Happy readings <3 huwag kalimutang bumoto, magkomento at mag-iwan ng review. #TeamBalikan #TeamTaposNa
“What are you doing here?” gulantang na wika ni Tati nang makita si Raphael sa labas ng hospital.May dala itong bulaklak, bihis na bihis ito. Halos sumabog na ang dibdib niya sa kaba, Nang tumawag ito kagabi ay narinig nitong nagsalita ang anak nila kaya agad niyang pinatay ang tawag kagabi. At hindi niya binuksang muli ang cellphone niya. Dahil takot siya na baka alam na nito, hindi niya pa nabubuksan ang usaping ‘yon sa mga bata–natatakot siya na baka magalit ang mga ito sa kanya. “I texted you, Baby. Hindi mo ba nabasa?” nagtatakang tanong nito.“H-hindi ka galit?” she asked nervously.Kumunot ang noo nito, “Why would I be mad at you?” Lumunok siya at nag-iwas ng tingin, “Nothing. Don’t mind me.”Raphael sighed, inabot sa kanya ang hawak na tungkos rosas. “For you.”Tinanggap niya iyon, “Thank you.”“I texted you because today is Mom’s birthday and she’s lookin’ for you. Hindi mo raw siya ni-reply-an. She was even calling you. What happened to your phone?”“Biglang nasira kagabi–
“Saang hospital, Kuya?” napatayo na siya sa kinauupuan, napatingin sa kanya lahat. Ngunit wala siyang pakialam roon. Ang tanging nasa isipan niya lang ay ang mga bata. Hindi siya mapakali.“Sa hospital kung saan ka dating nagtatrabaho. Kumalma ka okay? The kids will be alright. Hindi ko sila papabayaan. Kapag kalmado ka na sumunod ka na rito.”How can she calm down? Ang mga anak niya ang mga pinag-uusapan. Ang tanging nasa isip niya lang ngayon ay ang makapunta sa hospital. Kailangan siya ng mga anak niya. “Mom, Dad. Aalis na po ako. Something came up,” nanginginig niyang wika. Lumambot ang ekspresyon ng ginang, “Raphael ihatid mo ang asawa mo.”Hindi na siya tumutol pa. Nagpatianod siya sa hila ni Raphael. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang makarating sa hospital. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras. Kung kailan siya nagmamadali ay mabagal ang paglipas ng oras. Hindi siya mapakali. Naiiyak na siya sa takot. “Calm down,” Raphael said out of the blue.“Paano ako kakalma Raphael?!
“Mama who’s that?” Ryder who was looking at his father with awe. Hindi siya makasagot, nanatili ang mga mata niya kay Raphael na hindi maalis ang mga tingin sa mga bata. Papalit-palit ang tingin nito sa mga bata. Si Ryker at Ryler na tahimik tinitignan ang tatay nila. Habang si Ryder, kinikilatis ito–sa paningin ng mga bata isa itong estranghero. Kung sino man ang makakakita sa apat, iisipin agad na mag-ama sila. The triplets are Raphael’s mini me. Tumingin si Raphael sa kanya, asking if he can go near them. Tumango siya rito, mabilis itong naglakad. Nasa harap na niya ito ngayon. “Hi,” wika ni Raphael habang nakangiti–pulang-pula ang mga mata nito, halatang galing sa kakaiyak. “Mama is that for us?” Ryder asked, sabay nguso nito sa mga hawak ni Raphael. “Yes, this is my gift for the three of you.” “Mama, is he your boyfriend?” hindi mapigilang matawa ni Tati, may sakit na nga ang mga anak niya nagawa pang maging chismoso. “He is…” Bago pa man niya masagot ay pumalahaw na
Maraming bagay ang pinagsisisihan ni Raphael, isa naroon ang pananakit niya sa sariling asawa. Pinalaki siyag matino ng nanay niya–siya lang itong gago. Lahat ng pananakit ay nagawa na niya sa asawa. Kaya ngayon ay sising-sisi iya lalo pa’t biniyayaan pala sila ng mga anak. Hindi niya lubos maisip na sa limang taong wala siya sa buhay ni Athalia ay may tatlong bata itong inaalagaan. He felt sorry for his wife.Napatingin siya sa mga bata, nakasampa si Athalia sa hospital bed. Nakasandal sa kanya ang tatlong bata habang nanunuod ng palabas sa cellphone. Namamangha siya sa tagpong iyon, maganda ang asawa niya pero mas lalong gumanda ito sa paningin niya nang malamang ina ito ng mga anak niya.Kaya pala iba ang pakiramdam niya nang makita niya ang mga ito sa mall. Iyon siguro ang tinatawag na lukso ng dugo. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya maalis ang tingin sa mga bata nang makita niya ang mga ito. Nang makita niya ang mga ito sa hospital ay halo-halong emosyon ang naramdaman
“Raphael…” tawag niya rito, nag-angat ito ng tingin. “Can I meet them tomorrow?” tanong nito sa kanya. Pauwi na sila ngayong araw, si Austin ang sumundo sa kanila. Ayaw pumayag ng mga kapatid niya na ihatid sila ng Raphael–naiintindihan naman niya ang mga ito. Na pinoprotektahan lang sila ng mga ito. She smiled, “Kausapin ko muna sila. If pumayag sila I will inform you right away.” “Thank you,” sumulyap ito sa mga bata na nasa sasakyan. “Can I tell Mom about them?” “Sure, I will explain everything to the kids. I will inform you kapag pwede niyo silang ma-meet.” Naintindihan ng mga bata na si Raphael ang tunay nilang ama. Ngunit nais niyang ipaliwanag ang lahat ng bagay. Dahil baka malito ang mga ito, lalo pa na sigurado siyang kukulitin siya ng biyenan niya. “Can I kiss them?” parang batang tanong nito. “Of course–” “Siguraduhing sa bata ang halik. Hindi kasama ang nanay,” singit naman ni Austin na hindi pala pumasok sa sasakyan. Nakatayo ito sa gilid kaya napaatras siya.
Halos mapaluha si Athalia nang makita kung saan sila unang pumunta–sa sementeryo, kung saan nakalagak ang namayapa na nilang anak na si Baby Boo. Napatingin si Raphael sa kanya at ngumiti. Naikukwento naman niya sa mga bata na may kapatid sila na pumanaw na. Matagal-tagal na rin na gusto ng mga bata na makita ang puntod ng kapatid nila.Nang bumaba sila sa kotse ay may dala silang bulaklak, karga ni Raphael ang bunso habang napapagitnaan nila ang dalawa. Nang makarating sila sa museleo ay manghang-mangha ang tatlo. “Mama sino nakatira rito?” tanong ni Ryker–nagpapababa ito sa ama niya, binaba rin naman ni Raphael.“Dito nakatira ang Ahma natin, Lola ko. Lola niyo rin siya,” paliwanag nito. “Dito rin nakatira ang kapatid niyo si Boo.”“Wow! Ito bahay ni Baby Boo, Mama?” si Ryler na nag-uumpisa nang maglibot-libot sa museleo. “Mama kapag ba ako namatay rin dito rin ako titira?” biglang tanong ni Ryker na mabilis na nagpalingon sa kanilang dalawa ni Raphael. “Ryker!” nahihindik na wika
“Mom, Dad, Angkong…” aniya saka tinignan ang mga ito, parehong nakaupo sa mahabang sofa.Kinakabahan siya paano ipapaliwanag rito, hindi dahil baka magalit ang mga ito kay Athalia. Magalit na naman sa kanya, he knows that they will blame him–ganoon rin naman siya. Sinisisi niya ang sarili niya. Kung hindi lang siya gago sana may kumpletong pamilyang ang mga anak niya. Sana nasa iisang bubong silang lima, hindi iyong kinakailangan niya pang makiusap para makita ang mga ito. “What?” hindi mapigilang wika ng ina niya.“I have to tell you something,” he said.Napaawang ang labi ng ina niya, kumurap ito ng ilang beses at saka lumunok. “Did you get someone pregnant again? Ipaalala ko lang sa ‘yo Raphael you are still legally married!” nahihindik na wika ng ina niya. “What did you do this time? Akala ko ba you are trying to win Athalia back? May pa iyak-iyak ka pang nalalaman–”“Mom, calm down!” aniya.Hindi niya alam kung ma-o-offend ba siya o matutuwa dahil mahal na mahal nito ang asawa n
“Call me kapag magpapasundo na kayo,” Austin said.Tinanguan niya ang kapatid, “I know. See you later.”Humalik siya sa pisngi ng kapatid, umupo rito ito para maging ka-level ang mga bata, hinalikan niya ang mga ito isa-isa. “Magpakabait kayo, okay? Watch over your Mama for us.”“Austin!” saway niya sa kapatid, tumayo ito at mapang-asar na ginulo ang buhok niya.“Uuwi ka pa rin naman sa ‘tin, right?”Alam niyang natatakot ang mga ito na umalis siya–na lumipat siya ng bahay. Mahal na mahal siya ng mga kapatid niya at mahal niya rin naman ang mga ito. They want her to stay with them–gumawa ng mga memoryang magkasama sila. They lost twenty seven years, nais ng mga ito na mas makasama pa siya. She smiled. “Of course, Kuya. I’ll see you later. You know that I love you, right?”“I know…” hinalikan siya nito sa noo–Austin’s the most affectionate one between him and Archer.“Papa, I love you!” Hindi rin nagpatalo ang mga anak niya. Nagtatalon-talon pa ang mga ito, ginulo ni Austin ang mga bu
“What do you mean, anak?” nalilitong tanong ni Gabriella kay Raphael. “A-Anong kasal Raphael? Don’t tell me?”Ngumisi si Raphael, “Yeah.” “Oh, God!” Bumuhos na ang luha ni Gabriella, halos ngumawa na siya sa tuwa. Niyakap niya si Raphael, “Oh, God! You don’t know how hard I prayed to God na magkabalikan kayo.” Bumaling ito kay Tati. “Oh, my daughter-in-law!” At niyakap si Tati. “Mommy,” anas ni Tati ay niyakap panalik ang biyenan. “So, did Raphael propose again? Magpapakasal na ba kayo ulit? Oh my God! We should hire the best wedding coordinator in the country–” “Mommy, kalma. Hindi pa namin na pag-uusapan, okay? But we’re okay now,” agap ni Tati sa biyenan. “Oh,” malungkot na sambit ng biyenan.“Pero we’re not closing that idea, Mommy. Isa pa, kakabalikan lang namin.” “Well, tama ka naman d’yan anak. Ito ang pinaka magandang regalo ngayong birthday ko! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na malaman na ayos na kayong dalawa. Simula noon ay pinagdarasal ko na kayo na sana ang ma
Nagtitipon ang lahat sa baybayin, maliban kay Raphael at Athalia. May mahabang mesa at mga upuan. May maliit na entablado na nasa harapan. Na napapalibutan ng mga balloons at bulaklak. Masayang nagtitipon ang lahat para sa kaarawan ng nag-iisang Gabriella Yapchengco.Saglit pa ay dumating na si Tati at Raphael, hawak-hawak ang mga anak nila. Naluluha naman si Gabriella nang makita ang tagpong iyon. Sa tinagal-tagal ng panahon, isa siya sa naniniwala na balang araw ay magiging maayos ang pagsasama ni Raphael at Tati. At noon pa man ay alam na niyang mahal ni Raphael si Tati. Nang ipinakilala ng anak si Tati sa kanya ay ramdam niya agad na may kakaiba sa pagitan ng mga ito. Saksi siya sa paghihirap ni Athalia, saksi rin siya sa paghihirap ni Raphael nang iwan ito ni Tati. Kaya isa siya sa pinaka nasasaktan sa tuwing may pagsubok na naman sa pag-iibigan ng mga ito. Ilang insenso na ang sinindihan niya kakadasal na balang araw ay magkakatuluyan ang mga ito. Kaya hindi niya mapigilang mapa
Thirteen years ago… “Hiwalay na ba kayo ni Athalia?” Biglang tanong ng kasamahan ni Raphael sa soccer team. Kumunot ang noo ni Raphael. Napahinto siya sa pag-iinat ng katawan.“What are you talking about?” “Hindi ko na kasi kayo madalas makitang magkasama. That’s why I am asking you if the two of you are still together. Kasi kapag hindi, ayos lang ba sa ‘yong ligawan ko si Athalia?” “What the fuck is your problem?!” Napatayo si Raphael sa ginagawa niya. Hindi niya nobya si Athalia o mas kilala bilang Tati. Magkaibigan lang sila ng mahigit dalawang taon na rin. Tinuturing ni Raphael ang babae bilang best friend niya. Maasahan ito at higit sa lahat mabait. Kahit ang mga magulang niya ay gustong-gusto ito. But they’re just friends…Ngunit ayaw na ayaw ni Raphael na lumapit ang kahit sino kay Tati. Ni mga kaibigan niya ay hindi pinapalapit rito. Hindi niya gusto ang ideya na may lalaking umaaligid kay Tati kahit pa mismo kaibigan niya. Para kay Raphael, parang nakababatang kapatid ni
Hindi mapakali si Raphael. Palakad lakad lang siya sa labas ng silid ni Athalia. Para siyang hayop na hindi maire. Kinakabanahan siya, hinihintay niya kasi si Tati na lumabas sa silid nito. Ngayong gabi ay lalabas sila nang wala ang mga bata. Napapayag niya rin kasi sa wakas si Tati na mag-date kasama siya. Hindi tuloy mapakali si Raphael habang hinihintay si Tati. Daig niya pa ang high school student habang hinihintay ang babaeng una niyang i-di-date. Ang mga nangyari kahapon ay naging daan para makamit niya ang matamis na “oo” ni Tati para sa isang date. Masama rin kasi ang titig ng mga kapatid ni Tati sa kanya, parang kakalasin ng mga ito ang bawat buto sa katawan niya. Inaakala siguro ng mga ito na ginagamit niya lang ang amnesia niya para mas makalapit kay Tati at maayos ang kung anumang maaari pa nilang ayusin. Hindi naman sa ginagamit ni Raphael ang nangyari sa kanya pero wala naman siyang magagawa kung may amnesia siya. Pero nais niyang bigyan siya ni Tati ng pagkakataon na m
“Are you guys ready?” Tanong ni Gabriella sa lahat. Nasa lobby sila ng hotel at hinihintay ang tour guide. “Yes, Lola!” Sigaw ng mga bata. “That’s greta. ‘Wag niyo kalilimutan maglagay ng sunscreen, okay? Mainit pa naman,” paalala ni Gabriella. Dahil marami sila ay dalawa na small yatch ang inarkila nila para sa island hopping. Medyo hindi pa masakit ang sikat ng araw dahil alas siete pa lang ng umaga. Ang mga bata ay tuwang-tuwa. Habang ang mga matatanda naman ay tahimik, dahil masasakit ang ulo. Abala si Tati sa paglalagay ng sunscreen sa mga anak niya. Katabi niya sa magkabilang gilid ang mga kapatid niya. Walang kamalay-malay si Tati na masama ang titig ng mga ito kay Raphael. Nasa isang sulok lang si Raphael, pinagmamasdan ang mag-iina niya habang naglalambingan. Nais man niyang makisali ay bugbog sarado siya sa mga titig nina Archer at Austin. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali sa mga ito dahilan upang tapunan siya ng mga masasamang tingin. “Are they mad becaus
Nagising si Tati dahil sa matinding uhaw. Ngunit agad na nawala ang uhaw niya nang may maramdamang mabigat sa tiyan niya. Nanigas ang buong katawan niya sa takot. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at napasinghap siya nang makitang nakapulupot sa kanya ang isang kamay. Nang lumingon siya ay nakita nuya ang tulog na tulog na si Raphael.Nakahinga siya nang maluwag na ito ang katabi niya at hindi isang estranghero. Pero bakit niya katabi ito? May ginawa na naman ba siyang katangahan? Biglang sumakit ang ulo niya nang isipin iyon. Dahan-dahan na inalis ni Tati ang kamay ni Raphael sa tiyan niya pero bgla nitong binalik ang kamay nito sa tiyan ni Tati. Kumunot ang noo ni Tati at sinulyapan ang nakapikit pa rin na lalaki. Muli niyang inalis ang kamay nito at muli rin naman binalik ni Raphael ang kamay niya.“Alam kong gising ka Raphael. Tigil-tigilan mo ako sa pag-arte mo. Why are we in the same bed?” Humalakhak si Raphael at unti-unting nagdilat ng mata. “Mukhang hindi ako pasado bilan
“Daddy! Mommy!”Magkapanabay na sigaw ng tatlo nang mamataan ang mga magulang nila sa pool area. Ngunit hindi sila narinig ng mga magaulang nila na abala sa pag-uusap. Nagkatinginan an tatlong bata at magkasabay na ngumisi.Umahon kasi muna sila sa pool para kumain. Iniwan nila kasama ng lola at lolo nila ang anak ng Tita Mimi at Tito ZD nila na si Laura. Seryoso ang ekspresyon ni Tati at Raphael habang nag-uusap, ngunit sa mga mata ng bata ay iba. Nagmamadaling tumakbo ang tatlo bata at yumakap sa mga magulang nila. Napaigtad si Tati at Raphael sa gulat. Bumungisngis ang tatlong bata at sa hindi inaasahan ay malakas na tinulak ang mga magulang nila sa pool. Kung saan bumagsak si Tati at Raphael sa pool.“Kids!” saway ni Tati sa mga anak niya. Si Raphael naman ay natawa. “Bye, Mommy, Bye Daddy!” Sigaw ng tatlong bata at muling kumaripas ng takbo. Napabuntong hininga na lang si Tati. Napaigtad siya nang bigla siyang yakapin ni Raphael. Ni lingon niya ito. “Bitiwan mo nga ako!” asi
Tulala lang si Tati habang pinagmamasdan ang karagatan, nakatambay sila sa restaurant, magkasama silang lahat sa isang mahabang mesa. Hindi mga pagkain ang nasa mesa kundi mga alak. Ang mga bata naman ay nasa mga magulang ni Raphael kaya kampante lang si Tati. “Huy!” “What the!” gulat na sigaw ni Tati, napaigtad pa siya sa gulat. Bigla kasi sinundot ni ZD si Tati sa tagiliran. Sinamaan ni Tati ng tingin ang kaibigan niya. Nakangisi lang si ZD, halatang inaasar siya nito. “What is your problem?” asik ni Tati. “Tulala ka kasi, Teh! Kanina pa kita tinatanong ‘di ka naman sumasagot. Saan na naman ba lumilipad ang utak mo, Aber?” tinaasan pa ni ZD ng kilay si Tati. Umirap si Tati, “Wala. Namimiss ko lang magtrabaho.” “Kung iba pa ‘yan! Ayaw na magtrabaho. Hindi ko sinasabing si ZD ‘yan ha,” pabirong sambit ni Jean.“Teh, sino naman ang gustong mapagod? Nakakapagod kayang magtrabaho. Pero kailangan kumayod para sa pamilya,” saad pa ni ZD. “Itong si Tati naman, iba ang hulma! Workaholi
“Kids! Careful!”Paalala ni Gabriella sa mga bata na nakapila sa kiddie slide. Nakaupo lang sila sa pool lounge chair. Tinatanaw ang apat na bata na naglalaro sa kiddie pool. Mababaw lang naman ang tubig kaya ‘di sila natatakot na malunod ang mga bata. At mayroon ring lifeguard ngunit hindi maiwasan ni Gabriella na mag-alala lalo pa’t mga apo niya iyon. “We’re okay Lola!” Sigaw ni Ryder habang kumakaway nasa dulo ito ng pila. Humahagikgik naman si Laura, Ryker at Ryler. Nagkakasundo ang mga ito sa kalokohan habang si Ryder naman ang designated leader ng tatlo. Ang siyang taga saway sa mga ito. “Ready?” Tanong noong taga-bantay sa gilid ng slide kay Ryler.Ngunit bago pa makasagot si Ryler ay tinulak na siya nang tumatawang si Ryker. Hindi naman umiyak si Ryler kundi bumungisngis lang rin. Hindi naman mahaba ang slide, maiksi lang iyon kaya kampante rin ang guide na nakatayo sa gilid. Tanaw na tanaw ng mag-asawang Yapchengco ang mga bata. Namutla si Gabriella sa nangyari, hinawakan