Matapos niyang bitawan ang mga katagang iyon, hindi na kinaya ni Raphael. Iniwanan niya si Tati na umiiyak. What he did was harsh pero iyon ang totoo. Wala siyang balak ayusin ang pagsasama nila dahil sa umpisa pa lang ay mali na ang lahat. Dumiretso siya sa opisina niya. Sinubsob niya sa sarili ang trabaho. Kahit na ang mga dapat niyang gawin sa susunod na buwan ay ginawa na niya. Ayaw niya munang mag-isip ng kung ano.“Sir,” tawag ng sekretarya niya.“What?” nanatili ang mga mata niya sa mga papeles.“A-alas singko na ‘ho. P-pwede na ‘ho ba akong mag-out?” kinakabahang tanong nito.Sumulyap si Raphael sa suot na relo. Bumuntong hininga siya nang makitang alas singko na nga ng hapon. Iwinasiwas niya ang kamay, “You can go.”“Sure kayong dito lang kayo, Sir?”Tumango siya at nanatili ang mata sa hawak na papel, “Oo. You can go. Uuwi na rin ako mayamaya.”“Sige, ho. Mauna na ‘ho ako,” paalam ni Ed.Tinanguan niya lang ang sekretarya, mabilis rin na nilisan ni Ed ang opisina. Naiwan s
Athalia was hurt. Matapos niyang sabihin sa asawa na mahal niya ito ay na galit ito. Minsan na nga lang siya umibig, talo pa. Nasa kwarto siya, hawak ang bote ng alak. Hindi siya fan ng alak, mababa ang alcohol tolerance niya pero sa bigat ng nararamdaman niya. Wala na siyang pakialam roon.Inom lang siya nang inom. Hanggang sa hindi namalayan na naubos na niya ang isang bote. Napahawak siya sa dibdib niya. “Ba’t gano’n? May heart is aching.”She shook her head. Pinindot niya ang intercom.“Lali, pakidalhan nga ako ng wine!” sigaw niya pa. Masakit pa rin ang dibdib niya kaya gusto niya pang umpisa. Pasuray-surap na ang lakad niya. Hanggang sa makarating siya sa kama at umupo. Himala at hindi siya plumakda agad! Nakikisabay yata ang tadhana kay Tati para ipagluksa ang puso niyang nawasak.“Hindi pa ako lasing,” wika niya sa sarili.Bumukas ang pinto, pumasok si Lali na may dalang wine. Kunot ang noo nitong madatnan siyang nakahiga. Mabilis itong lumapit kay Tati.“Ma’am, ayos ka la
Dalawang linggo na mula noong huling makita ni Tati ang asawa. Nakakalungkot mang isipin ay balik sa umpisa silang mag-asawa. Parang ‘di magkakilala, dalawang linggo nang maagang umalis si Raphael at umuuwing late. Hindi sila nagpapang-abot dalawa. Habang si Tati naman ay madalas nasa main mansion, madalas siyang ipatawag ng patriyarka. Inabala na lang rin niya ang sarili sa pag-aalaga rito at pag-aaral. Madalas ay kinukulit siya nito kung ginagawa na daw ba niya ang usapan nila.“Angkong, today is your schedule for your monthly check up. Kailangan na po nating magmadali,” wika ni Tati.Umismid lang ang matanda, “No.”Pumikit si Tati sa inis. Hindi na siya stress sa asawa niyang siraulo. Stress naman siya sa lolo ng asawa niya na mas matigas pa sa bato. “Angkong, please!” pagmamakaawa ni Tati.“I told you right, hindi ako papagamot hanggat hindi kayo nagpaplano ng asawa mo na magkaroon ng anak. A deal is a deal,” the old man smile sheepishly.Parang tutuyuan na si Tati ng dugo sa ini
Buong akala ni Tati, si Raphael lang ay may malaking saltik sa pamilyang Yapchengco. Hindi aakalaing mas malaki pa pala ang saltik ng Lolo ni Raphael. Kung tuso si Raphael, mas tuso ang Lolo nito.Tumikhim si Raphael saka lumapit si Lolo nito. “Angkong, I am sorry that you feel so alone. But I-I want to talk about it with my wife. Is that alright?”“Why? My house is huge. You can both stay here. And also nakipag-usap ako sa isang feng shui expert, malaki ang chance na magka-anak kayo rito sa bahay!” bumaling ang matanda kay Tati. “Isa pa hindi ba kayo naaawa sa ‘kin? Malapit na akong mamatay sa mundong ‘to at hindi niyo man lang ako sinasamahan rito? Puro mga kasambahay, guards at nurse lang ang kasama ko rito. Hindi ko naman sila pamilya! I am old yet you all don’t spend time with me. Paano kung mamatay na ako bukas?”“Angkong!” nahihindik na saway ni Raphael.“Angkong ka nang Angkong! Hindi niyo na nga ako mapagbigyan na magkaroon ng apo sa inyo. Pati ba naman ang pagtira rito sa ba
No choice si Tati, sinuot niya ang isa sa lingerie. Pinatungan niya ng roba ang suot na damit. Bukas na bukas talaga ay sasabunin niya si Lali. Hindi man lang disenteng damit ang dinala! Sumasakit na nga ang ulo niya sa matanda, dinagdagan pa ni Lali.Matapos mag ayos ay dumiretso na siya sa kama at humiga. Pumikit siya nang mariin, pilit na pinapatulog ang sarili niya. Kaso kung minamalas nga naman, kahit anong palit niya ng puwesto ay ‘di talaga siya dinalaw ng antok. Halos tatlumpung minuto na siyang nagpabaling-baling sa kama.Pumihit ang sedura, narinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo kaya nagpanggap siyang tulog. Dinig na dinig niya ang yapak ni Raphael, malamig ang temperatura ng kwarto dahil sa aircon pero pawis na pawis siya dahil sa kaba.“You’re not asleep, quit acting. Pumipitik-pitik ang eyelids mo,” tudyo ni Raphael pero hindi nagpatinag si Tati, nanatili siyang nakapikit.“Athalia, come on. Let’s talk, please?” malambing na wika nito. ‘Ayan na naman sa talk na ‘yan
Nagising si Tati nang makaramdamn siya ng uhaw. Nang imulat niya ang mata ay a bumungad sa kanya ang bakanteng higaan. Wala roon ang asawa niya. Bumalatay ang sakit sa mukha niya kahit na alam niyang ganoon ang mangyayari ay hindi pa rin niya maiwasang masaktan at umasa. Na kahit katiting man lang ay may maramdaman ang asawa niya.Bumuga siya ng hangin saka umupo at nag-inat ng kamay. Nang subukan niyang tumayo ay napaigik siya at napaupo ulit. Parang binugbog ng sampung katao ang buong katawan niya. Hindi niya mapigilang alalahanin ang nangyari kagabi. Dahil sa lintik na blackout ay may nangyaring hindi dapat mangyari. Wala sa sariling napahawak siya sa sariling labi.Nang kapain niya ang labi ay medyo namamaga iyon. Pumula ang buong mukha ni Tati nang alalahanin ang mga pangyayari kagabi. Ang mainit na haplos ni Raphael sa buong katawan niya. Ang pagsamba nito sa buong pagkababae niya… At ang paghuhugpong ng katawan nila.“Shit!” mura niya saka sinabunutan ang sarili sa inis. “So
Iba ang fulfillment na nararamdaman ni Tati nang tumapak siya papasok sa ospital. Hindi bilang pasyente o kundi bilang doktor. Nang makausap niya ang direktor ng hospital at pinag-usapan ang pagbababalik niya, she felt elated. Nawala ang sama ng loob niya dahil sa mga pangyayari nitong nakaraang buwan. “You’re still doing great kahit pa naaksidente ka. Your hands still do magic,” puri nu Direktor Lim.Nginitian niya ito, “I’ve been watching medical cases, even reading to refresh my knowledge.”“Noon pa man ay magaling ka na. You even top the boards!” humalakhak pa ang matanda. “I wish my daughter is the same as you, matalino, maganda at magaling. I am sure proud na proud ang parents mo sa ‘yo, Hija.”“Sana nga po,” mahinang sagot niya.“Are you romantically involved right now?” kuryusong tanong ng direktor.Ano nga ba ang dapat niyang isagot? Kasal siya pero sa papel? O single? Dahil wala namang namamagitan sa kanilang dalawa ni Raphael?Bago pa siya makasagot ay pumalakpak ang direk
Dalawang araw nang nagtatrabaho si Athalia. Minor cases muna ang tinatrabaho niya. Masaya na siya roon. Having a life outside the Yapchengco’s grasp is breath of fresh air. Hindi siya donya na kailangan pagsilbihan. Uuwi siyang lantang-lanta dahil sa sobrang abala sa trabaho. Pero wala siyang pinagsisihan roon. Pakiramdam niya ay may sariling buhay ulit siya. “Ang ganda ng ngiti niyo, Doktora!” bati sa kanya ng nurse na si Mimi. “Kahit pa yata tambakan kayo ng trabaho ay fresh na fresh pa rin!” si ZD ang maligalig na baklang nurse sa station nila. “Nako! Nang uuto na naman kayong dalawa. Oo na libre ko na kayo ng miryenda!” natatawang ani niya habang inilapag ang chart na hawak-hawal niya. “Ay, honest lang, Doc!” bungisngis ni ZD. “Bonus points na iyong libre.” “Tigil-tigilan niyo nga si Doc Lazarus,” saway ni Jane, ang head nurse. “Kakabalik niya lang sa trabaho nagpapalibri na naman kayo.” “‘To naman si Ma’am Jane, hindi mabiro! Wala ngang problema kay Doc Lazarus, e!” na
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr