“Ano ba ang pumasok sa utak mo?!” Raphael hissed.Nagkibit-balikat lang si Tati, kakagaling lang nila sa ospital. Isinugod siya ni Raphael. Wala namang masyadong ginawa sa kanya dahil isa lamang iyong allergic reaction. Pero si Raphael ay putak nang putak kaya nanahimik na lang si Tati.“God, Athalia! You’re making things hard!” he hissed as he glanced at his phone.Panay tunog ang cellphone ni Raphael, it was his mother. Mukhang nakarating narito ang kumusyon na ginawa nila sa party.“I think I-I should be the one answering that,” wika niya saka tumitig sa cellphone ni Raphael na nasa dashboard.“And I am sure Mom already knew—”“Of course!” gigil na putol niya sa asawa. Naririndi na siya sa kakabunganga nito. “Kung hindi ka sana OA, wala tayong problema! I clearly told you that I can handle myself! May gamot akong dala, parati! Apaka OA mo lang talaga!”He scoffed, “Ako pa talaga ang OA?! Do you think I won’t react when I saw your face full of red spots?! Sa tingin mo kapag namatay
Isang linggo silang hindi nagpapansinan. Pero sa iisang kwarto pa rin sila natutulog. Nasanay na rin si Tati na hindi sila magpansinang dalawa. Nagtataka nga siya kung bakit umuuwi pa rin ito sa kanya. Kasi dahil sa kadladalan ni Lali ay nakuwento nito sa kanya na hindi umuuwi si Raphael sa bahay nila. Kaya nga nagtataka siya kung bakit sa kanya pa rin ito umuuwi. “Ay Ma’am sabi nga pala ni Sir kanina dito daw siya maglalunch,” si Lali. Tumango si Tati, “Bakit raw?” Nagkibit-balikat si Lali, “Hindi ko po alam, Ma’am. ‘Yun lang sinabi, e. Baka namiss kayo, Yie!” tudyo pa ni Lali na ikinairap ni Tati. Kahit pa siya na lang ang nag-iisang babae sa mundo, malabo na mahalin siya ng asawa niya. Ultimo paghinga nga niya ay nagdududa ito. Kahit pa siguro anong kabutihan ang gawin niya ay magdududa pa rin si Raphael. Kulang na lang turukan siya ng truth serum para maya’t-maya siyang magsabi ng totoo. “Tigilan mo nga ako, Lali!” asik niya saka tinuloy ang pagbabasa ng mga libro. Sa i
Tahimik lang si Tati habang kumakain, paminsan-minsan ay sumasagot siya sa katanungan ng mga biyenan niya. Pero madalas ay si Raphael ang inuusisa nito patungkol sa mga negosyo. Inabala ni Tati ang sarili sa pagkain ng panghimagas, ang ultimate fave niya: mango float.“Raphael, did you find a new supplier for the hotel in Mindanao?” ang Daddy ni Raphael.“Yes, Dad. I already closed the deal with the supplier,” sagot pa nito.“That’s great, anak. Anyway, your Angkong’s birthday is coming up next week. And the annual family meeting will also be held next week. Kaya I am curious if Tati and you are okay?” Mr. Yapchengco uttered something that made Tati gasp in surprise.Bumuntong hininga si Raphael, “Yeah. We are doing good, Dad.”Pumalakpak si Mrs. Yapchengco, “Thank goodness! Ilang taon rin akong umasa na magkakaayos pa kayong dalawa. What happened to you anak was a blessing in disguise,” sambit ng ginang saka bumaling kay Tati at ngumiti. “If it weren’t for that incident. Hindi namin
Minsan mas mahirap pa sa math si Raphael. Minsan mabait, minsan masungit at maldito. Pero madalas may saltik, minsan napapaisip si Tati kung bakit mahal niya ito. Limot na nga niya lahat ng bagay dahil sa aksidente, pero ang walanghiyang puso niya ay lumulindag sa tuwing mabait si Raphael sa kanya. Pikang-pika naman siya sa tuwing tinatamaan ito ng topak. “Goddamn it! Answer me, Athalia!” he hissed. Tinaasan niya ng kilay ang asawa, “What?” Nakatitig si Raphael sa kanya, patuloy lang na ngumuya si Tati. Tinatamad siyang sabayan ang topak ng asawa niya. Anong akala nito sa kanya? Marupok?! Humingang malalim si Raphael. Hinilot nito ang sintido, kinakalma ang sarili pero namumula ang buong mukha nito. Isang pang-aasar pa ay sasabog na ito sa galit. “I am asking you, Athalia?!” asik nito. Naglakad ito papalapit sa kanya, huminto ito sa harap niya. “Sagutin mo ako?!” Umirap si Tati, “Quiz ka ba para sagutin ko?” “Quit playing games with me,” inis na sambit nito. “Ano ba kas
Gabi na at hindi pa rin umuuwi si Raphael, nilulunod niya ang sarili sa alak. Hindi siya makapag-isip ng tama. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Kaya nilulunod niya ang sarili sa alak. Dinig na dinig niya ang malakas na tugtog at mga hiyawan ng mga tao. Nakatulala lang siya at panay ang tungga ng alak.Simula noong naaksidente si Athalia ay paminsan-minsan na lang siya kung uminom. Dati rati ay namamalagi siya sa mga bar o ‘di kaya kasama ang barkada niya. Sa pagkakataong ‘to ay nais niyang mapag-isa.“Hi.”Nilingon ni Raphael kung sino iyon, it was a woman. Ngumiti ang babae sa kanya. She leaned forward, “Can I sit here?”He nodded. Ibinalik niya ang tingin sa baso at saka ininom iyon. Hindi naman siya pinanganak kahapon para hindi ma-gets ang babae. Alam niyang interesado ito sa kanya. Saka sanay na sanay siyang ang mga babae ang lumalapit sa kanya.“So, what’s up?” dinig niyang sambit ng babae.Halis magkadikit na sila pero hindi iyon alintana ni Raphael. Lumilip
Matapos ng komprontasyon nila ay nagkulong si Tati sa banyo. Mayamaya ay napagdisesyonan niyang maligo. Nakatulong ang malamig na tubig para mapagaan ang nararamdaman niya at ang init ng ulo niya. Sino nga ba naman ang hindi maiinis sa sinabi ng asawa niya. Siya buntis? E, hindi nga siya marunong lumandi. Kaya nga nagtataka siya kung bakit sila ikinasal ni Raphael. Nang matapos siyang maligo at lumabas ng banyo ay wala na roon ang asawa niya. Na ikinatuwa ni Tati, agad siyang nagbihis. Suot ang yellow sundress. Medyo nakonsensya siya sa pagsuntok niya kay Raphael kanina pero agad rin nawala ang guilt na nararamdaman niya nang akalain nitong buntis siya. Nang makababa siya ay dumiretso siya sa dining area. Nadatnan niya ang asawa si Raphael na nagkakape, may nakahain na rin na mga pagkain sa mesa. Nag-angat ng tingin si Raphael, nagkasalubong ang kanilang mga mata. At mabilis na umirap si Tati. “Good morning, Ma’am!” masiglang bati ni Lali kay Tati. “Gusto niyo po ng kape?
Everything was settled, nasa ospital pa rin Manang Susan. Silang dalawa ni Lali ang nagbabantay sa matanda. Si Raphael ay umalis para magtungo sa opisina, mag kailangan itong ayusin. Nagkaroon daw ng aberya sa bagong proyekto. Stable na ang lagay ng matanda kaya nakahinga sila ng maluwag lahat. Nagkaroon ito ng mild stroke, mabuti at agad nila itong naisugod sa ospital. Walang pamilya ang ginang, hindi ito nakapag-asawa o nagkaroon ng anak. Kapag nakalabas ito ay sa bahay pa rin ito titira, parte ito ng pamilya ni Raphael. Ito ang nag-alaga kay Raphael at sa kapatid nito. Kahit na nag-asawa na ito ay inaalagaan pa rin nito si Raphael.“Lali,” tawag niya sa kasambahay.“Po?” namumula rin ang mata nito sa kakaiyak. Malapit rin kasi ito kay Manang Susan, at nanay ang turing nito sa matanda.“Lalabas muna ako, okay? May gusto ka bang kainin? Bibili ako.”Malungkot na ngumiti ang dalaga, “Sandwich na lang po.”She nodded. Hindi siya sanay na makitang gano’n si Lali. Sanay kasi siyang mali
“I told you so!” inis na wika ni Tati.Kakatapos lang ng check-up niya sa OB GYNE. At hindi siya buntis, thankfully it was negative! Dahil sa loob loob ni Tati ay kabado siya. Lalo na’t nalaman niyang may nobyo siya kuno. Kailangan niyang mag-imbestiga at malaman ang katotohanan.Humalakhak si Raphael, tuwang-tuwa ito. “You’re not pregnant.”She grunted, saka pabagsak na sumadal sa backrest ng upuan ng sasakayan. “I don’t know how did you get the idea na buntis ako. O sadyang may sira lang ang tuktok mo!”Nasa sasakyan na silang dalawa at papauwi na. Hiyang-hiya si Tati sa doktor kanina, kinukulit kasi ito ni Raphael. Paulit-ulit ang pagtatanong nito ng mga kung anong bagay para masigurong hindi talaga siya buntis.“I was just making sure!” depensa naman ni Raphael.Napabuntong hininga na lang si Tati sa inis, “Baliw ka talaga!”Papauwi sila ngayon para mag ayos para sa party na dadaluhan nila mamayang gabi. Hindi naman iyon formal party kaya ayos lang kay Tati. Naguguluhan nga siya k
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr