Pinakaayaw ni Tati sa lahat ay sinisira ang umaga niya. Lalo pa’t hindi pa siya nakakainom ng kape. Pero si Raphael Yapchengco, walang habas na sinira ang araw niya.“What do you think you are doing?” mariing tanong ni Raphael. Pabalik-balik itong naglakad sa harapan niya. Tila babaeng hindi mapakali dahil malapit ng manganak.“God, Athalia! Siguro sila Mom and Dad, naiintindihan ko pa kung bakit mo binibilog. Pero pati ba naman si Angkong?!”Kumunot ang noo ni Tati, “What the hell are you talking about?!”“Oh, shut up!” he hissed. “D’yan ka magaling ang mang manipula ng tao!”“Wow! You had the audacity to talk shit in front of me without even asking?!”“Hindi naman maiisip ni Angkong iyon—”Sarkastikong tumawa si Tati, “News flash, Raphael! May sariling utak ang Lolo mo. And isa pa, what is wrong with having kids? Ilang taon na rin naman tayong kasal!” Wala siyang balak sabihin ang napag-usapan nila ni Angkong. Pero gagawin niya ang lahat makumbinsi lang ang matanda na magpagamot.
“Quit lying to me, Athalia!” Pinaka ayaw ni Tati iyong hindi siya pinapaniwala. Ayaw na ayaw niya rin na mag-explain, dahil alam naman niya na mas paniniwalaan ng mga ito kung ano ang nasa isipan nila.“If you won’t believe me. Hindi ko na problema iyon,” bagot na bagot niyang wika.Raphael scoffed. “You are unbelievable!”“I know right,” nakangiting wika ni Tati.Ibinagsak ni Tati ang katawan sa kama. Inaantok ulit siya. Dahil wala siyang halos ginagawa nitong mga nakaraang buwan ay nasasanay na ang katawan niya sa pagtulog. Napapikit siya, dahil kaunti na lang ay mahihila na siya ng antok.“I am still talking to you!” paalala ng asawa niya.“Mag-uusap pa ba tayo? ‘Di ka naman naniniwala sa ‘kin. What is the point of this conversation?”“Do you remember anything?” pag-uulit ni Raphael, binibigyan ng diin bawat salita.She looked at him with anger written on her face. “Wala akong naaalala. Kahit gusto kong makaalala, wala akong maalala. Paulit-ulit na lang tayo rito!”“Pero may alam
Matapos niyang bitawan ang mga katagang iyon, hindi na kinaya ni Raphael. Iniwanan niya si Tati na umiiyak. What he did was harsh pero iyon ang totoo. Wala siyang balak ayusin ang pagsasama nila dahil sa umpisa pa lang ay mali na ang lahat. Dumiretso siya sa opisina niya. Sinubsob niya sa sarili ang trabaho. Kahit na ang mga dapat niyang gawin sa susunod na buwan ay ginawa na niya. Ayaw niya munang mag-isip ng kung ano.“Sir,” tawag ng sekretarya niya.“What?” nanatili ang mga mata niya sa mga papeles.“A-alas singko na ‘ho. P-pwede na ‘ho ba akong mag-out?” kinakabahang tanong nito.Sumulyap si Raphael sa suot na relo. Bumuntong hininga siya nang makitang alas singko na nga ng hapon. Iwinasiwas niya ang kamay, “You can go.”“Sure kayong dito lang kayo, Sir?”Tumango siya at nanatili ang mata sa hawak na papel, “Oo. You can go. Uuwi na rin ako mayamaya.”“Sige, ho. Mauna na ‘ho ako,” paalam ni Ed.Tinanguan niya lang ang sekretarya, mabilis rin na nilisan ni Ed ang opisina. Naiwan s
Athalia was hurt. Matapos niyang sabihin sa asawa na mahal niya ito ay na galit ito. Minsan na nga lang siya umibig, talo pa. Nasa kwarto siya, hawak ang bote ng alak. Hindi siya fan ng alak, mababa ang alcohol tolerance niya pero sa bigat ng nararamdaman niya. Wala na siyang pakialam roon.Inom lang siya nang inom. Hanggang sa hindi namalayan na naubos na niya ang isang bote. Napahawak siya sa dibdib niya. “Ba’t gano’n? May heart is aching.”She shook her head. Pinindot niya ang intercom.“Lali, pakidalhan nga ako ng wine!” sigaw niya pa. Masakit pa rin ang dibdib niya kaya gusto niya pang umpisa. Pasuray-surap na ang lakad niya. Hanggang sa makarating siya sa kama at umupo. Himala at hindi siya plumakda agad! Nakikisabay yata ang tadhana kay Tati para ipagluksa ang puso niyang nawasak.“Hindi pa ako lasing,” wika niya sa sarili.Bumukas ang pinto, pumasok si Lali na may dalang wine. Kunot ang noo nitong madatnan siyang nakahiga. Mabilis itong lumapit kay Tati.“Ma’am, ayos ka la
Dalawang linggo na mula noong huling makita ni Tati ang asawa. Nakakalungkot mang isipin ay balik sa umpisa silang mag-asawa. Parang ‘di magkakilala, dalawang linggo nang maagang umalis si Raphael at umuuwing late. Hindi sila nagpapang-abot dalawa. Habang si Tati naman ay madalas nasa main mansion, madalas siyang ipatawag ng patriyarka. Inabala na lang rin niya ang sarili sa pag-aalaga rito at pag-aaral. Madalas ay kinukulit siya nito kung ginagawa na daw ba niya ang usapan nila.“Angkong, today is your schedule for your monthly check up. Kailangan na po nating magmadali,” wika ni Tati.Umismid lang ang matanda, “No.”Pumikit si Tati sa inis. Hindi na siya stress sa asawa niyang siraulo. Stress naman siya sa lolo ng asawa niya na mas matigas pa sa bato. “Angkong, please!” pagmamakaawa ni Tati.“I told you right, hindi ako papagamot hanggat hindi kayo nagpaplano ng asawa mo na magkaroon ng anak. A deal is a deal,” the old man smile sheepishly.Parang tutuyuan na si Tati ng dugo sa ini
Buong akala ni Tati, si Raphael lang ay may malaking saltik sa pamilyang Yapchengco. Hindi aakalaing mas malaki pa pala ang saltik ng Lolo ni Raphael. Kung tuso si Raphael, mas tuso ang Lolo nito.Tumikhim si Raphael saka lumapit si Lolo nito. “Angkong, I am sorry that you feel so alone. But I-I want to talk about it with my wife. Is that alright?”“Why? My house is huge. You can both stay here. And also nakipag-usap ako sa isang feng shui expert, malaki ang chance na magka-anak kayo rito sa bahay!” bumaling ang matanda kay Tati. “Isa pa hindi ba kayo naaawa sa ‘kin? Malapit na akong mamatay sa mundong ‘to at hindi niyo man lang ako sinasamahan rito? Puro mga kasambahay, guards at nurse lang ang kasama ko rito. Hindi ko naman sila pamilya! I am old yet you all don’t spend time with me. Paano kung mamatay na ako bukas?”“Angkong!” nahihindik na saway ni Raphael.“Angkong ka nang Angkong! Hindi niyo na nga ako mapagbigyan na magkaroon ng apo sa inyo. Pati ba naman ang pagtira rito sa ba
No choice si Tati, sinuot niya ang isa sa lingerie. Pinatungan niya ng roba ang suot na damit. Bukas na bukas talaga ay sasabunin niya si Lali. Hindi man lang disenteng damit ang dinala! Sumasakit na nga ang ulo niya sa matanda, dinagdagan pa ni Lali.Matapos mag ayos ay dumiretso na siya sa kama at humiga. Pumikit siya nang mariin, pilit na pinapatulog ang sarili niya. Kaso kung minamalas nga naman, kahit anong palit niya ng puwesto ay ‘di talaga siya dinalaw ng antok. Halos tatlumpung minuto na siyang nagpabaling-baling sa kama.Pumihit ang sedura, narinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo kaya nagpanggap siyang tulog. Dinig na dinig niya ang yapak ni Raphael, malamig ang temperatura ng kwarto dahil sa aircon pero pawis na pawis siya dahil sa kaba.“You’re not asleep, quit acting. Pumipitik-pitik ang eyelids mo,” tudyo ni Raphael pero hindi nagpatinag si Tati, nanatili siyang nakapikit.“Athalia, come on. Let’s talk, please?” malambing na wika nito. ‘Ayan na naman sa talk na ‘yan
Nagising si Tati nang makaramdamn siya ng uhaw. Nang imulat niya ang mata ay a bumungad sa kanya ang bakanteng higaan. Wala roon ang asawa niya. Bumalatay ang sakit sa mukha niya kahit na alam niyang ganoon ang mangyayari ay hindi pa rin niya maiwasang masaktan at umasa. Na kahit katiting man lang ay may maramdaman ang asawa niya.Bumuga siya ng hangin saka umupo at nag-inat ng kamay. Nang subukan niyang tumayo ay napaigik siya at napaupo ulit. Parang binugbog ng sampung katao ang buong katawan niya. Hindi niya mapigilang alalahanin ang nangyari kagabi. Dahil sa lintik na blackout ay may nangyaring hindi dapat mangyari. Wala sa sariling napahawak siya sa sariling labi.Nang kapain niya ang labi ay medyo namamaga iyon. Pumula ang buong mukha ni Tati nang alalahanin ang mga pangyayari kagabi. Ang mainit na haplos ni Raphael sa buong katawan niya. Ang pagsamba nito sa buong pagkababae niya… At ang paghuhugpong ng katawan nila.“Shit!” mura niya saka sinabunutan ang sarili sa inis. “So
“What do you mean, anak?” nalilitong tanong ni Gabriella kay Raphael. “A-Anong kasal Raphael? Don’t tell me?”Ngumisi si Raphael, “Yeah.” “Oh, God!” Bumuhos na ang luha ni Gabriella, halos ngumawa na siya sa tuwa. Niyakap niya si Raphael, “Oh, God! You don’t know how hard I prayed to God na magkabalikan kayo.” Bumaling ito kay Tati. “Oh, my daughter-in-law!” At niyakap si Tati. “Mommy,” anas ni Tati ay niyakap panalik ang biyenan. “So, did Raphael propose again? Magpapakasal na ba kayo ulit? Oh my God! We should hire the best wedding coordinator in the country–” “Mommy, kalma. Hindi pa namin na pag-uusapan, okay? But we’re okay now,” agap ni Tati sa biyenan. “Oh,” malungkot na sambit ng biyenan.“Pero we’re not closing that idea, Mommy. Isa pa, kakabalikan lang namin.” “Well, tama ka naman d’yan anak. Ito ang pinaka magandang regalo ngayong birthday ko! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na malaman na ayos na kayong dalawa. Simula noon ay pinagdarasal ko na kayo na sana ang ma
Nagtitipon ang lahat sa baybayin, maliban kay Raphael at Athalia. May mahabang mesa at mga upuan. May maliit na entablado na nasa harapan. Na napapalibutan ng mga balloons at bulaklak. Masayang nagtitipon ang lahat para sa kaarawan ng nag-iisang Gabriella Yapchengco.Saglit pa ay dumating na si Tati at Raphael, hawak-hawak ang mga anak nila. Naluluha naman si Gabriella nang makita ang tagpong iyon. Sa tinagal-tagal ng panahon, isa siya sa naniniwala na balang araw ay magiging maayos ang pagsasama ni Raphael at Tati. At noon pa man ay alam na niyang mahal ni Raphael si Tati. Nang ipinakilala ng anak si Tati sa kanya ay ramdam niya agad na may kakaiba sa pagitan ng mga ito. Saksi siya sa paghihirap ni Athalia, saksi rin siya sa paghihirap ni Raphael nang iwan ito ni Tati. Kaya isa siya sa pinaka nasasaktan sa tuwing may pagsubok na naman sa pag-iibigan ng mga ito. Ilang insenso na ang sinindihan niya kakadasal na balang araw ay magkakatuluyan ang mga ito. Kaya hindi niya mapigilang mapa
Thirteen years ago… “Hiwalay na ba kayo ni Athalia?” Biglang tanong ng kasamahan ni Raphael sa soccer team. Kumunot ang noo ni Raphael. Napahinto siya sa pag-iinat ng katawan.“What are you talking about?” “Hindi ko na kasi kayo madalas makitang magkasama. That’s why I am asking you if the two of you are still together. Kasi kapag hindi, ayos lang ba sa ‘yong ligawan ko si Athalia?” “What the fuck is your problem?!” Napatayo si Raphael sa ginagawa niya. Hindi niya nobya si Athalia o mas kilala bilang Tati. Magkaibigan lang sila ng mahigit dalawang taon na rin. Tinuturing ni Raphael ang babae bilang best friend niya. Maasahan ito at higit sa lahat mabait. Kahit ang mga magulang niya ay gustong-gusto ito. But they’re just friends…Ngunit ayaw na ayaw ni Raphael na lumapit ang kahit sino kay Tati. Ni mga kaibigan niya ay hindi pinapalapit rito. Hindi niya gusto ang ideya na may lalaking umaaligid kay Tati kahit pa mismo kaibigan niya. Para kay Raphael, parang nakababatang kapatid ni
Hindi mapakali si Raphael. Palakad lakad lang siya sa labas ng silid ni Athalia. Para siyang hayop na hindi maire. Kinakabanahan siya, hinihintay niya kasi si Tati na lumabas sa silid nito. Ngayong gabi ay lalabas sila nang wala ang mga bata. Napapayag niya rin kasi sa wakas si Tati na mag-date kasama siya. Hindi tuloy mapakali si Raphael habang hinihintay si Tati. Daig niya pa ang high school student habang hinihintay ang babaeng una niyang i-di-date. Ang mga nangyari kahapon ay naging daan para makamit niya ang matamis na “oo” ni Tati para sa isang date. Masama rin kasi ang titig ng mga kapatid ni Tati sa kanya, parang kakalasin ng mga ito ang bawat buto sa katawan niya. Inaakala siguro ng mga ito na ginagamit niya lang ang amnesia niya para mas makalapit kay Tati at maayos ang kung anumang maaari pa nilang ayusin. Hindi naman sa ginagamit ni Raphael ang nangyari sa kanya pero wala naman siyang magagawa kung may amnesia siya. Pero nais niyang bigyan siya ni Tati ng pagkakataon na m
“Are you guys ready?” Tanong ni Gabriella sa lahat. Nasa lobby sila ng hotel at hinihintay ang tour guide. “Yes, Lola!” Sigaw ng mga bata. “That’s greta. ‘Wag niyo kalilimutan maglagay ng sunscreen, okay? Mainit pa naman,” paalala ni Gabriella. Dahil marami sila ay dalawa na small yatch ang inarkila nila para sa island hopping. Medyo hindi pa masakit ang sikat ng araw dahil alas siete pa lang ng umaga. Ang mga bata ay tuwang-tuwa. Habang ang mga matatanda naman ay tahimik, dahil masasakit ang ulo. Abala si Tati sa paglalagay ng sunscreen sa mga anak niya. Katabi niya sa magkabilang gilid ang mga kapatid niya. Walang kamalay-malay si Tati na masama ang titig ng mga ito kay Raphael. Nasa isang sulok lang si Raphael, pinagmamasdan ang mag-iina niya habang naglalambingan. Nais man niyang makisali ay bugbog sarado siya sa mga titig nina Archer at Austin. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali sa mga ito dahilan upang tapunan siya ng mga masasamang tingin. “Are they mad becaus
Nagising si Tati dahil sa matinding uhaw. Ngunit agad na nawala ang uhaw niya nang may maramdamang mabigat sa tiyan niya. Nanigas ang buong katawan niya sa takot. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at napasinghap siya nang makitang nakapulupot sa kanya ang isang kamay. Nang lumingon siya ay nakita nuya ang tulog na tulog na si Raphael.Nakahinga siya nang maluwag na ito ang katabi niya at hindi isang estranghero. Pero bakit niya katabi ito? May ginawa na naman ba siyang katangahan? Biglang sumakit ang ulo niya nang isipin iyon. Dahan-dahan na inalis ni Tati ang kamay ni Raphael sa tiyan niya pero bgla nitong binalik ang kamay nito sa tiyan ni Tati. Kumunot ang noo ni Tati at sinulyapan ang nakapikit pa rin na lalaki. Muli niyang inalis ang kamay nito at muli rin naman binalik ni Raphael ang kamay niya.“Alam kong gising ka Raphael. Tigil-tigilan mo ako sa pag-arte mo. Why are we in the same bed?” Humalakhak si Raphael at unti-unting nagdilat ng mata. “Mukhang hindi ako pasado bilan
“Daddy! Mommy!”Magkapanabay na sigaw ng tatlo nang mamataan ang mga magulang nila sa pool area. Ngunit hindi sila narinig ng mga magaulang nila na abala sa pag-uusap. Nagkatinginan an tatlong bata at magkasabay na ngumisi.Umahon kasi muna sila sa pool para kumain. Iniwan nila kasama ng lola at lolo nila ang anak ng Tita Mimi at Tito ZD nila na si Laura. Seryoso ang ekspresyon ni Tati at Raphael habang nag-uusap, ngunit sa mga mata ng bata ay iba. Nagmamadaling tumakbo ang tatlo bata at yumakap sa mga magulang nila. Napaigtad si Tati at Raphael sa gulat. Bumungisngis ang tatlong bata at sa hindi inaasahan ay malakas na tinulak ang mga magulang nila sa pool. Kung saan bumagsak si Tati at Raphael sa pool.“Kids!” saway ni Tati sa mga anak niya. Si Raphael naman ay natawa. “Bye, Mommy, Bye Daddy!” Sigaw ng tatlong bata at muling kumaripas ng takbo. Napabuntong hininga na lang si Tati. Napaigtad siya nang bigla siyang yakapin ni Raphael. Ni lingon niya ito. “Bitiwan mo nga ako!” asi
Tulala lang si Tati habang pinagmamasdan ang karagatan, nakatambay sila sa restaurant, magkasama silang lahat sa isang mahabang mesa. Hindi mga pagkain ang nasa mesa kundi mga alak. Ang mga bata naman ay nasa mga magulang ni Raphael kaya kampante lang si Tati. “Huy!” “What the!” gulat na sigaw ni Tati, napaigtad pa siya sa gulat. Bigla kasi sinundot ni ZD si Tati sa tagiliran. Sinamaan ni Tati ng tingin ang kaibigan niya. Nakangisi lang si ZD, halatang inaasar siya nito. “What is your problem?” asik ni Tati. “Tulala ka kasi, Teh! Kanina pa kita tinatanong ‘di ka naman sumasagot. Saan na naman ba lumilipad ang utak mo, Aber?” tinaasan pa ni ZD ng kilay si Tati. Umirap si Tati, “Wala. Namimiss ko lang magtrabaho.” “Kung iba pa ‘yan! Ayaw na magtrabaho. Hindi ko sinasabing si ZD ‘yan ha,” pabirong sambit ni Jean.“Teh, sino naman ang gustong mapagod? Nakakapagod kayang magtrabaho. Pero kailangan kumayod para sa pamilya,” saad pa ni ZD. “Itong si Tati naman, iba ang hulma! Workaholi
“Kids! Careful!”Paalala ni Gabriella sa mga bata na nakapila sa kiddie slide. Nakaupo lang sila sa pool lounge chair. Tinatanaw ang apat na bata na naglalaro sa kiddie pool. Mababaw lang naman ang tubig kaya ‘di sila natatakot na malunod ang mga bata. At mayroon ring lifeguard ngunit hindi maiwasan ni Gabriella na mag-alala lalo pa’t mga apo niya iyon. “We’re okay Lola!” Sigaw ni Ryder habang kumakaway nasa dulo ito ng pila. Humahagikgik naman si Laura, Ryker at Ryler. Nagkakasundo ang mga ito sa kalokohan habang si Ryder naman ang designated leader ng tatlo. Ang siyang taga saway sa mga ito. “Ready?” Tanong noong taga-bantay sa gilid ng slide kay Ryler.Ngunit bago pa makasagot si Ryler ay tinulak na siya nang tumatawang si Ryker. Hindi naman umiyak si Ryler kundi bumungisngis lang rin. Hindi naman mahaba ang slide, maiksi lang iyon kaya kampante rin ang guide na nakatayo sa gilid. Tanaw na tanaw ng mag-asawang Yapchengco ang mga bata. Namutla si Gabriella sa nangyari, hinawakan