Share

CHAPTER 6

Author: Iamblitzz
last update Last Updated: 2022-10-26 11:37:35

"SIGURADO ka na ba, Ms. Fernandez? Ikaw na ang mangangalaga sa pasyente?"

Tumango si Lalaine saka marahang ngumiti sa tanong na iyon ng Social Worker. "Yes po, Ma'am. Ako na po ang bahala kay Lukas."

"Binigyan mo na pala siya ng pangalan. That's good," anang Social Worker na tumango-tango pa habang nakayuko sa maliit nitong notebook at tila may isinusulat. "Maigi iyan para hindi mahirapang makisalamuha ang pasyente."

"Pangalan po iyon ng late father ko, Ma'am. Si Nanay ang nagsabing Lukas na lang ang itawag sa kan'ya," sagot naman ni Lalaine saka nilingon ang nakabukas na pinto kung saan nakikita niya si Lukas at ang kanyang Nanay Melba. May ilang metro ang layo ng mga ito sa kanila kung kaya't hindi naririnig ng mga ito ang kanilang usapan.

At katulad kanina, ang nanay pa rin niya ang panay kwento kay Lukas samantalang ito ay nanatiling walang kibo. Pero sa tingin naman ni Lalaine ay nakikinig ang lalaki sa kung ano mang sinasabi ng kanyang Nanay Melba.

Hindi na rin nagdalawang-isip pa si Lalaine na kupkupin ang lalaki sa pagkakataong ito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero tila may nagtutulak sa kan'ya na alamin pa ang tungkol sa pagkatao ng lalaki. Parang may nag-uudyok sa kanyang loob na kilalanin pa ito nang lubos.

Isa pa'y hindi rin maatim ng kanyang konsensya na basta na lang itong ipasok sa rehabilitation center. Alam niyang mahirap magkupkop ng lalaking hindi kaano-ano at may sakit pa subalit alam din naman ni Lalaine na napakahirap din ang naroon sa loob ng rehab.

"I see. Maganda nga iyon para mas maging komportable ang pasyente sa pamilya mo, Ms. Fernandez," saad pa ng Social Worker. "Dadalaw-dalawin na lang namin ang pasyente para ma-check ang kalagayan niya. Kailangan pa rin kasi niyang bumalik sa hospital for the follow-up checkup."

"Naintindihan ko po," ani Lalaine saka marahang tumango.

"Mauna na rin kami, Ms. Lalaine. Bukas ay makakauwi na kayo. Wala na ring babayaran ang pasyente dahil ang SWA na ang sumagot sa billings," anang Social Worker at saka tumayo na.

"Maraming salamat po ulit, Ma'am," nakangiting pasasalamat ni Lalaine sa babae. Ngumiti naman ito bilang sagot at saka nagpaalam na.

Nang makaalis ang kausap ay muling bumalik si Lalaine sa loob ng kwarto. At saka nagsimulang iligpit ang kanilang mga pinagkainan. Isa-isa niyang inilagay ang mga plastik na baunan sa maliit na bag na dala ng kanyang nanay.

"Anak, ano ang sabi mg social worker? Sila na ba ang mag-aalaga kay Lukas?" tanong ng kanyang ina. Tumigil saglit si Lalaine sa ginagawa saka hinarap ang ina. Si Lukas ay nakatingin din sa kan'ya na para bang naghihintay ng sasabihin niya. At katulad ng dati, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito habang nakatingin sa kan'ya. Blangko kasi ang reaksyon nito ng mga sandaling iyon.

"Ang sabi ni Doc Macaraig at ng Social Worker pwede na raw tayong umuwi bukas, Nay. Wala na rin po tayong babayaran dahil sagot na po ng SWA ang billings natin," paliwanag ni Lalaine matapos ay kay Lukas naman bumaling. "Pumayag ang Social Worker na kami muna ang pansamantalang kukupkop sa'yo habang nagpapagaling ka. Pero pupuntahan ka pa rin nila para i-check kung may progress ang pagpapagaling mo," mahabang saad ni Lalaine sa lalaki.

Kitang-kita ni Lalaine kung paanong kumibot ang labi ni Lukas na tila may sasabihin. Kumunot rin ang noo nito, at sa unang pagkakataon ay bumalatay sa mukha ang pagtatanong. Ayaw kaya niyang tumira sa amin? piping tanong ni Lalaine habang nakatingin sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksyon ni Lukas. Dapat pa nga ay maging masaya ito dahil hindi ito sa rehabilitation magtutuloy.

"Naku! Ganoon ba, anak?" nasisiyahang bulalas ng kanyang nanay. "Kailangan ko nang umuwi para maayos ang kwarto namin ni Tatay Lukas mo, Lalaine. Iyon ang magiging kwarto mo, Lukas," saad pa ng Nanay Melba niya na sa lalaki nakatingin. Tumayo na ang kanyang nanay saka isa-isang dinampot ang mga dalang bag. Matatapos na rin kasi ang oras ng pagbisita kaya eksakto ang uwi nito.

"Wag po kayong magpapagod, Nay. Magpatulong na lang po kayo kay Lawrence ha?" bilin pa ni Lalaine sa kanyang nanay. Hindi niya alam kung bakit tuwang-tuwa ang Nanay niya ng mga sandaling iyon. Si Nanay talaga! ani Lalaine sa isipan saka lihim na umiling.

"Naku! Huwag kang mag-alala, anak. Tiyak namang hindi ako pababayaang kumilos mag-isa ng bunso mong kapatid," nakangiti pang saad ng matanda. "O paano? Aalis na ako, anak. Isinukbit na ng kanyang nanay ang mga dala-dalahan sa balikat. "Lukas, magpagaling ka ha? Hihintayin namin ang pag-uwi mo, hijo," ani Nanay Melba saka ngumiti sa lalaki na noon ay nakatingin lamang.

"Mag-ingat po kayo, Nay," paalam ni Lalaine nang makalabas ang kanyang nanay sa silid. Isang matamis na ngiti at tango na lang ang isinagot ng kanyang Nanay Melba saka nagmamadaling naglalakad palabas ng naturang ospital.

Nang maisara ang pinto ay muling nakaramdam ng pagkailang si Lalaine sa pagitan nila ni Lukas. Ganoon siya parati sa t'wing sila na lamang dalawa ang naroon. Pakiramdam niya ay tila siya sinisilihan na hindi niya mawari. Para siyang napapaso na para bang napakaliit ng kwartong iyon para sa kanilang dalawa ni Lukas. Kaya naman itinuon na lang niya ang atensyon sa mga gamit na kailangan niyang iligpit upang bukas ay wala na siyang iintindihin. Hangga't maaari ayaw niyang tumingin kay Lukas o kahit sumulyap man lang sa lalaki dahil makakadagdag lang iyon sa pagkailang na nararamdaman niya.

"Why did you do that?"

"Ha?" Hindi nilingon ni Lalaine ang lalaki ng sabihin iyon. Ipinagpatuloy lang niya ang pagtutupi ng marurumi niyang damit. Hindi rin niya maintindihan kung ano ang tinutukoy ni Lukas ng mga sandaling iyon.

"Why didn't you just put me in the rehabilitation center? This is exactly what you intend to do, isn't it?" tanong ng lalaki na ikinabigla naman ni Lalaine.

Kung gano'n narinig niya ang usapan namin? Ihininto ni Lalaine ang ginagawa saka humarap sa lalaki. Hindi niya rin matukoy kung galit ba si Lukas ng mga sandaling iyon habang nakatingin sa kanya. Seryoso kasi ang anyo nito ng mga oras na iyon. Dapat nga magpasalamat ka. Bakit parang galit ka pa? reklamo ni Lalaine sa sarili.

"Oo nga, tama ka. Iyon nga ang plano ko... noong una," ani Lalaine na nakataas ang mga kilay. Ang kaninang pagkailang na nararamdaman ay napalitan ng inis sa inaasta ng lalaki. Dapat nga ay magpasalamat pa ito dahil hindi kaya ng konsensya niya ang iwan ito sa rehabilitation center. Pero bakit parang kasalanan pa niya?

"Then why did you suddenly change your mind? You should have just let me go to rehab," saad ni Lukas saka ibinaling ang tingin sa kung saan.

Napailing naman si Lalaine sa inasal ng lalaki. "May attitude problem ka rin pala ano? Dapat nga magpasalamat ka pa sakin dahil hindi kaya ng konsensya ko ang iwan ka doon. Alam kong mahirap ang nasa rehab. Paano na lang kung hindi bumalik ang ala-ala mo at hindi ka nahanap ng pamilya mo—"

"Thank you, Lalaine..." wika ni Lukas na ikinatigil ni Lalaine. For the first time, tinawag siya nito sa kanyang pangalan. Pakiramdam tuloy ni Lalaine ay kinilig siya ng mga sandaling iyon.

"Walang anuman," ani Lalaine na pinipigilan ang sariling mapangiti. Pasalamat din siyang nakabaling sa ibang direksyon ang lalaki kaya hindi siya nakikit. "Matulog ka na. Bukas maaga tayong uuwi para makapagpahinga ka na nang maayos at makakain ng masustansya," dagdag pa niya saka muling itinuon ang atensyon sa mga itinutuping damit. Hindi naman na kumibo ang lalaki sa sinabi niyang iyon.

-------------------------------------

SAKAY ng taxi ay inihatid sina Lalaine at Lukas sa pauwi sa San Miguel. Hindi na rin sila sinundo ng kanyang Nanay Melba dahil ang sabi nito ay kailangan daw nitong ipagluto si Lukas ng masarap at masustansyang pagkain.

Pagkarating sa tapat ng tirahan ay nauna nang bumaba si Lalaine para alalayan si Lukas. Hindi pa rin kasi magaling ang mga sugat nito kahit halos tatlong linggo na ito s ospital. Malalim kasi ang mga tinamo nitong sugat mula sa mga tama ng baril sa katawan at binti.

"Dahan-dahan, Lukas," ani Lalaine habang inaalalayan ang lalaki na makalabas sa taxi. Ikinawit niya ang braso ng lalaki sa kanyang balikat at ang mga braso naman niya sa baywang nito. "Maraming salamat po, Manong," wika pa ni Lalaine sa driver ng taxi sabay abot ng tatlongdaang piso na bayad para sa serbisyo nito. Tinulungan din siya nitong alalayan si Lukas palabas ng sasakyan.

"Walang anuman, Ineng," sagot naman nito matapos tanggapin ang bayad. Umalis na rin ito kaagad nang maihatid sila sa gate ng kanilang bakuran.

"Nay! Nandito na po kami!" pagtawag ni Lalaine sa kanyang nanay. Napakunot-noo pa siya nang makarinig ng ingay na nagmumula sa loob ng kanilang kabahayan. Marahil ay may bisita ito nang mga oras na iyon. Nag-imbita ba si Nanay ng bisita? kunot-noo niyang tanong sa isipan.

"Nay! Nandyan na po si Ate Lalaine!" sigaw ng kanyang kapatid nang makita siya sa gate ng bakuran. Mabilis itong lumabas at binuksan ang nakasarang gate. "Ate! Kuya Lukas!" bati nito sa kanila saka tinulungan siyang akayin si Lukas na noon ay walang imik. Baka iniisip niyang malaki ang bahay at na-disappoint siya nang malamang hindi pa kongkreto, ani Lalaine sa loob-loob.

"Naku! Nar'yan na pala ang anak ko at si Lukas, mga kumare!" dinig niyang sabi ng kanyang Lalaine Melba nang tuluyan silang makapasok sa loob ng kabahayan. "Mabuti naman at nakauwi na kayo, anak." Sinalubong sila ng kanyang nanay sa sala ng may malapad na ngiti.

"Aba Lalaine! Tama si Mareng Melba, napakaguwapo ng nobyo mo!" bulalas ni Aling Ising nang makita si Lukas. Lumapit pa ito sa lalaki at saka tinitigan na para bang nakakita ng artista.

Labis na hiya ang naramdaman ni Lalaine nang marinig iyon. Kung ganoon, ipinakilala pala si Lukas ng kanyang nanay bilang nobyo niya. Ano na lang ang iisipin ng lalaki? Hindi tuloy makatingin si Lalaine sa lalaki nang alalayan niya itong maupo sa narra na upuan. Ayaw din niyang makita ang reaksyon ng lalaki ng mga sandaling iyon.

"Siyang tunay, Lalaine. Aba'y mukhang artista ang nobyo mo! Palagay ko nga'y nakita ko na siya sa t.v eh!" sang-ayon naman ni Aling Carlota na tila nagniningning ang mga mata habang pinagmamasdan si Lukas.

Pakiramdam ni Lalaine ay nag-iinit ang kanyang pisngi at namumula dahil sa labis na hiya ng mga sandaling iyon kaya hindi na siya nakatiis pa at pasimpleng hinila ang kanyang Nanay Melba at palihim na sinenyasan na sumama sa kan'ya. Mukhang nakuha naman kaagad nito ang ibig niyang iparating.

"Sandali lang mga mare ha? Maghahanda lang kami ng makakain. Tiyak gutom na si Lukas," paalam ng kanyang Nanay Melba sa mga ito. Nang makarating ng kusina ay gustong maiyak ni Lalaine dahil sa kahihiyan.

"Nay naman!" bulalas niya na bagaman pinipilit hinaan ang tinig sa pag-aalalang mga marinig ito ng mga bisita. "Bakit mo naman po sinabi na boyfriend ko si Lukas? Nakakahiya sa tao, Nay!"

"Aba'y bakit naman anak? Wala namang masama sa sinabi ko ha?" sagot ng kanyang nanay na nangingiti pa.

Marahas namang bumuntong-hininga si Lalaine. "Nay, baka isipin ni Lukas na 'yon talaga ang gusto ko mangyari kaya ko siya kinupkop. Baka isipin niyang sinasamantala ko ang pagkakaroon n'ya ng amnesia."

"Anak, naisip kong mas mainam kung nobyo ang pagpapakilala natin kay Lukas sa mga kapit-bahay para hindi na sila magtanong pa. Mas magiging kumplikado kasi Lalaine kung sasabihin natin na pansamantala lamang natin siyang kinukupkop. Tiyak na magtatanong pa ang mga iyan tungkol kay Lukas. Nag-aalala akong baka makasama iyon sa kan'ya," mahabang paliwanag ng kanyang Nanay Melba.

Napaisip naman si Lalaine nang marinig iyon. Tama ang kanyang nanay. May punto nga ito. Tiyak na hindi titigilan ng mga mahadera nikang kapit-bahay si Lukas kapag sinabi nilang hindi nila ito kaano-ano. Baka makasama pa iyon sa mental health ng lalaki.

"Kausapin mo na lang si Lukas mamaya, anak. Ipaliwanag mo kung bakit iyon ang pakilala natin sa kan'ya. Sigurado akong maiintindihan niya," turan pa ng nanay niya saka marahan siyang tinapik sa balikat. "Saka ano ba gang masama? Wala ka namang nobyo, hija. Maganda kang bata at bagay na bagay kayo ni Lukas."

Sumimangot naman si Lalaine sa kanyang nanay na noon ay tila tuwang-tuwa naman sa nangyayari. "Si Nanay talaga!"

Related chapters

  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 7

    “LUKAS, pasensya ka na kanina, ha? Si Nanay kasi ipinakilala kang boyfriend ko sa mga kapit-bahay.”Halos hindi makatingin si Lalaine nang sabihin iyon kay Lukas. Sobra talaga siyang nahihiya ng mga sandaling iyon na para bang gusto na lang niyang maglaho na parang bula. Pero hayun nga at wala siyang choice kung hindi kausapin ang lalaki tungkol doon. Katatapos lang nilang maghapunan at nagpapababa pa ng kinain habang nakaupo sila ni Lukas sa veranda. Ang Nanay Melba naman niya at bunsong kapatid ay nag-aayos ng pinagkainan. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa poste ng ilaw, kitang-kita ni Lalaine kung paano kumibot ang labi ng lalaki. Akala niya ay may sasabihin ito ngunit nanatili lang itong tahimik. Hindi tuloy niya malaman kung ayos lang ba sa lalaki o kung nagagalit ito dahil ipinakilala itong nobyo niya.Lihim na bumuntong-hininga si Lalaine at saka itinuon na lang ang paningin sa madilim na kalangitan. "Alam mo Lukas, medyo matagal-tagal din tayong magkakasama," ani Lalaine h

    Last Updated : 2022-10-27
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    SPECIAL CHAPTER

    NAGISING si Lalaine na masakit ang ulo at namamalat ang lalamunan sa suite na pagmamay-ari ni Knives Dawson. Ramdam din niya ang pananakit ng katawan na para bang nabugbog iyon. Nang magtangkang bumangon si Lalaine ay nabigo siya dahil may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang pagkababae. Na-realized din niyang hubot-hubad siya nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na hangin mula sa air-conditioning ng naturang silid. Binalot ni Lalaine ang sarili sa comforter saka nagtalubong upang pawiin ang lamig na nararamdaman, subalit nang ipikit niya ang mga mata ay lumitaw sa kanyang isipan ang mainit na eksenang namagitan sa kanila ng kanyang asawa. Tuloy ay naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi dahil sa matinding kahihiyan. Bagaman ang lalaking nakaniig niya ay ang kanyang asawa, ngunit sa papel lamang iyon. Ikinasal silang hindi nila kilala ang isa't-isa at isang beses lang niya itong nakita noong kunin niya ang marriage certificate, tatlong buwan matapos nilang ikasal.

    Last Updated : 2024-10-06
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 1

    “AND what do you want Uncle? Extort money from those poor businessmen?” tiim-bagang na tanong ni Knives sa kanyang Uncle Timothy. Kahit kailan ay hindi ito nabigo na galitin siya dahil sa pagiging makasarili nito at hindi pagiging makatao. Ang matanda ay kapatid ng yumaong ama ni Knives. Ito na lamang ang natitira niyang kamag-anak subalit hindi niya ito kasundo dahil sa pagiging makasarili at gahaman nito sa kapangyarihan. “No, son,” mariing tanggi naman ng matanda kasabay ng paglagok ng mamahaling brandy. "What I just want to know is, why are you only taking money from those big companies when there are also some small businessmen who don't follow the employees code of conduct?"Lihim na napamura si Knives dahil sa sinabi ng tiyuhin. The truth is, alam niyang totoo ang sinasabi ng matanda at may punto rin naman ito. "I'll take care of those, Uncle. Don't worry," sagot niya saka lumagok rin ng brandy mula sa wine glass na hawak. Matapos niyon ay sinenyasan ni Knives ang isa sa kanya

    Last Updated : 2022-10-16
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 2

    "ANAK, nagkape ka man lang ba muna bago maligo? Naku, ikaw bata ka! Baka malamigan ang tiyan mo at sumakit."Napangiti si Lalaine sa kanyang Nanay Lupe nang marinig ang sermon nito. "Opo, Nay," aniya habang tinutuyo ng tuwalya ang basang buhok. Maagang nagising si Lalaine dahil magpupunta siya sa palengke para mamili ng iluluto niyang pang-almusal at pang-meryenda na itinitinda niya sa kanilang lugar. Alas-tres pa lang iyon ng madaling araw pero hayun na siya at naghahanda nang umalis. Para kay Lalaine ay mas mainam na maaga pa lang ang nasa palengke dahil sariwa pa ang mga gulay, prutas, at karne. "O siya, mag-iingat ka Lalaine, anak. Madilim pa ang kalsada, baka mapaano ka," bilin pa ng kanyang Nanay Lupe sabay abot ng may kalakihang bayong."Opo, Nay. Ako pa ba? Araw-araw ko itong ginagawa at araw-araw din po akong nag-iingat," nakangiting saad naman ni Lalaine. Kinuha niya ang bayong sa kanyang nanay at saka isinukbit sa balikat ang maliit niyang itim na bag na naglalaman ng pera

    Last Updated : 2022-10-18
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 3

    "LALAINE anak, mabuti naman at ligtas ka," kaagad na bulalas kay Lalaine ng kanyang Nanay Melba nang makita niya itong kumakaripas papalapit."Nay!" ganting wika naman ni Lalaine saka tumayo at sinalubong ang papalapit na ina at saka yumakap. "Bunso, bakit nandito ka? 'Di ba't may pasok ka?" baling naman ni Lalaine sa bunsong kapatid niyang si Lawrence. Kasalukuyang nasa grade 8 na ito sa mataas na paaralan ng San Miguel."Eh Ate, sinamahan ko si Nanay magpunta rito sa hospital. Saka nag-aalala ako sa' yo, akala ko ikaw ang naaksidente," turan naman ng kanyang kapatid."Anak, mabuti na lang at nakagawa ka ng paraan para makatawag. Alalang-ala ako sa'yo. Akala ko kung napaano ka na sa daan kaya hindi ka pa nakakauwi," saad kay Lalaine ng kanyang Nanay Melba. Kababakasan ng matinding pag-aalala ang kulubot na mukha ng matanda ng mga sandaling iyon."Oo nga, Ate. Hindi nininerbiyos na si Nanay kanina sa sobrang pag-aalala. Akala namin kung napaano ka na. Mabuti na lang at hindi pa ako na

    Last Updated : 2022-10-19
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 4

    “THE patient suffers from what is called temporary amnesia. Perhaps it was because of the severe beating on his end that caused a brain injury. Brain injuries can have significant effects on behavior, impacting impulse control and self awareness. These effects stem from damage to areas of the brain that regulate emotions and impulses and include anger, impulsive behavior, self-centeredness, impaired awareness and even violence. So my advice is not to force the patient to remember everything and let him discover it himself,” mahabang paliwanag kay Lalaine ni Doc Macaraig, ang doktor na sumuri sa estrangherong lalaki. “So far we have given him a tranquilizer to calm the patient down. Pero may chance na maulit ang nangyari kanina sa oras na magising ito. Kaya ang maipapayo ko ay kailangan niya ng magbabantay 24/7 dahil kailangan pa niyang magpahinga ng one to two weeks sa hospital, depende kung kaya na ng pasyente. May ilang tests pa rin kaming isasagawa para masiguro na masiguro na maa

    Last Updated : 2022-10-21
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 5

    “KUMUSTA ang pakiramdam mo, hijo? Maigi na ba? Heto't may dala akong almusal na lugaw.” Binalingan ni Lalaine ang kanyang Nanay Melba nang sabihin iyon sa lalaki na kasalukuyang nakahiga lamang at parang malalim ang iniisip. Hindi niya rin alam kung narinig ba nito ang tanong ng kanyang nanay dahil hindi man lang ito umimik. Oras iyon ng pagbisita sa hospital kaya naroon ang kanyang Nanay Melba. Isa pa'y nagbilin din kasi siya sa kanyang nanay ng damit niyang bihisan at makakain nila ng lalaki sapagkat sa mga tulad ng pampublikong ospital kung saan sila naroon ay walang rasyon ng pagkain lalo na iyong mga nasa ward. Kalilipat lamang nila roon mula sa recovery room dahil ang sabi ni Doc Macaraig ay maigi na ang lalaki at kailangan na lang magpagaling. Ayon kay Doc Macaraig, nagtamo ang lalaki ng multiple gunshot wounds sa katawan ngunit maswerte itong walang na-damage na organs. Ang pagkakaroon naman nito ng temporary amnesia ay dahil sa matinding pagkakapalo ng ulo nito sa matigas b

    Last Updated : 2022-10-23

Latest chapter

  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 6

    "SIGURADO ka na ba, Ms. Fernandez? Ikaw na ang mangangalaga sa pasyente?"Tumango si Lalaine saka marahang ngumiti sa tanong na iyon ng Social Worker. "Yes po, Ma'am. Ako na po ang bahala kay Lukas.""Binigyan mo na pala siya ng pangalan. That's good," anang Social Worker na tumango-tango pa habang nakayuko sa maliit nitong notebook at tila may isinusulat. "Maigi iyan para hindi mahirapang makisalamuha ang pasyente.""Pangalan po iyon ng late father ko, Ma'am. Si Nanay ang nagsabing Lukas na lang ang itawag sa kan'ya," sagot naman ni Lalaine saka nilingon ang nakabukas na pinto kung saan nakikita niya si Lukas at ang kanyang Nanay Melba. May ilang metro ang layo ng mga ito sa kanila kung kaya't hindi naririnig ng mga ito ang kanilang usapan.At katulad kanina, ang nanay pa rin niya ang panay kwento kay Lukas samantalang ito ay nanatiling walang kibo. Pero sa tingin naman ni Lalaine ay nakikinig ang lalaki sa kung ano mang sinasabi ng kanyang Nanay Melba.Hindi na rin nagdalawang-isip

  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 5

    “KUMUSTA ang pakiramdam mo, hijo? Maigi na ba? Heto't may dala akong almusal na lugaw.” Binalingan ni Lalaine ang kanyang Nanay Melba nang sabihin iyon sa lalaki na kasalukuyang nakahiga lamang at parang malalim ang iniisip. Hindi niya rin alam kung narinig ba nito ang tanong ng kanyang nanay dahil hindi man lang ito umimik. Oras iyon ng pagbisita sa hospital kaya naroon ang kanyang Nanay Melba. Isa pa'y nagbilin din kasi siya sa kanyang nanay ng damit niyang bihisan at makakain nila ng lalaki sapagkat sa mga tulad ng pampublikong ospital kung saan sila naroon ay walang rasyon ng pagkain lalo na iyong mga nasa ward. Kalilipat lamang nila roon mula sa recovery room dahil ang sabi ni Doc Macaraig ay maigi na ang lalaki at kailangan na lang magpagaling. Ayon kay Doc Macaraig, nagtamo ang lalaki ng multiple gunshot wounds sa katawan ngunit maswerte itong walang na-damage na organs. Ang pagkakaroon naman nito ng temporary amnesia ay dahil sa matinding pagkakapalo ng ulo nito sa matigas b

  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 4

    “THE patient suffers from what is called temporary amnesia. Perhaps it was because of the severe beating on his end that caused a brain injury. Brain injuries can have significant effects on behavior, impacting impulse control and self awareness. These effects stem from damage to areas of the brain that regulate emotions and impulses and include anger, impulsive behavior, self-centeredness, impaired awareness and even violence. So my advice is not to force the patient to remember everything and let him discover it himself,” mahabang paliwanag kay Lalaine ni Doc Macaraig, ang doktor na sumuri sa estrangherong lalaki. “So far we have given him a tranquilizer to calm the patient down. Pero may chance na maulit ang nangyari kanina sa oras na magising ito. Kaya ang maipapayo ko ay kailangan niya ng magbabantay 24/7 dahil kailangan pa niyang magpahinga ng one to two weeks sa hospital, depende kung kaya na ng pasyente. May ilang tests pa rin kaming isasagawa para masiguro na masiguro na maa

  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 3

    "LALAINE anak, mabuti naman at ligtas ka," kaagad na bulalas kay Lalaine ng kanyang Nanay Melba nang makita niya itong kumakaripas papalapit."Nay!" ganting wika naman ni Lalaine saka tumayo at sinalubong ang papalapit na ina at saka yumakap. "Bunso, bakit nandito ka? 'Di ba't may pasok ka?" baling naman ni Lalaine sa bunsong kapatid niyang si Lawrence. Kasalukuyang nasa grade 8 na ito sa mataas na paaralan ng San Miguel."Eh Ate, sinamahan ko si Nanay magpunta rito sa hospital. Saka nag-aalala ako sa' yo, akala ko ikaw ang naaksidente," turan naman ng kanyang kapatid."Anak, mabuti na lang at nakagawa ka ng paraan para makatawag. Alalang-ala ako sa'yo. Akala ko kung napaano ka na sa daan kaya hindi ka pa nakakauwi," saad kay Lalaine ng kanyang Nanay Melba. Kababakasan ng matinding pag-aalala ang kulubot na mukha ng matanda ng mga sandaling iyon."Oo nga, Ate. Hindi nininerbiyos na si Nanay kanina sa sobrang pag-aalala. Akala namin kung napaano ka na. Mabuti na lang at hindi pa ako na

  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 2

    "ANAK, nagkape ka man lang ba muna bago maligo? Naku, ikaw bata ka! Baka malamigan ang tiyan mo at sumakit."Napangiti si Lalaine sa kanyang Nanay Lupe nang marinig ang sermon nito. "Opo, Nay," aniya habang tinutuyo ng tuwalya ang basang buhok. Maagang nagising si Lalaine dahil magpupunta siya sa palengke para mamili ng iluluto niyang pang-almusal at pang-meryenda na itinitinda niya sa kanilang lugar. Alas-tres pa lang iyon ng madaling araw pero hayun na siya at naghahanda nang umalis. Para kay Lalaine ay mas mainam na maaga pa lang ang nasa palengke dahil sariwa pa ang mga gulay, prutas, at karne. "O siya, mag-iingat ka Lalaine, anak. Madilim pa ang kalsada, baka mapaano ka," bilin pa ng kanyang Nanay Lupe sabay abot ng may kalakihang bayong."Opo, Nay. Ako pa ba? Araw-araw ko itong ginagawa at araw-araw din po akong nag-iingat," nakangiting saad naman ni Lalaine. Kinuha niya ang bayong sa kanyang nanay at saka isinukbit sa balikat ang maliit niyang itim na bag na naglalaman ng pera

  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 1

    “AND what do you want Uncle? Extort money from those poor businessmen?” tiim-bagang na tanong ni Knives sa kanyang Uncle Timothy. Kahit kailan ay hindi ito nabigo na galitin siya dahil sa pagiging makasarili nito at hindi pagiging makatao. Ang matanda ay kapatid ng yumaong ama ni Knives. Ito na lamang ang natitira niyang kamag-anak subalit hindi niya ito kasundo dahil sa pagiging makasarili at gahaman nito sa kapangyarihan. “No, son,” mariing tanggi naman ng matanda kasabay ng paglagok ng mamahaling brandy. "What I just want to know is, why are you only taking money from those big companies when there are also some small businessmen who don't follow the employees code of conduct?"Lihim na napamura si Knives dahil sa sinabi ng tiyuhin. The truth is, alam niyang totoo ang sinasabi ng matanda at may punto rin naman ito. "I'll take care of those, Uncle. Don't worry," sagot niya saka lumagok rin ng brandy mula sa wine glass na hawak. Matapos niyon ay sinenyasan ni Knives ang isa sa kanya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status