"Alam ko at hindi ko nakakalimutan yan," nakangiti niyang turan.Umangat ang sulok ng labi nito bago napailing at ipinagpatuloy ang pagkain.Pagkatapos nilang kumain, niyaya na siya ni Hawk na lumabas. Saka lang niya napagtanto na gabi na pala. Napatingala siya sa maaliwalas na kalangitan. Maraming bituin sa itaas. Kaygandang pagmasdan ng langit dahilan para mapangiti siya."You like the stars?" Biglang tanong ni Hawk.Ibinaling niya ang kanyang tingin kay Hawk na nakatunghay sa kanya. Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Habang nakatitig siya dito, unti-unti niyang narealize na walang kaibahan si Hawk kay Rain. Iba man ang paraan ng pananamit nito pati na ang trato nito sa kanya, hindi maipagkakailang si Rain parin ang kaharap niya at iisa lang sila."Natutuwa lang ako dahil maganda ang panahon," sagot niya.Napatango-tango naman ito. "Yeah, right. Tonight is good for a joyride.""Joyride?" Kunot noo niyang tanong."Yup. You don't know what joyride means?"Napakurap-kurap siya bago
"H—hawk..." Tila hindi makapaniwalang sambit ni Julie.Napatitig siya kay Hawk na ngayon ay sinlamig ng yelo ang mga matang nakatitig kay Julie. Marahan nitong binitawan ang kamay ng babae bago ibinaling ang mga mata sa kanya."Umakyat ka na at hintayin mo ako sa loob."Napakurap-kurap siya at wala sa sariling napatango. Sumulyap pa siya kay Julie na ngayon ay halo-halo ang emosyong namamayani sa ekspresyon ng dalaga. Wala na siyang nagawa pa kundi ang umakyat nalang sa hagdanan at iniwan ang dalawa sa salas.Panay pa ang lingon niya sa mga ito na wala pa namang ibang ginagawa kundi ang magsukatan ng titig. Ayaw niya sanang iwanan ang dalawa dahil baka maulit na naman ang nasaksihan niya noong nakaraan pero masyadong nakakatakot ang awra ni Hawk para suwayin. Pinili nalang niyang magpatuloy sa pag-akyat papunta sa silid na ginagamit niya noong nakaraan. Tanging pinanghahawakan nalang niya ay ang sinabi ni Hawk sa kanya na gusto siya nito. Sana lang walang mangyari sa pagitan nila."Wh
Mabilis na tumigil sa pag-iyak si Nahara at pinukol si Hawk ng isang masamang titig. "Namumuro ka na. Ninakawan mo na ako ng halik kanina tapos may plano ka na naman ngayon," nakasimangot niyang reklamo.Malutong itong natawa. Mataman naman siyang napatitig sa lalaki. Ngayon niya lang ito narinig na tumawa na walang halong pang-iinis o panunukso. Yung bang tawang literal na masaya lang."You're so fúnny," natatawa parin nitong wika.Ilang saglit pa'y natigilan ito nang makita ang reaksyon niya at tinaasan siya ng kilay. "Why are you staring at me like that, crybaby?"Napanguso siya bago umiling at muling pinahid ang kanyang luha gamit ang likuran ng kanyang kamay subalit pinigilan siya ni Hawk kasabay ng paglabas nito ng isang panyo at ipinahid iyon sa kanyang pisngi. Ayos na sana pero ilang saglit lang ay mariin nitong pinisil ang kanyang ilong hanggang sa hindi na siya makahinga."Papatayin mo ba ako?" Nakasimagot niyang turan nang bitawan nito ang kanyang ilong."What are you talki
Dahan-dahan siyang pumihit paharap kay Hawk. Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya pero naroon parin ang mapang-akit na ngiti sa labi nito. Pinakatitigan niyang maigi ang mga mata ng lalaki para siguruhin na hindi siya nito niloloko."Ano naman ang gusto mong gawin ko sayo?" Mahina niyang tanong."I told you to treat me like a boyfriend. Gawin mo sakin ang ginagawa mo kay Rain," nakangisi nitong sambit.Napasimangot siya. Kahit saang banda niya tingnan, pagtataksil parin kay Rain ang gagawin niya kapag pinagbigyan niya ito. Hindi niya yata kaya na gawin kay Hawk yung ginagawa nila ni Rain."Ibig mong sabihin lahat lahat ng ginagawa namin ni Rain ay gagawin din natin?" Nakanguso niyang tanong."Yup!" Masigla nitong tugon."As in lahat talaga?" Ulit pa niya."I told you I want everything. Even the slightest thing you do with him, do it with me too. Kapag nagustuhan ko at napasaya mo ako, I'll give the thing that you wanted the most—Rain..."Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita
Buong oras niya ang ginugol niya sa kusina. Napansin niyang hindi parin naman bumababa si Hawk kaya kumportable siyang kumilos."Para kanino ba iyang niluluto mo, hija?" Usisa ni Manang Petra nang maabutan siya nito sa kusina habang naghihiwa ng karne para sa lulutuin niyang bicol express."Kay Hawk po," mahina niyang tugon. "Susubukan ko siyang lutuan at baka magustuhan niya.""Aba, mukhang magkakasundo na kayong dalawa ah," natutuwa nitong wika.Marahan naman siyang umiling. "Hindi pa po masyado."Ngumiti si Manang Petra sa sinabi niya. "Mabuti nga iyang magkasundo kayo para hindi ka na niya apihin pa. Isa pa, gaya ni Rain, kulang din sa pagmamahal at pansin iyang si Hawk kaya ganyan kasalbahe," kwento ni Manang Petra."Ni minsan po ba hindi naging mabait si Hawk sa kahit kanino?" Curious niyang tanong.Tipid na ngumiti si Manang Petra bago umiling. "Hindi ko pa siya nakikitang naging mabait. Ngayon palang sayo."Bahagya siyang nakaramdam ng tuwa sa narinig. "Talaga po?""Oo naman.
Tuluyan ng dumilim ang paligid pero may liwanag parin naman mula sa lampost ng garden at repleksyon ng ilaw sa mismong mansion. Tulog parin si Rain sa balikat niya habang patuloy niyang kinakain ang ice cream na bigay ni Hawk hanggang sa maubos niya iyon.Ilang saglit pa'y naramdaman niya ang marahan nitong paggalaw at unti-unting umalis sa balikat niya. Nilingon niya ang lalaki at hinintay na mapansin siya nito. Inilinga nito ang tingin sa paligid bago dumako ang mga mata sa kanya. Those familiar eyes. Kilala niya ang may-ari nun."R—rain..." Mahina niyang bigkas.Napakurap-kurap ito bago siya niyakap ng mahigpit. Nabitawan pa nga niya ang lalagyan ng ice cream. Sandali lang siyang natigilan subalit maya-maya lang ay gumapang na sa buong sistema niya ang pamilyar na init hanggang sa umabot iyon sa puso niya. Halos tumalon sa galak ang dibdib niya kasabay ng ilang butil ng luhang kumawala sa kanyang mga mata.Finally.Gising na si Rain."I'm sorry for sleeping for too long..." Masuyo
Nagising si Nahara na magaan ang kanyang pakiramdam. Agad niyang kinapa ang kanyang tabi subalit wala doon si Rain dahilan para magmulat siya ng mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Malinawag na sa labas pero mukhang uulan ngayong umaga kaya makulimlim ang ulap. Napatitig siya sa suot niyang damit. Long sleeve iyon ni Rain.Bumangon na siya sa kama at napagpasyahan niyang lumabas na para hanapin si Rain. Eksaktong nasa tapat siya ng pinto nang makarinig siya ng mahinang tugtog ng isang piano. Inilinga niya ang tingin sa paligid para hanapin ang pinanggalingan ng tugtog. Tumapat siya sa barandilya ng second floor kung saan natatanaw niya sa ibaba si Rain habang tumutugtog ito ng isang hindi pamilyar na musika.Napangiti siya habang pinagmamasdan ang lalaki na tumutugtog. Hindi niya alam na marunong pala itong magpiano. Seryosong-seryoso pa ito habang tumitipa ang mahahaba nitong daliri. Kailan kaya niya makilala ang binata ng lubusan. Lagi nalang kasi silang nauunsyami dahil big
Malakas ang kabog ng dibdib ni Rain habang bumabyahe sila papunta sa mansion ng kanyang Lolo Maximo. Ayaw niya sanang umalis sa tabi ni Nahara pero alam niyang hindi maganda kung isasama niya ito. He had just come back for fúcksake! Tapos ito pa ang bubungad sa kanya. Ni hindi pa nga niya nasusulit ang oras kasama ang girlfriend niya. He just wants to date Nahara and live his life peacefully and happily kahit sandali lang but it seems like fate has some issues with him dahil lagi nalang siyang naiistorbo."Any news about them?" Untag niya kay Calder na nasa kanyang tabi at abala sa hawak nitong tablet."Some of your grandfather's men were killed. It was said to be a faulty wiring that caused the explosion of the firearms and grenades underground," tugon nito.Pagak siyang natawa. Faulty wiring my foot!"How about the old hag? Any news about him?"Huminga ng malalim si Calder bago umiling. "None, Sire...""How about his right hand then? Is he dead or alive?""No news about him either.
Pakiramdam niya bumagal ang pag-inog ng mundo habang papalapit ng papalapit si Manang Petra sa gawi niya. Titig na titig siya sa batang karga nito habang hindi na niya napigilan pa ang mga luha niya sa pagpatak. Tila nalulunod siya sa labis na kasiyahang nararamdaman niya."He's your son, Nahara. Your Hurricane," madamdamin na sambit ng Ate Phoebe niya.Dahan-dahang inabot ni Manang Petra si Hurricane sa kanya. Tinanggap naman niya ang bata sa nanginginig niyang mga kamay. Maingat na maingat siya na para bang parang babasaging kristal ang anak niya. Mataman itong nakatitig sa kanya na para bang pinag-aaralan nito ang kanyang mukha. Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya na yakapin ito ng mahigpit."Anak ko… Ang gwapo ng anak ko," Mahina niyang sambit.Hindi siya lubos makapaniwala na nahawakan na niya ang anak niyang matagal ng nawalay sa kanya. Akala niya ay hindi na darating ang araw na ito. Akala niya hindi na niya ito makikita pang muli pero narito na ito sa harapan niya ngayo
"Kumain ka ng marami. Kailangan mong magkalaman," ani Malia at tinambakan ng maraming gulay at kanin ang kanyang pinggan.Mabilis naman itong pinigilan ng Ate Phoebe niya. "Stop that, Ate. Baka mabigla ang sikmura at maimpatso ang kapatid natin," nag-aalala nitong turan at inilipat ang ibang gulay sa pinggan ng Ate Malia niya."Bakit sakin mo nilagay. Nagdidiet ako—""Ba't ka naman magdidiet eh hindi ka na naman nagmomodel pa. Sakto lang naman yang katawan mo," nakangusong sambit ni Phoebe."Hey, I still need to maintain my figure para kung may panibagong Avery na darating ay may panlaban ako."Agad naman itong iningusan ni Phoebe. "As if naman papatol ang asawa mo sa iba. Kung di lang nagka-amnesia yun, malamang sa malamang, di yun papatol kay Avery.""Kahit na," pairap na tugon ni Malia.Tahimik naman siyang kumakain habang nakikinig sa dalawa. Sobrang ganda na ni Malia pero may mga kaisipan parin itong ganun, paano nalang kaya siya?"After nating kumain, kailangan mong malinisan Na
"S—son?" Pag-uulit niya kasabay ng pamalisbis masagana niyang mga luha.Buhay ang anak niya! At tinupad ni Xavier ang kahilingan niya na Hurricane ang ipangalan sa anak niya—anak nilang dalawa ni Rain! Walang pasidhan ng tuwa sa puso niya sa nalaman niya ngayon. Akala niya ay puro unos nalang ang mangyayari sa kanya. Hindi pala. May ginhawa din pala.Masuyo namang ngumiti si Raven sa kanya. "Yes. Maraming naghihintay sayo Nahara at maraming tao ang gusto na gumaling ka so don't lose hope and stop thinking about death. Don't make the people who's here for you shed tears dahil hindi ka masaya na nakabalik ka na. Don't think you're a burden. You are loved Nahara," seryoso nitong wika na mas lalo lang na nagpaiyak sa kanya.Hindi niya aakalain na marami palang naghihintay sa kanya. Napadako ang kanyang tingin sa dalawang babae na nasa sulok ng silid. Ngayon ay nakaramdam siya ng hiya sa sinabi niya kanina. Bakit nga ba bigla niyang naisip ang bagay na iyon?"I'm sorry," mahina niyang samb
He stared at Marcello's lifeless body before shifting his eyes towards his heart that was on his palm. Ang tagal niyang pinangarap na mangyari ang bagay na ito and now it's finally over. He ended Marcello's life. He won in the end. Hindi na siya magdudusa pa sa mga laro nito at mas lalong hindi na magdudusa pa ang babaeng mahal niya dahil sa kagagawan ng sarili nitong ama.He drop Marcello's heart on the floor before standing up. Kahit na nahihirapan na siyang maglakad dahil sa marami ng dugo ang nawala sa kanya, he still managed to reach the door before the ceiling of the underground where Marcello was lying finally collapsed.Sinubukan niyang buksan ang pinto pero nakasara na ito. Napatingin siya sa hawak niyang baril. The alarm system was already ringing. Napatingin siya sa dingding, two minute left before the whole room will explode.Ikinasa niya ang kanyang baril at pinatamaan ng maraming beses ang lock ng pinto. Luckily it wasn't bulletproof kaya't nagawa niyang makalabas sa und
Agad siyang bumaba ng hagdanan at sinundan ang pintuan na pinasukan ni Marcello. Nang sinubukan niyang itulak ang pintuan ay napagtanto niyang sarado iyon. Itinutok niya sa doorknob ang kanyang baril at walang pag-aalinlangan iyong binaril. He immediately opened the door and went to the last shelf from the right. He moved the two thick black books as the shelf opened his way to the underground.Ah, Marcello didn't really changed everything and this is his advantage. Maingat siyang bumaba ng hagdanan hanggang sa makarating siya sa isang napakalawak na silid. Akmang lalabas na siya nang bigla nalang siyang barilin ng kung sino mula sa loob. Mabuti nalang at agad siyang nakapagtago sa isa sa mga pillars ng underground.Pinakinggan niyang maigi ang hakbang ng bumaril sa kanya. Nang marinig niyang papalapit na ito ay agad siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan. Dahil nagulat ito sa kanyang ginawa ay mabilis niyang nabawi ang hawak nitong armas at agad itong binaril sa noo. Isang malakas
Sarkastikong natawa si Pierre. "And what made you think that I will help you with that? I don't want to work with you, Velasquez, so get lost..."Tamad siyang napalingon kay Pierre bago nagsalita. "I will be using it for Marcello. Did you forget? Xavier died by his hands. Hahayaan mo nalang ba siyang makawala pagkatapos niyang patayin ang kasama mo? Create a clone for me and I will kill him for you."Sandali itong natigilan pero maya-maya lang ay muli itong tumawa bago siya binitawan. Naglakad si Pierre palapit sa maliit na pigura sa harapan nila at marahan iyong hinaplos. "You've been searching for him all your life. Nagtagumpay ka ba? Paano ka nakakasigurong mapapatay mo siya ngayon? Kung kaya mo ay dapat noon pa, Velasquez but you always fail. Ni hindi mo nga mahagilap kahit na anino niya," tila nakakaloko nitong ani.Mariin siyang napapikit. Kung wala palang siyang kailangan sa lalaking 'to ay matagal na niya itong binaril. Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Nakakairita! "
Marahas siyang nag-angat ng tingin sa demonyong nasa harapan niya. "Ang pinag-usapan natin, ibibigay mo sakin si Nahara kapalit ng anak ko!" May diin niyang bigkas.Umani siya ng isang nakakalokong tawa mula kay Marcello. "And do you really expect me to be truth to my words? Ngayong nandito ka na, sa tingin mo ba palalabasin pa kita? I thought you are smarter than what I am expecting you to be but I'm a bit disappointed, Rain," naiiling nitong bigkas."You cowardly rascal!" He hissed.And as he had already expected, tama siya sa hinala niya. Mukhang hindi talaga magiging madali para sa kanila ang makalabas sa lugar na iyon."Tsk. Look at how love turned you into a stupid person. It's making you weak. It's making you blind. You send yourself towards your grave, pwes pagbibigyan kita. You will die by my hands tonight," nakangisi nitong turan.Pagkasabi ni Marcello sa mga katagang iyon ay kusang nagsilabasan ang mga tauhan nito mula sa kung saan. They were all full armed while pointing t
Sumapit ang araw ng kanyang pag-alis. He rode on a normal plane with his son on his baby carrier. Napakapagtatakang tahimik ito ng mga oras na iyon. He calmed himself as he waited for the plane to land in the airport of Spain. Habang lulan siya ng eroplano ay napapansin niya ang titig ng ilang kababaihan sa kanya at sa anak niya. Some eyes were flirty while some were curious but a certain woman had caught his attention. He was staring at him secretly. And if he's not mistaken, alam niyang pakawala ito ni Marcello."Do you want me to deal with him?" Dinig niyang sambit ni Hawk.The idiot was co-existing with him as of the moment dahil wala itong tiwala sa kanya. Marahan siyang umiling at patay malisyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon."No need. I will handle her myself," pabulong niyang sambit.Hindi namana nangulit pa si Hawk pero alam niyang gising parin ito at nagmamatyag din sa paligid nila. Ilang sandali pa'y tumayo siya mula sa kanyang upuan at nagpunta sa restroom. In h
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang telepono kasabay ng marahas niyang paglingon sa gawi ng anak niya. Fear grew inside him as he was staring at his son sleeping peacefully while hugging a hello kitty teddy bear."What do you want, Marcello?" Malamig niyang tanong.Mahina itong natawa sa nakakalokong tono. "Woah. Isn't it the other way around? As far as I remember, you're the one who wants something from me. Something so precious to you. Hindi ba, Rain?"He could already imagined the happiness that Marcello felt right now. Alam niyang alam nito kung ano ang nararamdaman niya. At mas nadagdagan pa ang alas nito laban sa kanya."Saan mo dinala si Nahara?" Pigil hininga niyang tanong.Sobrang lakas na ng kabog sa kanyang dibdib habang hinihintay ang sagot nito. Marcello wouldn't call him if he's not preparing any surprise for him. A surprise that will surely ruin his life."Hmm, she's with me... Still breathing and waiting for his man to rescue her," anito sa mapaglarong boses.Pag