Matapos ng komprontasyon nila ay nagkulong si Tati sa banyo. Mayamaya ay napagdisesyonan niyang maligo. Nakatulong ang malamig na tubig para mapagaan ang nararamdaman niya at ang init ng ulo niya. Sino nga ba naman ang hindi maiinis sa sinabi ng asawa niya. Siya buntis? E, hindi nga siya marunong lumandi. Kaya nga nagtataka siya kung bakit sila ikinasal ni Raphael. Nang matapos siyang maligo at lumabas ng banyo ay wala na roon ang asawa niya. Na ikinatuwa ni Tati, agad siyang nagbihis. Suot ang yellow sundress. Medyo nakonsensya siya sa pagsuntok niya kay Raphael kanina pero agad rin nawala ang guilt na nararamdaman niya nang akalain nitong buntis siya. Nang makababa siya ay dumiretso siya sa dining area. Nadatnan niya ang asawa si Raphael na nagkakape, may nakahain na rin na mga pagkain sa mesa. Nag-angat ng tingin si Raphael, nagkasalubong ang kanilang mga mata. At mabilis na umirap si Tati. “Good morning, Ma’am!” masiglang bati ni Lali kay Tati. “Gusto niyo po ng kape?
Everything was settled, nasa ospital pa rin Manang Susan. Silang dalawa ni Lali ang nagbabantay sa matanda. Si Raphael ay umalis para magtungo sa opisina, mag kailangan itong ayusin. Nagkaroon daw ng aberya sa bagong proyekto. Stable na ang lagay ng matanda kaya nakahinga sila ng maluwag lahat. Nagkaroon ito ng mild stroke, mabuti at agad nila itong naisugod sa ospital. Walang pamilya ang ginang, hindi ito nakapag-asawa o nagkaroon ng anak. Kapag nakalabas ito ay sa bahay pa rin ito titira, parte ito ng pamilya ni Raphael. Ito ang nag-alaga kay Raphael at sa kapatid nito. Kahit na nag-asawa na ito ay inaalagaan pa rin nito si Raphael.“Lali,” tawag niya sa kasambahay.“Po?” namumula rin ang mata nito sa kakaiyak. Malapit rin kasi ito kay Manang Susan, at nanay ang turing nito sa matanda.“Lalabas muna ako, okay? May gusto ka bang kainin? Bibili ako.”Malungkot na ngumiti ang dalaga, “Sandwich na lang po.”She nodded. Hindi siya sanay na makitang gano’n si Lali. Sanay kasi siyang mali
“I told you so!” inis na wika ni Tati.Kakatapos lang ng check-up niya sa OB GYNE. At hindi siya buntis, thankfully it was negative! Dahil sa loob loob ni Tati ay kabado siya. Lalo na’t nalaman niyang may nobyo siya kuno. Kailangan niyang mag-imbestiga at malaman ang katotohanan.Humalakhak si Raphael, tuwang-tuwa ito. “You’re not pregnant.”She grunted, saka pabagsak na sumadal sa backrest ng upuan ng sasakayan. “I don’t know how did you get the idea na buntis ako. O sadyang may sira lang ang tuktok mo!”Nasa sasakyan na silang dalawa at papauwi na. Hiyang-hiya si Tati sa doktor kanina, kinukulit kasi ito ni Raphael. Paulit-ulit ang pagtatanong nito ng mga kung anong bagay para masigurong hindi talaga siya buntis.“I was just making sure!” depensa naman ni Raphael.Napabuntong hininga na lang si Tati sa inis, “Baliw ka talaga!”Papauwi sila ngayon para mag ayos para sa party na dadaluhan nila mamayang gabi. Hindi naman iyon formal party kaya ayos lang kay Tati. Naguguluhan nga siya k
Bumukas ang pinto ng condo unit ni Daryl. Sinalubong sila ni Daryl na may malaking ngiti sa labi. Umatras ito at niluwagan ang bukas ng pinto. “Hi,” pagbati nito saka humalik sa pisngi ni Tati. “Happy birthday!” bati niya rito habang naiilang na ngumiti. Pumulupot ang kamay ni Raphael sa bewang ni Tati, napaigtad ito sa gulat kaya nagtataka niya itong nilingon. “Happy birthday, Bud!” bati ni kay Daryl. Marahang tumawa si Daryl, may malaking ngisi pa rin sa mga labi nito. “Indeed a happy birthday to me! Pumasok na kayo.” Pumasok sila sa unit nito, sinalubong sila ng maingay na usapan. Unang bunungad sa kanila ang living room, kung saan naroroon ang mga kaibigan nila. Hindi pamilyar si Tati sa mga ito. May mga babae rin nakatabi ng mga ito. Tumaas tuloy ang kilay nito at napalingon siya sa asawa. Yumuko si Raphael, inilapit nito ang labi nito sa tenga niya. “Mga babae nila ‘yan.” Nalukot agad ang mukha ni Tati sa narinig, “Mga legal? O side chick?” “They are not marrie
Lumaki si Raphael na nakukuha lahat ng gusto niya. Kahit anong hilingin niya ay binibigay sa kanya ng mga magulang niya. Ngunit nang mangyari ang “insidente” sa kanilang dalawa ni Athalia. Kailangan niyang mamili, ang buhay na kinagisnan niya o ang kalayaan niya.Mula sa pagiging matalik na kaibigan ay naging pinaka kinamumuhian niyang tao si Athalia.Pero ngayon nalilito siya kung ano ba dapat si Tati sa kanya. Kung kaaway? Asawa? Kaibigan? Hindi na niya maintidihan kung ano ba ang dapat niyang ikilos. Dahil litong-lito na siya, magulo ang takbo ng utak ni Raphael, mas magulo pa sa sinulid na nagkabuhol-buhol.“Raphael!” tawag ni Athalia sa kanya.Nakasandal ang asawa niya sa upuan, panaka-nakang sumusulyap lang siya habang nagmamaneho.“Raphael!” sigaw ulit ni Athalia.Raphael sighed, “Stop screaming. Nagmamaneho ako.”Nakapikit pa rin ang asawa niya, “Umiikot ang mundo ko. Ganito ba talaga kapag umiinom? Umiikot ang mundo? I onky drank flavored beers! While you had a hard drink! Th
Naghahalungkat si Tati ng mga gamit sa walk-in closet nilang mag-asawa. Maagang umalis si Raphael at hindi ito nagpaalam sa kanya. Mabuti na rin kasi hindi niya alam kung ano ang ikikilos niya sa harap nito. Kung magpapanggap ba siya o hindi.“Ma’am!” tawag ni Lali sa kanya na nagpaangat ng ulo ni Tati.“Oh?” walang ganang ani niya saka nagpatuloy sa pagbukas ng mga box na nakatago sa damitan niya.“Ako na kasi ang maglilinis d’yan, Ma’am! Lagot na naman ako kay Sir nito,” ungot ni Lali na ikinatawa ni Tati.“Baliw. As if naman ‘no, isa pa magpahinga ka ro’n. Ikaw ang nagbantay kay Manang kagabi,” pagkukumbinsi niya kay Lali, salitan ang mga kasambahay sa pagbabantay kay Manang sa ospital.Kapag nakalabas na ito ay may plano siyang kunan ng caregiver ang matanda. Kasi kapag siya ang nag-asikaso rito, uungot na naman si Raphael na bawal sa kanya ang kumilos. Kasi baka hindi pa raw nakarecover ang katawan niya sa aksidente e, halos tatlong buwan na nga ang lumipas.“Okay naman ako, Ma’a
Mugto ang mata ni Tati, matagal rin bago siya kumalma. Hiyang-hiya sa matapos kumalas sa pagkakayakap sa asawa. Namumula ang pisngi at ilong nito. Napatitig siya kay Raphael. “Sorry…” mahinang sambit niya saka bahagyang umatras. “Is there anything wrong? Why are you crying? Did someone hurt you?” he paused and sighed. “O, may naalala ka na.” Something flickered on his eyes. Mabilis na umiling si Tati, “Hindi ganun pa rin. Wala pa rin akong maalala. I just suddenly felt like crying.” Umawang ang labi ni Raphael sa gulat, “Hindi ka basta-bastabg umiiyak. You rarely cry! You didn’t even cry when you —” he shook his head. “Never mind. Kumain na tayo. You are calmed now.” Marahan siyang tumango, “Yeah. I am sorry kung pinag-aalala kita.” “Hindi ako nag-aalala sa ‘yo,” maagap na wika ni Raphael. “Don’t jump into conclusions.” Nagkibit balikat siya, “Okay. Sabi mo, e.” Matapos ng tagpong iyon ay kumain sila ng lunch. Tahimik lang silang pareho. Walang imikan, napagod si Tati s
“Max?” pag-uulit at paglilinaw ni Tati. Ginalaw-galaw pa nito ang kilay nito, “Yeah. The one and only Maximillian Lorenzo.Tila naumid ang dila ni Tati. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang ikilos niya o sabihin niya. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan niya. Nangangatal ang mga kamay niya sa kaba. She blinked rapidly as hear her heart breathing like crazy.“Tati,” he called out.Huminga siya ng malalim nang makabawi na siya, “I had an accident.”Napasinghap ang lalaki sa gulat, “What do you mean? Wala kaming nabalitaan na naaksidente ka! We just thought na nangibang bansa ka.”“Yeah,” tumikhim si Tati para maagaw ang atensyon ni Max dahil hindi ito mapakali. “I ha dan accident months ago, I-I lost my memories…”“Oh, God! That’s terrible!” he exclaimed.“Yeah. Kaya didiretsuhin kita. Are you my boyfriend?” halos pabulong niyang tanong.Kumunot ang noo ng lalaki, “What boyfriend are you asking? As in boy, space, friend, or boyfriend without space?”“Tha last one!” agap na wika ni
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr