Share

Curiousity In The Boundary
Curiousity In The Boundary
Author: MisterMaya

The Sight To See Death (Chapter 1)

Alphonse's POV

"Pasensya....." Mababa at mula sa malayo na boses ang aking narinig.

Sino iyon? Mama ikaw na iyan??

UNTI-UNTI KONG binuklat ang aking mga mapupungay na mata at naaninag ko ang sinag ng sikat ng umagang araw mula sa aking bintana. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang nagi-ingay kong alarm na di ko namalayang tumutunog na pala.

"'Pasensya' ba iyong narinig ko kanina...." Tanong ko sa aking sarili at napatingin sa litrato ni mama.

Bakit hindi ko parin makalimutan iyong nangyari? Ilang taon nadin naman ang lumipas.

Tinatamad akong tumayo at lumakad papuntang kusina para maghanda na nang aking almusal habang kinukusot ang aking mata at humihikab. Napatingin ako sa itaas ko habang iniisip kung anong kakaibang mangyayari sa araw na ito.

Napabuntong hininga ako habang nakapikit.

Wala namang mangyayari ngayon, Alphonse. Stop dreaming already.

Kaya hindi na ako nagsayang nang oras sa pagtutunga-tunganga at pagi-isip ng mga imposible at mabilis nang nagbihis para maaga akong makarating sa eskuwelahan.

HABANG NAGLALAKAD AKO papunta sa eskuwela, may naaninag akong maitim na bagay sa gilid nang aking mata sa kaliwa. Pero noong lumingon ako ay wala akong nakitang kakaiba.

Ha? Dahil ba ito sa panonood ko noong palabas kagabi na iyon at kung ano anong nakikita ko ngayon!

Saway ko sa sarili ko habang sinusubukan kong ibuklat ang aking mga puyat na mata.

Lahat naman na tinuturo ng aming teacher ay napag-aralan kona, since naga-advance reading at self-learning sa aking sarili tuwing wala akong ibang magawa, kaso halos lahat naman ng oras wala akong magawa.

Kaya sobrang boring na nung mga klaseng dinadaluhan ko.

Natapos nalang ang aming unang klase pati narin ang kalahati ng aking araw ng nakatitig lamang ako sa labas nang bintana, hindi ko alam kung anong napakaganda sa mga ulap at sobrang naaakit ako dito. Siguro dahil sa bughaw nitong kulay dahil paborito kong kulay ay bughaw.

O baka naman kasi hindi katulad ng tao ang mga ulap, iyong mga ulap kasama lang ang kalangitan at ang hangin na ang magdadala sa kanila hindi katulad nang mga tao na pwedeng kung saan-saan pumunta basta gusto nila.

Sana pala mga ulap nalang ako sa kalangitan...

Pero minsan biglaan nalang dumadaan ito sa isip ko.

Kung ano ang totoong nangyayari sa mga namayapa na, nami-miss din ba nila kaming nabubuhay?

BREAK TIME NA at mag-isa ulit ako sa gilid nang aming Cafeteria, habang patuloy na iniisip ang mga walang katuturang bagay. Patuloy na sana akong malulunod sa dagat ng aking pagi-isip nung may biglang tumabi sa akin.

"Alphonse, patulong nga ako dito sa assignment sa Science natin," ani sa akin nang kaklase ko na si Lucy.

Siya lamang sa mga kaklase ko ang parati akong kinakausap at nilalapitan, lalo na kapag mayroon kaming assignment na gagawin. Alam kong ginagamit niya lang ako para sa mga grades niya pero wala akong pake, nagaganahan ako kapag naguusap kami at kapag nilalapitan niya ako.

Tinignan ko muna iyong papel na inaabot nya sa akin at sinabing, "S-sige tutulungan kita dito, wala naman akong gagawin ngayon, eh." Inabot ko iyong kanyang assignment na nagpangiti sa kanya.

UWIAN NA AT walang nakaka-excite na nangyari sa akin, again, since pumasok ako sa eskuwela from day one. Naglakad ako papunta sa isang Flower Shop, bumili nang mga mapupulang rosas na gustong gusto ni mama at pumunta na sa sementeryo.

Napatingin muna ako sa kapatagan nung sementeryo at pumunta na sa puntod nang aking yumaong ina noong walong taon pa lamang ako. Binaba ko ang mga bulaklak sa harap ng puntod ng aking nanay at lumuhod sa harapan nito.

"Ma, ang boring na talaga ng buhay ko..." Panimula kong saad ng mahina, tumingin ako sa kalangitan at nakita kong dumidilim na rin ang kapaligiran.

"Pero mas mabuti nang ganito katahimik, kaysa naman doon kila Tita Rita sa Cavite. Mas mabuti na lang na may binigay sa aking maliit na bahay dito si Ninang Belle. Sobrang bait niya nga po kasi kailangan ko lang mag-aral ng mabuti para hindi na niya ako singgilin sa renta sa maliit na bahay," napangiti ako sa aking sarili, buti nalang at mababait ang kamag-anak ko at sila ang nag-aruga't nagpalaki sa akin noong nawala si Mama.

Maaga kasing namatay si papa, noong pinanganak ako nasagasaan si papa ng truck sa harap ng hospital. Kaya siguro sobrang bait ng mga kapatid ni papa sa akin. Pero hindi ko mabisita iyong puntod ni papa dahil hindi nila Tita sinasabi sa akin kung nasaan siya nakalibing.

"Ma, alam nyo bang birthday ko na kinabukasan? Kinabukasan pang-sampung taon na itong birthday ko na wala kayo," ani ko habang pahina ng pahina ang aking boses, at niyakap ko na lamang ang aking mga binti at tinago ang aking mukha.

"...Simula nung namatay ka, hindi na ako makaiyak ng maayos. At-- mas lalong lumala ang pagkauhaw ko sa kaalaman tungkol sa kamatayan ninyo. Dahil naniniwala ako na hindi kayo mamamatay nang walang dahilan!" madiin kong saad habang sinusulyapan ang puntod ng aking nanay.

"Ang tanga ko....I just want to say that...I miss you, but I can't have you back," habang biglang may tumulo sa aking kaliwang mata, kinapa ko ito at "Luha...." Madali kong pinunasan ang aking luha at tumayo sa aking pagkakaupo.

"Advance Happy Birthday sa akin....Babalik po ulit ako para ma-celebrate natin ang mismong kaarawan ko, mama," sabi ko habang unti unting lumayo sa puntod ng aking nanay.

DINILAT KO ANG aking mata at nagising na sa panibagong araw. Kaarawan ko na pala! Kaunti lang ang paki ko sa taon na ito magiging katulad rin naman ito sa mga dati kong kaarawan.

Tumayo ako at ginawa ang mga dapat kong gawin para maging presentable pagpunta sa eskuwela.

Kinusot ko ang aking mata at nakita ulit iyong gitara na minsang nilalaro sa akin ni mama na nasa gilid nung aking cabinet.

Kailan napunta iyon doon?

Iniwasan ko ito ang tingin at lumakad na lang papalayo, pero huminto ang aking mga paa at napa-isip ako.

Dalhin ko kaya? Para sa araw na ito? Tsaka para kay mama?

BINISITA KO MUNA ang puntod ng aking nanay habang may hawak akong maliit na mamon bago pumasok. At walang tao ngayon dahil sobrang aga ako pumunta.

"Happy Birthday to me!" ani ko nang may ngiti bago umupo at nilapag iyong mamon na ibinili ko sa bakery sa harap ng puntod ni nanay at nilagyan ng isang kandila.

"Ma, ngayon mismong araw at taon magiging 18 na ako....Hindi ako makapaghintay kung anong kakaibang mangyayari sa buhay ko," ani ko habang nakatitig sa puntod.

"Ma, nahanap ko ulit itong gitara na minsan mong pinapatugtog sa akin," ani ko at pinatugtog ito sa tonong pinapatugtog sa akin ni mama.

Natapos ito at naramdaman ko ang malamig a ihip nang hangin sa paligid, binaba ko iyong gitara at tumingin sa puntod niya. "I really miss the way you play that music to me..." Ani ko.

"Minsan, sa mga nababasa kong mga nobela, tuwing nagiging 18 doon yung main character may madi-diskubrehan silang kakaiba at doon nagsimula ang kanilang laban..." Saad ko habang may limang segundong hinto sa paligid. Sinindihan ko ang kandila sa mamon at pumikit ako ng sandalian at hinipan ko ito.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa puntod ni mama at biglang tingin sa walang katapusang kalangitan.

"Ma, Is it happy up there?" tanong ko.

"Hindi ba malungkot dyan? Lalo na't wala na ako sa tabi ninyo?" napakagat ako sa labi habang hinigpitan ang aking kamao dahil ayokong maging emosyonal sa pampublikong lugar.

At humangin naman ang paligid at nagsisayawan ang sangay ng mga puno sa paligid ko, napapikit nalang ako at nakahinga ng maluwag.

"Hindi naman ganon kasaya-"

Biglang nanlaki ang aking mga mata at unti-unting lumingon sa direksyon nung boses.

"-It's hard to talk to the living, tsaka marami kang nakakasalamuhang kinakatakutan mo dati nung bata ka-"

Mas nanlaki ang aking mata ng makita kong lumulutang yung lalaking nagsasalita -na may puting kasuotan at buhok at medyo gray ang kanyang balat- sa ere.

"Kaya kung ako sayo, siguro mas peaceful ang mabu-" tumingin yung lalaki sakin at nagkasalubong ang gulat kong mata sa kanyang mahinhin at namumutlang mga mata.

At may limang segundong katahimikan mula sa aming dalawa habang may mahinhing hangin na dumaan sa amin.

"S-sino ka...." Tanong ko sa kanya nang may nanlalaking mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status