Share

Chapter 3

Author: MisterMaya
last update Last Updated: 2021-09-07 23:55:43

May naririnig akong matamis na himig mula sa madilim kong kapaligiran. Ano kaya iyon? At tsaka...na saan ba ako?

"P-parang pamilyar sa akin iyong himig..." ani ko, habang unti unting lumiwanag ang aking paligid at ang sahig ay parang malinis na salamin na sumasalamin sa aking mga galaw. Naglakad-lakad ako ng sandali sa sobrang puting lugar at may natanaw akong babae mula sa malayo na mukhang pamilyar.

Bigla nalang may tumulo sa gilid ng aking mukha at nakilala ko kung sino ang nakatayong babae, "Mama?" ani ko at lumingon sya sa aking direksyon, halos nanlamig ang aking buong katawan, parang siya nga iyon.

Unti unti syang lumapit sa akin at bumulong sa aking tainga at sinabing, "Wag kang pupunta sa boundary...." nagulat ako sa kanyang sinabi at biglang may malakas at nakakairitang tunog ang sumira sa paligid nang parang salamin.

BIGLAAN KONG BINUKSAN ang aking mga mata ng marinig ang napakalakas kong alarm, pinatay ko ito at umupo sa katahimikan ng aking kuwarto. May basa akong nararamdaman sa aking pisngi at nung pinunasan ko, luha pala ito.

Ano kaya yon? T-teka, ano nga ulit yung panaginip ko?

Unti unti kong inalala ang mga imahe na nasa isip ko at ang salitang 'Wag kang pupunta sa boundary...' Tinignan ko lang ang aking palad ng ilang minuto at kinamot ang aking ulo.

"Andami talagang nangyari ever since nung nag 18th birthday ako. Para tuloy nasa telenovela ako," ani ko sa sarili ko na may kaunting inis dahil masyado akong nasanay sa tahimik at boring na buhay.

Tumayo ako habang kinukusot ang aking mga mata, at nung binuksan ko ito nasulyapan ko ang isang pamilyar na mukha na nakalutang sa ere at nakatingin sa akin ng diretso.

Nanlamig ang aking buong katawan at naglabas ako nang sobrang lakas sigaw.

"A-ah! Ah! Alphonse! Ako ito!," sabi nya habang tinuturo ang sarili sa taranta.

"BAKIT KA ANDITO SA BAHAY?! DIBA DAPAT NASA SEMENTERYO KA?!," pasigaw kong tanong habang tinatakpan ang aking dibdib gamit ang aking kumot at nakapikit.

"E-eh...nabored na ako sa sementeryo kaya pumunta ako sa bahay mo!," saad niya na may mga matang nagmamakaawa.

"Hindi pa rin yun sapat na excuse kung bakit ka andito!," sabi ko at binato ko sakanya yung unan sa kama ko, pero tumagos lang ito sa kanyang katawan.

Nakalimutan ko, patay na nga pala sya.

"Di yan gagana," sarkasmo nyang saad kasabay nang mapangasar na tawa, kaya mas lalo akong nainis. Pero huminga ako ng malalim, hinilot ang aking sentido at tumingin sa kanya.

"Diba sabi ko sayo na pupuntahan kita ngayon, di kaba makapaghintay?," ani ko habang naiinis na kinamot ang aking buhok.

"P-pasensya na, antagal na kasi nung simulang magka-enteraksyon ako sa tao eh. Lalo na't magkaibigan na tayo," sabi niya at umupo sa taas ng aking drawer.

"Umalis kana muna dito..." Malamig kong saad at narinig ko ang kanyang daing.

"Ehh?! Hindi na ako makahintay sa sagot mo, ehh," ani nya habang nagiinarte sa ere.

"May napaniginipan ako..." Tumigil sya sa pagaarte nya at pinakinggan ako.

"Sabi nung nanay ko sa panaginip ko na...wag akong pupunta sa Boundary," sabi ko ng may pagkalungkot sa aking boses.

Narinig ko naman syang huminga na parang may sasabihin, "So susundin mo yung panaginip mo?" tanong nya sa akin.

"Huh?"

"Susundin mo yung panaginip mo?" ulit niya.

"M-malamang, baka maging lugar ng kamatayan ko iyng pagpunta doon sa Boundary. At tsaka hindi ko pa nga alam sa sarili ko kung safe ako doon," paliwanag ko habang niyakap ang aking sarili.

"Bakit, alam mo na ba kung kailan ka mamamatay?" tanong niya habang ang itim niyang buhok ay nakaharang sa isa nyang mata at ang isa nyang mata ay parang tumutusok sa aking dibdib at hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.

"Hin-"

"Hin?"

Napatingin ako sa ibaba ko at hindi alam kung ano ang aking sasagutin. "..H-hindi naman sa ganon. Cautious lang ako dahil naninibago ako sa mga nangyayari sa buhay ko, lalo na't andyan ka at wala pa rin akong ekplanasyon sa sarili ko kung bakit kita nakikita,"

Lumapit sya sa aking mukha at sinabing, "Kailangan pa ba talaga nang ganun? At tsaka, bakit naman hindi? Diba gusto mong malaman kung anong nangyayari sa kamatayan? Pero bakit ayaw mong mamamatay? Tao nga naman..." Sabi nya at nanlaki ang aking mga mata at tinaboy sya.

Umiwas sya kahit na alam niyang hindi ko siya mahahawakan.

"Kung naging tao ka alam mo ang katangian nang mga tao! Sila ang pinaka-mahinang nilalang sa buong mundo! Kaya natural lang sa kanila ang malito!" sigaw ko dahil naiinis ako sa kanyang kakulitan

Parang katulad ko, noong nawala si mama. Sobrang lito at sobrang hina...

Umalis ako sa kwarto sa sobrang inis, habang siya naman ay may binulong na hindi ko maintindihan.

NALILIGO AKO AT inalala ang aking hindi na malinaw na panaginip.

Ano kayang meaning noon? Bakit kaya ayaw akong papuntahin sa Boundary? May meron ba sa akin na hindi ko pa alam? Ayoko ba talagang mamatay? Ang mga tanong na lumilipad sa aking isipan habang tumatama ang tubig sa aking kutis.

Natauhan lang ako sa aking mga iniisip nang biglang nag-alarm ang aking cellphone.

NAGBIHIS NA AKO at pumunta na ng eskuwela. "Saan ka pupunta?" biglang nagsalita siya sa aking tabi.

"Ginulat mo naman ako! Tsaka pupunta ako sa eskuwela malamang," saad ko ng may diin.

"Anung eskuwela-"

"Hindi mo alam kung ano yung eskuwela?!"

"Ibig kong sabihin, anong eskuwela, eh, Sabado ngayon..."

Biglang nanahimik ang paligid at isang mahinang hangin ang humampas sa akin. "Ano..."

"Sa-ba-do ngayon..." inulit nya ng mahinhin na pabaybay, at napabuntong hininga nalang ako dahil dito.

Tinignan ko rin iyong aking kalendaryo sa cellphone a totoong Sabado na nga, na lost track ako sa dami nang iniisip ko, "Bwisit!"

NILAPAG KO ANG mga bulaklak sa puntod ng aking nanay habang napapabuntong hininga sa aking katangahan kanina. "Bakit hindi ko narealize na Sabado ngayon?!" Inis na sabi ko sa aking sarili habang kinakaltok ang aking sentido.

At tumatawa lang sya sa likod ko, "Nung paggising mo kasi di ka tumingin sa orasan mo! Teka sumasakit iyong tyan ko kakatawa, ah patay na nga pala ako." Tapos ay sumabog na naman sya sa kakatawa, kakaiba rin pala ang sense of humor niya.

"Manahimik ka na nga lang!" Inis kong sigaw sa kanya, "Pero parang gustong gusto mo talagang pumasok, marami kabang kaibigan doon?" tanong niya at naalis naman ang init ng ulo ko dahil dito.

"Sa itsura kong ito, mukha ba akong maraming kaibigan?"

"Bakit anong problema sa itsura mo? maganda ka naman." Napahinto ako sa ginagawa ko at lumingon sa kanya.

"Kapag maganda ka maraming magkakagusto sayo at marami kang magiging kaibigan. Pero itong pangong, malabong mata at maraming freckles na mukhang ito ay hindi magiging maganda sa tingin ng ibang lalaki," sabi ko with a straight face at patuloy akong sumagot sa aking mga takda.

"Wag mong sabihing hindi ka maganda," ang simpleng saad niya, at kahit papaano gumaan naman ang dibdib ko doon. Nang may bigla akong narinig na batang umiiyak mula sa paligid.

"Narinig mo iyon?" tanong ko habang tumitingin sa aking paligid, dali-dali kong kinuha ang aking bag at inilagay ito sa aking likuran.

"Yung ano?" tanong niya.

"Parang...umiiyak na bata," sabi ko at pumunta sa direksyon ng iyak, "T-teka Alphonse!" ang huli kong narinig na sigaw mula sa kanya, pero patuloy akong tumakbo sa direksyon nang iyak.

Parang desperado itong nangangailangan ng tulong. Parang ako lang noong namatay si mama...

NAPUNTA NA AKO sa direksyon ng iyak pero wala akong nakita na kahit ano sa paligid. Bigla nalang naging maulap ang paligid ko at halos hindi ko na makita ang aking kinatatayuan.

"Normal na tao?" rinig ko na may manipis na tono mula sa buong paligid.

"Pero narinig nya yung iyak, baka hindi sya normal na mortal!"

"Baka hybrid sya na mula sa Far Shore,"

"Kahit sino pa man sya, masarap paren ang dugo ng mga nabubuhay na tulad niya." Tumayo lahat nang aking mga balahibo ng marinig ang huling pangungusap na iyon at natatakot na naging alerto sa aking paligid.

Sobra na akong nalilito sa mga nangyayari. At bigla nalang may nagbato sa binti ko ng patalim, nalapnusan ang aking binti at nagdugo ito. Kaya napabagsak ako sa lupa habang nakahawak sa aking binti at patuloy na pagtingin sa aking paligid habang nagtatangkang umalis sa ulap na nakapaligid sa akin.

'A-ano bang nangyayari?! mamamatay na ba ako?!' Ang unang naisip ko nang halos maiyak na ako sa aking sitwasyon ng biglang-

"Humawak ka!" Sumigaw siya sa tabi ko at binuhat ako sa kanyang likuran, kaya napakapit ako ng mahigpit sa kanyang t-shirt.

"Halika! umalis na tayo dito!" kaya tumakbo kami palabas sa mahamog na paligid na iyon at sa sementeryo.

HININGAL KAMING PAREHAS kakatakbo para makaalis sa lugar na iyon.

Teka....

"Bakit ka hinihingal?!" sorpresa kong saad habang nakaturo sakanya, at mukhang hindi niya rin ito narealize at nagulat rin sya. "Ah! Oo nga no!!" taranta nya sa kaniyang sarili.

"T-tsaka paano mo ako nabuhat! Eh multo ka na!" isa ko pang tanong ng may taranta.

"Yung kanina kasi, nung nasa bahay tayo at nung tinaboy mo ako... Feeling ko nun mahahampas mo talaga ako, kaya sinubukan kong hawakan yang katawan mo... Baka patay ka na rin," sabi niya habang tinitignan ang kanyang mga kamay.

"HUWAG KANGANG MAGSABI NG KUNG ANO-ANO DYAN!," galit kong sigaw sa kaniya.

"Ang init mo pala," sabi niya habang nakatingin sa akin na parang batang first time na makakain ng ice cream.

"Yak, para kang bastos..." Sabi ko ng may nadidiring mukha sa kanya.

"Ah! Hindi! Pasensya na antagal na kasi since may naramdaman akong mainit, anlamig kasi ng katawan ko!" ani niya.

"Pero salamat talaga-" naputol ang aking sasabihin nung biglang kumirot ang aking tama sa binti.

"May sugat ka!" gulat na saad niya at napatingin naman ako sa aking binti, hindi ko na naramdaman iyong sugat ko. Siguro dahil sa adrenaline rush ko iyon.

"W-wag kanang magalala-" saad ko at kumupit ng tuwalya sa aking bag.

"Dahil nasa adrenaline rush iyong katawan ko, hindi ko mararamdaman yung sugat hanggang mamaya. Kaya wag kanang magaalala," saad ko at tinakpan na ang aking binti gamit yung malinis kong tuwalya.

Naramdaman ko namang diniinan niya yung tuwalya ko habang nakatingin siya sa baba, "Sorry, nagkasugat ka kasi hindi ako mabilis na nakahabol sa iyo. Kaibigan mo pa naman ako-"

"W-wag ka na ngang magalala doon!Ako naman yung may kasalanan kasi ako yung tumakbo papunta doon-" saad ko at tinapos ang pagtakip sa aking sugat.

"Hindi pwede iyon!" agresibo niyang sigaw na ikinagulat ko.

Napansin niya na nagiba ang tono niya kaya tumingin siya sa baba ng ilang segundo at itinaas ang kanyang kamay sa akin.

"Gusto kitang protektahan. Kaya may gagawin ako at kailangan mong hawakan ang kamay ko." Bigla nalang niyang saad na para bang sigurado at seryoso siya sa sinasabi niya.

Kaya lumunok ako ng saglit at inabot ang kaniyang kamay. Naging kamay nang lobo ang kaniyang kaliwang kamay at unti-unting binuksan ang kaniyang palad.

"Huy! Tek-" pero nagulat ako ng makitang bughaw ang kaniyang kamay, ipinakita niya ito sa akin.

At sinabing, "Lagyan mo ng dugo iyang palad mo, tapos ilagay mo dito sa palad ko." Kaya pinunas ko ang aking dugo sa paa at inabot ang kamay ni Roswald.

Pumukit siya at naramdaman ko na unti-unting lumamig ang aking kamay at nakita kong umilaw ang palad naming dalawa ng sobrang nakakasinag at unti-unti rin itong nawala.

"Ang tawag doon ay Blood Master, minsan lang nangyayari ito pero alam ko iyo. Isang performance iyon ng isang patay at buhay na nilalang na nagbahagi ng dugo ng isa't isa-" paliwanag niya.

Tinignan ko ang aking pulso at nagkaroon siya ng abong kulay na curvy-ing marka.

Ito ba iyong tinatawag na Curse Mark?

"-Isang klase iyan ng curse mark sa pagitan ng dalawang magkasundong nilalang," ani niya at napatingin ako sa kaniya.

"Sa pamamagitan nito, malalaman natin ang pakiramdam, kondisyon at lokasyon ng isa't isa. Ginawa ko iyan para mapro-tektahan kita kung sakaling may ibang nilalang na bumangga sa iyo." Dagdag pa niya habang nakatingin pababa sa akin.

Gusto ko siyang pasalamatan...pero-

"Ano nga palang. Pangalan mo?" Biglaan kong tanong sa kanya.

"Pangalan ko..." Tanong niya at Tumingin sa akin.

"Kapag ba sinabi ko ang pangalan ko, sasamahan mo ba ako sa Boundary?" tanong nya na may nakakaawang mukha.

"Hindi pa ako sigurado, ayaw kong iwanan itong mundo ko..." Ani ko habang tumingin sa baba.

"Hindi mo naman iiwan itong mundo eh, mabagal ang oras sa Boundary at babalik-balik karin dito," pagkumbinsi niya sa akin.

"Sige, sasamahan na kita sa Boundary," sabi ko ng may kasiguraduhan sa aking mukha.

"Sure kana diyan, ha, wala nang balikan iyan!" madiin niyang saad sa akin.

"Wala nang balikan," panigurado kong saad sakanya habang nakataas ang aking kanang kamay.

Tumayo sya sa harapan ko at nakalagay sa kanyang kaliwang dibdib ang kanyang kamay, "Kinagagalak kong makilala ka Alphonse. Ako nga pala si Roswald Colton ang magiging kasama mo sa paglakbay sa Boundary," sabi niya nang may malaking ngiti sa kanyang mukha.

"Roswald, kinagagalak ko ring makilala ka," sabi ko ng may ngiti.

Roswald, huh? That's a pretty nice name I would say.

Related chapters

  • Curiousity In The Boundary   The Sight To See Death (Chapter 1)

    Alphonse's POV"Pasensya....." Mababa at mula sa malayo na boses ang aking narinig.Sino iyon? Mama ikaw na iyan??UNTI-UNTI KONG binuklat ang aking mga mapupungay na mata at naaninag ko ang sinag ng sikat ng umagang araw mula sa aking bintana. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang nagi-ingay kong alarm na di ko namalayang tumutunog na pala."'Pasensya' ba iyong narinig ko kanina...." Tanong ko sa aking sarili at napatingin sa litrato ni mama.Bakit hindi ko parin makalimutan iyong nangyari? Ilang taon nadin naman ang lumipas.Tinatamad akong tumayo at lumakad papuntang kusina para maghanda na nang aking almusal habang kinukusot ang aking mata at humihikab. Napatingin ako sa itaas ko habang iniisip kung anong kakaibang mangyayari sa araw na ito.Napabuntong hininga ako habang

    Last Updated : 2021-09-07
  • Curiousity In The Boundary   Chapter 2

    "H-ha?" saad nung lumulutang na lalaki, kinusot ko ang aking mga mata at baka nag-hahallucinate lang ako sa pagluha ko kanina, pero nakikita ko parin siya.Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o maa-amaze sa nakita ko,Multo ba itong kausap ko ngayon? Huh? I can see ghosts?! How and what the heck was that?!"S-sino ka?! A-at tsaka.... Multo ka ba!?" natataranta kong tanong habang tumingin naman sya sa kanyang paahan at nataranta tuluyan na rin siyang nataranta."H-h-h-ha?! N-nakikita mo ako?!" sabi nya habang tinuturo nya ako at sya."Oo...Oo," mahinhin kong sabi habang nakatitig sa lalaki."Paano nangyari yun? Ilang tao na nakasalumuha ko pero ikaw lang ulit ang nakakita sa akin! M-may third eye kaba?" ani niya nang may gulat."H-hindi ko rin alam! B-bigla na lang kitang narinig na nagsasalita kaya napatingin ako sayo, t-tapos naki

    Last Updated : 2021-09-07

Latest chapter

  • Curiousity In The Boundary   Chapter 3

    May naririnig akong matamis na himig mula sa madilim kong kapaligiran. Ano kaya iyon? At tsaka...na saan ba ako?"P-parang pamilyar sa akin iyong himig..." ani ko, habang unti unting lumiwanag ang aking paligid at ang sahig ay parang malinis na salamin na sumasalamin sa aking mga galaw. Naglakad-lakad ako ng sandali sa sobrang puting lugar at may natanaw akong babae mula sa malayo na mukhang pamilyar.Bigla nalang may tumulo sa gilid ng aking mukha at nakilala ko kung sino ang nakatayong babae, "Mama?" ani ko at lumingon sya sa aking direksyon, halos nanlamig ang aking buong katawan, parang siya nga iyon.Unti unti syang lumapit sa akin at bumulong sa aking tainga at sinabing, "Wag kang pupunta sa boundary...." nagulat ako sa kanyang sinabi at biglang may malakas at nakakairitang tunog ang sumira sa paligid nang parang salamin.BIGLAAN KONG BINUKSAN ang aking mga mata ng

  • Curiousity In The Boundary   Chapter 2

    "H-ha?" saad nung lumulutang na lalaki, kinusot ko ang aking mga mata at baka nag-hahallucinate lang ako sa pagluha ko kanina, pero nakikita ko parin siya.Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o maa-amaze sa nakita ko,Multo ba itong kausap ko ngayon? Huh? I can see ghosts?! How and what the heck was that?!"S-sino ka?! A-at tsaka.... Multo ka ba!?" natataranta kong tanong habang tumingin naman sya sa kanyang paahan at nataranta tuluyan na rin siyang nataranta."H-h-h-ha?! N-nakikita mo ako?!" sabi nya habang tinuturo nya ako at sya."Oo...Oo," mahinhin kong sabi habang nakatitig sa lalaki."Paano nangyari yun? Ilang tao na nakasalumuha ko pero ikaw lang ulit ang nakakita sa akin! M-may third eye kaba?" ani niya nang may gulat."H-hindi ko rin alam! B-bigla na lang kitang narinig na nagsasalita kaya napatingin ako sayo, t-tapos naki

  • Curiousity In The Boundary   The Sight To See Death (Chapter 1)

    Alphonse's POV"Pasensya....." Mababa at mula sa malayo na boses ang aking narinig.Sino iyon? Mama ikaw na iyan??UNTI-UNTI KONG binuklat ang aking mga mapupungay na mata at naaninag ko ang sinag ng sikat ng umagang araw mula sa aking bintana. Dahan-dahan akong tumayo at pinatay ang nagi-ingay kong alarm na di ko namalayang tumutunog na pala."'Pasensya' ba iyong narinig ko kanina...." Tanong ko sa aking sarili at napatingin sa litrato ni mama.Bakit hindi ko parin makalimutan iyong nangyari? Ilang taon nadin naman ang lumipas.Tinatamad akong tumayo at lumakad papuntang kusina para maghanda na nang aking almusal habang kinukusot ang aking mata at humihikab. Napatingin ako sa itaas ko habang iniisip kung anong kakaibang mangyayari sa araw na ito.Napabuntong hininga ako habang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status