Pabalik-balik nang lakad si Avery sa sala kahit pagod siya sa biyahe. Dapat nagpapahinga sila pero si Lucas nais makausap ang ama niya privately, siguro gusto nitong makausap ang ama niya na hindi niya naririnig. "Relax, Ave, nahihilo ako sa'yo," suway ni Simon sa kaniya. "Paano ako magre-relax? Eh, kanina nga sa harapan ko binabara-bara ni Dad si Lucas?" inis niyang sabi dito with action pa ng mga kamay at pabalik-balik na naman ng lakad."Kung disidido talaga si Lucas sa'yo, he can handle uncle Diether naman," sabi naman ni Simon. "Tama ang pinsan mo, Ave. Hindi naman kakagatin ng daddy mo ang boyfriend mo at kung talagang walang maling ginawa talaga si Lucas noon, na biktima lang din siya ng sarili niyang pamilya, hindi siya matatakot makipag-usap sa ama mo," singit naman ng ina ni Gwy, habang may tinitingnan na mga papel. Hindi niya alam kung para saan iyon, si Simon naman nakatutok sa laptop at siguradong pangbusiness iyon. "Eh..." Napaupo na lang siya sa couch. "Kahit na."
"You didn't tell me that you knew kung nasaan si Lucas these past 12 years, Mark," sumbat agad ni Diether nang simulan niya ang pag-uusap. As usual nagkita naman sila sa paborito nilang kapehan. "Lucas..." ani pa nito na tila nag-iisip. "What do you mean by that?"Naalala niya ang full name ni Lucas na sinabi ni Avery. "Luther Casimir Carterson," paglinaw niya. Nagbago ang reaction nito, matagal bago maka-react at sa huli, tumikhim lang muna. "So alam mo nga ang tungkol sa kaniya..."Huminga ito nang malalim. "Firstly, hindi ko alam na si Luther ay si Lucas pala. My son just told me na it was him, recently lang.""So what is this about...I mean he told us na Sansmith ang nagligtas sa kaniya sa US. Kayo lang naman ang makapangyarihang Sansmith na alam kong may kayang gumawa noon," sabi pa niya. "Hindi lang kami ang Sansmith sa mundo," rason naman nito. "I want to be enlightened, Mark. Please, this man wants to marry my daughter pero malaki ang issue ng pamilya nila. Alam mo, kung g
"What the hell, I didn't expect that it was you," napailing na turan ni Noah, matapos nilang i-kwento ni Lucas ang nangyari dito during 12 years ago. Natawa na lang si Lucas at sinabing, "Actually I'm surprised that you have an idea of me as Luther Casimir Carterson. I mean, sikat pala ako no?" Nagtawanan sila. Nagtaas ng baso si Celestia at sinabing, "Dahil diyan, Cheers!" "Cheers!" sabay din sila ni Natalie at humagikhik pa siya. Binalingan siya ni Celestia habang Kandong nito ang anak. "Oh ayan na, nasagot na pala mga tanong mo dati. Still hate gentlemen?" Sinamaan niya ito ng tingin, tawang-tawa naman si Natalie. "I guess not," sabi pa nito. Sumagot naman siya habang si Lucas ngiting-ngiti na napatingin sa kaniya, "Of course yes not."Kinalabit pa ni Celestia si Lucas at tinuro siya. "Alam mo, lóka-lóka iyan dati. Kung alam mo lang.""Hm...I know, she hurt herself," sinamaan naman siya ng tingin ni Lucas. "Kagatin mo nga," utos naman ni Celestia at umakto naman si Lucas n
Mark Sansmith and his whole Family; Ace Gwy, and his wife, and the kids also. Hivo Soulvero and his family; Natalie and her husband, Ivan. Noah and Celestia as well as Zachary, na kalaro na ngayon ng mga pinsan. Hindi akalain ni Avery na nandito ang mga ito sa marriage meeting para kay Lucas. Kahit si Lucas ay hindi niya maintindihan kung bakit tumatayo ang mga ito bilang pamilya niya. Pero ngayon..."Babalik sila sa Singapore na kasal na, that's the plan," ani ni Hivo Soulvero at tahimik lang ang asawa nito pero sumasang-ayon. Napatango ang ama ni Avery. Si Simon lang talaga ang wala doon dahil busy na sa kompaniya lalo na sa issue nito. "So gagawin natin ito as soon as possible," ani ng ama niya. "Next week?" tanong naman ni Mark at napatingin kay Lucas. Napabuka ng bibig ang boyfriend niya tila ba'y nabibigla sa bilis pero naintindihan naman kung bakit. Tumingin ito kay Ace at tumango naman si Ace bilang pangungumbinsi. Napatingin si Lucas sa kaniya, ngumiti siya bilang pagpaya
"I'm sorry kuya, if I can't be with you in your wedding day," malungkot na sabi ni Stella sa kabilang linya.Pero siya ang nakaramdam ng awa para dito. "No. I should be the one who say sorry. I'm sorry, kung ibang pamilya ang tatayong pamilya ko ngayon.""Just do it, nakahanap ako ng magandang chance para mapalapit kay Jaxon," sabi nito."May progress na agad?" biglang excited naman niyang tanong. "Alam mo tuso akong magtrabaho, right? Worth it talaga ang pagtatago ko ng identity," sabi pa nito. "Bakit ano ba ang ginawa mo?" tanong niyang sobrang curious. "Jaxon wants me to compete Avery sa posisyon kaya kinausap niya ako about his plan. Pero ang rason niya ay ang relasyon niyong dalawa against Cohen. Narealize na raw niyang hindi na pwede magtagal si Ave sa hospital at sisirain lang ni Ave ang pamilya niyo kaya nakipag-kontiyaba siya sa akin para alisin si Ave sa posisyon at ako ang ipapalit niya," paliwanag nito. Nagbukas ang bibig niya. Nagpatuloy pa ito para sa dagdag klasipik
"What the hell are you doing?" frustrated na tanong ni Simon sa kaniya dahil sa ginawa niya kanina. "Why? Tama naman ako ah. Totoo naman iyon ah," rason naman niya. "No. You're putting yourself into their trap," singit ni Lucas at bakas ang pag-aalala sa boses. Natigilan siya. "Trap?" "Trap," pagkumpirma ni Ace. "Pwede nilang gawing false accusations ang ginawa mo."Napatampal siya sa noo. Hindi niya naisip iyon, sinabi na rin niya iyon sa mukha ni Ericka ngunit may naalala siya. "But we have proofs na tayo ang may originality sa item right?""That's not enough evidence especially since they were the first to release the item. Kinabukasan noon ay tayo, at hindi lang namin napansin, iyon ang mali," sabi naman ni Simon. "Bakit mali? Dapat ilabas pa rin natin kasi item natin iyon," katwiran naman niya. Walang may umangal kasi tama pero may rason. "Iyon nga ang ginamit nila kaya nabaliktad tayo," ani Gwy. "So ano? Ganito lang tayo, wala tayong choice?" tanong niya nagsasarkastiko.
"Belle Soulvero! I didn't expect you to want to have an appointment with me. But of course Who am I to say no?" bati ng Casimir Hospital's chairman na si Casimiro Carterson kay Belle Soulvero na nakangiti pa.Isang magarang restaurant naka-set ang kanilang meeting at nagpaimportante siya. Kakarating lang niya at sinenyasan naman siya nitong umupo sa upuan na talagang hindi rin nagpapahuli sa pagiging galante ng lugar. "Casimiro Carterson," untag rin niya at ngumiti saka umupo. Mahinhin ang mga kilos niya ngunit sopistikada, hindi naman halatang more than 50 na siya. "What do you want to have?" tanong ng matandang lalaki sa kaniya."Just hazel nut latte" ani lang niya pero tinitigan ito, at talagang ina-aral niya ang bawat expression nito.Tumango ito at nagtawag ng waiter. Habang naghihintay sila sa paglapit nito nagsalita si Belle. "How's your son, Mr. Carterson?" Kumunot ang noo nito tila nalilito na parang tinatanong sa sarili kung bakit niya kinakamusta ang anak nito. Pero sa h
"Nakilala ko na ang isang old member," ito ang reply ni Justin sa chat niya. Mabilis naman siyang nagreply, "Sino?" Gumagalaw ang three dots nito sa screen patunay na nagtitipa ito ng reply at maya-maya lumitaw ang mensahe nito. "Aaron Lancaster, pangatlong anak ng Chairman Lancaster Group. Bali ang kuya niya, ang kasalukuyang CEO."Kinabahan siya, kilala kasi ang Lancaster at nandito lang iyon sa Singapore. Mabilis na nagreply, "Tagasaan?""Ang Lancaster nandiyan sa Singapore pero itong si Aaron, nandito lang sa Pilipinas," reply nito. "Nakausap mo or nagkakilala kayo, o nakilala mo lang siya?" sunod-sunod naman niyang tanong. "Hindi pa, research pa lang, alamin ko muna kung pwede ko siyang kausapin o hindi. Pareho lang naman kaming dating member," reply naman nito. Napababa siya ng phone sa ibabaw ng desk. Napabuga siya ng hininga, atleast kahit paano may progress ang investigation. Iniisip na naman niya ang about sa CCTV. Wala na raw ang record ng iyon dun sa monitoring room.