Share

KABANATA 44

May silungan doon na may lamesa at mga upuan. Naalala ko roon pala tumatambay ang mga ibang estudyante kapag vacant nila o gustong mapag isa. Bakit ngayon ko lang iyon naalala?! Maganda pa ang klima ngayon na maaga pa kaya panigurado hindi pa gaanong mainit doon dahil maaga pa naman at tamang tama kasi karamihan sa building namin ngayon ay may klase kaya wala gaanong naggagalang mga tao. Nagtungo na ako roon sa aming building at umakyat sa hagdanan papunta sa pinakaitaas. Pagbukas ko ng pintuan kung saan sa loob nito ay ang rooftop na at nang makitang walang tao ay napangiti ako. May harang ang rooftop namin na mataas na may butas butas para makikita mo pa rin ang tanawin mula rito sa rooftop.

Napapikit ako nang tumama sa akin ang malamig na simoy ng hangin bago nagmulat muli para tignan ang buong paligid. Nagsimula na akong maglakad para libutin muna ang buong rooftop bago pumunta sa may silong kung nasaan ang mga lamesa at upuan. Tambayan iyon kung gusto mo ng

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status