"What was that? Huh? Now you want me to marry Avery?" Sarkastikong tanong ni Lucas sa kaniyang ina nang matapos ang gulo kanina at dinala niya ito sa sarili niyang opisina.Soundproof naman kasi iyon kaya kahit magsisigaw siya sa loob walang may makakarinig. Tumitig lang ito sa kaniya, ni hindi rin niya ito inalok na umupo. Huminga ito nang malalim at akmang abutin ang braso niya sabay sabing, "Lucas..." pero iniwas niya ito. "If you're doing this to get my attention again, just stop. I will never forgive you," aniya, puno ng sama ng loob. "If you're trying to make up for the mistake you made by favoring Avery now, that's unlikely." Muli ay nanginit ang gilid ng mga mata niya. "Hindi mo alam kung gaano akong nahihirapan ngayon. I want to marry her, pero hindi ko alam kung dapat lang ba kasi may tinatago akong sekreto.""But you have to marry her," anito na tila mas sinasabi nitong may malaking rason kung bakit. But he scoffed. "Did you hear yourself? Ang sabi ko, gusto ko siyang pak
"Cheers!"Buong araw naging emotional si Lucas kanina at napansin iyon ni Avery. Inaya rin siya ni Stella na uminom para daw mapagaan ang loob ng kuya nito. Hindi pa sila totally okay talaga ni Stella pero kapag ang isang bagay na pareho nilang gusto nagkakasundo sila na may kaunting iringan. Ngayon nasa unit sila ni Lucas nag-iinom. Tiger beer ang tinitirada nilang tatlo ngayon at nakailang bote na silang pareho. Sabay-sabay silang naglaklak ng alak at talagang bottoms up pa. Unang sumuko si Stella at pinanood nito ang paligsahan nila ni Lucas. Unang nakaubos si Lucas at nahuli siya, tinaas nito ang bote at sumigaw, "I win!"Naubos nga niya ang isang bote pero napanguso kasi nga talo siya. Inis niya itong pinatong sa ibabaw ng lamesa at suminok. Pero si Stella, "Ang dhadaya niyo..."Lasing na rin ito, at parang hindi na kayang lumaklak pa. Natawa si Lucas, "Vakit naman madhaya, dhi ko naman thinapon ang alhak ah."Tumawa siya kasi nga hirap na itong mag-pronounce ng tagalog words na
"Buo na ba talaga ang desisyon mo?" tanong ng tiyahin ni Avery sa kaniya nang malaman nito na nagpropose na si Lucas sa kaniya at tinanggap niya. Masaya siyang ngumiti at excited. "Yes, Auntie, It was him from the start naman kasi, ano pa ba ang hihilingin ko? Sobrang saya ko na ngayon," aniya kahit na sa kabila nun, unti-unti siyang nagkakaroon ng mga palaisipan tungkol sa mommy ni Lucas. Konektado raw kasi ito sa mommy niya pero nakikita niyang nahihirapan si Lucas na sabihin sa kaniya kung ano man iyon at dahil doon takot siyang malaman kung ano iyon kahit gusto niya. Kung ikakasira iyon nila ni Lucas, parang ayaw na lang niyang malaman. Tapos na siya sa nakaraan niya, tapos na siya sa nanay niya. Ayaw na niyang balikan ang masalimuot na pangyayaring iyon. Okay na siya nakarecover na siya at wala na siyang dapat problemahin pa. "Shempre dapat alam iyan ng daddy mo," ani pa nito. "Magpapaalam ako kay Sir Jaxon. Uuwi ako ng Pilipinas, dalhin ko si Lucas," sagot niya. "Pero, kil
Habang tumatagal, lalong naging komplikado ang sitwasyon ni Lucas. Nagdadalawang isip siya sa disisyon na pinasok niya kahit gustong-gusto niya iyon pero may sitwasyon na nakaharang at hindi niya alam kung paano sumang-ayon ng buo kay Avery. Ngunit ayaw naman niya itong magduda, kaya pumayag siya, ang problema ay mapapasubo siya sa lahat ng desisyon, na malaki ang posibilidad na kakamuhian siya ng babae pagdating ng oras ng pag-amin niya. Nakipagkita siya kay Stella para ipaalam dito ang problema, pumunta siya mismo sa tirahan nito, at kahit pati kapatid niya ay namomroblema din. "She will hates you," puna na lang nito at huminga nang malalim.Nag-cross ito ng braso sa ibabaw ng lamesa at tumingin sa kaniya. "Handa ka na ba? Kaya mo ba?" "Paano kung mawala siya sa akin?" tanong naman niya. Umiwas ito ng tingin at nagsalita, "I want to suggest that you hand over our mom to Avery and her family as the mastermind behind what happened." Napatingin siya rito, umiling naman ito kasabay
Kabadong tumakbo muna si Avery palayo sa President's office para i-relax ang sarili. Takot siyang may matuklasan na hindi maganda kaya umalis siya para wala siyang may marinig. Hinintay niyang makalabas ang ina ni Lucas saka nagpasyang bumalik. Huminga muna siya nang malalim bago kumatok. "That's open," boses ni Jaxon sa loob ng opisina.Binuksan niya ito at sumilip. Sinikap niyang alisin ang negatibong pakiramdam sa sistema niya at ngumiti rito. "Hello sir.""Avery..." Tumayo ito at sinenyasan siyang pumasok. Pumasok naman siya at dahan-dahang sinara ang pintuan. "How are you? Your sister told me what happened.""That's 4 days ago, sir," aniya. "Yeah pero hindi ako nagkaroon ng chance na kamustahin ka, I'm sorry, naging busy ako masyado. And I'm sorry about our Dad, alam kong hindi naging maganda ang treatment niya sa'yo, these days," sabi nito na kasalukuyan nang nakatayo sa harapan niya. "It's okay sir, naintindihan ko naman, and hindi ko masasabing magtatagal ako sa hospital na
Payag man si Jaxon o hindi ang mahalaga nagpaalam siya. Wala siyang pakialam kung galit ito sa kaniya. Ang gusto lang niya ngayon ay makasal sila ni Lucas para wala nang laban ang mga Cohen. Mas may right siya kay Lucas dahil siya ang mahal nito kahit na may mga bagay na unti-unting lumilitaw tungkol sa mga mali nitong nagawa kung halimbawang meron nga. May mga clue siyang nakuha pero takot siyang malinawan kung ano ang mga iyon. Lalo na't sa usapan ni Jaxon at ng ina ni Lucas may 17 years ago na nabanggit ang mga ito. Isa lang ang 17 years ago na issue na nangyari sa buhay niya. Iyon ang panahon na na-ràpé siya bilang ganti sa kaniyang ina. Pero ang kaso na iyon ay tapos na at alam na rin niyang patay na ang babaeng nag-utos para ipàgàhàsà siya. Wala na rin siyang balita tungkol kay Clarissa Eliores na nagbunyag ng katotohanan noon. Anak iyon ng babaeng kalaban ng ina niya. Si Dr. Eliores, anak ni Sebastian Eliores na pinatay ng nanay niya. Tapos na ang nakaraang iyon, at nalinis n
Sa harapan ng hapunan talagang nangusisa agad ang ama niya. "So...why did you hide your real identity back then?" Kanina pa sana nito gustong interviewhin si Lucas sa sasakyan pero pinigilan ito ng ina ni Gwy at sinabing sa bahay na lang para maayos ang usapan. Ngunit dahil kumakain sila, sinuway naman ito ng ina ni Gwy, "Mamaya na, kakain muna tayo.""I'm just asking—""Diether..." suway ulit nito. Napanguso siyang tumingin kay Lucas at ito naman ay naiilang na ngumiti at sumagot na lang, "Back then... I intend to hide my identity from everyone because my father hired people to find me." Napababa siya ng tingin. "But why are you hiding?" "My father doesn't want me to find my mother," sagot nito. "Mas gusto niya akong mamahala ng hospital." Napatango ang ama niya. "Nakita mo na ang mom mo?" tanong ng ama niya habang naghihiwa ng karne. "Yes, eventually," sagot ni Lucas. Bahagyang nagbaba ng tingin. "Is that the reason why you suddenly broke up with my daughter and just vanishe
Pabalik-balik nang lakad si Avery sa sala kahit pagod siya sa biyahe. Dapat nagpapahinga sila pero si Lucas nais makausap ang ama niya privately, siguro gusto nitong makausap ang ama niya na hindi niya naririnig. "Relax, Ave, nahihilo ako sa'yo," suway ni Simon sa kaniya. "Paano ako magre-relax? Eh, kanina nga sa harapan ko binabara-bara ni Dad si Lucas?" inis niyang sabi dito with action pa ng mga kamay at pabalik-balik na naman ng lakad."Kung disidido talaga si Lucas sa'yo, he can handle uncle Diether naman," sabi naman ni Simon. "Tama ang pinsan mo, Ave. Hindi naman kakagatin ng daddy mo ang boyfriend mo at kung talagang walang maling ginawa talaga si Lucas noon, na biktima lang din siya ng sarili niyang pamilya, hindi siya matatakot makipag-usap sa ama mo," singit naman ng ina ni Gwy, habang may tinitingnan na mga papel. Hindi niya alam kung para saan iyon, si Simon naman nakatutok sa laptop at siguradong pangbusiness iyon. "Eh..." Napaupo na lang siya sa couch. "Kahit na."