Nakarating sa bahay si Tati, mabilis siyang tumakbo papasok. Banas na banas siya sa asawa, matapos siya nitong pahiyain sa maraming tao, he had the audacity to chase after her! Hindi man lang siya nito binigyan ng kahihiyan. Ito pa ang may ganang mamahiya, matapos nitong mambabae ng maraming beses kahit na kasal sila! “Magandang hapon, Ma’am!” salubong sa kanya ni Lali, mukhang papaalis ito, babalik ng ospital. “Walang maganda sa hapon, Lali!” asik niya saka nilampasan ang kasambahay, nagmartsa siya paakyat ng hagdan. “Ay! Badtrip ka, Ma’am?” sigaw ni Lali nang nasa may gitnang bahagi na siya ng hagdanan. Nilingon niya ang kasambahay, “Yeah. Pasensya ka na.” Sinserong wika ni Tati, napagbuntungan pa niya tuloy ang pobreng kasambahay. Bahagya siyang ngumiti nang ngumiti si Lali sa kanya saka itinaas ang kamay, sabay pakita ng hinlalaki nito. “Ayos lang, Ma’am.” Bumungisngis pa ito. “Alam ko naman na kulang kayo sa dilig!” “Lali, ha!” naiiskandalo na saway ni Tati. Kumindat si La
Pabagsak na umupo si Raphael sa swivel chair niya. Umagang-umaga pa lang pero gusto na niyang magpakalunod sa alak. Gusto niyang maliwanagan ang pag-iisip niya dahil nagkanda buhol-buhol na.Napahawak siya sa sintedo niya, “This is crazy!”Napapikit si Raphael at hinilot-hilot ang sintedo niya gamit ang hinlalaki niya. Bumukas ang pinto ngunit hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin.Hindi mawala sa isipan niya ang asawang si Athalia. Sa loob ng limang taon ay halos ‘di niya ito pinagtutuunan ng pansin pero ngayon ay hindi ito halos mawala sa isipan niya.“Fuck!” mahinang mura niya. “Right… I was wrong too. Kaya ko siya iniisip.”Tumango-tango pa siya, habang kinukumbinsi ang sarili. Alam naman niya na may mali rin siya, unang gumalaw ang kamay at bibig niya kaysa sa utak niya. Hindi niya napigilan dahil agad na nagdilim ang paningin niya ng makita halos magkadikit na ang mukha ni Tati at ng lalaking iyon!Oo, gago siya. Malandi siyang lalaki pero mali ba ba siya kung ayaw niyang makita
Ang mansyon kung saan nagmula ang pamilyang Yapchengco, ang bahay kung saan lahat nagtitipon-tipon. Hindi lubos maisip ni Tati na nag-iexist ang gano’n kalaking bahay. Akala niya sa mga kwento lag at pelikula niya makikita. Ngayon ay tanaw na tanaw niya.Nakasakay siya sa kotse ng asawa, tinatahak pa nila ang daan patungo sa main mansion kung saan gaganapin ang pagtitipon, pero tanaw na tanaw ni Tati kung gaano kalaki iyon. Napalingon tuloy siya sa asawa.Nangangati ang dila niya na tanungin si Raphael kung gaano ba talaga sila kayaman. Malaki ang bahay nilang mag-asawa at mas malaki ro’n ang mansyon ng mga magulang ni Raphael. But heck! Mas malaki pa pala ang mansyon ng Lolo nito.Lumingon si Raphael sa kanya. Napamaang ito, “What?”Umiling si Tati at nag-iwas ng tingin. Ilang araw na silang hindi nagpapansinan, kaya hindi niya magawang kausapin ito ng hindi sinusungitan ito. What Raphael did, hurt her. Masakit sa kanya na gano’n kababaw ang tingin nito sa kanya. Na gano’n ang trato n
Bored na bored na si Tati sa buong durasyon ng party. Buong durasyon ng selebrasyon ay nakahawak sa kamay niya ang asawa na animo’y mawawala siya. Pero alam naman niya ang katotohanan na ayaw siya nitong bitawan ay baka dahil magkalat siya.Nangangawit na ang panga ni Tati kakangiti sa mga taong panay ang tingin sa kanya. Gusto na nga niyang sungalngalin ang mga ito para tigilan na siya. Kaso hindi, binati siya ng mga tao, daig niya pa ang may birthday sa araw a ‘to. Tuwang-tuwa naman ang biyenan niya, ipinagmamalaki siya nito na matalino, mabait at higit sa lahat maganda. Alam naman ni Tati na pawang walang katotohanan ang mga iyon, talino lang ang meron siya. Kabaitan? Siguro kapag tulog. Kagandahan? Beauty is subjective. Kaya sa pananaw ng biyenan niya ay maganda siya. Samantalang ang asawa naman niya ay diring-diri sa kanya.Panay sulyap si Tati kung nasaan ang Angkong ni Raphael. May mga kausap pa itong mga bigating tao. Ano nga ba ini-expect ni Tati? Isang malaking angkan ang Y
Matapos niyang maglinis ni Tati ng katawan ay nakaupo siya sa kama, nakasandal ang likod sa may head board. Suot ang salamin at prenteng nagbabasa. She is trying to regain her knowleadge in medicine. Gusto na niyang bumalik sa trabaho. Bukod sa nababagot na siya sa bahay ay gusto na niyang kumita ng sariling pera. Ayaw niyang iasa lahat kay Raphael.“Are you really serious on getting back to work?” wika ni Raphael, kakalabas lang nito sa banyo.Nag-angat ng tingin si Tati at agad na ibinalik ang tingin sa librong binabasa nang makita ang asawa naka-tuwalya lang. Tumulo ang tubig mula sa basa nitong buhok. She swallowed hard when she saw his broad chest. She shook her head, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isipan niya.Tumikhim si Tati bago sumagot, “Yeah. I need to have a work. Mahirap na at baka masabihan na naman ako ng mukhang pera.”“Athalia,” saway ni Raphael sa kanya.Nanatili ang mga mara niya sa librong hawak, “Saka ayaw kong iasa lahat sa ‘yo. I need to get back on my
Hindi mawaglit sa isipan ni Tati ang napag-usapan nila ng Patriyarka ng mga Yapchengco. Kahit na hindi nila mahal ang isa’t-isa ni Raphael, kailangan ba talaga nilang magkaanak. Napaisip nga siya na baka, hindi talaga sila para sa isa’t-isa dahil namatayan na sila ng anak noon. Tapos ngayon ay hinihingan siya ng apo. Mabuti sana kung pupulutin niya lang ang bata at tapos na.Tumunog ang cellphone ni Tati kay kinuha niyabiyon sa ibabaw ng drawer. Pinindot niya ang screen nito. Ang babaeng biyenan niya ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot.“Mom?” tawag niya sa biyenan.“Darling!” masiglang wika ng ginang sa kabilang linya. “I missed you, Darling! Hindi kita masyadong nakausap kagabi. Alam mo naman at maraming tao ang kailangan kausapin. Anyway how is the married life, Darling?”“Po?” naguguluhang tanong ni Tati.“I am asking if ano ang takbo ng relasyon niyong mag-asawa?” bakas sa boses nh biyenan ang tuwa. “If you two are having fun or fighting?”Napasandal si Tati sa head board, “Ma
Hindi naman inosenti si Tati, nakapanuod na siya ng mga pornograpiya. At kung tutuusin hindi na siya virgin, nabuntis siya noon ni Raphael. Hindi nga lang niya maalala. At isa pa ay mag-asawa na sila. Pero iba pa rin talaga kapag live action. Nanigas siya sa nakita, nakatayo ang asawa niya ilang dipa ang layo sa kanya. Wala itong saplot sa katawan. At ang pagkalalaki nito ay tayong-tayo.Kumakalabog ang puso ni Tati sa kaba. Halos mabingi na siya dahil sa tunog. Nanuyo naman ang lalamunan niya sa hindi malamang kadahilanan. Nakatulala lang siya, hindi malaman ang gagawin kung tatakpan niya ang mga mata o sisigaw.“Fuck!” rinig niyang sigaw ng asawa, dali-daling pinulot ni Raphael ang tuwalya at itinakip sa kaselanan niya.Yumuko siya upang itago ang namumula niyang mukha. “Magbihis ka nga!”Nakarinig si Tati ng kalabog pero nanatili siya nakayuko. Mayamaya pa ay tumahimik na kaya nag-angat na siya ng tingin. Nagsalubong ang mga mata nilang mag-asawa. Raphael was looking at her intentl
“Oh, God! Tati uttered in horror.Patuloy ang pagdurugo ng ulo ng asawa niya. Namumutla na si Raphael sa takot. Papalit-palit ang tingin nito sa kamay nitong may dugo ay kay Tati.“Do something!” natataranta na wika ni Raphael.“Dadalhin kita sa ospital,” mahinahong wika ni Tati saka hinawalan si Raphael. “Inaantok ka ba? H’wag kang matutulog okay.” Humingang malalim saka hinila ang asawa akmang papaalis na sila sa silid pero hinawakan ni Raphael ang kamay niya.“What do you think you are doing?!” angil ni Raphael.Nilingon niya ang asawa, “Dadalhin kita sa ospital! I think your forehead needs to be stitch—”“Aalis ka at ‘yan ang suot mo?!” Napatingin si Tati sa suot, “Shit!” mabilis niyang tinakpan ang sarili.Punit ang suot na pang itaas, kita ang kanyang malusog na dibdib. Kumaripas siya ng takbo patingo sa walk in closet, basta na lang siyang humablot ng t-shirt at sinuot iyon. Kumuha pa siya ng isang damit roon. Dumiretso siya sa asawa na nakatayo at agad na inalalayan ito.“Ar
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr