Dalawang araw nang nagtatrabaho si Athalia. Minor cases muna ang tinatrabaho niya. Masaya na siya roon. Having a life outside the Yapchengco’s grasp is breath of fresh air. Hindi siya donya na kailangan pagsilbihan. Uuwi siyang lantang-lanta dahil sa sobrang abala sa trabaho. Pero wala siyang pinagsisihan roon. Pakiramdam niya ay may sariling buhay ulit siya. “Ang ganda ng ngiti niyo, Doktora!” bati sa kanya ng nurse na si Mimi. “Kahit pa yata tambakan kayo ng trabaho ay fresh na fresh pa rin!” si ZD ang maligalig na baklang nurse sa station nila. “Nako! Nang uuto na naman kayong dalawa. Oo na libre ko na kayo ng miryenda!” natatawang ani niya habang inilapag ang chart na hawak-hawal niya. “Ay, honest lang, Doc!” bungisngis ni ZD. “Bonus points na iyong libre.” “Tigil-tigilan niyo nga si Doc Lazarus,” saway ni Jane, ang head nurse. “Kakabalik niya lang sa trabaho nagpapalibri na naman kayo.” “‘To naman si Ma’am Jane, hindi mabiro! Wala ngang problema kay Doc Lazarus, e!” na
Walang kidlat, o ‘di kaya sasakyan na bumangga kay Tati. Walang nagligtas sa kanya sa kahihiyan. Wala siyang nagawa kundi ignorahin ang mga tingin sa kanya at sumunod sa guard. Dahil alam niyang kapag nakipagmatigasan siya ay may gagawin ang asawa niyang may tililing.Iginiya siya ng guard kung nasaan ang asawa niya. And viola! Nakita niya si Raphael na prenteng nakasandal sa sasakyan nito habang nakapamulsa. Para itong fictional character na nagkatawang tao, minus lang talaga sa malademonyong pag-uugali nito.“Galit raw siya rito pero bumigay naman sa mga haplos at yakap nito!” sulsol ng isip niya.Para siyang tangang inaaway ang sarili dahil sa karupokan. Nang makalapit sa asawa ay agad niya itong inirapan.“What do you think you are doing?” asik niya sa asawang wagas kung makangiti, daig pa ang modelo ng toothpaste.“You didn’t answer my call,” nakangiti ngunit may diin na wika ni Raphael.Tinaasan niya ng kilay ang asawa. “So? Pakialam ko? Saka bakit ka ba nandito? You even annou
Mabilis kumalat ang balitang bumalik siya sa trabaho. Akala niya virus lang ang mabilis kumalat, pati pala ang pagbabalik niya bilang doktor. Pagdating niya sa bahay— sa main mansion ay nadatnan niya ang biyenan na prenteng nakaupo sa salas habang umiinom ng tsaa.Tumayo ng tuwid si Tati nang magtama ang tingin nila ng biyenan. Para siyang high schooler na nahuling inumaga dahil sa pakikipag-inuman.“G-good morning, Mom?” Gabriella gracefully place the tea cup on the table. Para siyang teenager na nauulol sa sarili niyang biyenan. Hindi mapigilang humanga ni Tati, bawat galaw ng biyenan niya ay napakagandang tignan. Animo’y isa itong maharlika.Kahit na isa na siyang miyembro ng pamilyang Yapchengco ay may pagkabargas pa rin si Tati. Kapag ipinagtabi sila ng biyenan niya ay magmakikita talaga kung sino ang nabuhay sa karangyaan.“Darling, ano itong nalaman kong bumalik ka raw sa pagtatrabaho?” maarteng wika ng biyenan niya.Napalunok si Tati sa kaba. Hindi alam kung saan ibabaling a
Sanay na si Tati mag-alaga ng may sakit. Hindi man niya naaalala kung paano siya naging doktor. Kusa naman kumikilos ang katawan niya. Ang kaso iba yata si Raphael.Tipong nakakaawa pero nakakapikon.“Rafa—” tumikhim siya. “Raphael!” tawag niya sa asawa na nakapikit pa rin.Imbes na mag-siesta siya dahil kakagaling lang niya sa ospital ay inaalagaan niya ang asawang mas matigas pa yata sa bato ang ulo. Hinayaan niya itong matulog ng isang oras, habang siya ay nagpapaluto sa kasambahay ng sopas.“Raphael Linux Yapchengco!” inis na sambit niya habang niyuyugyug ang asawang tulog.Umungot si Raphael. Imbes na magising, he just shifted his position. Humingang malalim si Tati, pilit kinakalma ang sarili. ‘Asawa ko ‘to. Asawa. Ko. ‘To!” paulit-ulit niyang pinapaalala sa sarili. Baka pumitik siya at imbes na gumaling si Raphael ay samain pa ito sa kanya.Marahan niyang niyugyog ang asawa. “Raphael, wake up! Lalamig na itong sopas mo. You also need to drink your meds, hindi bumababa ang lagna
“Kasal ka na pala, Doktora!” nakalabing sambit ni ZD. “Kalat na kalat na dito sa buong hospital!” eksaheradang wika ni Mimi. “Daming na broken hearted, ano?” “Ay! Sa ganda at talino ba naman ng isang Athalia Lazarus— Yapchengco! Top 1 pa sa boards—teka pamilyar iyong Yapchengco na apelyido,” maarteng wika ni ZD. “Daming Yapchengco sa Pinas, Te!” umiirap pang wika ni Mimi. Napailing na lang si Tati, siya ang number 1 topic sa ospital. Kalat na kalat na kasal na siya. Nahihiya tuloy siya dahil hindi siya nagsabi ng totoo nang tanungin siya ng Direktor. Bumaling si ZD sa kanya, “Anong name ng asawa mo, Doc? I-stalk namin! Tignan namin kung worth it ba na maging asawa mo.” Mapang-asar na ngumiti si Mimi, “Lalaitin mo lang, eh!” Ayaw niyang sagutin ang mga ito. Kung tutuusin ay ayaw niyang kumalat ang balitang iyon. Nilinaw ni Raphael na darating ang panahon na hihiwalayan siya nito. Kung siya lang, she want to work things with him. Kasal sila sa mata ng batas at Diyos. Pero ano nga
Nakaupo ang dalagang si Tati sa isang bench sa may school field. Doon niya naisipan na magtanghalian. Wala naman kasi siyang budget para bumili sa cafeteria kaya nagbabaon siya ng pagkain para iwas gastos. May pera man siyang naitabi pero mas pipiliin nuyang wag gastusin iyon dahil marami siyang bayarin. Maraming dumadaan na mga studyante at may iilan rin na gaya niyang kumakain sa may field. Hindi niya lubos maisip na makakapasok siya sa paaralang kagay nito. Ni hindi nga sumagi sa kanyang isipan na makakapag-aral siya dahil sa hirap ng buhay. Nakapasok siya sa paaralang ‘to dahil sa scholarship. Kasi kung pera lang ang usapan? Hindi magkakasya ang kakaramput niyang sweldo sa pagiging cashier sa isang convenience store. Ang pera na mayroon siya ay barya lang para sa mga estudyante rito. Hindi pa nangangalahati si Tati sa pagkain ng tumilapon ang baunan niya nang tamaan ng bola ng soccer. Kuyom ang kamao niya ay luminga-linga kung sinong tanga ang dahilan noon.Papalapit sa kanya a
Kunwari nagbabasa siya ng libro pero wala talaga siyang maintindihan sa binabasa niyang aklat. Kakalabas lang ng asawa niya mula sa banyo. Nakatapis lang ito nagtungo sa walk in closet nila para magbihis. Doon lang namalayan ni Tati na nagpipigil pala siya ng hininga. Ganoon ang epekto sa kanya ng asawa niya. Na kahit anong banas niya dito at kahit gaano sila kalala at kadalas mag-away. Isama pa na halos lahat ng alaala niya tungkol sa asawa at pagsasama nila ay ‘di niya maalala ay malakas pa rin ang epekto nito sa kanya.She was biting her lips as she read the same line over and over again. Magdurugo na yata ang labi niya sa kakakagat roon. Mabilis niyang sinulyapan si Raphael nang makalabas sa walk in closet nila. Naka-boxer shorts at puting t-shirt ito.Lumundo ang kama nang sumampa ito. At ganoon na rin ang kaba niya nang magdikit ang balat nila nang sumiksik sa kanya ang asawa.Umirap siya, kunwari at iritado siya sa asawa.“Umusog ka nga roon!” kunwaring iritado na wika ni Tat
Nagising si Raphael dahil sa sobrang sakit ng ulo niya. Kinapa niya ang gilid niya, nang wala siyang maramdamang katabi roon ay nagmulat siya ng mata. Wala na ang asawa biya doon. Bumalikwas siya sa pagkakahiga. Saglit pa ay tumayo na siya at dumiretso sa banyo para maligo.Hindi ito ang unang beses na may nangyari sa kanilang mag-asawa simula noong aksidente. Ilang beses na niyang iniisip na hiwalayan ang asawa niya. Sa katunayan nga ay halos buwan-buwan siyang nagpapaayos ng mga papeles. Kung hindi lang dahil sa mga magulang niya at sa Grandfather niya. Pero ngayon? He’s been thinking about it less.Hindi mapigilang mapa-humm ni Raphael habang nagbibihis siya ng damit dahil kakatapos niya lang maligo. Hindi lang si Athalia ang naging babae niya. Hindi na mabilang kung ilang babae ang naikama niya. But Athalia was different, a good difference. Iba ang asawa niya sa mga naging babae niya. Kay Tati lang siya nakakaramdam ng sobrang satisfaction, kahit pa ikumpara sa babaeng minahal niy
“What do you mean, anak?” nalilitong tanong ni Gabriella kay Raphael. “A-Anong kasal Raphael? Don’t tell me?”Ngumisi si Raphael, “Yeah.” “Oh, God!” Bumuhos na ang luha ni Gabriella, halos ngumawa na siya sa tuwa. Niyakap niya si Raphael, “Oh, God! You don’t know how hard I prayed to God na magkabalikan kayo.” Bumaling ito kay Tati. “Oh, my daughter-in-law!” At niyakap si Tati. “Mommy,” anas ni Tati ay niyakap panalik ang biyenan. “So, did Raphael propose again? Magpapakasal na ba kayo ulit? Oh my God! We should hire the best wedding coordinator in the country–” “Mommy, kalma. Hindi pa namin na pag-uusapan, okay? But we’re okay now,” agap ni Tati sa biyenan. “Oh,” malungkot na sambit ng biyenan.“Pero we’re not closing that idea, Mommy. Isa pa, kakabalikan lang namin.” “Well, tama ka naman d’yan anak. Ito ang pinaka magandang regalo ngayong birthday ko! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na malaman na ayos na kayong dalawa. Simula noon ay pinagdarasal ko na kayo na sana ang ma
Nagtitipon ang lahat sa baybayin, maliban kay Raphael at Athalia. May mahabang mesa at mga upuan. May maliit na entablado na nasa harapan. Na napapalibutan ng mga balloons at bulaklak. Masayang nagtitipon ang lahat para sa kaarawan ng nag-iisang Gabriella Yapchengco.Saglit pa ay dumating na si Tati at Raphael, hawak-hawak ang mga anak nila. Naluluha naman si Gabriella nang makita ang tagpong iyon. Sa tinagal-tagal ng panahon, isa siya sa naniniwala na balang araw ay magiging maayos ang pagsasama ni Raphael at Tati. At noon pa man ay alam na niyang mahal ni Raphael si Tati. Nang ipinakilala ng anak si Tati sa kanya ay ramdam niya agad na may kakaiba sa pagitan ng mga ito. Saksi siya sa paghihirap ni Athalia, saksi rin siya sa paghihirap ni Raphael nang iwan ito ni Tati. Kaya isa siya sa pinaka nasasaktan sa tuwing may pagsubok na naman sa pag-iibigan ng mga ito. Ilang insenso na ang sinindihan niya kakadasal na balang araw ay magkakatuluyan ang mga ito. Kaya hindi niya mapigilang mapa
Thirteen years ago… “Hiwalay na ba kayo ni Athalia?” Biglang tanong ng kasamahan ni Raphael sa soccer team. Kumunot ang noo ni Raphael. Napahinto siya sa pag-iinat ng katawan.“What are you talking about?” “Hindi ko na kasi kayo madalas makitang magkasama. That’s why I am asking you if the two of you are still together. Kasi kapag hindi, ayos lang ba sa ‘yong ligawan ko si Athalia?” “What the fuck is your problem?!” Napatayo si Raphael sa ginagawa niya. Hindi niya nobya si Athalia o mas kilala bilang Tati. Magkaibigan lang sila ng mahigit dalawang taon na rin. Tinuturing ni Raphael ang babae bilang best friend niya. Maasahan ito at higit sa lahat mabait. Kahit ang mga magulang niya ay gustong-gusto ito. But they’re just friends…Ngunit ayaw na ayaw ni Raphael na lumapit ang kahit sino kay Tati. Ni mga kaibigan niya ay hindi pinapalapit rito. Hindi niya gusto ang ideya na may lalaking umaaligid kay Tati kahit pa mismo kaibigan niya. Para kay Raphael, parang nakababatang kapatid ni
Hindi mapakali si Raphael. Palakad lakad lang siya sa labas ng silid ni Athalia. Para siyang hayop na hindi maire. Kinakabanahan siya, hinihintay niya kasi si Tati na lumabas sa silid nito. Ngayong gabi ay lalabas sila nang wala ang mga bata. Napapayag niya rin kasi sa wakas si Tati na mag-date kasama siya. Hindi tuloy mapakali si Raphael habang hinihintay si Tati. Daig niya pa ang high school student habang hinihintay ang babaeng una niyang i-di-date. Ang mga nangyari kahapon ay naging daan para makamit niya ang matamis na “oo” ni Tati para sa isang date. Masama rin kasi ang titig ng mga kapatid ni Tati sa kanya, parang kakalasin ng mga ito ang bawat buto sa katawan niya. Inaakala siguro ng mga ito na ginagamit niya lang ang amnesia niya para mas makalapit kay Tati at maayos ang kung anumang maaari pa nilang ayusin. Hindi naman sa ginagamit ni Raphael ang nangyari sa kanya pero wala naman siyang magagawa kung may amnesia siya. Pero nais niyang bigyan siya ni Tati ng pagkakataon na m
“Are you guys ready?” Tanong ni Gabriella sa lahat. Nasa lobby sila ng hotel at hinihintay ang tour guide. “Yes, Lola!” Sigaw ng mga bata. “That’s greta. ‘Wag niyo kalilimutan maglagay ng sunscreen, okay? Mainit pa naman,” paalala ni Gabriella. Dahil marami sila ay dalawa na small yatch ang inarkila nila para sa island hopping. Medyo hindi pa masakit ang sikat ng araw dahil alas siete pa lang ng umaga. Ang mga bata ay tuwang-tuwa. Habang ang mga matatanda naman ay tahimik, dahil masasakit ang ulo. Abala si Tati sa paglalagay ng sunscreen sa mga anak niya. Katabi niya sa magkabilang gilid ang mga kapatid niya. Walang kamalay-malay si Tati na masama ang titig ng mga ito kay Raphael. Nasa isang sulok lang si Raphael, pinagmamasdan ang mag-iina niya habang naglalambingan. Nais man niyang makisali ay bugbog sarado siya sa mga titig nina Archer at Austin. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali sa mga ito dahilan upang tapunan siya ng mga masasamang tingin. “Are they mad becaus
Nagising si Tati dahil sa matinding uhaw. Ngunit agad na nawala ang uhaw niya nang may maramdamang mabigat sa tiyan niya. Nanigas ang buong katawan niya sa takot. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at napasinghap siya nang makitang nakapulupot sa kanya ang isang kamay. Nang lumingon siya ay nakita nuya ang tulog na tulog na si Raphael.Nakahinga siya nang maluwag na ito ang katabi niya at hindi isang estranghero. Pero bakit niya katabi ito? May ginawa na naman ba siyang katangahan? Biglang sumakit ang ulo niya nang isipin iyon. Dahan-dahan na inalis ni Tati ang kamay ni Raphael sa tiyan niya pero bgla nitong binalik ang kamay nito sa tiyan ni Tati. Kumunot ang noo ni Tati at sinulyapan ang nakapikit pa rin na lalaki. Muli niyang inalis ang kamay nito at muli rin naman binalik ni Raphael ang kamay niya.“Alam kong gising ka Raphael. Tigil-tigilan mo ako sa pag-arte mo. Why are we in the same bed?” Humalakhak si Raphael at unti-unting nagdilat ng mata. “Mukhang hindi ako pasado bilan
“Daddy! Mommy!”Magkapanabay na sigaw ng tatlo nang mamataan ang mga magulang nila sa pool area. Ngunit hindi sila narinig ng mga magaulang nila na abala sa pag-uusap. Nagkatinginan an tatlong bata at magkasabay na ngumisi.Umahon kasi muna sila sa pool para kumain. Iniwan nila kasama ng lola at lolo nila ang anak ng Tita Mimi at Tito ZD nila na si Laura. Seryoso ang ekspresyon ni Tati at Raphael habang nag-uusap, ngunit sa mga mata ng bata ay iba. Nagmamadaling tumakbo ang tatlo bata at yumakap sa mga magulang nila. Napaigtad si Tati at Raphael sa gulat. Bumungisngis ang tatlong bata at sa hindi inaasahan ay malakas na tinulak ang mga magulang nila sa pool. Kung saan bumagsak si Tati at Raphael sa pool.“Kids!” saway ni Tati sa mga anak niya. Si Raphael naman ay natawa. “Bye, Mommy, Bye Daddy!” Sigaw ng tatlong bata at muling kumaripas ng takbo. Napabuntong hininga na lang si Tati. Napaigtad siya nang bigla siyang yakapin ni Raphael. Ni lingon niya ito. “Bitiwan mo nga ako!” asi
Tulala lang si Tati habang pinagmamasdan ang karagatan, nakatambay sila sa restaurant, magkasama silang lahat sa isang mahabang mesa. Hindi mga pagkain ang nasa mesa kundi mga alak. Ang mga bata naman ay nasa mga magulang ni Raphael kaya kampante lang si Tati. “Huy!” “What the!” gulat na sigaw ni Tati, napaigtad pa siya sa gulat. Bigla kasi sinundot ni ZD si Tati sa tagiliran. Sinamaan ni Tati ng tingin ang kaibigan niya. Nakangisi lang si ZD, halatang inaasar siya nito. “What is your problem?” asik ni Tati. “Tulala ka kasi, Teh! Kanina pa kita tinatanong ‘di ka naman sumasagot. Saan na naman ba lumilipad ang utak mo, Aber?” tinaasan pa ni ZD ng kilay si Tati. Umirap si Tati, “Wala. Namimiss ko lang magtrabaho.” “Kung iba pa ‘yan! Ayaw na magtrabaho. Hindi ko sinasabing si ZD ‘yan ha,” pabirong sambit ni Jean.“Teh, sino naman ang gustong mapagod? Nakakapagod kayang magtrabaho. Pero kailangan kumayod para sa pamilya,” saad pa ni ZD. “Itong si Tati naman, iba ang hulma! Workaholi
“Kids! Careful!”Paalala ni Gabriella sa mga bata na nakapila sa kiddie slide. Nakaupo lang sila sa pool lounge chair. Tinatanaw ang apat na bata na naglalaro sa kiddie pool. Mababaw lang naman ang tubig kaya ‘di sila natatakot na malunod ang mga bata. At mayroon ring lifeguard ngunit hindi maiwasan ni Gabriella na mag-alala lalo pa’t mga apo niya iyon. “We’re okay Lola!” Sigaw ni Ryder habang kumakaway nasa dulo ito ng pila. Humahagikgik naman si Laura, Ryker at Ryler. Nagkakasundo ang mga ito sa kalokohan habang si Ryder naman ang designated leader ng tatlo. Ang siyang taga saway sa mga ito. “Ready?” Tanong noong taga-bantay sa gilid ng slide kay Ryler.Ngunit bago pa makasagot si Ryler ay tinulak na siya nang tumatawang si Ryker. Hindi naman umiyak si Ryler kundi bumungisngis lang rin. Hindi naman mahaba ang slide, maiksi lang iyon kaya kampante rin ang guide na nakatayo sa gilid. Tanaw na tanaw ng mag-asawang Yapchengco ang mga bata. Namutla si Gabriella sa nangyari, hinawakan