Hindi mawaglit sa isipan ni Tati ang napag-usapan nila ng Patriyarka ng mga Yapchengco. Kahit na hindi nila mahal ang isa’t-isa ni Raphael, kailangan ba talaga nilang magkaanak. Napaisip nga siya na baka, hindi talaga sila para sa isa’t-isa dahil namatayan na sila ng anak noon. Tapos ngayon ay hinihingan siya ng apo. Mabuti sana kung pupulutin niya lang ang bata at tapos na.Tumunog ang cellphone ni Tati kay kinuha niyabiyon sa ibabaw ng drawer. Pinindot niya ang screen nito. Ang babaeng biyenan niya ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot.“Mom?” tawag niya sa biyenan.“Darling!” masiglang wika ng ginang sa kabilang linya. “I missed you, Darling! Hindi kita masyadong nakausap kagabi. Alam mo naman at maraming tao ang kailangan kausapin. Anyway how is the married life, Darling?”“Po?” naguguluhang tanong ni Tati.“I am asking if ano ang takbo ng relasyon niyong mag-asawa?” bakas sa boses nh biyenan ang tuwa. “If you two are having fun or fighting?”Napasandal si Tati sa head board, “Ma
Hindi naman inosenti si Tati, nakapanuod na siya ng mga pornograpiya. At kung tutuusin hindi na siya virgin, nabuntis siya noon ni Raphael. Hindi nga lang niya maalala. At isa pa ay mag-asawa na sila. Pero iba pa rin talaga kapag live action. Nanigas siya sa nakita, nakatayo ang asawa niya ilang dipa ang layo sa kanya. Wala itong saplot sa katawan. At ang pagkalalaki nito ay tayong-tayo.Kumakalabog ang puso ni Tati sa kaba. Halos mabingi na siya dahil sa tunog. Nanuyo naman ang lalamunan niya sa hindi malamang kadahilanan. Nakatulala lang siya, hindi malaman ang gagawin kung tatakpan niya ang mga mata o sisigaw.“Fuck!” rinig niyang sigaw ng asawa, dali-daling pinulot ni Raphael ang tuwalya at itinakip sa kaselanan niya.Yumuko siya upang itago ang namumula niyang mukha. “Magbihis ka nga!”Nakarinig si Tati ng kalabog pero nanatili siya nakayuko. Mayamaya pa ay tumahimik na kaya nag-angat na siya ng tingin. Nagsalubong ang mga mata nilang mag-asawa. Raphael was looking at her intentl
“Oh, God! Tati uttered in horror.Patuloy ang pagdurugo ng ulo ng asawa niya. Namumutla na si Raphael sa takot. Papalit-palit ang tingin nito sa kamay nitong may dugo ay kay Tati.“Do something!” natataranta na wika ni Raphael.“Dadalhin kita sa ospital,” mahinahong wika ni Tati saka hinawalan si Raphael. “Inaantok ka ba? H’wag kang matutulog okay.” Humingang malalim saka hinila ang asawa akmang papaalis na sila sa silid pero hinawakan ni Raphael ang kamay niya.“What do you think you are doing?!” angil ni Raphael.Nilingon niya ang asawa, “Dadalhin kita sa ospital! I think your forehead needs to be stitch—”“Aalis ka at ‘yan ang suot mo?!” Napatingin si Tati sa suot, “Shit!” mabilis niyang tinakpan ang sarili.Punit ang suot na pang itaas, kita ang kanyang malusog na dibdib. Kumaripas siya ng takbo patingo sa walk in closet, basta na lang siyang humablot ng t-shirt at sinuot iyon. Kumuha pa siya ng isang damit roon. Dumiretso siya sa asawa na nakatayo at agad na inalalayan ito.“Ar
Nagising si Raphael dahil nakaramdam siya ng uhaw. Nang imulat niya ang mata, sumalubong sa kanya ang pagmumukha ng kapatid niyang di Rem. Napaupo tuloy siya agad, na pinagsisihan naman niya nang makaramdam siya ng kirot sa ulo.“Shit!” mahinang usal nito saka napapikit ng mariin, mayamaya pa ay nawala na ang sakit ng ulo niya at hinarap ang kapatid niya.Nang magtama ang mata nila ay humagalpak sa tawa si Rem. Halos mawalan na ito ng hangin sa kakatawa. Sandali pa bago ito huminto sa pagtawa. Huminga ito ng malalim at umayos ng upo.“Shit! Kuya, battered husband ka pala,” sambit nito habang pinipigilan ang sarili na matawa.He grunted in annoyance, “Go on. Tumawa ka. Sana mamatay ka sa kakatawa!”As if on cue, tumawa si Rem. Halos mawalan na ito ng hininga sa kakatawa. Kinuha ni Raphael ang unan sa likod niya at ibinato sa kapatid. Nasalo naman ni Rem ang unan“Well, Ate is a tough cookie. Imagine, pinukpok ka niya dahil sa inis?” Umarko agad ang kilay niya sa narinig. Malapit si R
Discharge na si Raphael kaya nakahinga na si Tati ng maluwag. Lalo pa’t hindi alam ng mga magulang nito na naospital ang anak nila. At hindi rin nagsumbong ang kapatid ni Raphael na si Rem matapos nitong dumalaw. Magkahawig si Rem at Raphael pero mas matangkad si Raphael at mas masungit tignan. Samantalang si Rem ay malambot parati ang ekpresyon ng mukha.Kasalukuyan silang papaalis na ng hospital. This time, mas confident na magmaneho si Tati. Nalaman niya na may lisensya pala siya sa pagmamaneho. Saka nagbabad siya sa internet, nanuod ng mga kung ano-anong video kung paano maayos na magmaneho. Wala naman sigurong masama sa ginagawa niya, she’s just refreshing her memories. Mabuti at automatic rin ang kotse ni Raphael.“Where are we going?” untag ni Raphael.Pinaandar niya ang kotse saka bumaling saglit sa asawa. “Lunch.”Kumunot ang noo nito at prenteng sumandal sa backrest ng upuan, “Saan? Hindi ba sila nagluto sa bahay?”Nagkibit-balikat siya, “I don’t know. Wala namang masama ku
Kinabukasan ay pumasok na sa trabaho si Raphael. Si Tati naman ay sinamahan ang asawa sa opisina. It was Raphael’s idea, kinukonsensya siya ng hudyo. Kaya wala siyang nagawa kundi umu-oo na lang rito. At hindi pa rin nila napag-uusapan ang dahilan kung bakit pinokpok niya ang asawa sa ulo. Pareho ni lang iniiwasan ang paksang iyon.Kasalukuyang prenteng nakaupo si Tati sa swivel chair, pinaikot-ikot niya pa iyon. Nakaupo si Raphael sa mahabang leather na sofa. Nagbabasa ito ng mga papeles. She niya lahat para ma-recall ang mga kaalaman niya bilang isang doktor.“Raf…” tawag niya sa asawa. “Yeah?” ni hindi man lang ito nag-angat ng tingin, nanatili ang mga mata nito sa hawak na papel.Pinigilan niya ang sariling mainis sa asawa, huminga siya ng malalim. “Ano nga ang specialization ko? Saka I want to know kung saan ako nagtatrabaho dati. I forgot to ask Max dahil nagmamadali ito.”Doon lang naagaw ang pansin ni Raphael. Binitawan iya ang hawak na papeles sak tinignan si Tati, “Your spe
Luminga linga si Tati, hinahanap niya kung may camera bang nakatago. At baka pina-prank lang siya. Pero wala siyang nahanap at mas lalong lalo na ang marinig ang katagang “It’s a prank!”“Angkong,” nanginginig niyang nilapitan ang matanda na prenteng nakaupo sa rocking chair saka nagmano sita rito at humalik sa pisngi.“Ang sabi ko mamatay na ako!” sigaw ng patriyarka saka hinampas si Tati ng sungkod.“Aray! Angkong! Masakit! Aray!” sigaw niya habang sinasalag ang mga hampas ng matanda.“I told you I am dying! Hindi ka naman nagsalita!” asik ng matanda saka tinigilan na ang paghampas kay Tati.“Aka ko kasi nagbibiro kayo, e!” aniya.Bumuga ng hangin ang matanda saka itinuro ang upuan, “Umupo ka at mag-uusap tayo.”Sumunod naman siya sa tinuran ng patriyarka. Umupo siya ng tuwid saka tumitig sa matanda. Hindi niya makitaan ng emosyon ang patriyarka kaya nanatili rin siyang walang ekpresyon.“Pinatawag kita rito…” panimula ng matanda saka bumuntong hininga ulit. “Dahil asawa ka ng apo k
Pinakaayaw ni Tati sa lahat ay sinisira ang umaga niya. Lalo pa’t hindi pa siya nakakainom ng kape. Pero si Raphael Yapchengco, walang habas na sinira ang araw niya.“What do you think you are doing?” mariing tanong ni Raphael. Pabalik-balik itong naglakad sa harapan niya. Tila babaeng hindi mapakali dahil malapit ng manganak.“God, Athalia! Siguro sila Mom and Dad, naiintindihan ko pa kung bakit mo binibilog. Pero pati ba naman si Angkong?!”Kumunot ang noo ni Tati, “What the hell are you talking about?!”“Oh, shut up!” he hissed. “D’yan ka magaling ang mang manipula ng tao!”“Wow! You had the audacity to talk shit in front of me without even asking?!”“Hindi naman maiisip ni Angkong iyon—”Sarkastikong tumawa si Tati, “News flash, Raphael! May sariling utak ang Lolo mo. And isa pa, what is wrong with having kids? Ilang taon na rin naman tayong kasal!” Wala siyang balak sabihin ang napag-usapan nila ni Angkong. Pero gagawin niya ang lahat makumbinsi lang ang matanda na magpagamot.
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr