Share

CHAPTER 2

Author: Iamblitzz
last update Last Updated: 2022-10-18 11:02:35

"ANAK, nagkape ka man lang ba muna bago maligo? Naku, ikaw bata ka! Baka malamigan ang tiyan mo at sumakit."

Napangiti si Lalaine sa kanyang Nanay Lupe nang marinig ang sermon nito. "Opo, Nay," aniya habang tinutuyo ng tuwalya ang basang buhok. Maagang nagising si Lalaine dahil magpupunta siya sa palengke para mamili ng iluluto niyang pang-almusal at pang-meryenda na itinitinda niya sa kanilang lugar. Alas-tres pa lang iyon ng madaling araw pero hayun na siya at naghahanda nang umalis. Para kay Lalaine ay mas mainam na maaga pa lang ang nasa palengke dahil sariwa pa ang mga gulay, prutas, at karne.

"O siya, mag-iingat ka Lalaine, anak. Madilim pa ang kalsada, baka mapaano ka," bilin pa ng kanyang Nanay Lupe sabay abot ng may kalakihang bayong.

"Opo, Nay. Ako pa ba? Araw-araw ko itong ginagawa at araw-araw din po akong nag-iingat," nakangiting saad naman ni Lalaine. Kinuha niya ang bayong sa kanyang nanay at saka isinukbit sa balikat ang maliit niyang itim na bag na naglalaman ng perang pamalengke.

"Salamat kung ganoon, anak. Gabayan ka nawa ng Panginoon," muling sabi ng kayang nanay matapos ay nauna na itong magtungo sa pinto.

"Alis na po ako, Nay," nakangiting paalam ni Lalaine sa ina at saka tumalikod na at nagtuloy-tuloy ng labas sa maliit nilang bakuran.

Medyo malamig pala, usal ni Lalaine habang naglalakad sa kalsada. Nayakap tuloy niya ang sarili dahil sa simoy ng hangin sa madaling-araw na dumadampi sa kanyang balat.

May kalayuan ang sakayan ng habal-habal mula sa tirahan ni Lalaine kaya kailangan muna niyang maglakad ng 10 hanggang 15 minutos para marating lamang ang naturang sakayan. Ang habal-habal na ginagamit nilang transportasyon ay isang motorsiklo na nilagyan ng mahabang tabla sa magkabilang gilid upang magsilbing upuan ng pasahero. Kung ang ordirnayong motorsiklo ay maaaring magsakay ng hanggang dalawang katao, ang habal-habal ay kayang magsakay ng hanggang anim na katao.

Hindi naman liblib ang Brgy. San Miguel kung saan naninirahan si Lalaine dahil karamihan sa mga naninirahan doon ay kongreto na ang bahay. Mayroon na ring kuryente at tubig sa kanilang barangay. Subalit dahil probinsya iyon kaya't hindi pa rin gaanong maayos ang imprastraktura roon.

Ang kalsada kung saan kasalukuyang naglalakad si Lalaine ay hindi pa kongkreto. Kalahati lamang niyon ang sementado at ang kalahati ay pawang lupa pa. Ang ipinagpapasalamat lamang ni Lalaine ay mayroong mga poste ng ilaw sa kalsada kung kaya't hindi siya natatakot na maglakad mag-isa sa ganoong oras. Iyon nga lamang, dahil magkakalayo pa rin ang mga kabahayan kung kaya't matataas na talahib pa rin ang madadaanan.

Bakit walang habal-habal? tanong ni Lalaine sa sarili habang naglalakad. Kalimitan kasi, hindi pa siya nakararating sa sakayan ay mayroon ng habal-habal na nasasakyan dahil naghahatid iyon ng mga pasaherong papasok sa kanilang barangay.

Yakap ang sarili, mabilis at tuloy-tuloy ang lakad ni Lalaine para makarating kaagad sa sakayan, ngunit bigla siyang napahinto nang makitang tila may kung anong nakahandusay sa gilid ng kalsada may sampung hakbang mula sa kinaroroonan niya.

"Ano kaya 'yon? Tao kaya?" kinakabahang tanong ni Lalaine sa sarili habang inaaninag ito. Hindi niya matukoy kung tao ba ang nakahandusay o isang hayop. At dahil gustong malaman ni Lalaine kung ano iyon ay naglakas-loob siyang humakbang papalapit. Subalit halos himatayin si Lalaine nang lubusang makita kung ano ang nakahandusay sa kalsada. "Hala! Tao nga!" bulalas si Lalaine. Napaatras si Lalaine ng ilang hakbang palayo sa lalaking nakahandusay dahil sa matinding kaba at takot. Pakiramdam pa nga niya ay nangatog ang kanyang tuhod dahil sa nasaksihan. Naliligo na kasi ng dugo ang taong iyon at sa tingin niya ay wala ng buhay.

"Diyos ko po! Tulong!" malakas na sigaw ni Lalaine sabay takbo sa gitna ng kalsada at palinga-linga sa magkabilang panig ng kalsada. Alam niyang imposibleng may makarinig sa kan'ya ng ganoong oras, at isa pa'y may kalayuan ang bahay na nadaanan niya kanina pero patuloy pa rin siya sa paghingi ng saklolo. Ang tanging pag-asa na lamang ni Lalaine ay kung may magdadaang habal-habal at saklolohan siya.

Mayamaya pa'y isang habal-habal na walang pasahero ang nakita ni Lalaine sa papalapit sa kinaroroonan niya kaya naman kaagad niya itong pinara. "Manong, tulungan niyo ako! May lalaking nakahandusay doon. Dalhin natin sa ospital!" bulalas ni Lalaine sabay turo kung nasaan ang lalaki.

Kaagad namang tumalima ang driver nito at walang sabi-sabing tinakbo ang kinaroroonan ng lalaki. "Naku, Ineng! Mabuti't napadaan ako. Halika't tulungan mo akong isakay sa habal-habal! Sa tingin ko'y agaw-buhay na ang lalaking ito!" anang driver saka nagmamadaling binuhat ang duguang lalaki.

Mabilis namang tumulong si Lalaine para maisakay ang lalaki sa motorsiklo, at bagaman may kabigatan dahil malaki itong tao ay naisakay nila ito roon nang maayos. "Sumakay ka na Ineng, baka hindi na siya umabot sa ospital," dagdag pa ng driver at saka mabilis na sumakay sa motorsiklo.

Sinunod naman ni Lalaine ang sinabi ng matandang driver. Mabilis siyang sumakay sa likurang bahagi nito habang ang duguang lalaki ay pinagigitnaan nila. Matulin ang takbo ng naturang motorsiklo kaya mahigpit rin ang pagkakakapit ni Lalaine sa sinasakyan. Maya't maya rin ang tingin niya sa duguang lalaki dahil nag-aalala siyang baka mahulog ito sa bilis ng takbo ng habal-habal.

Halos isang oras din bago nakarating si Lalaine sa pampublikong ospital, at iyon na ang pinakamalapit na pagamutan sa kanilang barangay. Ang iba kasi'y nasa kabisera pa kaya't kung doon dadalhin ang mga pasyente ay tiyak na matatagalan. Maayos naman ng pasilidad ng San Miguel Hospital subalit hindi iyon kompleto sa mga kagamitang pang-medikal kaya't ang iba ay sa San Isidro pa nagpupunta upang magpagamot. 

Kaagad sinalubong ng mga nurse at staff sa entrance ng emergency room si Lalaine nang makita ang pasyenteng sakay nila ng habal-habal matapos ay mabilis at maingat na binuhat ng mga ito ang duguang lalaki at inilapat sa stretcher. "Ano po ang nangyari sa pasyente, Ma'am?" tanong kay Lalaine ng isa sa mga nurse habang mabilis na itinatakbo sakay ng stretcher ang pasyente. Nakasunod si Lalaine sa mga ito patungo sa emergency room ngunit ang driver na sinakyan niya papunta roon ay umalis na. Hindi na rin ito nanghingi pa ng bayad sa serbisyo nito at sinabi na lamang na sana raw ay makaligtas ang kawawang lalaki.

Mabilis na umiling si Lalaine. "Hindi ko po alam, Nurse. Nakita ko lang s'ya sa kalsada na nakahandusay kaya tinulungan ko," sagot niya na bahagya pang hinihingal.

"Kung gano'n po Ma'am, 'wag po muna kayong aalis para mahingan kayo ng statements ng mga pulis," sagot ng babaeng nurse.

Nang marating ang emergency room ay hindi na pinapasok pa si Lalaine sa loob kaya naiwan siya sa labas niyon at naghintay na lang sa waiting area. Mayamaya pa'y may dalawang unipormadong pulis ang lumapit kay Lalaine. "Ma'am, I'm Police Inspector, Larry Dimaandal. Kayo po ba ang nagdala sa pasyente?" tanong ng isa sa mga pulis.

"Opo, Sir," sagot ni Lalaine.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang pangalan mo at kung ano ang nangyari sa pasyente?" muli tanong ng nagpakilalang pulis. Ang isa namang kasama nito ay may hawak na maliit na notebook at tila may isinusulat.

"Ako po si Lalaine Fernandez, Sir," pakilala ni Lalaine. "Hindi ko po kilala ang pasyente at hindi ko po alam kung ano ang nangyari sa kan'ya. Basta nakita ko lang po siya sa tabi ng kalsada na nakahandusay kaya sinaklolohan ko," mahabang paliwanag pa ni Lalaine.

Tumango-tango naman ang pulis. "Ano pong oras 'yon, Ma' am at saan po kayo papunta ng ganoong oras?"

Huminga muna ng malalim si Lalaine dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya sa bilis ng mga pangyayari. "Around 3:10AM hanggang 3:15AM po ang oras, Sir sa palagay ko. Mamimili po sana ako sa palengke para sa ititinda kong almusal nang may makita po akong nakahandusay sa kalsada. Noong una, akala ko lang po patay na hayop pero no'ng lapitan ko, halos himatayin po ako nang makita kong tao pala na naliligo sa sariling dugo," mahabang salaysay ni Lalaine sa dalawang pulis. Muling nayakap mi Lalaine ang sarili ng mga oras na iyon dahil muling nagbalik sa kanyang balintataw ang duguang imahe ng lalaki. Iyon ang unang beses niyang makakita ng ganoon kaya ang hiling niya lang ay makatulog sana siya nang maayos pagdating ng gabi.

"Kung ganoon, may nakita ka bang kahina-hinalang tao sa paligid ng oras na iyon o kaya naman sasakyan?"

Muling inalala ni Lalaine ang pangyayari ngunit mabilis din siyang umiling. "Wala po, Sir. Wala pong katao-tao ng oras na 'yon. Kaya maswerte po ako nang may magdaang habal-habal kaya nasaklolohan ang lalaki," ani Lalaine. Tumango-tango naman ang pulis sa sinabing iyon ng dalaga.

"Ano po kaya ang nangyari sa kan'ya, Sir? Buhay pa ba siya?" tanong ni Lalaine sa mga ito. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit nag-aalala siya sa kalagayan nito. Alam niyang may pamilya ito na marahil ay nag-aalala na sa mga oras na iyon.

"Sa ngayon wala pang binibigay na report ang doktor," anang pulis. "At dahil walang pagkakakilanlan ang pasyente kaya ikaw muna Ms. Fernandez ang magiging guardian niya hanggang sa magising siya at magkamalay. Kaya pinapayuhan muna namin kayong dumito muna at maghintay sa sasabihin ng doktor na sumuri sa pasyente."

"Pero Sir, kailangan kong umuwi. Nag-aalala na ang Nanay ko," tutol ni Lalaine nang marinig ang sinabi ng kausap. Hindi siya maaaring magtagal doon dahil alam niyang sa mga oras na ito ay nag-aalala na ang kanyang ina. Alas-siyete na kasi iyon ng umaga at dapat ay nakauwi na siya ng ganoong oras buhat sa palengke.

"I suggest na tawagan mo na lang ang kaanak mo, Ms. Fernandez para ipaalam na nandito ka. Hindi mo maaaring iwan ang pasyente dahil wala itong pagkakakilanlan. Inuulit ko Ma'am, ikaw ang magiging guardian niya at sagutin mo kung ano ang mangyari sa kan'ya," paliwanag naman ng pulis. "Sa ngayon ay magtatanong-tanong kami sa lugar ng pinangyarihan at maging sa mga kalapit baranggay para matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki. Aalis na kami, Ms. Fernandez," pagtatapos ng pulis at saka tumalikod na.

Naiwan naman si Lalaine na hindi alam ang gagawin. Tiyak niyang nag-aalala na ang kanyang ina sa mga oras na iyon. Subalit ano ang gagawin niya? Wala siyang dalang cellphone dahil iniiwan niya ito pag-umaalis ng bahay. Wala naman silang linya ng telepono kaya't paano niya makokontak ang kanyang ina?

Ang laking abala naman nito, isip-isip ni Lalaine habang nakalapat ang likod sa kinauupuan. Pero sa isang banda ay humihiling siyang sana ay makaligtas ang lalaki sa tiyak na kapahamakan nang sa gayon ay makauwi na ito sa sariling pamilya.

Little did Lalaine know that this was the beginning of a playful destiny...

Related chapters

  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 3

    "LALAINE anak, mabuti naman at ligtas ka," kaagad na bulalas kay Lalaine ng kanyang Nanay Melba nang makita niya itong kumakaripas papalapit."Nay!" ganting wika naman ni Lalaine saka tumayo at sinalubong ang papalapit na ina at saka yumakap. "Bunso, bakit nandito ka? 'Di ba't may pasok ka?" baling naman ni Lalaine sa bunsong kapatid niyang si Lawrence. Kasalukuyang nasa grade 8 na ito sa mataas na paaralan ng San Miguel."Eh Ate, sinamahan ko si Nanay magpunta rito sa hospital. Saka nag-aalala ako sa' yo, akala ko ikaw ang naaksidente," turan naman ng kanyang kapatid."Anak, mabuti na lang at nakagawa ka ng paraan para makatawag. Alalang-ala ako sa'yo. Akala ko kung napaano ka na sa daan kaya hindi ka pa nakakauwi," saad kay Lalaine ng kanyang Nanay Melba. Kababakasan ng matinding pag-aalala ang kulubot na mukha ng matanda ng mga sandaling iyon."Oo nga, Ate. Hindi nininerbiyos na si Nanay kanina sa sobrang pag-aalala. Akala namin kung napaano ka na. Mabuti na lang at hindi pa ako na

    Last Updated : 2022-10-19
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 4

    “THE patient suffers from what is called temporary amnesia. Perhaps it was because of the severe beating on his end that caused a brain injury. Brain injuries can have significant effects on behavior, impacting impulse control and self awareness. These effects stem from damage to areas of the brain that regulate emotions and impulses and include anger, impulsive behavior, self-centeredness, impaired awareness and even violence. So my advice is not to force the patient to remember everything and let him discover it himself,” mahabang paliwanag kay Lalaine ni Doc Macaraig, ang doktor na sumuri sa estrangherong lalaki. “So far we have given him a tranquilizer to calm the patient down. Pero may chance na maulit ang nangyari kanina sa oras na magising ito. Kaya ang maipapayo ko ay kailangan niya ng magbabantay 24/7 dahil kailangan pa niyang magpahinga ng one to two weeks sa hospital, depende kung kaya na ng pasyente. May ilang tests pa rin kaming isasagawa para masiguro na masiguro na maa

    Last Updated : 2022-10-21
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 5

    “KUMUSTA ang pakiramdam mo, hijo? Maigi na ba? Heto't may dala akong almusal na lugaw.” Binalingan ni Lalaine ang kanyang Nanay Melba nang sabihin iyon sa lalaki na kasalukuyang nakahiga lamang at parang malalim ang iniisip. Hindi niya rin alam kung narinig ba nito ang tanong ng kanyang nanay dahil hindi man lang ito umimik. Oras iyon ng pagbisita sa hospital kaya naroon ang kanyang Nanay Melba. Isa pa'y nagbilin din kasi siya sa kanyang nanay ng damit niyang bihisan at makakain nila ng lalaki sapagkat sa mga tulad ng pampublikong ospital kung saan sila naroon ay walang rasyon ng pagkain lalo na iyong mga nasa ward. Kalilipat lamang nila roon mula sa recovery room dahil ang sabi ni Doc Macaraig ay maigi na ang lalaki at kailangan na lang magpagaling. Ayon kay Doc Macaraig, nagtamo ang lalaki ng multiple gunshot wounds sa katawan ngunit maswerte itong walang na-damage na organs. Ang pagkakaroon naman nito ng temporary amnesia ay dahil sa matinding pagkakapalo ng ulo nito sa matigas b

    Last Updated : 2022-10-23
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 6

    "SIGURADO ka na ba, Ms. Fernandez? Ikaw na ang mangangalaga sa pasyente?"Tumango si Lalaine saka marahang ngumiti sa tanong na iyon ng Social Worker. "Yes po, Ma'am. Ako na po ang bahala kay Lukas.""Binigyan mo na pala siya ng pangalan. That's good," anang Social Worker na tumango-tango pa habang nakayuko sa maliit nitong notebook at tila may isinusulat. "Maigi iyan para hindi mahirapang makisalamuha ang pasyente.""Pangalan po iyon ng late father ko, Ma'am. Si Nanay ang nagsabing Lukas na lang ang itawag sa kan'ya," sagot naman ni Lalaine saka nilingon ang nakabukas na pinto kung saan nakikita niya si Lukas at ang kanyang Nanay Melba. May ilang metro ang layo ng mga ito sa kanila kung kaya't hindi naririnig ng mga ito ang kanilang usapan.At katulad kanina, ang nanay pa rin niya ang panay kwento kay Lukas samantalang ito ay nanatiling walang kibo. Pero sa tingin naman ni Lalaine ay nakikinig ang lalaki sa kung ano mang sinasabi ng kanyang Nanay Melba.Hindi na rin nagdalawang-isip

    Last Updated : 2022-10-26
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 7

    “LUKAS, pasensya ka na kanina, ha? Si Nanay kasi ipinakilala kang boyfriend ko sa mga kapit-bahay.”Halos hindi makatingin si Lalaine nang sabihin iyon kay Lukas. Sobra talaga siyang nahihiya ng mga sandaling iyon na para bang gusto na lang niyang maglaho na parang bula. Pero hayun nga at wala siyang choice kung hindi kausapin ang lalaki tungkol doon. Katatapos lang nilang maghapunan at nagpapababa pa ng kinain habang nakaupo sila ni Lukas sa veranda. Ang Nanay Melba naman niya at bunsong kapatid ay nag-aayos ng pinagkainan. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa poste ng ilaw, kitang-kita ni Lalaine kung paano kumibot ang labi ng lalaki. Akala niya ay may sasabihin ito ngunit nanatili lang itong tahimik. Hindi tuloy niya malaman kung ayos lang ba sa lalaki o kung nagagalit ito dahil ipinakilala itong nobyo niya.Lihim na bumuntong-hininga si Lalaine at saka itinuon na lang ang paningin sa madilim na kalangitan. "Alam mo Lukas, medyo matagal-tagal din tayong magkakasama," ani Lalaine h

    Last Updated : 2022-10-27
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    SPECIAL CHAPTER

    NAGISING si Lalaine na masakit ang ulo at namamalat ang lalamunan sa suite na pagmamay-ari ni Knives Dawson. Ramdam din niya ang pananakit ng katawan na para bang nabugbog iyon. Nang magtangkang bumangon si Lalaine ay nabigo siya dahil may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang pagkababae. Na-realized din niyang hubot-hubad siya nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na hangin mula sa air-conditioning ng naturang silid. Binalot ni Lalaine ang sarili sa comforter saka nagtalubong upang pawiin ang lamig na nararamdaman, subalit nang ipikit niya ang mga mata ay lumitaw sa kanyang isipan ang mainit na eksenang namagitan sa kanila ng kanyang asawa. Tuloy ay naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi dahil sa matinding kahihiyan. Bagaman ang lalaking nakaniig niya ay ang kanyang asawa, ngunit sa papel lamang iyon. Ikinasal silang hindi nila kilala ang isa't-isa at isang beses lang niya itong nakita noong kunin niya ang marriage certificate, tatlong buwan matapos nilang ikasal.

    Last Updated : 2024-10-06
  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 1

    “AND what do you want Uncle? Extort money from those poor businessmen?” tiim-bagang na tanong ni Knives sa kanyang Uncle Timothy. Kahit kailan ay hindi ito nabigo na galitin siya dahil sa pagiging makasarili nito at hindi pagiging makatao. Ang matanda ay kapatid ng yumaong ama ni Knives. Ito na lamang ang natitira niyang kamag-anak subalit hindi niya ito kasundo dahil sa pagiging makasarili at gahaman nito sa kapangyarihan. “No, son,” mariing tanggi naman ng matanda kasabay ng paglagok ng mamahaling brandy. "What I just want to know is, why are you only taking money from those big companies when there are also some small businessmen who don't follow the employees code of conduct?"Lihim na napamura si Knives dahil sa sinabi ng tiyuhin. The truth is, alam niyang totoo ang sinasabi ng matanda at may punto rin naman ito. "I'll take care of those, Uncle. Don't worry," sagot niya saka lumagok rin ng brandy mula sa wine glass na hawak. Matapos niyon ay sinenyasan ni Knives ang isa sa kanya

    Last Updated : 2022-10-16

Latest chapter

  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 2

    "ANAK, nagkape ka man lang ba muna bago maligo? Naku, ikaw bata ka! Baka malamigan ang tiyan mo at sumakit."Napangiti si Lalaine sa kanyang Nanay Lupe nang marinig ang sermon nito. "Opo, Nay," aniya habang tinutuyo ng tuwalya ang basang buhok. Maagang nagising si Lalaine dahil magpupunta siya sa palengke para mamili ng iluluto niyang pang-almusal at pang-meryenda na itinitinda niya sa kanilang lugar. Alas-tres pa lang iyon ng madaling araw pero hayun na siya at naghahanda nang umalis. Para kay Lalaine ay mas mainam na maaga pa lang ang nasa palengke dahil sariwa pa ang mga gulay, prutas, at karne. "O siya, mag-iingat ka Lalaine, anak. Madilim pa ang kalsada, baka mapaano ka," bilin pa ng kanyang Nanay Lupe sabay abot ng may kalakihang bayong."Opo, Nay. Ako pa ba? Araw-araw ko itong ginagawa at araw-araw din po akong nag-iingat," nakangiting saad naman ni Lalaine. Kinuha niya ang bayong sa kanyang nanay at saka isinukbit sa balikat ang maliit niyang itim na bag na naglalaman ng pera

  • DANGEROUS ELYSIUM (A Mafia's Story)    CHAPTER 1

    “AND what do you want Uncle? Extort money from those poor businessmen?” tiim-bagang na tanong ni Knives sa kanyang Uncle Timothy. Kahit kailan ay hindi ito nabigo na galitin siya dahil sa pagiging makasarili nito at hindi pagiging makatao. Ang matanda ay kapatid ng yumaong ama ni Knives. Ito na lamang ang natitira niyang kamag-anak subalit hindi niya ito kasundo dahil sa pagiging makasarili at gahaman nito sa kapangyarihan. “No, son,” mariing tanggi naman ng matanda kasabay ng paglagok ng mamahaling brandy. "What I just want to know is, why are you only taking money from those big companies when there are also some small businessmen who don't follow the employees code of conduct?"Lihim na napamura si Knives dahil sa sinabi ng tiyuhin. The truth is, alam niyang totoo ang sinasabi ng matanda at may punto rin naman ito. "I'll take care of those, Uncle. Don't worry," sagot niya saka lumagok rin ng brandy mula sa wine glass na hawak. Matapos niyon ay sinenyasan ni Knives ang isa sa kanya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status