Mula sa loob ng opisina ni Barbara ay prenteng nakasandal ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair. Habang tahimik niyang binabasa ang isang papeles mula sa kanyang kliyente. Ilang sandali pa, hindi na siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Ibinaba niya ang hawak na papel sa ibabaw ng lamesa saka isinandig ang ulo sa sandalan. Nahilot niya ang sintido ng makaramdam siya ng pananakit ng ulo. Nagtataka na nilingon niya ang aircon, bukas naman ito? Dahil ramdam niya ang lamig nito na nanunuot sa kanyang balat. Nagtaka siya sa kanyang sarili. Sandaling pinakiramdaman ang kanyang katawan.Maya-maya ay wala sa sarili na napahawak ito sa kanyang leeg. Mabilis na pinindot ang intercom, kaya kaagad na pumasok ang kanyang sekretarya. “Yes, Ma’am?” Magalang na saad ng kanyang secretary. Lumalim ang gatla sa noo nito at matamang tumitig sa mukha ng kanyang boss. Sa ilang segundo na pagtitig ay bigla itong kinabahan ng makita niya na humawak sa kanyang leeg si Ginang Barbara. “J-J
“Magkahawak kamay na naglalakad kaming mag-asawa dito sa pasilyo ng hospital. Habang sa kanang kamay ay hawak ko naman ang isang paper bag na may lamang lunch box. Ipinagluto ko kasi ng masarap na pagkain ang aking biyenan. Masarap ang pagkakaluto ko nito dahil pinalambot ko pa ng husto ang karne ng baka gamit ang pressure cooker. Ilang araw na ring naka-confined ang aking biyenan sa hospital na ito. At ayon sa doctor ay maayos na ang kondisyon ni Mamâ at baka daw bukas ay maaari na itong umuwi at sa bahay na lang magpagaling. “Sweetheart, ano kaya kung ikaw na lang ang pumasok sa loob? Alam mo naman na galit sa akin si Mamâ, natatakot ako na baka mas lalo lang lumala ang kanyang karamdaman sa oras na makita niya ako.” Malungkot kong wika, habang nakatingin ang mga mata ko sa sahig. “Nakikita ko ang pagpupursige mo na makuha ang loob ni Mama, but I think, hindi mo makukuha ‘yun kung lagi ka na lang iiwas. I know my mother, hindi siya likas na masama. Nagkataon lang na sa maling
“S-Siya po.” Ito ang sinabi ng sekretarya ng aking biyenan habang nakaturo sa akin ang hintuturo na daliri nito. Makikita mo mula sa kanyang mga mata na nag-sasabi ito ng totoo. “Sigurado ka ba sa taong tinuturo mo Miss?” Naninigurado na tanong ng officer kay secretary. Josie, habang ako ay nanatiling seryoso na nakatingin sa kanya. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng presinto. Nasa harapan ko ngayon ang sekretarya ni Mama. Kasama nito si Felma at sa likod nito ay si Denice na nanatili lang na tahimik sa isang tabi. “Yes po, hindi po ako maaaring magkamali. Siya lang ang tanging nagdadala ng pagkain para sa boss ko. Nakiayon ako sa nais niyang mangyari na ilihim ito kay ma’am Barbara, dahil sa pag-aakala ko na maganda ang kanyang hangarin na tulad ng sinabi niya sa akin. Hindi ko naman alam na may balak pala siyang lasunin si Ma’am, Barbara.” Habang nagpapaliwanag ito ay galit siyang nakatitig sa akin. Tatlo kaming suspect sa pagtatangka sa buhay ng aking biyenan. Subal
Namuntong hininga ako habang sinusundan ng tingin ang aking biyenan na kasalukuyang papasok ng kanyang silid. Pumanhik na ako ng hagdan habang bitbit ko ang aking shoulder bag. Wala ngayon ang mga bata dito sa Mansion. Pinahatid ko muna sila sa bahay ng mga magulang ko dahil ayokong masaksihan nila ang gulo na namamagitan sa amin ng kanilang Abuela.Masyado pang inosente ang mga anak ko para sa ganitong ka-komplikadong sitwasyon. Mabigat ang mga paa na tumungo ako sa silid naming mag-asawa. Subalit, pagbukas ko ng pinto ng silid ay sumalubong sa akin ang asawa kong nakatulala sa labas ng beranda. Tila kay lalim ng iniisip nito habang tahimik na umiinom.Muli, nagpakawala ako ng isang mabigat na buntong hininga bago ko ipinatong ang aking bag sa ibabaw ng kabinet na malapit sa akin. Tahimik na pumasok ako sa loob ng banyo, naligo muna ako bago nakatoppies ng tuwalya na lumabas ng banyo. Kung anong ayos ng iniwan ko si Alistair ay ganun pa rin ang hitsurang nadatnan ko. Imbes na magb
Namayani ang katahimikan sa loob ng korte ng isang beses na pinukpok ng Judge ang kanyang gavel. “Let us start. Call the case.” Anunsyo ng judge na ang kinakausap ay ang klerk ng hukuman. “Good morning, All rise.” Sabay-sabay na tumayo ang lahat. “Department One of the Superior Court now in session, judge Akim Cabrahim, presiding. Please be seated. For the arraignment we call criminal case no. 10873(Attempted murder) Mrs. Barbara Thompson the complainant versus Louise Howard Thompson the defendant. “Please be seated. Is the accused present today?” Tumayo si Louise ng marinig niya ang tanong ng Judge, kaya sa kanya natuôn ang atensyon ng lahat. Presentable ang awra ni Louise dahil sa suot niyang black pencil skirt, na tinernuhan ng nangingintab na khaki long sleeve polo shirt. “Accused, do you have a lawyer? Or do you want the court to provide a lawyer for you? “Your honor, I’m attorney Louise Thompson and I represented myself as a self-represented litigant.” Magalang kong sago
“Attorney. Louise Thompson, totoo ba na tinangka mong lasunin ang si Mrs. Barbara Thompson dahil sa hindi magandang pagtrato niya sayo?”“Ginawa mo ba ‘yun para tuluyang mapunta sayo ang pamamahala sa kumpanya ng mga Thompson?” Ang mga katanungan na ito ang siyang nag patigil sa paghakbang ng mga paa ni Louise. Seryoso ang mukha na hinarap niya ang makulit na media. Kalalabas lang nito ng Majestic Thompson Company, at labis niyang ikinagulat ang maraming media na sumalubong sa kanya sa entance ng kumpanya. “Do you know who you are talking about? She’s my Mother in-law, hindi ko alam kung sino ang nagpakalat ng maling impormasyon na inyong nalalaman. Lalabas ang katotohanan at darating ang panahon na makukulong ang dapat na makulong.” Matigas ngunit makahulugan na sagot ni Louise habang matapang na nakatingin sa mata ng mga tao na nasa kanyang harapan. Pagkatapos sabihin ‘yun ay nagmamadaling sumakay sa kanyang sasakyan si Louise. Hindi na nito pinansin pa ang mga tanong na patuloy
“Hmmmm…” isang nakababaliw na ungol ang nanulas sa aking bibig ng naging malamyos ang galaw ng katawan ng aking asawa. Matinding kilabot ang hatid ng bawat hampas ng mainit niyang hininga sa aking mukha. Habang patuloy na naglalabas-masok ang kanyang pagkalalaki sa aking pagkababae ay buong pagsuyo na hinahagod ng aking palad ang kanyang likod. Mabigat na ang kanyang paghinga at ramdam ko ang bawat pagpatak ng pawis nito sa aking mukha. Ilang sandali pa ang lumipas, halos umangat ang aking katawan ng itulak niya pailalim at isinagad ng husto ang kanyang sarili sa aking loob. Mariin na lumapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Humigpit ang yakap ko sa kanyang katawan habang nilalasap ang pinakawalan nitong likido sa loob ng aking hiyas. “Hmmmm…” “Ohhhh…” tanging ungol at marahas na paghinga ang maririnig sa pagitan naming dalawa. Ilang segundo pang nanatili sa ibabaw ko si Alistair bago ito ma-ingat na umalis sa ibabaw ko. Hinihingal na niyakap niya ako at bago mariin
“A&L Trial LAWYER FOR JUSTICE”Halos sumabog ang dibdib ko dahil sa matinding kasiyahan habang pinagmamasdan ang sarili kong ahensya. Ang Law firm ko ang totoong dahilan kung bakit mabilis kong tinanggap ang pagbitiw ko sa aking posisyon. Inaasahan ko na mangyayari ang bagay na ito kaya ginamit ko ang kumpanya ng aking asawa para makakuha ng mga mag-iinvest para sa sarili kong kumpanya. Araw ng Lunes ngayon. Imbes na sa Thompson company ako papasok ay maaga pa lang dito na kaagad ako dumiretso. Pinagbigyan ko ang nais ng aking biyenan na magbitiw ako sa pwesto. Pero ang hindi ko pinayagang mangyari ay ang matali ako sa bahay. At para ano? Para muli akong maliitin? Gusto nila na lagi akong nakasandal sa kanila para wala na akong magawa sa lahat ng nais nilang mangyari. Ano pa’t nag-aral ako kung magpapaalipin rin lang ako? Hindi ko hahayaan na muli nilang tapakan ang dignidad ko at ipapakita ko sa kanila na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. “Anak, hindi ko akalain na magag