Sorry guys nagkadouble chapter huhu nagkamali ako ng paste, Don't forget to vote, comment, and rate. Labyu all, enjoy reading.
“Nanay kapag may nararamdaman kayo ay kailangan niyong sabihin sa nurse kapag wala ako. Pero kapag nagra-rounds ako. Kailangan niyong maging honest sa ‘kin. Paano kayo gagaling niyan kapag hindi kayo nagsabi sa ‘kin ng totoo? Sayang lang iyong mga gamot at kung anu-ano pa,” pangaral niya sa matandang pasyente na kinikimkim pala ang sakit ng tiyan na nararamdaman.“Akala ko kasi normal ‘yun Doktora, e!” katwiran nito napailing na lamang siya.“Salamat po, Doktora. Pasensya na po,” wika ng anal nito na kararating lang. Nginitian niya ito, “Don’t worry trabaho ko naman ang ginagawa ko.”“Doktora?” singit ni nanay, kumikislap pa ang mga mata nito tuwa.“Yes, po?” “Single kayo, Doc?” Napaubo siya sa narinig, namula ang buong mukha niya sa hiya. “Nanay!” saway ng anak nito. “Nakakahiya kay Doktora!”Umirap ang matanda, “Tinatanong ko lang. Nagbabakasali lang ako. Malay mo single si Doc, bagay kayo!”Gusto niyang magpalamon sa lupa dahil sa hiya. Hindi naman bago sa kanya na madalas siyan
“Tati!” Jean screamed as she got out of the hospital. Kakatapos lang ng shift nila ni Lali.Akmang lalapit na silang dalawa ni Lali nang mahagip ng mata niya si Raphael, may ‘di kalayuan kay Jean. Prenteng nakasandal sa kotse nito, may hawak-hawak na naman itong bulaklak. Naalala niya tuloy ang pinadala nitong bulaklak, pinamigay niya kay Sarah. Ipapatapon sana niya kaso nanghihinayang si Sarah, so she gave it to her.Bumaling siya kay Lali, “Puntahan mo muna si Jean. Kakausapin ko muna ‘tong asungot na ‘to.”She sighed. Kahit ilang beses na niyang pinamukha rito na tigil-tigilan na siya, ayaw pa rin siyang tigilan— sabagay, inabot nga siya ng isang dekada para kalimutan ang nararamdaman niya para rito. But she knows better. Nati-trip lang si Raphael, hindi naman siya sira para paniwalaan na mahal siya nito. Matapos ang labing-limang taon, mahal na siya nito? Kung siguro noon, maniniwala pa siya. Kaso ngayon, malabo pa sa malabo.“What are you doing here?” angil niya agad nang makal
“Anak?” rinig niyang wika ng biyenan niya mula sa kabilang linya.“Yes po, My?”“Pwede ka bang dumalaw rito sa bahay? Hinahanap ka kasi ni Angkong,” narinig niya itong bumuntong hininga. “And also, malapit ang birthday celebration ng Ahma mo. We can still invite you right? Like the old times? And you are still a Yapchengco.”Napakamot siya sa ulo niya, mas lalo yatang gumulo ang buhay niya. “Please, anak?”Huminga siyang malalim, “Sige My. Subukan kong dumalaw diyan pero baka bukas pa po ako available. Pakisabi na lang po kay Angkong.”“Okay, thank you, Darling!” Nang namatay ang tawag ay bumaling siya sa mga bata na abala sa pagkukulay sa coloring book ng mga ito. Hindi siya pwede umalis ngayong araw dahil nag-promise siya sa mga bata na Mommy and babies day today. She’s planning on enrolling them sa mga workshops. Para may pagkaabalahan naman ang mga ito, kapag kasi nandito lang sa bahay ang mga ito ay pagod na pagod lahat ng mga tao dahil sa kakulitan ng mga ito.“Mama, I want a c
“What do you think of Lali?” “What?” aburidong tanong ng kapatid niya. Papunta siya sa mansion ng mga Yapchengco, ihahatid siya ng kapatid niya. Ayaw niya kasing magmaneho, tintamad siya and Austin being a good brother insisted on dropping her off. Nakilala ng mga kapatid niya ang mga kaibigan niya. And to her surprise magkakilala si Jean at Archer— Archer’s girl was actually Jean. And for Jean, si Archer ay isang malaking asungot sa buhay niya. Magkakilala ang mga ito dahil sa common friend. He was trying to flirt with her kaso hindi talaga siya type ni Jean. “I am asking if you find Lali pretty?” she asked while wiggling her brows. Tinapunan siya nito ng tingin, “What?! She’s too young for me.” Bahagya siyang natawa, “Too young? She’s ten years younger than me. I don’t date kids.” Umirap siya sa kuya niya, “Yeah pero hindi naman siya minor. She’s in her legal age. She may be eight years younger but she’s a keeper. She’s pretty, responsible, kind, and a good sister to her sibl
Raphael’s trying to win his wife’s heart back. Pero hindi yata nakikisabay ang tadhana. Ang daming kontra. Ang daming gustong pumapel at bumida. And Austin Lagdameo is number one on the list. Hindi niya magawang magalit kung naibaling ng asawa niya sa iba ang nararamdaman, ilang taon rin ang lumipas at kailanman ay hindi niya naiparamdam nang maayos sa asawa ang tunay na nararamdaman niya. Wala siyang pakialam kung may Austin man na pumapael, gagawin niya ng lahat maibalik lang sa buhay niya si Athalia. Kahit itanggi man niya, Austin Lagdameo’s a huge wall for winning Athalia’s heart. Nasasaktan siya sa tuwing naiisip na magkasama sila o ‘di kaya. But who is he to complain? Wala pa kalahati ang paghihirap na dinanas sa kanya ni Athalia. He was blinded by the pain and the feelings he had for Kristal. Kahit alam na niyang nakakasakit na siya ay wala siyang pakialam. And to think, ang mga pinsan niya ay isa rin sa nagdudulot ng sakit sa asawa niya. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing inii
“Were you crying?” Austin asked, dumating ito at sinundo siya. Iyak lang siya nang iyak, hindi niya alam kung bakit siya naiiyak dahil sa naging tagpo nila kanina ni Raphael. Wala namang kaso sa kanya kung insultuhin siya ng buong ang angkan nito. Bigla na lang sumagi sa isipan niya kung paano siya insultuhin ng sariling asawa nang malaman na buntis siya. Parang bumabalik siya sa nakaraan—sa panahong dinurog siya nito.“Baby…” Austin softly whispered.“Just let me cry…” sumusinok-sinok na wika niya. “Did he hurt you physically?” mariing tanong ni Austin habang nagmamaneho, mahigpit ang hawak nito sa manibela.Umiling siya, “No. Nag-usap lang kami.”“Do you still love him?”“No… It’s just that I remembered all the pain he caused. Kung gaano ako ka nasaktan noon–”“If you still love him, talk to him, listen to what he says. O kahit di mo na siya mahal, makinig ka lang sa kanya. Kahit hindi ka maniwala sa sabihin nito– it’s just to let all your emotions go. Lahat ng mga katanungan itano
“I was like a child again, I couldn’t even move normally. I had to wait for someone to help me. It took me a year to be able to walk again. And it took me months to talk again. It was frustrating to learn everything from scratch. And I don’t want to give up. I don’t want to give you up. I don’t want us to end–”Umiling si Athalia, “Hindi ko alam ang dapat kung paniwalaan, Rafa. Saan ka noong umalis ka?”“I went to Kristal,” malumanay na wika nito.“For what?” she said–almost a whisper.Her eyes were darting through his soul. Hindi niya mabasa kung ano ang emosyon o iniisip nito. Nakatitig lang ito sa kanya, animo’y hinihintay pa ang mga paliwanag niya. Napalunok siya nang makita kung gaano ito kaganda ngayon, kahit pa namumula ang ilong nito dahil naiiyak ito. But she was the most beautiful woman he had ever seen. Walang papantay sa ganda nito sa paningin niya.“Raphael,” tawag nito sa kanya–doon lang siya natauhan nang makitang iritado ang ekspresyon nito.Tumikhim siya bago sumagot,
“Darling!” maligayang sigaw ni Max.Mabilis rin siya lumapit rito at niyakap ito nang mahigpit, “God. You are back!”Humalik ito sa pisngi, “Of course I am. Where are my favorite babies?” Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kaibigan niya, “They are at home. Hindi ko na sinama, alam mo na.”Tumango ito, “You haven’t talked to your husband?’“Ex-husband,” pagtatama niya rito. Pabirong ngumiti si Max, “Nah. He is still your husband. Legally. You plan on hiding the triplets forever?”Umiling siya, “Nagbago ang isip ko. The kids deserve to know their biological Dad. But I am not getting back with him. Tapos na kaming dalawa–kinasal lang naman kami dahil kay Baby Boo. And it was a mistake. I don’t want to repeat the same mistake again.”“Wow. The problem is–papayag kaya ang tatay ng mga bata na basta-basta na lang kayong maghiwalay,” mapanudyong wika nito.Umirap siya, “Matagal na kaming tapos, ‘no. We just need to separate legally para kung gusto nitong magpakasal muli dahil sa tamang rason,
“What do you mean, anak?” nalilitong tanong ni Gabriella kay Raphael. “A-Anong kasal Raphael? Don’t tell me?”Ngumisi si Raphael, “Yeah.” “Oh, God!” Bumuhos na ang luha ni Gabriella, halos ngumawa na siya sa tuwa. Niyakap niya si Raphael, “Oh, God! You don’t know how hard I prayed to God na magkabalikan kayo.” Bumaling ito kay Tati. “Oh, my daughter-in-law!” At niyakap si Tati. “Mommy,” anas ni Tati ay niyakap panalik ang biyenan. “So, did Raphael propose again? Magpapakasal na ba kayo ulit? Oh my God! We should hire the best wedding coordinator in the country–” “Mommy, kalma. Hindi pa namin na pag-uusapan, okay? But we’re okay now,” agap ni Tati sa biyenan. “Oh,” malungkot na sambit ng biyenan.“Pero we’re not closing that idea, Mommy. Isa pa, kakabalikan lang namin.” “Well, tama ka naman d’yan anak. Ito ang pinaka magandang regalo ngayong birthday ko! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na malaman na ayos na kayong dalawa. Simula noon ay pinagdarasal ko na kayo na sana ang ma
Nagtitipon ang lahat sa baybayin, maliban kay Raphael at Athalia. May mahabang mesa at mga upuan. May maliit na entablado na nasa harapan. Na napapalibutan ng mga balloons at bulaklak. Masayang nagtitipon ang lahat para sa kaarawan ng nag-iisang Gabriella Yapchengco.Saglit pa ay dumating na si Tati at Raphael, hawak-hawak ang mga anak nila. Naluluha naman si Gabriella nang makita ang tagpong iyon. Sa tinagal-tagal ng panahon, isa siya sa naniniwala na balang araw ay magiging maayos ang pagsasama ni Raphael at Tati. At noon pa man ay alam na niyang mahal ni Raphael si Tati. Nang ipinakilala ng anak si Tati sa kanya ay ramdam niya agad na may kakaiba sa pagitan ng mga ito. Saksi siya sa paghihirap ni Athalia, saksi rin siya sa paghihirap ni Raphael nang iwan ito ni Tati. Kaya isa siya sa pinaka nasasaktan sa tuwing may pagsubok na naman sa pag-iibigan ng mga ito. Ilang insenso na ang sinindihan niya kakadasal na balang araw ay magkakatuluyan ang mga ito. Kaya hindi niya mapigilang mapa
Thirteen years ago… “Hiwalay na ba kayo ni Athalia?” Biglang tanong ng kasamahan ni Raphael sa soccer team. Kumunot ang noo ni Raphael. Napahinto siya sa pag-iinat ng katawan.“What are you talking about?” “Hindi ko na kasi kayo madalas makitang magkasama. That’s why I am asking you if the two of you are still together. Kasi kapag hindi, ayos lang ba sa ‘yong ligawan ko si Athalia?” “What the fuck is your problem?!” Napatayo si Raphael sa ginagawa niya. Hindi niya nobya si Athalia o mas kilala bilang Tati. Magkaibigan lang sila ng mahigit dalawang taon na rin. Tinuturing ni Raphael ang babae bilang best friend niya. Maasahan ito at higit sa lahat mabait. Kahit ang mga magulang niya ay gustong-gusto ito. But they’re just friends…Ngunit ayaw na ayaw ni Raphael na lumapit ang kahit sino kay Tati. Ni mga kaibigan niya ay hindi pinapalapit rito. Hindi niya gusto ang ideya na may lalaking umaaligid kay Tati kahit pa mismo kaibigan niya. Para kay Raphael, parang nakababatang kapatid ni
Hindi mapakali si Raphael. Palakad lakad lang siya sa labas ng silid ni Athalia. Para siyang hayop na hindi maire. Kinakabanahan siya, hinihintay niya kasi si Tati na lumabas sa silid nito. Ngayong gabi ay lalabas sila nang wala ang mga bata. Napapayag niya rin kasi sa wakas si Tati na mag-date kasama siya. Hindi tuloy mapakali si Raphael habang hinihintay si Tati. Daig niya pa ang high school student habang hinihintay ang babaeng una niyang i-di-date. Ang mga nangyari kahapon ay naging daan para makamit niya ang matamis na “oo” ni Tati para sa isang date. Masama rin kasi ang titig ng mga kapatid ni Tati sa kanya, parang kakalasin ng mga ito ang bawat buto sa katawan niya. Inaakala siguro ng mga ito na ginagamit niya lang ang amnesia niya para mas makalapit kay Tati at maayos ang kung anumang maaari pa nilang ayusin. Hindi naman sa ginagamit ni Raphael ang nangyari sa kanya pero wala naman siyang magagawa kung may amnesia siya. Pero nais niyang bigyan siya ni Tati ng pagkakataon na m
“Are you guys ready?” Tanong ni Gabriella sa lahat. Nasa lobby sila ng hotel at hinihintay ang tour guide. “Yes, Lola!” Sigaw ng mga bata. “That’s greta. ‘Wag niyo kalilimutan maglagay ng sunscreen, okay? Mainit pa naman,” paalala ni Gabriella. Dahil marami sila ay dalawa na small yatch ang inarkila nila para sa island hopping. Medyo hindi pa masakit ang sikat ng araw dahil alas siete pa lang ng umaga. Ang mga bata ay tuwang-tuwa. Habang ang mga matatanda naman ay tahimik, dahil masasakit ang ulo. Abala si Tati sa paglalagay ng sunscreen sa mga anak niya. Katabi niya sa magkabilang gilid ang mga kapatid niya. Walang kamalay-malay si Tati na masama ang titig ng mga ito kay Raphael. Nasa isang sulok lang si Raphael, pinagmamasdan ang mag-iina niya habang naglalambingan. Nais man niyang makisali ay bugbog sarado siya sa mga titig nina Archer at Austin. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali sa mga ito dahilan upang tapunan siya ng mga masasamang tingin. “Are they mad becaus
Nagising si Tati dahil sa matinding uhaw. Ngunit agad na nawala ang uhaw niya nang may maramdamang mabigat sa tiyan niya. Nanigas ang buong katawan niya sa takot. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at napasinghap siya nang makitang nakapulupot sa kanya ang isang kamay. Nang lumingon siya ay nakita nuya ang tulog na tulog na si Raphael.Nakahinga siya nang maluwag na ito ang katabi niya at hindi isang estranghero. Pero bakit niya katabi ito? May ginawa na naman ba siyang katangahan? Biglang sumakit ang ulo niya nang isipin iyon. Dahan-dahan na inalis ni Tati ang kamay ni Raphael sa tiyan niya pero bgla nitong binalik ang kamay nito sa tiyan ni Tati. Kumunot ang noo ni Tati at sinulyapan ang nakapikit pa rin na lalaki. Muli niyang inalis ang kamay nito at muli rin naman binalik ni Raphael ang kamay niya.“Alam kong gising ka Raphael. Tigil-tigilan mo ako sa pag-arte mo. Why are we in the same bed?” Humalakhak si Raphael at unti-unting nagdilat ng mata. “Mukhang hindi ako pasado bilan
“Daddy! Mommy!”Magkapanabay na sigaw ng tatlo nang mamataan ang mga magulang nila sa pool area. Ngunit hindi sila narinig ng mga magaulang nila na abala sa pag-uusap. Nagkatinginan an tatlong bata at magkasabay na ngumisi.Umahon kasi muna sila sa pool para kumain. Iniwan nila kasama ng lola at lolo nila ang anak ng Tita Mimi at Tito ZD nila na si Laura. Seryoso ang ekspresyon ni Tati at Raphael habang nag-uusap, ngunit sa mga mata ng bata ay iba. Nagmamadaling tumakbo ang tatlo bata at yumakap sa mga magulang nila. Napaigtad si Tati at Raphael sa gulat. Bumungisngis ang tatlong bata at sa hindi inaasahan ay malakas na tinulak ang mga magulang nila sa pool. Kung saan bumagsak si Tati at Raphael sa pool.“Kids!” saway ni Tati sa mga anak niya. Si Raphael naman ay natawa. “Bye, Mommy, Bye Daddy!” Sigaw ng tatlong bata at muling kumaripas ng takbo. Napabuntong hininga na lang si Tati. Napaigtad siya nang bigla siyang yakapin ni Raphael. Ni lingon niya ito. “Bitiwan mo nga ako!” asi
Tulala lang si Tati habang pinagmamasdan ang karagatan, nakatambay sila sa restaurant, magkasama silang lahat sa isang mahabang mesa. Hindi mga pagkain ang nasa mesa kundi mga alak. Ang mga bata naman ay nasa mga magulang ni Raphael kaya kampante lang si Tati. “Huy!” “What the!” gulat na sigaw ni Tati, napaigtad pa siya sa gulat. Bigla kasi sinundot ni ZD si Tati sa tagiliran. Sinamaan ni Tati ng tingin ang kaibigan niya. Nakangisi lang si ZD, halatang inaasar siya nito. “What is your problem?” asik ni Tati. “Tulala ka kasi, Teh! Kanina pa kita tinatanong ‘di ka naman sumasagot. Saan na naman ba lumilipad ang utak mo, Aber?” tinaasan pa ni ZD ng kilay si Tati. Umirap si Tati, “Wala. Namimiss ko lang magtrabaho.” “Kung iba pa ‘yan! Ayaw na magtrabaho. Hindi ko sinasabing si ZD ‘yan ha,” pabirong sambit ni Jean.“Teh, sino naman ang gustong mapagod? Nakakapagod kayang magtrabaho. Pero kailangan kumayod para sa pamilya,” saad pa ni ZD. “Itong si Tati naman, iba ang hulma! Workaholi
“Kids! Careful!”Paalala ni Gabriella sa mga bata na nakapila sa kiddie slide. Nakaupo lang sila sa pool lounge chair. Tinatanaw ang apat na bata na naglalaro sa kiddie pool. Mababaw lang naman ang tubig kaya ‘di sila natatakot na malunod ang mga bata. At mayroon ring lifeguard ngunit hindi maiwasan ni Gabriella na mag-alala lalo pa’t mga apo niya iyon. “We’re okay Lola!” Sigaw ni Ryder habang kumakaway nasa dulo ito ng pila. Humahagikgik naman si Laura, Ryker at Ryler. Nagkakasundo ang mga ito sa kalokohan habang si Ryder naman ang designated leader ng tatlo. Ang siyang taga saway sa mga ito. “Ready?” Tanong noong taga-bantay sa gilid ng slide kay Ryler.Ngunit bago pa makasagot si Ryler ay tinulak na siya nang tumatawang si Ryker. Hindi naman umiyak si Ryler kundi bumungisngis lang rin. Hindi naman mahaba ang slide, maiksi lang iyon kaya kampante rin ang guide na nakatayo sa gilid. Tanaw na tanaw ng mag-asawang Yapchengco ang mga bata. Namutla si Gabriella sa nangyari, hinawakan