"I only require the presence of Richy Lou."
Alam naman ni Richy Lane na siya ang kinakausap ng lalaki ngunit hindi man lamang siya nito tinapunan ng tingin.Mabuti na lamang at naka-sunglasses siya. Hindi nito makikita ang pag-analisa niya sa mukha nito at mas lalong maitatago niya ang pag-ikot ng kaniyang mga mata. Bakit nga ba niya nakalimutan na halos ninety percent ng mga guwapo sa mundo ay may magaspang na pag-uugali at hindi nakaligtas ang Fontana na ito sa pandemyang iyon. Napunta na yata ang lahat ng biyaya sa mukha nito, kaya naubusan ang pag-uugali nito.What a certified asshōle.Lahat ba ng mayayaman ay ganito kung umasta? O si Azazel lamang iyon? Sa pagkakaalam niya, ang tiyuhin nitong si Sylvester Campbell Fontana ang nag-alaga kay Azazel at sa nakababatang kapatid nito na si Margaux, magmula nang maulila ang dalawa. Maaga kasing namatay ang mga magulang ng mga ito; ang ama nito, sa sakit sa dugo, at ang ina nito, sa aksidente habang nakasakay sa eroplano. Dahil sa pag-aalaga sa dalawang pamangkin, hindi na nakapag-asawa si Sylvester.Maagang namulat sa mga responsibilidad sa kumpanya si Azazel. His childhood was cut off early. Kaya siguro ganito kasungit ang lalaki ngayon.And where did she get all of these information, if you may ask? Of course, kay Richy Lou. Malawak ang social circle ng kapatid niya dahil sa trabaho nito kaya naman mabilis din silang nakasagap ng ilang impormasyon patungkol sa binata."I only want to speak with you. No unnecessary audience needed." Walang kangiti-ngiting sabi ng lalaki."No." Agad na protesta ni Richy Lou. "Richy Lane will stay."Of course, she will. Now she understands why her twin does not want to talk to this guy. She had a taste of Azazel Reedan Fontana's attitude.Naupo siya sa isa sa mga upuan sa sulok, kumuha ng magazine na mababasa at saka prenteng pinagkrus ang kaniyang mga hita. Mabuti na lamang at palagi siyang naka-slacks, kaya hindi siya makikitaan kahit na ano pang klase ng upo ang gawin niya.Wala nang nagawa ang lalaki, ngunit kita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. Ngunit wala naman siyang pakialam sa anumang sasabihin nito, maliban na lamang kung tungkol iyon sa kung paano nila mababayaran ang kanilang utang.Today, she will unleash her selective listening skills.Nakita niyang pinindot ng lalaki ang intercom. "Bring some refreshments."Hindi siya nag-alis ng sunglasses at nagpanggap na walang pakialam sa kung anumang pag-uusapan ng dalawa.Tumayo ang lalaki mula sa swivel chair nito at iginiya si Richy Lou sa leather na sofa sa hindi kalayuan."Sit here, Lou.""Richy Lou. Or Ms. Fontana. Iyon lang ang pwede mong itawag sa akin." Pirming sabi ng kaniyang kakambal bago naupo. "Don't call me by my nickname. Only the closest to me can call me by that.""I will call you whatever the hell I want to." Matigas naman na sabi ng lalaki at naupo sa sofa sa tapat ng kaniyang kakambal. Napagigitnaan ang dalawa ng isang mababang center table na gawa sa babasaging salamin.Tingnan mo 'tong tangang 'to.Hindi mapigilang mapailing ni Richy Lane habang ang mga mata ay nakatitig sa magazine at tahimik na nakikinig. Mabuti na lamang at hindi siya ang kausap ng Azazel na iyon kung hindi ay baka hinatak na niya ang dila nito. She will not be able to stand this jerk."Now tell me. What made you come here? The last time I check, you are hiding from me.""Well, we just found out the we are indebted to you, oh, let me correct that, that our deceased father was indebted to you. We would like to discuss that." May hint ng kasarkastikuhan ang tono ng boses ng babae."Oh, so that was the reason you came out from hiding.""I wasn't hiding—""—Just deliberately avoiding me, isn't that right?""Look, Azazel. I'm here to discuss my father's debt. Can we please focus on that?"Bago pa nakasagot ang lalaki ay sunud-sunod ang katok ng kung sino sa may pintuan. "Your refreshments, Sir," anang boses ng isang lalaki mula sa labas."Come in, Percy," sabi ni Azazel. Bumukas ang pintuan at isang lalaki ang pumasok dala ang isang tray. Nang ibaba iyon ng lalaki sa center table, ibinigay nito ang isang baso ng juice kay Richy Lou at isang tasa naman ng kape kay Azazel.Lumapit ito kay Richy Lane at nagbaba rin ng isang platito at isang baso ng juice sa ibabaw ng shelf malapit sa kaniya."Thank you," mahina niyang sabi.Nginitian siya ng lalaki. "You're welcome."Now that she took a closer look, the guy pretty handsome too. Hindi man kasing guwapo ni Azazel, ngunit mas mukha namang mabait."Hope you won't get yelled at by that guy," bulong ni Percy. Ang tinutukoy nito ay si Azazel. At dahil nakatalikod ito sa direksyon ni Azazel, nakuha nitong sumimangot na para bang hirap na hirap na itong magtrabaho."Are you his secretary?" Bulong din niya.Tumango-tango ito. "Unfortunately."Mahina siyang natawa sa sagot nito. It may really be unfortunate to have a devil boss."Percival." May babala sa tono ni Azazel. Natigilan siya sa pagtawa, natigilan din sa pagsasalita si Percy."Yep. Leaving already, boss," anang lalaki.Tuluyan nang lumabas ng silid si Percy. Hindi niya sinasadyang nagtama ang tingin nila. Nakatingin pala ito sa bulungan nilang dalawa ni Percy, at ngayon ay salubong na ang kilay nito. Mukhang akala nito ay nakikipaglandian siya sa sekretaryo nito sa loob pa mismo ng opisina nito.What are you looking at, jerk? Iyon ang laman ng isip niya. Tusukin ko iyang mata mo e.Mabuti na lamang talaga at naka-sunglasses siya. Hindi nito nakikita ang mga pagtataray na ginagawa niya. Ngayong araw na ito, ang sunglasses na iyon ang tagapagtanggol niya. Ibinalik na niya ang tingin sa magazine. Kapag nagtagal pa ang pakikipagtinginan niya sa lalaki ay baka talagang tusukin na niya ang mata nito."So, back to our discussion..." Kinuha ni Azazel ang tasa ng kape at sumimsim doon. "Your father's debt ballooned. Now that he's gone, you're gonna need to pay for it.""But it's not our debt in the first place. And it's just a huge amount. Even if we gave you all our remaining properties, we will only be able to pay the half of it."Tama ang kakambal niya. Kahit saidin pa nila ang lahat ng natitira nilang ari-arian, hindi pa rin nila mababayaran ng buo si Azazel. Ang masama pa roon ay malapit na ang deadline upang bayaran ang utang. Kaninang umaga lamang niya iyon napansin sa kontratang pinirmahan ng kaniyang ama noong nabubuhay pa ito. At bago sila nagpunta sa opisinang iyon ni Azazel ay saka lang nila iyon napag-usapan ni Richy Lou."We both know that the deadline to pay the debt is just around the corner, Azazel." Punung-puno ng desperasyon ang boses ng kakambal niya. "We would like to know if we can get an extension—""No.""What?" Kumunot ang noo ni Richy Lou.Kahit siya ay hindi napigilan ang pagpapanggap. Napatingin na siya sa direksyon ng dalawa."I said no. I won't grant an extension." Ibinaba nito ang tasa ng kape sa center table at prenteng sumandal sa sofa. "Look, this debt was accumulated over the years, and I already granted multiple extensions for your father before, but still, he was not able to pay it. I'm sorry but I won't grant an extension anymore.""But—""If that's the only thing that you would like to know, you may leave. I still have a lot of work to do." Tumayo na ang binata mula sa leather na sofa, at bumalik sa swivel chair nito. Sinuot nitong muli ang reading glasses, at sinimulang bigyan ng pansin ang mga dokumentong binabasa nito kanina.Wala nang nagawa si Richy Lou. Tumayo na rin ito mula sa sofa."Let's go, Richy Lane." Sinundan naman niya ang kapatid. Ngunit bago pa man sila makalabas ng pinto ay muling nagsalita ang binata."Well, now that I think about it, there is one sure way for you to pay for the rest of the debt."Kapwa sila natigilan ni Richy Lou sa paglabas ng opisina nito, ngunit si Richy Lou lamang ang muling lumingon sa lalaki."What is it?" Kunot ang noo na tanong ng kakambal niya."Marry me, Richy Lou."***"That fvcking jerk. Argh!"Kita ni Richy Lane ang frustration ng kakambal. Kasalukuyan na silang nasa loob ng sasakyan niya. Siya ang nagmamaneho, at nasa katabing upuan lamang niya ang kapatid.Ihahatid niya ito sa trabaho nito bago siya dumaan sa opisina. Naka-leave dapat siya ngayong araw ngunit hindi naman niya matiis na hindi matuloy ngayon ang mga meeting na dapat ipapo-postpone niya. Ayaw niyang maipon nang maipon ang lahat ng problema niya sa opisina."You don't need to marry him, Lou," aniya. "I'm sure we'll figure out how we'll pay for the rest of the debt."Napuno ng lungkot ang mukha ng kapatid niya. "I don't know... Marriage seems to be the only way.""There will always be another way, Lou. If I need to take other loans just to pay for him, I will do so." Napasimangot siya habang naaalala ang mukha ng lalaking iyon. "He's just taking advantage of the situation. That freaking asshōle."Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Richy Lou. "I'll to find another way too."Inabot niya ang kamay nito at mahigpit na pinisil iyon. "Malalagpasan din natin ito, kambal."Ngunit ang mabigat na sitwasyon na kasalukuyan nilang kinasasadlakan, hindi nila alam na may mas ibibigat pa pala.Dahil ilang araw lamang ang lumipas, nasangkot sa isang aksidente si Cespian..."Let me go, Azazel!"Pilit na ipiniksi ni Richy Lane ang kaniyang braso ngunit walang makakapantay sa lakas ng binata. Mahigpit ang hawak nito sa braso niya at pakiramdam niya, anumang sandali ay kayang-kaya iyong baliin ng binata.Halos makaladkad siya sa ginagawa nitong paghatak sa kaniya. Kulang na lamang ay madapa siya sa sarili niyang mga paa.Today is this guy's wedding. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit kinakaladkad siya nito ngayon, imbes na nire-recite ang vow nito sa simbahan."Ano ba! Bitawan mo sabi ako—""Shut up, Richy Lane!" Galit na wika nito. Napapitlag siya sa lakas ng boses nito. Kitang-kita niya ang galit sa mukha ng binata at halos manuot sa balat niya ang lamig ng mga mata nito. Maging ang panga nito ay nanggigigil."You do not want to test my patience right now."Halos malunok niya ang sariling laway dahil sa takot.Natameme na lamang siya, at nang muli siya nitong hatakin ay wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang dito. More like, magpaka
"What?!"Namimilog ang mga mata ng magkapatid na Richy Lane at Richy Lou nang marinig ang sinabi ng kanilang family lawyer. Pareho silang tila saglit na nabingi dahil sa katotohanang kanilang nalaman.Wala na silang mamanahin.Isang ang mga Dizon sa pinakamayayamang pamilya sa bansa, at least sa kaalaman nilang dalawa. Kaya hindi nila lubos maintindihan ang krisis na kinahaharap nila ngayon.Hindi lamang iyon, iniwanan pa sila ng kamamatay lamang nilang ama ng isandamakmak na utang, at talagang sa mga Fontana pa; ang pamilyang matagal nang kaaway ng kanilang pamilya! At ang natitira sanang pera na naiwan ng kanilang ama ay naipambayad na nila sa burol nito, at sa ilan pang utay-utay nitong utang sa iba pang negosyante."How could Dad do this to us? How could he let us be indebted to Fontanas?" Hindi makapaniwalang sabi ni Richy Lou habang nakatingin sa napakaraming bills at mga dokumentong nakalatag sa malaking mesa. How would they be able to pay this huge amount?"This is ridiculous.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Richy Lou bago nagsalita. Ngayong araw, isang mabigat na desisyon ang kailangan nilang pag-usapang magkakapatid.Kasalukuyan silang nasa kusina. Halos kauuwi lamang nila pare-pareho. Galing si Cespian sa unibersidad nito, si Richy Lou mula sa photoshoot nito, at siya, mula sa opisina. Tinawag niya ang mga kapatid upang mapag-usapan kung paano magagawan ng paraaan ang utang na naiwan ng kanilang ama.Kanina sa opisina, tinapat na niya ang lahat ng mga dating empleyado ng kaniyang ama na bankrupt na ang kanilang kumpanya at uunti-unti na niya ang pagtatanggal ng mga tauhan. Kaya naman doble-doble ngayon ang trabaho niya.Hindi siya nakatulog kagabi sa kakaisip ng solusyon. Ngunit matapos ang lahat ng pag-iisip, isang bagay lamang ang naisip niya na maaari nilang mapagkuhanan ng pera."We need to sell the house," aniya."What?!" Halos mapatayo sa upuan si Richy Lou nang marinig ang sinabi niya. Habang si Cespian ay tahimik lamang na nak
"I only require the presence of Richy Lou."Alam naman ni Richy Lane na siya ang kinakausap ng lalaki ngunit hindi man lamang siya nito tinapunan ng tingin.Mabuti na lamang at naka-sunglasses siya. Hindi nito makikita ang pag-analisa niya sa mukha nito at mas lalong maitatago niya ang pag-ikot ng kaniyang mga mata. Bakit nga ba niya nakalimutan na halos ninety percent ng mga guwapo sa mundo ay may magaspang na pag-uugali at hindi nakaligtas ang Fontana na ito sa pandemyang iyon. Napunta na yata ang lahat ng biyaya sa mukha nito, kaya naubusan ang pag-uugali nito.What a certified asshōle.Lahat ba ng mayayaman ay ganito kung umasta? O si Azazel lamang iyon? Sa pagkakaalam niya, ang tiyuhin nitong si Sylvester Campbell Fontana ang nag-alaga kay Azazel at sa nakababatang kapatid nito na si Margaux, magmula nang maulila ang dalawa. Maaga kasing namatay ang mga magulang ng mga ito; ang ama nito, sa sakit sa dugo, at ang ina nito, sa aksidente habang nakasakay sa eroplano. Dahil sa pag-aa
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Richy Lou bago nagsalita. Ngayong araw, isang mabigat na desisyon ang kailangan nilang pag-usapang magkakapatid.Kasalukuyan silang nasa kusina. Halos kauuwi lamang nila pare-pareho. Galing si Cespian sa unibersidad nito, si Richy Lou mula sa photoshoot nito, at siya, mula sa opisina. Tinawag niya ang mga kapatid upang mapag-usapan kung paano magagawan ng paraaan ang utang na naiwan ng kanilang ama.Kanina sa opisina, tinapat na niya ang lahat ng mga dating empleyado ng kaniyang ama na bankrupt na ang kanilang kumpanya at uunti-unti na niya ang pagtatanggal ng mga tauhan. Kaya naman doble-doble ngayon ang trabaho niya.Hindi siya nakatulog kagabi sa kakaisip ng solusyon. Ngunit matapos ang lahat ng pag-iisip, isang bagay lamang ang naisip niya na maaari nilang mapagkuhanan ng pera."We need to sell the house," aniya."What?!" Halos mapatayo sa upuan si Richy Lou nang marinig ang sinabi niya. Habang si Cespian ay tahimik lamang na nak
"What?!"Namimilog ang mga mata ng magkapatid na Richy Lane at Richy Lou nang marinig ang sinabi ng kanilang family lawyer. Pareho silang tila saglit na nabingi dahil sa katotohanang kanilang nalaman.Wala na silang mamanahin.Isang ang mga Dizon sa pinakamayayamang pamilya sa bansa, at least sa kaalaman nilang dalawa. Kaya hindi nila lubos maintindihan ang krisis na kinahaharap nila ngayon.Hindi lamang iyon, iniwanan pa sila ng kamamatay lamang nilang ama ng isandamakmak na utang, at talagang sa mga Fontana pa; ang pamilyang matagal nang kaaway ng kanilang pamilya! At ang natitira sanang pera na naiwan ng kanilang ama ay naipambayad na nila sa burol nito, at sa ilan pang utay-utay nitong utang sa iba pang negosyante."How could Dad do this to us? How could he let us be indebted to Fontanas?" Hindi makapaniwalang sabi ni Richy Lou habang nakatingin sa napakaraming bills at mga dokumentong nakalatag sa malaking mesa. How would they be able to pay this huge amount?"This is ridiculous.
"Let me go, Azazel!"Pilit na ipiniksi ni Richy Lane ang kaniyang braso ngunit walang makakapantay sa lakas ng binata. Mahigpit ang hawak nito sa braso niya at pakiramdam niya, anumang sandali ay kayang-kaya iyong baliin ng binata.Halos makaladkad siya sa ginagawa nitong paghatak sa kaniya. Kulang na lamang ay madapa siya sa sarili niyang mga paa.Today is this guy's wedding. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit kinakaladkad siya nito ngayon, imbes na nire-recite ang vow nito sa simbahan."Ano ba! Bitawan mo sabi ako—""Shut up, Richy Lane!" Galit na wika nito. Napapitlag siya sa lakas ng boses nito. Kitang-kita niya ang galit sa mukha ng binata at halos manuot sa balat niya ang lamig ng mga mata nito. Maging ang panga nito ay nanggigigil."You do not want to test my patience right now."Halos malunok niya ang sariling laway dahil sa takot.Natameme na lamang siya, at nang muli siya nitong hatakin ay wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang dito. More like, magpaka