Share

Chapter 2

Author: MisterMaya
last update Last Updated: 2021-09-07 23:54:19

"H-ha?" saad nung lumulutang na lalaki, kinusot ko ang aking mga mata at baka nag-hahallucinate lang ako sa pagluha ko kanina, pero nakikita ko parin siya.

Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o maa-amaze sa nakita ko,

Multo ba itong kausap ko ngayon? Huh? I can see ghosts?! How and what the heck was that?!

"S-sino ka?! A-at tsaka.... Multo ka ba!?" natataranta kong tanong habang tumingin naman sya sa kanyang paahan at nataranta tuluyan na rin siyang nataranta.

"H-h-h-ha?! N-nakikita mo ako?!" sabi nya habang tinuturo nya ako at sya.

"Oo...Oo," mahinhin kong sabi habang nakatitig sa lalaki.

"Paano nangyari yun? Ilang tao na nakasalumuha ko pero ikaw lang ulit ang nakakita sa akin! M-may third eye kaba?" ani niya nang may gulat.

"H-hindi ko rin alam! B-bigla na lang kitang narinig na nagsasalita kaya napatingin ako sayo, t-tapos nakita kong nakalutang ka nalang sa ere!" natataranta kong paliwanag.

Teka, bakit naging kaswal na iyong pagsagot ko sa kanya?? What the hell self?!

Inikutan niya ako habang nakalutang sa ere at tumigin sya sa akin mula sa taas pababa habang nakahawak sa kaniyang baba, "Hindi ko alam kung anung nangyayari pero-" Bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ng aking mukha at sinabing.

"Gusto mo ba akong samahan sa paglakbay sa Boundary?" imbita nya sabay ngiti sakin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero mas nakilatis ko ang itsura nya, meron syang malalaking mata, medyo chubby na pisngi, maliit at matangos na ilong at may dimples kapag ngumiti sya, at isa pa parang mas maliit sya sa akin.

Tumingin ako sa ibang direksyon kasi sa sobrang lamig ng kanyang katawan kahit na hindi ko sya nahawakan. "B-bakit mo ako iniimbita... Ngayon mo lang ako nakilala diba? At tsaka tao ako at hindi kita ganun kakilala. At tsaka bakit sa tingin mo sasang-ayon ako, para ngang nababaliw na talaga ako ngayon, Siguro ito na iyong epekto ng pagpupuyat ko." Natataranta kong tanong dahil sandali akong nawala nung kinilatis ko ang kanyang mukha.

"'Bakit?' huh..." Bulong nya sa sarili at hinawakan ulit ang kanyang baba na parang nagi-isip.

"Kase mas masaya kapag may kasama ka? At ikaw lang ang taong nakakakita sa akin ngayon... Kaya siguro nga." Nanlaki ang aking mga mata, di ko inaasahan na iyon ang kanyang sasabihin dahil ang nasa isip ko ay ki-kidnapin nya ako at papatayin sa takot.

'Ang sama ko naman pala mag-isip...' Ani ko sa sarili ko.

"H-hindi lang 'bakit' ang tanong ko, sa tingin mo ba talaga papayag ako sa imbitasyon mo?" taka ko.

"Kasi narinig ko iyong tinanong mo dyan sa puntod ng nanay mo. Nagtataka ka rin kung ano ang itsura ng kamatayan diba?" tanong niya, na nagpanginig sa aking katawan hanggang sa aking buto.

"H-hindi kita pinagkakatiwalaan," sambit ko.

"Awww~ Please? Pretty please with cherry on top?" pagmamakaawa niya. He's as childish as his appearance.

"Teka, bakit parang ang kaswal mong kausap? Tsaka ano ba itong Boundary na sinasabi mo? At tsaka nababaliw naba ako?" Sunod-sunod kong tanong sakanya habang nag-indian sit sya na nakalutang sa ere.

"Yung sinasabi kong Boundary, yun yung tawag sa isang invisble wall na nagseseperate sa mga namatay at iba pang kakaibang nilalang sa mga buhay sa mundong ito..." Ani nya at tinitigan ako.

"B-bakit?" tanong ko.

"Tinitignan ko kung paano yung pamumuhay mo from the last 3 days na panonood ko sayo," nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. "Pinapa...nood moko?" Mahina kong tanong.

"Oo, mula sa paggising mo hanggang sa pagtulog mo,"

"Lahat ng ginagawa ko?"

"Lahat-lahat," sagot naman niya habang sunod-sunod na tumungo.

Tinakpan ko naman ang aking dibdib at tinignan ko siya ng masama, "T-teka! H-hindi! Except lang naman doon!" pagdepensa niya sa kaniyang sarili.

Nakahinga ako ng malalim at tinignan siya ng diretso, "Pero, bakit moko pinapanood?" tanong ko.

"Kasi parang may kakaiba sayo...na hindi ko mapaliwanag, kung baka kakaiba iyong aura mo, mga ganun," sabi nya, hindi ko alam kung matutuwa ako o kakabahan sa ibig niyang sabihin.

"P-para kasing may aura ka na. H-hindi ko maintindihan pero anlakas nung dating sa akin. Para ka kasing energy ball na nakaka-attract, eh..." Pilit nyang pinaliwanag sa akin pero natawa lang ako sa pagpapaliwanag niya.

"Kakaiba ka kasi doon sa ibang may mga third eye na nakita at nakilala ko, anlakas nung aura mo. Kaya ikaw yung natanong ko na baka pwedeng sumama sa paglakbay ko sa Boundary,"

At hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin o irereact ko.

"Wag kang magalala, iba yung Boundary sa Gate to Heaven kung nagaalala ka, yung mga nasa Boundary ay yung mga taong taga Far Shore lang nagi-stay bago umalis papunta sa ibang mundo," sabi nya na may kasabay na ngiti.

"...Far Shore?" nalilito kong tanong.

"Pagkatapos kong mamatay, napunta ako sa Far Shore para maghinatay sa desisyon kung mapupunta ako sa Gate to Heaven o magi-stay na lamang ako sa Far Shore. Sa case ko, naghihintay pa ako ng desisyon mula sa Gate of Heaven at habang hindi pa ako tapos, gusto ko munang libutin ang Far Shore," ani nya ng may ngiti, siguro masayahin sya nung nabubuhay pa sya.

"T-t-teka! Bakit ang dali mong sabihin sakin ang mga iyan? Bakit parang sa tingin mo agad akong maniniwala sa iyo?" saad ko habang naka-cross ng braso, at tinignan niya lang ako ng diretso.

"Kasi nga kaibigan na kita, at tsaka ako ang nagi-imbita sa iyo patungo dito sa kakaibang paglalakbay," saad niya nanv nakahawak sa kanyang baba.

Parang hindi pa siya sure sa sinasabi niya, my gosh. Tsaka-

"Wala akong sinasabing kaibigan kita no!" saad ko sakanya ng may pagalit na tono.

"Well nag-usap na tayong dalawa so hindi na tayo strangers at magkaibigan na tayo,"

"Huh? Hindi ganon ang pagkakaibigan no!" saad ko at narinig ko siyang humalakhak dahil dito.

Tinignan ko ang kanyang katawan mula sa ulo hanggang sa paa, he's wearing a very plain white t-shirt and white jeans. Pero walang bakas ng kanyang pagkamatay, diba dapat magkakabakas yung katawan niya kapag namatay siya? Hindi ba ganun iyon? Sa mga libro lang ba iyon nangyayari?

"Ano bang ikinamatay mo?" bigla kong tanong sakanya kaya agad kong sinampal ang aking labi pero nasabi kona ang ito. Tumingin naman sya sa akin.

"Binaril ako," ani nya while keeping a straight face, at para bang tumayo ang mga balahibo ko dahil dito.

"S-so, nahuli ba iyong pumatay sayo?" mahina kong tanong.

"Hindi,"

"P-pero bakit parang wala ka nang pake dun? Diba pinatay ka? Hindi kaba nagagalit o naaawa sa iba niyang mabi-biktima?" nagtataka akong nagtanong.

Tumahimik sya at humiga sa lupa habang nakataas ang kanyang dalawang kamay sa kanyang ulo. "Nagagalit ako, Oo, pero nung sinundan ko sya, nalaman ko na ginagawa nya lang iyon sa pamilya nya-," bumangon sya at tinitigan ako.

"Ang maganda sa isang pagkamatay, marami kang nare-realize na hindi mo nare-realize noong buhay kapa, swerte ka kasi buhay ka pa. Kaya huwag na huwag mong sabihing gusto mong mamatay dahil sa pagkauhaw mo sa kaalaman sa kamatayan," turo nya sa akin, na para bang pinangangaralan niya ako.

I've never even consider suicide at all!Well, maybe minsan. Natawa ako ng kaunti sa sarili ko.

"Alam mo nga talaga yung mga nangyayari sa akin," sabi ko habang napatingin sa puntod ng aking nanay.

"Gusto ko lang naman malaman kung anong nangyayari kapag namatay ang isang tao, hindi-," isang malakas na hangin ang pumaspas sa akin habang unti unting nandilim ang paligid.

"Kaya nga tinatanong kita..." Sabi nya, lumapit sya papunta sa akin at umupo malapit sa harapan ko.

"Kung gusto mong lakbayin ang Boundary kasama ako," saad niya ng may blankong mukha pero titig na titig ang kanyang mga mata sa akin, he looks so interested in me.

Gustong gusto kong sumama sa kanya pero diko kayang iwanan ang orihinal kong mundo.

"Pasensya na pero ayoko," mahinhin kong sabi at nakita ko ang pagkalungkot at gulat sa kanyang blankong expression.

"B-b-bakit naman?! Kala ko gusto mong malaman yung kamatayan?!" nguwa niya sa akin.

Wow, ang childish niya tulad ng kanyang appearance...

"Oo gusto ko pero. Diko pa alam ang magiging desisyon ko..." Halos ibulong ko nalang yung panghuli kong sinabi.

Tumayo naman sya at sinabing, "Pero ako nakadesisyon na. Ikaw ang gusto kong makasama sa paglakbay sa Boundary, Alphonse," sabi nya at napangiti ako doon.

Itong multong ito nagde-desisyon sa sarili niya! Nakakabanas naman! Ano bang meron sa kaniya?

Tumayo ako at hinarap sya, "Sana naman ay respetuhin mo ang magiging desisyon ko," sabi ko at unti unting umalis, "Bukas, kikitain ulit kita dito," ani ko habang kumakaway palayo.

Teka, bakit kumakaway pa ako?!

NATAPOS NA ANG aking klase habang naka-occupied pa rin ang isip ko sa mga mabilis na pangyayari sa sementeryo.

What the heck was that? Bakit nangyari iyon? Paano nangyari iyon? Totoo ba talaga iyon?

Paulit-ulit kong tanong sa aking sarili habang nakatitig lamang sa aking kamao.

Ang dilim na ng paligid at nakaupo lamang ako sa isang upuan sa ilalim ng malaking street lamp sa parke na malapit sa aking bahay.

Tumingin ako sa kalangitan at nalala ko ang mga nangyayari at doon sa lalaki, "Baka panaginip lang talaga iyon..." Sabi ko habang pinisil ang mga daliri ko ng sobrang diin.

"Hala? H-hindi ito panaginip?" sabi ko habang naalala yung lalaking nakausap ko sa sementeryo.

"Anu nga. Ulit yung pangalan nung lalaking yun?" saad ko sa aking sarili habang nakatitig na lamang sa kalangitang walang mga bituin.

Related chapters

  • Curiousity In The Boundary   Chapter 3

    May naririnig akong matamis na himig mula sa madilim kong kapaligiran. Ano kaya iyon? At tsaka...na saan ba ako?"P-parang pamilyar sa akin iyong himig..." ani ko, habang unti unting lumiwanag ang aking paligid at ang sahig ay parang malinis na salamin na sumasalamin sa aking mga galaw. Naglakad-lakad ako ng sandali sa sobrang puting lugar at may natanaw akong babae mula sa malayo na mukhang pamilyar.Bigla nalang may tumulo sa gilid ng aking mukha at nakilala ko kung sino ang nakatayong babae, "Mama?" ani ko at lumingon sya sa aking direksyon, halos nanlamig ang aking buong katawan, parang siya nga iyon.Unti unti syang lumapit sa akin at bumulong sa aking tainga at sinabing, "Wag kang pupunta sa boundary...." nagulat ako sa kanyang sinabi at biglang may malakas at nakakairitang tunog ang sumira sa paligid nang parang salamin.BIGLAAN KONG BINUKSAN ang aking mga mata ng

    Last Updated : 2021-09-07
  • Curiousity In The Boundary   The Sight To See Death (Chapter 1)

    Alphonse's POV"Pasensya....." Mababa at mula sa malayo na boses ang aking narinig.Sino iyon? Mama ikaw na iyan??UNTI-UNTI KONG binuklat ang aking mga mapupungay na mata at naaninag ko ang sinag ng sikat ng umagang araw mula sa aking bintana. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang nagi-ingay kong alarm na di ko namalayang tumutunog na pala."'Pasensya' ba iyong narinig ko kanina...." Tanong ko sa aking sarili at napatingin sa litrato ni mama.Bakit hindi ko parin makalimutan iyong nangyari? Ilang taon nadin naman ang lumipas.Tinatamad akong tumayo at lumakad papuntang kusina para maghanda na nang aking almusal habang kinukusot ang aking mata at humihikab. Napatingin ako sa itaas ko habang iniisip kung anong kakaibang mangyayari sa araw na ito.Napabuntong hininga ako habang

    Last Updated : 2021-09-07

Latest chapter

  • Curiousity In The Boundary   Chapter 3

    May naririnig akong matamis na himig mula sa madilim kong kapaligiran. Ano kaya iyon? At tsaka...na saan ba ako?"P-parang pamilyar sa akin iyong himig..." ani ko, habang unti unting lumiwanag ang aking paligid at ang sahig ay parang malinis na salamin na sumasalamin sa aking mga galaw. Naglakad-lakad ako ng sandali sa sobrang puting lugar at may natanaw akong babae mula sa malayo na mukhang pamilyar.Bigla nalang may tumulo sa gilid ng aking mukha at nakilala ko kung sino ang nakatayong babae, "Mama?" ani ko at lumingon sya sa aking direksyon, halos nanlamig ang aking buong katawan, parang siya nga iyon.Unti unti syang lumapit sa akin at bumulong sa aking tainga at sinabing, "Wag kang pupunta sa boundary...." nagulat ako sa kanyang sinabi at biglang may malakas at nakakairitang tunog ang sumira sa paligid nang parang salamin.BIGLAAN KONG BINUKSAN ang aking mga mata ng

  • Curiousity In The Boundary   Chapter 2

    "H-ha?" saad nung lumulutang na lalaki, kinusot ko ang aking mga mata at baka nag-hahallucinate lang ako sa pagluha ko kanina, pero nakikita ko parin siya.Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o maa-amaze sa nakita ko,Multo ba itong kausap ko ngayon? Huh? I can see ghosts?! How and what the heck was that?!"S-sino ka?! A-at tsaka.... Multo ka ba!?" natataranta kong tanong habang tumingin naman sya sa kanyang paahan at nataranta tuluyan na rin siyang nataranta."H-h-h-ha?! N-nakikita mo ako?!" sabi nya habang tinuturo nya ako at sya."Oo...Oo," mahinhin kong sabi habang nakatitig sa lalaki."Paano nangyari yun? Ilang tao na nakasalumuha ko pero ikaw lang ulit ang nakakita sa akin! M-may third eye kaba?" ani niya nang may gulat."H-hindi ko rin alam! B-bigla na lang kitang narinig na nagsasalita kaya napatingin ako sayo, t-tapos naki

  • Curiousity In The Boundary   The Sight To See Death (Chapter 1)

    Alphonse's POV"Pasensya....." Mababa at mula sa malayo na boses ang aking narinig.Sino iyon? Mama ikaw na iyan??UNTI-UNTI KONG binuklat ang aking mga mapupungay na mata at naaninag ko ang sinag ng sikat ng umagang araw mula sa aking bintana. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang nagi-ingay kong alarm na di ko namalayang tumutunog na pala."'Pasensya' ba iyong narinig ko kanina...." Tanong ko sa aking sarili at napatingin sa litrato ni mama.Bakit hindi ko parin makalimutan iyong nangyari? Ilang taon nadin naman ang lumipas.Tinatamad akong tumayo at lumakad papuntang kusina para maghanda na nang aking almusal habang kinukusot ang aking mata at humihikab. Napatingin ako sa itaas ko habang iniisip kung anong kakaibang mangyayari sa araw na ito.Napabuntong hininga ako habang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status