titigan kay Nathan. Ramdam ko rin ang lalong pag-pula ng magkabilang pisngi ko habang nakatingin sa mga mata niya.Jusko. Kahinaan ko pa naman ‘to. Yung puso ko parang lalabas na sa kaba."Answer me." malumanay na sabi niya dahilan para magising ang diwa ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napaubo ng kaunti."O-oo na. Lumayo ka na, pwede?" sabi ko sa kanya pero sa iba ako nakatulala dahil sa hiya."Anong oo? Ang labo mo naman kausap." parang batang angal niya kaya bumaling ako pailalim sa kanya.Nakatitig lang siya sa akin habang kunot na kunot ang noo. Hindi ko maiwasang mapalunok sa kaba at nag-iwas na lang ulit ng tingin."Ewan ko sa'yo. Lumayo ka na nga lang. Kailangan ko ng umalis. Marami pa akong dapat tapusin kaya tigilan mo na iyang pang-aasar at pagharot-harot mo sa akin." kunwaring iritado kong sabi sa kanya.Tinanggal niya ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ko. Walang emosyon ang mukha niya habang pinagpaaptuloy ang pa
"Can you still give me another chance to prove how much I like you? Can I court you?"Nasamid ako at halos hindi ako magkanda-ubo sa gulat.What the freak?!Napatayo naman siya sa inuupuan niya at hinagod ang likod ko."Sorry. Hindi ko sinasadya na biglain ka." paumanhin niya kaya napatingin ako sa kanya.Bakas sa mukha niya ang pagkahiya at tila ba hindi malaman ang gagawin."No, okay lang ako. Nagulat lang ako sa sinabi mo. Palabiro ka pa rin pala." sabi ko sa kanya at sinabayan pa ng tawa. Kung tawa nga ba na maituturing iyon o peke lang.Napatigil naman siya sa paghagod sa likod ko at ngumiti ng tipid."I guess...I am too late?" sabi niya kaya napayuko ako at pinaglaruan ang tissue na hawak ko.Naramdaman ko naman na lumayo na siya at umupo muli sa tapat ko. Kapwa lang kami na tahimik na tila nagpa-pakiramdaman lang. Ang awkward na nga, hindi ko pa gusto yung nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko."Sa totoo lang, sa tingin ko hindi mo talaga ako gusto. Hindi pagmamahal ‘yang nagtutu
*Flashback*Linggo ng gabi at wala akong ginawa kundi ang umiyak at mag-kulong sa loob ng kwarto. Ilang buwan na ba akong ganito? Simula noong umuwi ako galing sa ospital, nag-simulang gumulo ang buhay ng pamilya namin.Everything is starting to fall apart. Mas malala kaysa noong nakaraang buwan.Wala na akong kinikita sa mga isinulat kong libro. Hindi ko na rin magawang makapag-sulat ng bagong istorya o ituloy man lang ang mga nasimulan ko. Kahit ang full-time na trabaho ko ay nawala na rin ng tuluyan.Bakit? Bakit nga ba ko pumayag sa ganitong set-up ng pamilya namin?Simula noong mag-desisyon ang mga magulang ko na magsama-sama na lang kami sa iisang bahay, mas lalong gumulo ang lahat. Wala na atang araw na hindi kami nagtatalo-talo. Walang gustong magpadaig. Lalo na si Mama.Puro batuhan ng masasakit na salita, pagsisisihan at pati ang pagtanaw ng utang na loob. Puro masasakit na salita na lang ang bumubungad sa akin sa umaga.Wala na akong narinig na ibang salita kundi ang 'basto
"Ilang araw ka na bang nagtatago rito sa bahay? Ilang tao na rin ba iyang tinataguan mo ngayon ha?" tanong ni Vanilla kaya napatingin ako sa kanya.Tinaasan ko siya ng kilay kasabay ng middle finger ko. Napailing siya sa kalokohan ko at hinampas ako ng malakas sa braso."Ang panget mo! Tignan mo iyang mga mata mo oh! Magang-maga, tinalo mo pa ang nasapak sa itsura mo. Kanino ka ba kasi brokenhearted? Kay Charles o kay Nathan?" asar niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Napa-aray naman siya."Napakasama mo. Kapag ako umalis, mami-miss mo ako. Sa cute kong 'to, walang hindi makaka-miss sa akin." biro ko sa kanya kahit halos barado na ang ilong ko sa sipon dahil sa pag-iyak. Hindi ko rin pinansin iyong patutsada niya sa dalawa.Bakas naman ang pagkalungkot sa mukha ni Vanilla at umusog ng mas malapit sa tabi ko."Aalis ka talaga? Dahil lang sa mga yawang mga lalaking uhugin na 'yon? Iiwan mo kami?" sabi niya na para bang malaking kahibangan na ‘yun ang dahilan. Napabunghalit ako ng taw
"U-umayos ka nga, Nathan. Kailangan ko pa pumunta sa office kaya umuwi ka na sa bahay niyo. Nag-aalala si Tita Nara sa'yo. Atsaka siraulo ka talaga! Hindi mo naman gawain mag-drive ng umiinom tapos ginawa mo pa rin." sita ko sa kanya pero nakangiti lang ang siraulo.Ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya ng matagal dahil sa kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ilapit niya ang labi niya sa gilid ng tenga ko."I just want to hear and see how much you're worried for me, Crysaline. That's the only thing that matters to me." bulong niya at yumakap sa akin ng mahigpit."Bakit? Nanay mo ba ko?" sarkastiko na sabi ko sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin at napabuntong hininga."Durog na nga ako, lalo mo pa akong dinudurog sa mga sagot mo." mahinang sabi niya.Alam kong may halong pag-iinarte yung sinabi niya, mas lamang yung nararamdaman niya na lungkot ngayon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinaplos ko na ang buhok niya. Tinapik ko ng mahina ang l
"Ano ba, Nathan?! Naiinis na ako ha! Kung saan ako magpunta, nakasunod ka. Umuwi ka na nga lang sa inyo kaysa ginugulo mo ako!" iritang sita ko kay Nathan at pilit siyang itinutulak palayo.Ilang oras na kasi niya ako hindi tinitigilan. Ni ultimo pagpunta ko sa cr, nakasunod siya hanggang labas ng pinto. Balak pa nga niya hanggang sa loob kung hindi ko lang siya pinagsabihan."Baka kasi sumalisi ka na naman eh. Tuluyan mo na akong iwan. Akala ko ba bibigyan mo ako ng chance?" nagmamaktol na sabi niya na parang batang ewan.Nameywang ako sa harap niya at tinaasan siya ng kilay."Wala akong sinasabi na pwede mo akong ligawan. Atsaka hindi ka ba nilalamig? Kanina ka pa nakahubad dyan! Feeling mo may photoshoot ka rito sa condo ko." sita ko sa kanya.Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang beywang ko."Hindi ko na ba kailangan manligaw kasi..." inilapit niya ang bibig niya sa kaliwang tenga ko. "Gusto mo na rin ako? Dati rin naman hindi mo ko sinasaway kapag hindi ako n
Dalawang linggo ang makalipas simula nang kumalat sa social media yung mga photos at video namin ni Nathan. Simula noon, tinago na ni Nathan yung mga devices ko kung saan ko makikita o mababasa lahat ng mga comments ng tao. Ibig sabihin, mas madalas siyang naglalagi sa condo ko kaysa sa sa condo niya.Ang sabi niya hindi naman daw kailangan na basahin ko pa ang mga iyon kasi wala naman daw kwenta iyon. Paniguradong wala lang daw magandang maidudulot sa akin yung mga mababasa ko.Nag-release na rin ng statement ang management namin pagkalipas noon ng ilang araw tungkol sa kumakalat sa internet dahil nga nag-trending iyon sa social media. Ganoon naman talaga kasikat sa bansa si Nathan. Lahat ng gawin niya, magte-trend. Lahat ng mali-link sa kanya magiging laman din ng balita. Kapag may nagawa rin siyang mali, trending pa rin siya.Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig kay Nathan na hindi mo aakalain na pagpipitas ngayon ng mga tanim na strawberry sa farm ng mama niya.Napatingin naman siya
“Hindi ba kayo nag-iisip?!” sigaw ni Ate Chaena kaya napangiwi ako sa lakas ng boses niya.Halos mamula na siya sa galit habang naglalakad pabalik-balik sa harapan namin. Ang magaling na manager naman ni Nathan na si Kyle eh malawak lang ang pagkakangisi habang sinusundan din ng tingin ang manager ko.“What’s wrong with having a relationship with Crysaline? Nasa tamang edad na kami pareho. We are humans and we have all the rights to choose whoever we want to love.” sabi ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya.Naka-de kwatro siya at nakahalukipkip habang sinasabi ang mga katagang iyon. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya na para bang alam na alam niya lahat ng sinasabi niya.Napatingin naman ako kay Kyle nang pumalakpak siya. Nakangisi siya at tila ba parang proud pa siya sa alaga niya. Napailing na lang ako. Akala mo naman hindi siya napa-“What the fuck is going on here?!” kanina kung makapag-react siya ng ganon.“Shut up, Kyle! Kunsintidor ka! Lugi ang alaga ko sa parte na ‘to!
Napapikit ako habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin sa balat ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdaman ang biglang paghigpit ng yakap ni Nathan.“Hindi ko makuha yung punto bakit kailangan naka ganito pa tayo na damit. Ang init!” angal niya kaya napahagikgik ako.Umikot ako paharap sa kanya at pinisil yung tungki ilong niya. Nakasimangot siya at halatang irritable talaga siya sa suot niyang gray na hoodie at pants.“Anong hindi mo ma-gets? Hello, Rivas! Alam mo na sikat kang tao. Paano kapag may nakakita sa atin dito? Eh ‘di laman tayo ng balita? Sasabog lalo yung management pati na social media natin dalawa.” natatawa kong sabi sa kanya.“The fuck I care! Gusto ko makipag-date ng maayos hindi yung ganito. Para tayong nagtatago palagi.” nakasimangot na sabi niya.Tumingin ako sa paligid at nang makitang wala naman tao sa paligid ay agad kong dinampian ng halik ang labi niya. Ngumiti ako sa kanya at inayos yung pagkakasuot ng hoodie niya.“Huwag ka na sumimangot, pumapang
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang marahan na paghaplos sa dibdib ko. Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata at napansin ko agad na nakapasok sa crop top ko ang mga kamay ni Nathan habang naka-pwesto siya sa likod ko.“Mamamaga na dede ko kakalaro mo simula nung natulog ako.” saway ko sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya.“Ang lambot kasi eh. Parang stress ball.” nakangisi niyang sabi at dinampian ng halik ang sintido ko.“Bitaw ka na. Magluluto lang ako gutom na ako.” sabi ko sa kanya pero umiling lang siya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Minasahe na naman niya yung dibdib ko kaya hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos.“Nakapagluto na ako ng hapunan. Mamaya na tayo tumayo. Dito muna tayo sa kama.” sabi niya at hinapit ako palapit sa kanya.Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kanya. Parang nagulat naman siya sa naging pagharap ko lalo na noong ikawit ko ang mga braso ko sa leeg niya.“Sama tayo kay nila Kairo sa Siargao. Gusto ko mamasyal.” sabi ko sa kan
Sumapit ang Sabado at nandito na naman si Nathan sa condo ko. Kulang na nga lang dito na siya tumira. Yung mga damit niya nasa guest room napakadami. Kapag wala siyang magawa, dito rin siya natutulog. "Tara date tayo?" biglang sabi niya.Napatingin ako kay Nathan habang nilalantakan iyong binili niya na ice cream na nasa pint."Tinatamad ako lumabas eh." sabi ko sa kanya sabay patong ng paa ko sa kandungan niya."Date na tayo. Dali." pagpupumilit niya na parang bata. Nag-puppy eyes pa siya kaya natawa ako."Saan mo ba balak pumunta?" tanong ko sa kanya sabay subo ng isang kutsara ng ice cream.Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya at tinaasan ako ng kilay. Hay nako. Ano naman kayang kalokohan ang tumatakbo sa utak ng isang ‘to?“Check-in tayo sa hotel.” nakangisi niyang sabi kaya tinadyakan ko siya sa tiyan.“Ang halay mo talaga!” sigaw ko sa kanya kaya napabunghalit siya ng tawa sabay hatak sa paa ko. Minasahe niya ‘yun at masuyo akong tinignan.“Mason and Kairo invited us to come
Isang linggo na ang nakalipas simula noong pumayag ako sa panliligaw ni Nathan. Kung noon ay sobrang kulit at clingy niya, mas lumala pa ata simula noong hayaan ko siya sa gusto niya.Katulad na lang ngayon. Napabuntong hininga ako at humalukipkip habang nakatayo sa harapan niya. Nakangisi naman siya sa akin at pilit na inaabot ang beywang ko para umupo sa kandungan niya."Gusto ko lang naman matulog ngayon dito dahil pagod na akong bumiyahe pauwi. Galing pa ako sa trabaho tapos namiss kita kaya ako pumunta rito. Hindi ka ba naaawa sa akin? Alas dose na ng madaling araw oh. Paano kung ma-aksidente ako sa daan kasi biglang namanhid yung daliri ko sa paa? ‘Edi nawalan ka ng future husband?" pangangatwiran niya sa akin sa nagpa-paawang tono.Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa dahilan niya. Parang bugok din minsan ‘tong si Nathan eh. Mabilis niya akong hinatak paupo sa kandungan niya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Ipinulupot niya pa ang dalawa niyang braso sa beywang ko.
Para akong natuod sa kinatatayuan ako at hindi malaman ang gagawin. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko lalo pa noong igalaw niya ang labi niya nakalapat sa labi ko.Mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya at pinalalim ang paghalik sa akin. Hindi ko napigilang mapaungol nang pisilin niya ang gilid ng dibdib ko.Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko nang bigla siyang tumigil sa paghalik. Inilayo niya ng kaunti ang mukha niya sa akin bago isinandal ang noo niya sa noo ko."Your lips taste so sweet. Fuck." mahinang saad niya na naging dahilan ng pag-pula lalo ng mukha ko.Parang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko at nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa kaalamang…Ninakaw niya yung first kiss ko!"First kiss ko 'yun eh!" maktol na singhal ko sa kanya at pumalahaw na parang bata.Mas lalo lang lumawak ang pagkaka-ngisi niya at hinapit ako palapit sa kanya. Kulang na lang ay lumutang ako sa paraan ng
"Ano ba, Nathan?! Naiinis na ako ha! Kung saan ako magpunta, nakasunod ka. Umuwi ka na nga lang sa inyo kaysa ginugulo mo ako!" iritang sita ko kay Nathan at pilit siyang itinutulak palayo.Ilang oras na kasi niya ako hindi tinitigilan. Ni ultimo pagpunta ko sa cr, nakasunod siya hanggang labas ng pinto. Balak pa nga niya hanggang sa loob kung hindi ko lang siya pinagsabihan."Baka kasi sumalisi ka na naman eh. Tuluyan mo na akong iwan. Akala ko ba bibigyan mo ako ng chance?" nagmamaktol na sabi niya na parang batang ewan.Nameywang ako sa harap niya at tinaasan siya ng kilay."Wala akong sinasabi na pwede mo akong ligawan. Atsaka hindi ka ba nilalamig? Kanina ka pa nakahubad dyan! Feeling mo may photoshoot ka rito sa condo ko." sita ko sa kanya.Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang beywang ko."Hindi ko na ba kailangan manligaw kasi..." inilapit niya ang bibig niya sa kaliwang tenga ko. "Gusto mo na rin ako? Dati rin naman hindi mo ko sinasaway kapag hindi ako n
"U-umayos ka nga, Nathan. Kailangan ko pa pumunta sa office kaya umuwi ka na sa bahay niyo. Nag-aalala si Tita Nara sa'yo. Atsaka siraulo ka talaga! Hindi mo naman gawain mag-drive ng umiinom tapos ginawa mo pa rin." sita ko sa kanya pero nakangiti lang ang siraulo.Ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya ng matagal dahil sa kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ilapit niya ang labi niya sa gilid ng tenga ko."I just want to hear and see how much you're worried for me, Crysaline. That's the only thing that matters to me." bulong niya at yumakap sa akin ng mahigpit."Bakit? Nanay mo ba ko?" sarkastiko na sabi ko sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin at napabuntong hininga."Durog na nga ako, lalo mo pa akong dinudurog sa mga sagot mo." mahinang sabi niya.Alam kong may halong pag-iinarte yung sinabi niya, mas lamang yung nararamdaman niya na lungkot ngayon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinaplos ko na ang buhok niya. Tinapik ko ng mahina ang l