Sino kaya sa mga kapatid ni Ace ang traidor?
BLYTHE JULIANNA…Nagising siya sa hindi pamilyar na paligid. Puti lahat ang paligid mula sa kisame hanggang sa pader na ikinasalubong ng kaniyang kilay.“Hmmmm! Nasaan ako?” tanong niya sa sarili. Akmang ibubuka niya ang kaniyang bibig para magsalita ngunit hindi niya magawa at doon niya lang napansin na may tubo pala na nakalagay sa kaniyang bibig.“Fvck! What happened?” lihim na tanong niya sa kaniyang sarili at pilit na inaalala ang lahat. At para namang tubig sa talon na isa-isang dumaloy sa kaniyang isip ang lahat. Sinalakay siya ng sakit sa dibdib ng maalala ang lahat na hindi niya napigilan ang paglandas ng luha sa kaniyang pisngi.Ang huling naalala niya ay noong binaril siya ni Raffish at biglang dumating ang isa sa kaniyang mga kapatid. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao at nagtagis ang kaniyang bagang habang hilam sa luha ang kaniyang mga mata.Ang lahat ng natuklasan niya ay masakit pa sa tama ng bala na bumaon sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung gaano na siya kataga
BLYTHE JULIANNA…“Narinig mo yon anak? Aalisin na ang tubo sa bibig mo. Makakapag-usap na tayo anak. Maririnig ko na ang boses mo anak. Tatlong taon din, Ace, tatlong taon ding hindi ko narinig ang boses mo,” masayang sabi ng in ana ikinatulos niya.“Three years?” lihim na sabi niya sa sarili.“Ace,” nataohan lang siya ulit ng marinig ang pagtawag sa kaniya ng ina. Nag-angat siya ng tingin para makita ang mukha nito at naabutan niya ang pag-alala sa mga mata ng kaniyang nanay habang nakatunghay sa kaniya.“N-Nay… T-Totoo ba? Totoo ba na tatlong taon na akong walang malay?” parang may bikig sa lalamunan na tanong niya sa ina ngunit hindi niya ito naisaboses dahil sa tubo sa kaniyang bibig kaya ginawa niya ang pagtatanong sa pamamagitan ng sign language na agad namang naintindihan ng kaniyang nanay.Namasa ang gilid ng mga mat anito habang tumatango ang ulo para kumpirmahin ang kaniyang tanong. Nang makita ang pagkumpirma sa mukha ng ina ay hindi niya napigilan ang maluha dahil sa pagkaa
BLYTHE JULIANNA…“Who is Leon?” tanong niya rito na ikinatulos ni Pickles sa kinatatayuan habang unti-unti na namumutla ang buong mukha.“Pickles!” tawag niya sa pangalan ng kaibigan ng hindi ito sumagot. Nilingon nito ang kaniyang nanay at nagkatinginan ang dalawa na parang nag-uusap gamit ang mga mata.“May itinatago ba kayo sa akin?” inis na tanong niya sa dalawang babae ng mapansin na parang may inililihim ang mga ito.“Itinatago? Meron! Pero hindi naman naming itatago sayo, Ace. Nagkataon lang talaga na tulog ka ng ilang taon kaya hind imo alam na nanganak na ang alaga mo at Leon ang ipinangalan namin sa kaniya. Hindi ba ninang Trina?” sagot ni Pickles sa kaniyang tanong. Hindi muna siya nakahuma ng ilang segundo at pilit na pinag-aaralan ang mukha ni Pickles.At nang makumbinsi siya nito na nagsasabi ito ng totoo ay hindi na siya nagtanong pa ng tungkol sa pangalan na Leon. Nag-usap sila ng kaibigan at nagkamustahan ngunit napapansin niya na hindi binabanggit ni Pickles ang tungk
BLYTHE JULIANNA…“Ace, calm down! Everything is fine at sasabihin ko sayo ang lahat ng gusto mong malaman tungkol sa lahat-lahat ng araw na iyon.”Mahabang oras ang ginugol ng kuya Uno niya para isiwalat ang lahat. At habang nakikinig siya ay hindi niya mapigilan ang manginig ang katawan. Hanggang sa matapos ang lahat ay nakatulala lang siya na nakatingin sa kapatid.Hindi niya lubos-maisip na magagawa ng kapatid niya ang lahat ng iyon. At doon niya napatunayan kung paano siya mahalin ng kaniyang buong pamilya.Lumipas ang mga araw at malakas na ang kaniyang katawan. At sinabi rin ng kaniyang ninang Gwen na pwede na siyang lumabas ng hospital at sa bahay na lang nila magpapahinga na agad niya namang sinang-ayonan dahil kahit siya ay gusto na ring umuwi sa bahay nila.Sawa na siya na nakaratay sa hospital at kailangan niya ng fresh air para mas bumalik pa ang kaniyang lakas at ang kaniyang pangangatawan dati. Inaamin niya na Malaki ang ipinagbago ng kaniyang katawan.Pumayat siya ng h
BLYTHE JULIANNA…Wala siyang nakuhang sagot mula sa kaniyang mga bisita hanggang sa umuwi ang mga ito. Nagugulohan siya sa mga tanong sa kaniyang isip ngunit ipinagsawalang bahala niya na muna ang lahat.Ilang buwan ang nakalipas at tuloyan na siyang bumalik sa dati. Maayos na rin ang kaniyang pakiramdam at nagagawa niya na ang kaniyang mga dating ginagawa. Hindi nga lang ganon ka extreme katulad ng mga exercise na ginagawa niya.Dahil sa disiplina at determinasyon ay mabilis na bumalik sa dati ang hubog ng kaniyang katawan. Sino ang mag-aakala na dumaan siya sa tatlong taon na pagka comatose? Hindi kita sa kaniyang katawan at hitsura ngayon ang naratay sa hospital ng ilang taon. Ginawa niya ang lahat para maibalik sa dati ang buhay niya. She can't move forward kung patuloy pa rin siyang mamuhay sa nakaraan.Gusto niya ng kalimutan at alisin sa kaniyang isip ang lahat ng masaklap at masasakit na pangyayari sa kaniyang buhay lalo na ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Luke. Magpaha
BLYTHE JULIANNA…Pagkatapos ng trabaho niya ay sumama siya sa mga kaibigan patungo sa bahay ni Yin. Marie and Yin love their country na umabot pa ang mga ito sa pagbili ng property sa bansa at pinili na manirahan sa bansa nila kaysa bumalik sa mga sariling bansa ng mga ito.May parehong dugo ng Pilipino ang dalawa at nangingibabaw ang dugo na iyon sa katawan ng dalawa dahil agad na minahal ng mga ito ang kultura ng kanilang bansa. Ayon sa mga kaibigan ay tatlong taon na rin na naninirahan sa Pilipinas ang dalawa.Simula ng magising siya ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapunta siya sa bahay ng kanilang mga bagong kaibigan. Sa Baguio nakatira ang mga ito kung saan ay gusting-gusto ng dalawa ang klima sa Baguio. Sanay kasi ang mga ito sa malamig na panahon at angkop sa dalawa ang klima sa Baguio.Halos limang oras din ang kanilang ginugol sa byahe bago nila narating ang Highland Subdivision kung saan nakatira ang dalawa.“Damn! Ang layo naman ng bahay ng dalawang ito,” reklamo
BLYTHE JULIANNA…Umuwi siyang mag-isa sa syudad. Nagpasundo siya sa isang taohan ng kaniyang ama. Dumiretso siya sa bahay ng kaniyang mga magulang at naabutan ang kaniyang kapatid na si Uno na kausap ng kanilang mga magulang. Natigil ang mga ito sap ag-uusap ng makita siya.“Ace. Mabuti naman at nandito ka na. May mahalaga tayong pag-uusapan,” ang kaniyang kuya ang unang nagsalita. Mahina siyang natawa ngunit tunog pang-uuyam iyon na ikinasalubong ng mga kilay ng kanilang panganay.“Really kuya? Ako nga din ay may mahalagang sasabihin sa inyo eh. Ay, hindi pala mahalagang sasabihin kundi mahalagang sumbatan. Why? Why kuya, nay, tay? Bakit?” puno ng pait na tanong niya sa mga ito. Kalmado lang ang mga ito at hindi niya nakitaan ng gulat sa mga mukha na mas lalong ikinabugso ng kaniyang galit. Lahat ng mga mahal niya sa buhay ay niloko siya.“Alam mo na?” kalmado ang boses na tanong ng kaniyang kuya Uno.“Kita mo ‘to. Kailangan ko pa palang malaman sa iba na buhay si Muller na kung tutuu
BLYTHE JULIANNA…Kahit ng makarating siya sa mansion ng kaniyang lolo Drake at lola Eliana ay hindi mawala-wala sa kaniyang isip ang babae na nakita na may tulak-tulak na stroller sa mismong bungad ng rancho ni Luke.“Senyorita, kapag may kailangan kayo ay nandito lang ako sa baba ha. Tawagin mo lang ako,” nagbalik lang siya sa kaniyang sarili ng magsalita ang bagong care taker ng kanilang rancho. Dati na rin nila itong taohan sa Pilipinas at ngayon ay dito na ito sa Arizona naka-assign para may mag-aalaga sa rancho ng kaniyang lolo Drake na maaasahan.Napag-alaman niya na kasama din nito ang asawa at mga anak na pawang may mga pamilya na rin. Buong pamilya nito ang nag migrate sa Arizona para may bantay ang rancho ng kaniyang abuela at abuelo.“Maraming salamat nanay Jossie. Huwag na po kayong mag-alala sa akin at ayos lang ako dito. Bababa na lang ako mamaya kapag nagutom ako,” pasasalamat niya sa ginang. Nginitian siya nito bago iniwan sa kaniyang silid. Inabesohan niya din ito na
BLYTHE JULIANNA…Pangatlong linggo niya na sa bahay ni Luke at wala naman siyang naging problema. Malaki din ang ipinagbago ni Leon sa loob ng tatlong linggo na siya ang nag-aalaga dito. Nagkaroon na ng laman ang pisngi ng kaniyang anak at madalas na rin itong ngumingiti. Ayon sa mga kasama ni Luke sa bahay ay ibang-iba na si Leon ngayon kaysa noong hindi pa siya kasama nito.Tunay nga ang kasabihan na iba talaga kapag ang ina ang kasama ng anak. Naisip niya na sana kung noon pa sila magkasama ni Leon ay baka hindi na aabot sa ganito ang sitwasyon ng kaniyang anak.Sa loob ng tatlong linggo ay wala siyang narinig mula kay Luke. Hindi ito nagparamdam sa kaniya at kahit tawag ay wala siyang natanggap mula sa lalaki. May kaunting pag-alala siya na nararamdaman ngunit ng maalala kung paano ito naka survive kay kamatayan noon ay nawawala ang pag-alala niya rito.Kilala niya si Luke at alam niya na hindi ito ordinaryong tao lamang. Matalino ito at higit sa lahat ay kayang-kaya nitong magpa
BLYTHE JULIANNA…Napalunok siya ng laway dahil pakiramdam niya ay nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Inipon niya ang natirang lakas at habang may katinuan pa siya at itinulak si Luke. At dahil hindi iyon inaasahan ng binate ay wala na itong nagawa ng itulak niya ito palayo.“May misyon ako noong nakaraang araw. Iyon ang araw na dinala niyo si Leon sa hospital. At dahil tumawag si Lea at alam ko na tungkol kay Leon ang itinawag nito ay hindi na ako nag-isip pa na mapahamak. Sinagot ko ang tawag at tamang-tama naman na may kalaban kaya natamaan ako sa tiyan,” mahabang salaysay ng lalaki sa kaniya.Nakaramdam siya ng pang-uusig ng konsensya ng marinig ang sinabi nito. Siya ang nag-utos kay Lea na tawagan ito kaya siya ang dahilan kung bakit ito nabaril.“Misyon? Hindi ba at head ka na? Bakit nasa misyon ka pa?” nakataas ang kilay na tanong niya rito para pagtakpan ang guilt na nararamdaman. Nagbuga ito ng hangin at napatingin sa kawalan.“Ganon talaga ang buhay, Ace. Hindi porke’t mataas n
BLYTHE JULIANNA…“Damn! That’s enough, Julianna!” parang nahihirapan ang boses na utos sa kaniya ni Luke. Dali-dali niyang tinapos habang nanginginig ang mga kamay na tinakpan ng malinis at bagong gasa ang sugat ng lalaki.Hindi niya kasi naiwasan na masanggi ng kaniyang kamay ang bukol sa gitna ng mga hita ni Luke na agad na ikinamura ng huli. Dahil na rin siguro sa halo-halong nararamdaman ay hindi niya na namalayan kung saan sumanggi ang kaniyang kamay at nataon pa talaga na sa bukol ng lalaki.“I’m sorry!” nahihiya na paghingi niya ng paumanhin dito. Hindi ito sumagot ngunit nakita niya ang paglambot ng mukha ng lalaki ng tumingin sa kaniya. Pagkatapos malinis ang sugat ni Luke ay pumasok siya sa banyo at nag-lock ng pinto. Isinandig niya ang kaniyang likod sa malamig na tiles at napatingala sa kisame.“Fvck! Ano bai tong ginagawa ko? Hindi dapat ako nagpapakita ng karupokan ko sa lalaking ito dahil walang kasingsama ng ugali nito,” lihim na kastigo niya sa kaniyang sarili habang n
BLYTE JULIANNA…“Demonyo ka! Walang puso!” nangangalaiti sa galit na mura niya sa binata.“Yes, I am Ace!”Nanggigil siya sa sagot ng lalaki sa kaniya at mas lalo pang nag-init ang kaniyang ulo na hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na tawirin ang pagitan nilang dalawa at walang pag-alinlangan na sinuntok sa tiyan si Luke.“Fvck!” malutong na mura nito ng maramdaman ang sakit mula sa kaniyang kamao.“You deserve it asshole!” gigil na sabi niya sa lalaki na hawak-hawak pa rin ang tiyan na nasaktan. Tinalikuran niya din ito pagkatapos at bumalik sa kama ng kanilang anak. Hindi niya na nakita pa ang matalim na tingin sa kaniya ni Luke at kahit siguro makita niya ito ay wala pa rin naman siyang pakialam.“Damn it!” narinig niyang muli ang pagmumura nito kaya nilingon niya na ang lalaki at ganon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata ng makita na may dugo sa damit nito sa bandang tinamaan ng kaniyang kamao.Hindi na siya nag-isip pa ng kung ano-ano. Tinawid niyang muli ang pagitan
BLYTHE JULIANNA…Pagkatapos ng sagutan nilang dalawa ni Luke ay inihatid siya nito sa rancho ng kaniyang abuelo. Wala na siyang lakas para makipag-away dito kaya nagpatianod na lamang siya ng ihatid siya ng lalaki.Nanghihina siya sa kondisyon nito para makuha ang anak ngunit hindi siya susuko ng ganon-ganon na lang. Para kay Leon ay gagawin niya ang lahat para makasama ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may anak na siya. Kung paano nangyari iyon ay kailangan niyang alamin, kaya naman pagdating niya sa bahay ay agad niyang tinawagan ang kaniyang ina para alamin ang lahat.“Ace, anak?” bungad ng ina sa kaniya. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na hininga bago nagsimulang magsalita.“Nay!”“Yes anak, it’s me. Kamusta ka na diyan? Bakit ka napatawag, anak?”“Paano ako nagkaroon ng anak nay? Ano ang mga nangyari ng wala akong malay sa hospital? Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo? Bakit walang may nagsabi sa akin na nagka-anak na pala ako? Bakit niyo inili
BLYTHE JULIANNA…“Because Leon is yours, Julianna. Leon is our son!”Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng isang drum ng malamig na tubig sa kaniyang narinig. Ilang segundo siyang hindi nakahuma at natulos lamang sa kaniyang kinauupoan.Pati yata ang kaniyang utak ay namanhid ng mga oras na iyon. Alam niya sa kaniyang sarili na may kakaibang nararamdaman na siya kay Leon ngunit ang kumpirmahin ni Luke mismo ang kaniyang hinala ay kakaiba ang dating sa kaniya.Mas masahol pa ito sa tunog ng bomb ana sumabog. Nararamdaman niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan at kahit anong lunok niya ng laway ay wala siyang malunok ng mga oras na iyon.“Julianna? Are you okay? I’m sorry kung sa ganitong pagkakataon ko sinabi sayo ang lahat,” narinig niyang sabi ni Luke sa kaniya. Doon niya lang din napansin na tumigil pala ang sasakyan na sinasakyan nila at ng ilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid ay napagtanto niya na nasa masukal na bahagi sila ng daan.“Baby?” tawag ulit sa kaniya ni Luke. At d
BLYTHE JULIANNA…“Sweetheart? Are you inside? Naririnig ko ang boses mo diyan sa loob. Who are you talking, Luke?” pareho silang natigilan ng lalaki ng marinig ang boses ng babae nito na nasa labas ng silid na kinaroroonan nila.“Damn it!” malutong na mura ni Luke at naihilamos ang palad sa mukha. Pinagkrus niya ang mga braso sa kaniyang dibdib at taas ang kilay na tinapunan ng tingin si Luke.“Mukhang problemado ka sa fiancée mo Muller!” puno ng pang-uuyam na sabi niya sa lalaki.“You don’t know what you are talking, Julianna!” matigas na sagot ng lalaki sa kaniya.“Really? Well…, hindi iyan ang nakikita ko sayo Muller,” dagdag niya pa ngunit agad ding natigilan ng inilang hakbang lamang ni Luke ang pagitan nilang dalawa. Nakorner siya ng lalaki at hindi agad nakahuma ng ikulong siya ni Luke gamit ang dalawang braso nito. Halos magdikit na din ang kanilang mga mukha ni Luke dahil sa sobrang lapit nito.Naaamoy niya din ang mabangong hininga ng lalaki na kung hindi niya napigilan ang k
BLYTHE JULIANNA…“No! she didn’t kidnap my son, Inid. Nagpaalam siya sa akin ng kunin niya si Leon sa bahay, nagulat siya at napaawang ang kaniyang lab isa sinabi ni Luke. Ipinagtanggol siya nito mula sa babae at aaminin niya na hindi niya inaasahan ang bagay na iyon na gagawin ng lalaki sa kaniya.Nagsalubong ang kilay ng babae ng marinig ang sinabi ni Luke. Kita sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa lalaki. Lihim na tumaas ang kaniyang kilay dahil hindi niya alam kung ano ang trio ni Luke sa buhay ng sabihin iyon sa babae.“What? Ipinaglatiwala mo sa kaniya ang anak natin? Bakit, Luke? Sino ba siya? Huh?” bulalas ng babae sa lalaki. Lihim siyang nagulat ng marinig ang sinabi nito na anak nito si Leon. Parang may kung anon a bumara sa kaniyang lalamunan ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay parang may matalim na bagay na tumarak sa kaniyang puso sa narinig.No! Ayaw niyang tanggapin na ang babae ang in ani Leon. Hindi niya matanggap! Lihim niyang naikuyom ang k
BLYTHE JULIANNA…Napag-alaman niya na may karamdaman si Leon at iyon ay ang mahina ang puso nito. May mga pagkakataon daw talaga na dumarating sa bata na bigla na lamang ito nangingisay at nagkulay-ube ang labi.Ayon din sa tumingin dito na doctor ay kailangan ng heart transplant ni Leon ngunit dahil sae dad nito ay ayaw pa ng ama dahil isang malaking risk para sa bata. Masyado pang mahina ang katawan ni Leon para sa transplant at baka hindi kakayanin ng katawan ng bata.Inilipat ito sa isang pribadong silid at siya mismo ang nagbabantay kay Leon. Naaawa siya sa sinapit at mga pinagdadadaan nito. Masyado pa itong bata para makaranas ng ganitong sakit.Umalis muna si Lea at Susan para umuwi. Inutosa niya ang dalawa na kumuha ng mga gamitb nila para may magamit siya habang nagbabantay kay Leon. Naupo siya sa tabi ng kama nito at buong ingat na ginanap ang maliit na kamay ng bata.“You are very strong, honey. Alam ko na lumalaban ka sa buhay and because of that ay napahanga mo ako. Hmmmm